Chapter 9

1786 Words
NAKAHIGA si Katrina at nakatingin lang sa kisame ng kwarto niya. Kaninang umaga ay magkasama sila ni Tamara sa mall nag aya ito magshopping ngunit bago mag alas dos ng hapon ay kinailangan na nitong pumasok sa ospital at siya naman ay umuwi na at napagud siya sa kakalakad nila ni Tamara sa mall. Day off niya ngayon at dahil nagpalipat siya ng oras ng duty ay nalipat din ang oras ng day off niya kaya hindi na sila magkapareho ng day off ni Tamara. Pagkagaling sa mall ay nakatulog siya at pagising niya ay lampas alas sais na pala ng gabi. Nagugutom na rin siya ngunit tinatamad siya magluto. Naisipan niyang kakain nalang siya sa labas. Ang alam niya ay may mga murang kainan kapag gabi sa bayan. Sabi ng mga kasamahan niya sa ospital na pumupunta doon ay masarap daw ang pagkain doon at mura lang. Maganda rin daw pumunta kapag gabi dahil para daw iyong maliit na version ng Manila Bay sa Maynila. ''Manghunting kaya ako ng prospect boyfriend'' bulong niya sa sarili. Bigla tuloy siyang na excite sa kapilyahang naiisip. Sabagay, bakit ngaba hindi? Dalaga siya at nasa tamang edad na para magkaroon ng nobyo. Siguro ay panahon narin na buksan niya ang sarili sa pakikipagrelasyon. Isinuot niya ang bagong biling bestida. Ipinagpilitan iyon sa kanya kanina ni Tamara na bilhin niya. Ayaw niya sana kasi wala naman siyang pag gagamitan ngunit dahil sa naisip gawin ay nagpapasalamat siya at nagpapilit siya kay Tamara. Simple lang ang tabas ng damit na hindi umabot sa tuhod ang haba. Dirty white ang kulay niyon na bumagay naman sa morina niyang balat. Nagsuot lang siya ng flat na sapatos at naisip niya na baka mapalaban siya sa takbohan at hindi niya kabisado ang lugar sa gabi. Napaka light lang ng nilagay niyang make up at lips stick at baka mapagkamalan siyang pick up girl sa pupuntahan niya. Nilugay lang din niya ang mahabang alon-alon na buhok. Bago umalis ay tiningnan niya muna ang sarili sa malaking salamin sa sala. Natuwa siya sa nakitang hitsura. Sa tingin niya ay bagay talaga sa kanya ang suot na damit at baga man hapit iyon sa magandang hubong ng katawan niya ay hindi naman iyon malaswa tingnan. Sa nakikita niyang hitsura ay may palagay siyang may boyfriend na siya kinabukasan. Natatawang biro niyapa  sa sarili. Pagdating ni Katrina sa lugar ay namangha siya. Iba pala talaga ang hitsura ng lugar na iyon kapag gabi. May mga mesa at upuan na mga nakahanay doon na pag-aari ng mga maliliit na kainan sa paligid. Marami na rin mga kumakain doon dahil lampas alas syete na ng gabi. Naglakadlakad pa siya at gusto niyang makita ang buong lugar hanggang sa dulo at mamaya nalang siya kakain. Habang naglalakad-lakad siya ay may narinig siyang busina ng kotse sa kaliwang tagiliran niya hindi niya iyon pinansin at inisip na iba ang binubusinahan niyon nagpatuloy siya sa paglalakad ngunit mukhang sinusundan siya ng busina ng kotse. Lumingon siya ng marinig niya ang sariling pangalan. Tinatawag siya ng kung sino mang driver ng Mercedes-Benz mula sa nakabukas na bintana ng kotse nito. Hindi naman siguro siya napagkamalang pick up girl ng kung sino mang may-ari ng kotse dahil parang naririnig niya ang pangalan niya. Huminto siya at inaninag ang driver niyon. Nagulat siya ng makilala si Doc Nathan. Si Dr. Nathan M. Ocampo ay isang Cardiologist sa pinagtatrabahuang hospital at anak din ng isa sa may ari. Bago pa man siya pumasok sa pinagtatrabahuang hospital ay magkakilala na sila. Isa ito sa limang malapit na kaibigan ni Bryan. Ang alam niya ay magkaklase ang mga ito mula pa noong kinder hanggang sa high school at naging matalik na magkakaibigan hanggang ngayon. Nalaman niya lang na anak pala ito ng isa sa may ari ng St. Mary Hospital ng doon na siya nagtatrabaho. Naging magkaibigan na rin sila nito dahil madalas na siya ang nag-aasest dito kapag nag r-round ito sa mga pasyente nito. Minsan nga ay nililibre pa siya nito sa coffee shop sa harap ng hospital kapag breaktime niya. Marami ang naiinggit sa kanya dahil sa pagiging malapit nila ni Doc Nathan. Akala ng mga kasamahan nila ay nililigawan siya ng gwapong doctor ngunit magkaibigan lang  talaga sila nito. Marami sa mga katrabaho nilang dalaga ay may gusto dito. Paano naman ay liban sa pagiging anak mayaman nito ay gwapo, mabait, matangkad, morino at maganda ang tindig nito. Kaya naman hindi niya masisi ang mga kasamahan nila sa ospital na magkagusto rito. Palakaibigan din ito hindi nga lang niya maintindihan kung bakit nayayabangan dito si Tamara. ''Doc Nathan ikaw pala iyan... Tinakot mo naman ako at akala ko ay kung sino nang DOM na napagkamalan akong young and fresh grass to eat,'' natatawang pagbibiro niya dito. ''Akala ko naman kung sinong model na naliligaw,'' ganting biro naman nito. ''Saan ka papunta, ihahatid nalang kita?'' alok nito. ''Naglalakad-lakad lang ako at naboboring kasi ako sa bahay nila Tamara. Mag-isa lang ako doon kasi nga nakaduty si Tamara. Naisip kong pumunta dito at gusto ko  makita kung ano ang mayroon dito sa gabi at kakain narin dahil nagugutom na ako kaso hindi ko sigurado kung alin sa mga nakahilirang kainan dito ako pupunta,'' natatawa niyang salaysay. ''Tamang-tama sumabay kana saakin kumain may alam akong masarap na Japanese restaurant,'' bumaba pa ito ng sasakyan para pagbuksan siya ng pinto. ''Nako Doc Nathan huwag na at baka makaistorbo pa ako sa date mo.'' Inisip niya na may kakatagpuin si Nathan sa restaurant na sinasabi nito. Saturday night  ngayon at imposible para sa isang tulad nito ang mawalan ng ka date. ''Mag-isa lang ako. Walang nagkamaling makipagdate sa akin ngayong gabi at mukhang pati ikaw ay ayaw rin akong samahan kumain,'' kunwari ay dissapointed na sabi nito. Natatawang sumakay si Katrina ng buksan ni Nathan ang passenger seat. Baga man at alam niyang biro lang ang huling sinabi dahil nakakasiguro siya na walang tatangging sumama dito na makipagdate kung sino man ang aayain nito. Maliban siguro kung si Tamara ang aalukin nito. --- SOSYAL ang pinagdalhan sa kanya ni Nathan na Japanese restaurant. Pagdating nila sa lugar ay may mangilan-ngilan na ring kumakain doon. Sa tingin ni Katrina ay pang mayama ang restaurant ayon na rin sa nakikita niyang hitsura ng lugar. Namagha talaga siya sa mga presyo ng pagkain doon mula sa menu na inabot ng waiter na lumapit sa kanila. "Ready to order?" tanong sa kanya ni Nathan. Nahihiyang ngumiti si Katrina. "If I'll be honest, I have no idea what to order. Ninita's lutong bahay lang talaga ang mga alam kong pagkain," banggit niya sa maliit na kainan ng nanay niya. Natawa naman si Nathan sa biro niya. "If that's the case, would you mind if I order for both of us?" "Nako mabuti pa nga," sagot niya dito at tiniklop na ang hawak na menu.   "Have you eaten sushi before?" tanong ni Nathan habang natingin sa menu. "Not sure. Ano nga ulit iyon?" "Sushi, is rice fillings rolled up in nori seaweed with draped over the top raw fish. It's delicious, you should try it." Noong banggitin ni Nathan ang satitang raw fish ay parang nag-alangan siya. Hindi pa siya nakakakain nang isdang hindi luto. Ang alam niya ay pusa lang ang mahilig sa isdang hindi luto. Kaso nahiya siyang sabihin iyon kay Nathan. Nakita naman ni Nathan ang pag-aalangan niya. "Okay I got it. You don't eat raw fish. I will still order it because it's my favorite to eat when I come here but you don't need I won't force you to try it if you don't like it. Do you like seafoods?" "Oo naman. Paborito ko kaya yan." "If that's the case I will order Tempura for you. It's fried slices or pieces of meat, fish, shrimps and vegetables covered in special tempura batter."   "Sige ikaw 'yan nalang. Tunog masarap," natatawa niyang sang-ayon dito. Nang lumapit na ang waitress na nakasuot pa ng traditiona kimono na dala ang order nilang drinks na nauna na nilang in-order ay sinabi na dito ni Nathan ang mga order nila. Maliban sa Sushi at Tempura marami pang mga pagkain na in-order si Nathan katulad nalang ng  Nikujaga, Gyoza, Yakitori at Shabu shabu. Noong una ay akala ni Katrina kung ano nang shabu ang gusto nitong orderin ngunit ng dumating iyon sa mesa nila ay natawa nalang siya sa sarili sa kainosentihan niya sa banyagang pagkain. Ang shabu-shabu pala na order nito ay hot pot dish pala na iluluto sa harapan niyo mismo. May maninipis na slices ng karne at iba't ibang klase ng gulay. "Madalas ka ba dito doc Nathan?" pagbubukas ni Katrina ng usapan habang kumakain na sila. "Hindi naman masyado. Kapag namimis ko lang kumain ng Japanese foods. How do you like it so far?" tanong nito kung nagustohan niya ba ang pagkain. "Masarap. Naiiba sa mga nakasanayan ko nang pagkain," natatawa niyang sagot. Tinikman niya rin ang sushi na sinasabi ni Nathan noong makita niya itong sarap na sarap kumain niyon. "Alam mo naiintindihan ko na ngayon kung bakit madalas na ninanakawan si nanay ng hilaw na isda noong pusa namin dati. Masarap din naman pala ang raw fish paminsan," pagbibiro niya dito na ikinatawa naman ni Nathan. "Alam mo palagi mo talaga akong napapatawa. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay wala ka parin boyfriend." "Uy doc ha. Hindi tayo talo. Huwag kang mag-aaply sa akin dahil ayaw kong mangbasted ng gwapong doctor," biro niya ulit dito. "Hahaha. Alam mo bagay kayo ni Bry." Bigla naman napasimangot si Katrina sa sinabing iyon ni Nathan. "Paano mo namang nasabi?" "Kasi masyadong seryuso 'yon sa buhay. Kailangan niya ng katulad mo na magbibigay kulay sa mundo niya," sagot ni Nathan. "Alam mo bagay din kayo ni Tamara. Pareho kayong itinutulak ako sa maling tao."   Bigla naman sumeryuso si Nathan dahil sa sinabi niya. "Speaking of Tamara. Do you know someone she likes? I-I mean don't get me wrong. I'm just asking since she's like a sister to me." "Doc wala pa akong sinasabi. Huwag kang defensive," natatawang turan niya. "Not so sure. Pero may masugid siyang manliligaw ngayon. Iyong engineer din na katulad ng kuya niya. Anak daw yata noong dating pinagtatrabahoan ni Bryan," sagot niya sa tanong nito. "And she likes him?" tanong ulit nito pero nasa pagkain ang tingin kaya hindi mabasa ni Katrina kung ano ang posibleng nasa isip nito. "Wala pa naman siyang nababanggit sa akin. Pero tingin ko ay parang nahuhulog narin ang loob niya doon." "I see," maikling saad ni Nathan. Nang muli itong magsalita ay nabukas na ito ng ibang topic. Naging maayos naman ang haponan nila at nag-enjoy din si Katrina sa bagong experience niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD