Chapter 7

1294 Words
MAAGANG umuwi si Katrina dahil medyo masama ang pakiramdam niya nakiusap siya sa head nurse nila kung pwede siyang mag under time at gusto niyang umuwi at magpahinga. Mukhang sisipunin yata siya at masakit talaga ang ulo niya. Sa pagmamadali at late na siya kahapon ay nakalimutan niyang magdala ng payong. Nang pauwi na siya pagkatapos ng duty niya sa ospital at nakasakay na sa jeep ay biglang bumuhos ang ulan. Dahil sa nakalock ang gate ay hindi siya nakapasok agad ng bahay basang basa siya bago pa siya nakapasok. Kaya naman paggising niya kaninang umaga ay masama na ang pakiramdam niya. Uminom naman siya ng gamot ngunit mas kailangan niya yata samahan ng pahinga. Dahil nga sa masama ang pakiramdam. Hindi niya napansin na nasa garahe na ang pick up ni Bryan at nasa bahay narin ito. Tuloy-tuloy siyang pumasok matapos mabuksan ang pinto. Ilalagay niya muna sana ang dalang bag sa mahabang sofa para pumunta sa kusina at uminom ng tubig. Nagulat siya dahil may tao roon. Hindi lang tao, mga tao dahil dalawa pala. Nakahiga roon si Bryan habang nasa ibabaw nito ang isang babae na kung hindi siya nagkakamali ay ang kasintahan nitong si Ylona. Familiar ang mukha nito dahil ipinakita ni Tamara sa kanya minsan ang isang magazine na kung saan nakapose ito para sa isang kilalang brand ng bikini at iyon daw ang latest ng kuya nito na parang isang brand lang ng pabango na bagong ginagamit ng kapatid. Hindi siya agad nakagalaw dahil sa pagkabigla sa tanawin na nasa harap niya. Nakabukas lahat ang butones ng polo ni Bryan at sa tingin niya ay bukas din ang zipper ng pantalong maong nito. Walang pang itaas na suot ang babae naka bukas din ang hugpungan ng lace bra na suot nito. Nakalilis din ang maikling palda habang nakahawak sa pang upo nito and kanang kamay ni Bryan at dinadama naman ng kanang kamay ang maputi at makinis na likod ni Ylona at nakasubsob ang mukha ni Bryan sa mayamang dibdib ng babae. Natigil sa ginagawa ang dalawa nang mapansin ang nakatulalang si Katrina. "Oh f**k!" nabibiglang bulalas ni Bryan. ''I-I-I'm so---so sorry,'' kandautal na paghingi ni Katrina ng paumanhin ng makabawi siya sa pagka bigla. Nanginginig ang tuhod niya dahil siguro sa pagkabigla at hindi inaasahan ang bumungad na tagpo. Tinalikuran niya ang mga ito at halos takbuhin ang kwarto niya. Agad niyang isinara at kinandado ang pinto. Nakatulalang nahiga siya sa kama. Ngayon lang siya nakakita ng aktuwal na nagtatalik. ''Who was that hon?'' nauulinigan niyag tanong ni Ylona kay Bryan. Sapalagay ni Katrina ay naiirita ito at naestorbo niya ang mga ito sa kalaswaang ginagawa. Kung bakit naman kasi sa sala pa napiling mag-eksperimento ng dalawa? Mayroon naman sariling kwarto si Bryan. ''It's Katrina, Tamara's best friend,'' maikling sagot ni Bryan. ''I did not know na may iba palang babaeng nakatira dito hon. You did not tell me,'' maarting paninita ng babae kay Bryan. ''Come-on hon. Don't make this a big deal. She's just a kid. Nothing to be jealous about,'' narinig ni Katrin na paliwanag dito ni Bryan. Nasaktan naman si Katrina sa sinabing iyon ni Bryan. Bata lang pala ang tingin nito sa kanya. Tama nga talagang hindi siya umasa na may ibang kahulogan ang mga ipinapakitang kabutihan sa kanya ni Bryan. Pero bakit sobrang sakit parin nito sa kanya? Ang planong pagpapahinga ni Katrina ay hindi nangyari. Pabaling baling siya sa higaan. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ang nabungarang eksena kanina sa sala. Naiinis na siya sa sarili dahil kahit anong gawin niya ay hindi niya talaga makalimutan iyon. Lalo lang tuloy sumasakit ang ulo niya. Maya- maya ay narinig niya ang pag-alis ng mga ito sakay ng pick up ni Bryan. Isip-isip ni Katrina siguro ay sa condo ni Ylona ang tungo ng mga ito at doon nalang itutuloy ang naudlot na pagtatalik sana kanina. Ang isiping iyon ay nagpapasikip sa dibdib niya. Hindi niya namalayang tumutulo na pala ang kanyang mga luha. ''Hay ano bang nangyayari sa akin? Masama lang ang pakiramdam ko ng dahil sa sipon tapos kung ano-ano na ang iniisip at nararamdaman ko. Kung alam ko lang na may rated-X pala akong aabutan dito tiniis ko nalang sana ang sakit ng ulo at hinintay ko na lang matapos ang oras ng duty ko,'' kausap ni Katrina sa sarili. --- KANINA pa nakabalik si Bryan. Nag-early dinner lang sila ng kasintahan at inihatid niya na si Ylona sa condo nito. Naglalambing pa sana ang kasintahan na doon nalang muna siya total ay maaga pa naman ngunit nagdahilan siya na may kailangan pang tapusin na trabaho sa opisina. Pinuntahan siya nito kanina sa site ng housing subdivision na dene-develop ng team niya sa kabilang bayan. Nagtatampo ito dahil tatlong araw na ito nakabalik galing sa bakasyon kasama ang mga magulang nito sa Singapore pero hindi niya pa rin ito pinupuntahan sa condo nito at maski tawag sa telepono ay hindi rin niya nagawa. Nawala sa isip niya ang pagdating nito dahil liban sa abala siya sa trabaho ay inukupa rin ni Katrina ang isip niya. Sa tuwina ay lagi siyang excited nang umuwi at iniisip kung ano ang ginagawa nito sa bahay at kung ano nanamang masarap na haponan ang ihahanda nito. Kaya naman ng puntahan siya ni Ylona ay nabigla pa siya na nakabalik na pala ito galing sa dalawang Linggo na bakasyon sa Singapore. Nag-aaya ito na samahan niyang magshopping hindi niya ito matanggihan. Hindi naman siya masyadong abala kaya pinaunlakan niya ang paglalambing nito. Dumaan muna sila sa bahay para sana makapagpalit ng damit dahil nangamoy pawis na siya at maghapon siyang naglilibot sa site. Sa sasakyan palang ay naging mapusok na ang kasintahan kaya naman ay hindi na sila umabot pa sa kwarto niya. Maiinit ang kasintahan, sa condo nito ay madalas na may mangyari sa kanila at kadalasan ay hindi na sila umaabot pa sa kama nito. Magaling ang kasintahan, isang bagay na wala siyang maipipintas dito. Baga man at hindi na bago sa kanila ang pagtatalik ay pareho silang maingat na hindi magbunga ang ginagawa nilang pagtatalik. Sa lahat ng nakarelasyon ay si Ylona ang pinaka nagtagal dahil iba ito sa mga dati na niyang nakarelasyon. Hindi ito kailan man nagbanggit ng kasal nagkakaintindihan sila nito na pareho silang wala pang balak mag-asawa. Isa itong modelo at kasalukuyang nakikilala sa mundong napili nito at ang salitang pag-aasawa ay wala pa sa plano nito. Siya ay lalong masaya sa kung ano man ang mayroon siya ngayon. Para sa kanya tama na muna na si Tamara na iniintindi at obligasyon niya. Nababalisa si Bryan na hindi niya maintindihan. Hindi siya mapalaygay sa nangyaring pagkakika ni Katrina sa kanila ni Ylona kanina. Ang alam niya ay may dalawang oras pa bago ang labas nito sa pinagtratrabahoang ospital. Kaya hindi niya inaasahan na maabotan sila nito na nasa alanganing tagpo. Hindi niya maintindihan kung bakit may nararamdaman siyang pagka konsensiya. Kung tutuusin ay wala naman siyang dapat ikahiya. Natural lang ang ginagawa nila ni Ylona dahil magkasintahan sila at parehong nasa hustong gulang para gawin ang mga bagay na ganoon. Ngunit pakiramdam niya ay may malaki siyang kasalanang nagawa dahil lang sa naabotan siya nitong nakikipagtalik. Kitang-kita niya kanina ang pagkagimbal at gulat sa mukha ni Katrina. Kaya naman imbis na samahan ang kasintahan ay ninais nalang niyang umuwi. Pakiramdam niya ay may kailangan siyang ipaliwanag kay Katrina. Kanina pa siya paruon at parito sa sala ngunit hindi na ito lumabas pa ng kwarto nito. Noong hindi na siya makatiis ay kinatok niya ang pinto ng kwarto nito. "Kat? Are you there?" tawag niya dito. Wala siyang nakuhang sagot. Kaya inisip niya na baka nakatulog na ito. Nagkakamot sa ulo na pumasok nalang din siya ng kwarto niya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD