Chapter 10 Jasmine Hindi na siya nagsasalita habang nagmamaneho. Tinititigan ko lang kahit na mapupungay-pungay ang aking mga mata. Hindi ako nakaramdam ng hiya. Sinusuri ko ang buo niyang mukha papunta sa kaniyang matipunong dibdib. Kagat labi akong pinagmasdan siya. Kung ito siguro ang maging boyfriend ko. Hindi na ako magdalawang isip pa na mag-pakasal sa kaniya. Handa kong ibigay ang sarili ko ng buo sa kaniya. Ano kaya ang pakiramdam kapag halikan niya ako? Ang gwapo niya tingnan. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Hindi ko naramdaman ito sa mga naging boyfriend ko noo. Ano ba itong iniisip ko? Arrgggss... Eres, eres. "Itigil mo iyang pagpapantasya mo sa akin," bulyaw nito sa akin. Biglang bumalik ang aking ulirat nang sigawan niya ako. Umayos ako n