Chapter 6

1574 Words
LUMIPAS ang mga araw na tuloy-tuloy ang maayos at magandang samahan nila Katrina at Bryan. Talagang ikinatutuwa ni Katrina na maayos na ang pakikitungo nila ni Bryan sa isat-isa. Mas masarap pala itong kaibigan kaysa kaaway. Malimit siya nitong dinadaanan sa hospital kapag hapon at tapos na ang duty niya. Katulad nalang ng hapong iyon. Paglabas niya ng building ng ospital ay napansin agad niya ang nakangiting si Bryan. Kumakaway ito sa kanya. Naka sandig ito sa pick up  nito habang naka tukod ang mga siko sa bandang harapan ng pick up nito. Napaka gwapo nito sa suot nitong dark blue polo shirt, tight jeans at brown leather boots. Nakasuot din ito ng black sunglasses. Mukha itong model ng sariling sasakyan. Iilang mga dumadaang kababaihan ang hindi maiwasang mapalingon dito. Ang iba ay halatang nagpapacute pa. ''Kanino ko na naman utang na loob ang pagkaligaw mo rito?'' naka ngiti niyang pagbibiro rito noong makalapit siya dito. Nagkibit ito ng balikat. ''May pinuntahan ako malapit dito kaya naisipan kong daanan ka na rin total ay pauwi na rin ako,'' nakangiti pa rin ito habang ipinapaliwanag nito kung bakit ito naroon. ''Mukhang napapadalas naman yata ang pinupuntahan mo malapit dito?'' Napakamot sa sariling ulo si Bryan.''Bakit nagsasawa ka na ba sa pagmumukha ko?'' ''Kahit naman nagsasawa na ako sa pagmumukha mo ay okay lang at least nakakatipid ako sa pamasahe tapos diko na kailangan makipagsiksikan pa sa jeep. Kaya dalas-dalasan mo pa ang pagpunsa sa kung anuman ang pinupuntahan mo malapit dito para,'' may pagbibiro niyang dagdag. Baga man at napapansin niya ang kakaibang trato sa kanya ni Bryan nitong mga nakarang araw, ayaw parin umasa ni Katrina na may ibang kahulogan ang mga ginagawa nito para sa kanya.   Nang humakbang siya papunta sa may passenger seat si ay agad siyang inalalayan ni Bryan hanggang sa makasakay sa pick up nito. ''Sinong naman ang nagsabi na libre ang pagsundo ko sayo? Sisingilin kita sa gasolina nok?'' ganting pagbibiro ni Bryan. ''Hoyyy, Mr. Wong. Hindi ko sinabi na daanan mo ako dito noh? Akala ko pa naman din ay swerte at libre lagi ang pamasahe ko iyon pala ay mukhang mapapamahal pa ako,'' kunwari ay nagtatampo na pakikisakay niya sa biro nito. ''Biro lang nagtampo naman agad ang Ale." Nilapirot pa nito ang ilong ni Katrina. ''Ipagluluto nalang kita. Ano ba ang gusto mong dinner?'' si Katrina na pilit binabaliwala ang kakaibang nararamdaman ng puso niya dahil sa ginawang iyon ng binata. ''Ikaw---'' ''Huh? Ako?'' 'Ang ibig kong sabihin ay ikaw kung ano ang gusto mong lutuin. Siguro iyong mabilis lang at madali para sayo. Alam ko naman na pagod ka rin sa trabaho at ayaw kitang pahirapan pa,'' kinindatan pa  nito si Katrina na lalong nagpalundag sa puso ng dalaga. ''Aayusin mo yang sagot mo ha at baka atakihin ako sayo sa puso ng hindi oras.'' Nagbibiro pa niyang kinurot ito sa tagiliran. ''Uyyy... ang Ali kung saan na nakarating ang isip. Huwag kang ngang green minded. Alam ko naman na natatakam ka sa akin pero hinay-hinay lang...'' natatawang saad ni Bryan na umani naman ng irap kay Katrina. Sa totoo lang a kinikilig siya hindi niya lang pinapahalata at baka kasi ano pa ang isipin nito. "Hala siya... Ang yabang-yabang grabe siya." Tinawanan lang ni Bryan ang sinabi niya. Habang si Katrina ay parang gusto nang malaglag ang panty sa kagwapohan ng driver niya. Mabuti nalang at bagong bili iyon at mahigpit pa ang garter.    --- SA paglipas ng mga araw ay nahahalata narin ni Tamara ang pagiging malapit ng kapatid sa matalik niyang kaibigan. ''Ikaw ha, may hindi ka sinasabi sa akin,'' saad ni Tamara pagkapasok nito sa kwarto ni Katrina at naupo sa kama. ''HUH? Ano naman?'' naka kunot noong tanong ni Katrina at inilapag ang suklay na hawak. Naupo narin siya sa kabilang gilid ng kama. ''Kunwari kapang hindi alam ang sinasabi ko,'' naka labing pahayag ni Tamara. ''Bakit hindi mo nalang kasi deretsuhin para naman maintindihan ko,'' saad niya dito. Inabot ang paboritong staff toy na Wennie the Pooh at niyakap. ''May something ba kayo ni Kuya?'' deretsong tanong na nito. ''Something na ano naman?'' nalilitong tanong ni Katrina sa kaibigan. ''Kunwari ka pa diyan. Hoy ale, alam ko kayang ilang beses ka nang sinusundo ni kuya sa ospital na hindi naman niya ginagawa sa akin ngayon.'' ''Kung anu-ano iniisip mo diyan. Nagkakataong may dinadaanan lang siya malapit sa ospital kaya isinasabay na niya ako pauwi. Saka bakit ka naman niya susunduin e diba nga may sarili ka namang kotse?'' ''Sabagay may point ka rin naman. Pero bakit parang close na close na kayo?'' hindi pa rin sumusukong tanong ni Tamara. Iba talaga ang nararamdaman niya sa dalawa. ''Ayaw mo noon tinubuan na ng pakpak ang kuya mo at nawawala na iyong dating sungay niya at mabait na siya sa akin?'' natatawang sagot ni Katrina pero sakaibuturan ng puso niya ay may piping hiling na sana nga ay mayroon ibang ibig sabihin ang mga ipinapakita ni Bryan sa kanya. ''Sos ano ba 'yan. Akala ko pa naman magiging ate na kita,'' dissapointed na nahiga ito sa kama. ''Grabe ka Tam kung saan-saan na umaabot ang imahinasyon mo. Siguro sa pagbabasa mo na yan ng mg pocket books. Tigil-tigilan mo na 'yan at masyado ka nang naiinlove sa characters ng mga leading man sa mga binabasa mo. Saka anong ate ang pinagsasabi mo diyan, magkaedad lang tayo noh!'' ''Kahit na kapag si Kuya ang nakatuluyan mo hindi lang kita best friend ate na rin kita noon,'' para pang nangangarap si Tamara. ''Ay nako Tam gumising ka diyan sa pangarap mo at diba nga may girl friend si kuya mo.'' wika niya na siya narin mismo ang nasaktan. Sa sobrang pagiging close na nila ni Bryan ay minsan nakakalimotan niyang may kasintahan na nga pala ito at hindi na niya dapat pagpantasyahan pa. ''Ay nako. Ayaw ko yon maging ate." Parang batang lumabi pa ito. Saka hindi kana nasanay kay kuya lagi naman may bagong girlfriend iyon. At may tiwala ako kay kuya. Kahit playboy 'yon sigurado akong pipili iyon ng tamang babaeng ihaharap sa altar. At ang girlfriend niya ngayon? Hindi siya ang klase ng babae na ihaharap ni kuya sa altar ng simbahan at papangakoang ang tanging babaeng pakamamahalin habang buhay," mahabang litanya ni Tamara.   ''E di sayo na rin nanggaling mahilig lang maglaro ang Kuya mo. Baki mo pa ako itinutulak sa kanya? Kaibigan ba talaga kita o gusto mo lang akong gawing alay sa playboy mong kuya?'' "Hahaha. Grabe naman iyong alay. Hindi ba pwedeng gusto lang talaga kita para sa kuya ko?" "Ikaw gusto mo ako eh ang tanong doon ay kung gusto ba ako ng kuya mo?" "Bakit, ikaw gusto mo ba siya?" balik ni Tamara sa tanong ng kaibigan. "Bakit naman bigla ibinabalik mo sa akin ang tanong?" "Wala lang. Gusto ko lang malaman kung nagkakagusto ka na ba kay kuya. Kung minsan ba sa madaling araw ay naiisip mong pasokin siya sa kwarto niya at gawin ang sinasabi ko sayong magkunwaring naliligaw ng kwarto." "Gaga ka rin talaga noh?" ''Pero seryuso. Sa tingin ko kapag niligawan ka ni kuya. Magiging seryuso siya sayo." "Paano mong nasabi?" Nagkibit balikat si Tamara. Naisip ko lang. Kasi diba alam naman niya na mahalaga ka sa akin. Kaya kapag sinaktan ka niya e parang sinaktan narin niya ako." "Wow ha. Ange cheese mo friend," biro dito ni Katrina. "Seryuso. Magiging kayo ni kuya at sasaktan ka niya? Ay nako, lagot talaga siya sa akin. Kahit ba takot ako sa kanya makaka tikim talaga siya sa akin,'' siguradong pahayag ni Tamara. ''Paano naman kung hindi ko pala gusto ang Kuya mo?'' ''Wehhhh? I know you too well Kat kaya dika makakapagtago sa akin. You like my Kuya Bryan kahit hindi mo inaamin sa akin noh!'' siguradong pahayag ni Tamara. ''Hoy wag kang assuming ha!'' pagdedeny ni Katrina pinalo niya pa ng hawak na Staff toy si Tamara na agad namang naka-iwas. ''Hindi ako assuming noh! Alam ko kayang may picture ka ni kuya sa wallet mo.'' Parang batang dumidila pa si Tamara kay Katrina. Natulala naman si Katrina. Sa halos sampong taong pagkakaibigan nila ni Tamara ay wala na silang masasabing sekreto sa isat-isa at kung may isa man siyang bagay na hindi nito alam iyon ay ang litrato ng kuya nito sa wallet niya. ''Akala mo hindi ko alam noh? Matagal ko na kayang nakita yon noong five years ago pa yata. May pinapakuha ka sa akin noong listahan ata ng pinapabili ni Nanay Nita na nasa wallet mo. Hindi ko sinasadyang makita ang picture ni Kuya. Tapos noong isang araw binibigay ko sayo yong pang bayad sa kuryente tapos sabi mo paki lagay nalang sa wallet mo kasi nasa shower ka. Nandoon parin kaya yong picture ni kuya hindi mo pa rin inaalis kahit nagpalit kana ng wallet,'' mahabang salaysay ni Tamara. Hindi naman napigilan ni Katrina na pamulahan ng mukha at makaramdam ng pagkapahiya. ''Matagal na kasi yon doon nakalimutan ko na nga na mayroon ako noon eh,'' paliwanag niya. ''Ay nako my friend. Huwag ako... Hindi mo ako mapapaniwala na wala kang gusto kay kuya ko kaya huwag kana mag deny at matagal na kitang buking,'' Humahalakhak pa si Tamara na tuwang-tuwa sa pamumula ng pisngi ng matalik na kaibigan. Sa sobrang pagka pahiya ni Katrina ay inambahan niya ng kurot sa tagiliran si Tamara na mabilis namang naka-iwas at naghabulan sila sa kwarto habang nagtatawanan.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD