Chapter 8

1737 Words
SIMULA ng mangyari ang insedente sa sala ay iniiwasan na ni Katrina na mag pang-abot sila ni Bryan sa bahay. Ipinagpapasalamat niya ng malaki na naging abala rin ito sa trabaho at minsan nalang itong umuwi ng bahay. Kapag-uuwi ito ay kukuha lang ng bihisan at aalis din agad. Pakiramdam ni Katrina ay para na siyang baliw. Kahit anong pilit niyang kumbinsihin ang sarili na kalimutan ang tagpong inabotan niya sa pagitan ni Bryan at ng kasintahan nito ay paulit-ulit iyong bumabalik sa isip niya at sa tuwina ay para iyong matulis na bubog na sumusugat sa puso niya. Minsan kapag mag-isa siya ay bigla nalang tumutulo ang luha niya. Hindi dapat siya nasasaktan at higit sa lahat ay wala siyang karapatang maramdaman iyon lalo at wala naman silang relasyon ni Bryan. Kung naging mabait man ito noong mga nakaraang araw ay siguro napagod na rin ito sa pakikipagbangayan sa kanya at dapat niya nang ipagpasalamat iyon. Ngunit sa bawat pagkakataon pala na nakakasama niya ito at nagpapakita ng kabutihan sa kanya ay unti-unti rin nitong hinuhukay ng mas malalim ang pagtingin na mayroon siya para dito noon. Alam niyang matagal na itong nakapasok sa puso niya noon pa mang una niya itong makilala ngunit inakala niyang nawala na iyon sa paglipas ng mga taon dahil sa madalas nilang pagbabangayan at pag-aaway. Mali pala  siya ng inakala dahil naruruon pa rin pala ang paghanga niya para dito at ngayon nga ay mas malalim pa iyon dahil hindi siya masasaktan ng ganito kung hindi malaki ang inuukupa nitong bahagi ng puso niya. Masyado na palang nahuhulog ang loob niya at umaasa na may pagtingin na rin ito sa kanya. Ngunit alam niyang mali at dapat na niyang itigil. Kailangan niyang makalimotan ito iyon ang madalas na sabihin niya sa sarili. Ngunit paano niyang gagawin iyon? Ikapagtataka ng lahat kung bigla nalang siyang mag-alsa balutan at babalik sa bahay nila. Ano ang idadahilan niya sa ina at kapatid at siguradong hindi rin magugustohan ni Tamara kung bigla ay magpapa-alam siya rito at uuwi na sa bahay nila. Hindi rin naman niya masasabi sa mga ito ang tunay na dahilan. Siya lang naman ang may problema at hindi kailangan na ipaalam niya pa iyon sa lahat. Lalong hindi pwedeng malaman ni Bryan ang nararamdaman niya para dito. Para ano pa at wala naman siyang makukuhang tugon sa nararamdaman niya. Hindi rin naman niya gustong makasira ng relasyon ng iba. Kapag may pagkakataon ay nagpriprisinta siyang mag overtime. Ayaw niyang umuwi sa bahay nila Tamara ng mag-isa at magkita sila ni Bryan dahil hindi niya alam kung paano ito pakikisamahan matapos ang nangyari. Minsan namang magpang-abot sila ni Bryan at wala pa si Tamara sa bahay ay nagkulong siya sa loob ng kwarto. Nang katukin nito ang pinto ng kwarto niya ay nagkunwari siyang tulog. Gumawa rin siya ng paraan na malipat siya sa pang gabing schedule sa ospital sa ganoong paraan ay mas madali siyang makakaiwas na huwag silang magkita nito. Sa umaga ay pwedi siyang matulog at huwag lumabas ng kwarto hanggat na sa bahay pa si Bryan. Sa gabi naman ay walang problema at tulog na siya kapag naiisipan nitong umuuwi. Ikinapagtaka ni Tamara iyon ngunit nagdahilan si Katrina na mas nagugustohan niya ang pang gabing pasok at para mas magkasama din silang magkaibigan. Baga man at may pagdududa ay sumang ayon naman ito. "Hoy tulala ka nanaman diyan." Siko sa kanya ni Tamara. "Huh? May sinasabi ka ba?" "Kaninap pa kaya ako salita ng salita dito pero hindi ka naman pala nakikinig. Ano bang iniisip mo?" "Wala naman. Ano nga ulit ang sinasabi mo kanina?" "Tinatanong ko sayo kung ano ang tingin mo doon sa bago nating Pediatricia?" "Bakit mo naman itinatanong sa akin?" "Don't you find him cute? Balita ko ay binata pa daw 'yon and take note mahilig sa morina na tulad mo. Minsan nga ay nakita ko siyang titig na titig sayo eh," panunukso ni Tamara sa kanya. "Hoy huwag ka nga. Sa gwapo niyon ay imposibleng walang girlfriend 'yon noh." "Uyy, nagagwapohan siya. Ibig sabihin type mo?" kinakalabit pa siya ni Tamara bilang panunukso sa kanya. "Wala akong sinasabi type ko siya noh. Sabi ko lang gwapo siya pero hindi ko sinabing type ko siya," natatawang saad ni Katrina. "Eh paano kung ligawan ka?" patuloy na pangungulit ni Tamara. "I don't think so. Saka ayaw kong isipin." "Ano kaya ang feeling ng may date sa valentines day noh? Iyong may magbibigay ng chocolates at mga bulaklak," nangangarap na tanong ni Tamara. "Bakit kasi hindi mo pa sagotin iyong manliligaw mong engineer? Mukha naman siyang mabait.  At sa tingin ko ay may gusto talaga siya sayo." Natigilan naman si Tamara. "He's cute and nice naman... Kaso wala akong maramdamang spark eh. Alam mo 'yon? Yong mga sinasabi sa mga nababasa kong novels at napapanood sa mga pilikula." "Ayan ka nanaman sa mga pocket books na 'yan eh. Kaya hindi tayo magkaboyfriend ng dahil sa mga iyan. Lagi nalang kasi natin ikinukumpara ang mga nanliligaw sa atin sa mga leading man ng mga novels na nababasa natin. Baka tumandang dalaga na tayo ng dahil sa paghahanap ng spark na 'yan," nakatawang salaysay ni Katrina. Dahil nga kasi sa kahiligan ni Tamara sa novels ay napapabasa narin siya. Tuloy ay nagiging mataas narin ang standards niya sa magiging boyfriend niya. "Ikaw friend, ano ba talaga ang ideal guy mo?" seryusong tanong ni Tamara. Sa tanong na iyong ng matalik na kaibigan ay napaisip si Katrina. Ano ngaba ang ideal guy niya? Bigla naman lumabas sa imahinasyon niya ang nakangiting mukha ni Bryan. Ang singkit na mga mata nito na lalong nagpapagwapo dito. Ang mamula-mulang mga labi na parang kay sarap humalik at ang magandang pangangatawan nito na para bang laging kay sarap magpakulong sa mga bisig nito. "Hoy, natulala ka nanaman diyan? Tinatanong ko sayo kung ano ang ideal guy mo. Hindi na ako sinagot," kuha ni Tamara sa attention niya. "Mabait, understanding, maginoo pero medyo bastos," nakatawa niyang turan. "Tapos?" "Kung pagbibigyan ay gwapo at yummy na rin..." "Eh parang si kuya Bryan ko naman 'yang sinasabi mo eh." "Bilog ang mata at one woman man most importantly!" mabilis na dagdag niya. "At wala yan sa kuya mo." "Defensive sa sagot?" Tumawa si Katrina. "Mabuti na ang klaro. Ekes sa akin ang kuya mo." "Huwag magsasalita ng tapos baka manono ka at kainin mo lahat ng sinabi mo sige ka." "Oh my G. No way! Please G huwag naman po!" Dahil sa masyadong nasa pina-uusapan nila ang attention ng dalawa ay hindi nila namalayan ang pagdating ni Bryan na nakapasok na pala sa kusina kung nasaan sila at kumakain ng tanghalian. Nasa bandang likod narin ito ni Katrina. "No way for what?" "Inay ko po!" dahil sa gulat ni Katrina ay halos napalundag siya mula sa kinauupuan. "Hey, relax! It's just me," natatawang hawak ni Bryan sa balikat niya. "Bakit ka kasi nang gugulat? Tsaka para kang kaboti na bigla nalang sumusulpot." "Kasalanan ko ba kung masyado kayong engross sa pinag-uusapan niyo at hindi niyo narinig ang pagdating ko? Saka ano bang pinag-uusapan niyo at parang tudo ka naman maka no way diyan?" "Ay kuya sabi ni Kat hindi ka daw niya type. Saka gusto daw niya yong one woman man at bilog ang mga mata hindi katulad mo na singkit," pangbubuking ni Tamara sa kanya. Pinandilatan ni Katrina ng mga mata ang matalik na kaibigan. Si Bryan naman ay palang umasim ang mukha. Mas maasim pa sa ulam nilang sinigang sa sampalok. "Oh I see," maikling wika nito na nawala ang ngiti sa mga labi. "Kuya kumain ka na?" tanong ni Tamara sa kapatid. "Hindi nga eh. Ano bang ulam?" "Tahong ni Kat---I mean sinigang ni Kat pala," nakatawang sagot ni Tamara. Dito ka na maupo kuya at tapos narin ako. Tamang-tama at sabayan mo narin kumain si Kat. Ang bagal kasing kumain eh." Tumayo si Tamara para paupuin ang nakatatandang kapatid sa inuupuan niya kanina. Dinala narin niya ang pinagkainang pinggan sa lababo sa kumuha ng panibago para kay Bryan. Si Kat ay hustong sabunotan ang matalik na kaibigan sa inis niya dito. Sinasadya talaga nitong paglapitin sila ng kuya nito. Matapos mailagay ang mga kailangan ng kuya Bryan niya ay nagpaalam na si Tamara. "Enjoy your lunch date. Kayo narin ang maghugas ng pinagkainan natin para mahaba-haba ang oras niyo together." Walang nagawa si Katrina kundi ipagpatuloy ang pagkain ng tanghalian kasama si Bryan. Ngunit para siyang tuod sa tabi nito. Hindi siya nagsasalita at deretso lang ang tingin sa sariling pagkain. Si Bryan ay nag-umpisa naring kumain. "Hmm, ang sarap mo talang magluto. Namana mo ang talent ng nanay mo sa pagluluto," pakikipag-usap nito sa kanya. "Thank you." "Ilang taon ka noong una kang matoto magluto?" "Twelve." "Anong putahe naman ang una mong natutunang iluto sa edad na twelve? "Sinigang." "Kaya naman pala masarap itong sinigang mo. Ito pala ang kauna-unahang mong natutunan iluto." "Thank you." Dahil mas binilisan pa ni Katrina ang pagkain kay mabilis siyang natapos."Pagkatapos mong kumain ay iwan mo na lang diyan ang mga hugasan. Mamaya ko nalang 'yan gagawin." Tumago na siya para dalhin sana sa lababo ang mga pinagkainan.   Napansin naman ni Bryan ang parang kakaibang trato sa kanya ni Katrina. Noong tumayo ito at dadalhin na sana sa lababo ang pinagkainan ay pinigilan niya ito sa kamay. "Iniiwasan mo ba ako? May problema ba tayo?" hindi na niya napigilan na itanong dito. "Iniiwasan? Hindi ah. Bakit ko naman gagawin 'yon?" Ngunit hindi kumbinsido si Bryan. "Dahil ba ito sa nangyari noong nakaraan?" "Alin doon?" pagmamaang-maangan ni Katrina. "Come-on Kat. I know that you know what I mean." "Ah 'yon ba? Wala 'yon. Saka huwag kang mag-alala. Wala naman akong nakita eh. Masakit ang ulo ko noong araw na iyon kaya wala ako masyado sa focus." "But you're avoiding me since then." "Akala mo lang 'yon. Bakit naman kita iiwasan? Pasensiya na pala sa nangyari. Hindi ko talaga alam na may tao pala." "So, we're good?" "Yah. We're good," labas sa ilong niyang sagot. Tapos ay ipinagpatuloy na niya ang pagdadala ng pinagkainan niya sa lababo. "Maiwan na kita. May mga naiwan pa kasi akong mga damit na plantsahin sa kwarto ko," pagdadahilan niya at iniwan na ito. Si Bryan naman ay malalim na napabuntong hininga habang sinusundan ang likod ni Katrina. Parang may kirot siyang naramdaman sa pag-iwas na ginagawa sa kanya ng dalaga.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD