Chapter 10

2253 Words
MATAPOS nilang kumain ay nag aya naman si Nathan na pumunta daw sila sa Blue Eyed Pub. Pag-aari iyon ni Austin ang isa sa limang binansagang Romeo ng San Martin na kinabibilangan din ni Doc Nathan at Engr. Bryan Wong. Naririnig na ni Katrina ang panganlan ng lugar dahil madalas iyon puntahan ng mga kasamahan nila sa ospital. Sikat daw ang lugar na iyon dahil pugad daw iyon ng mga gwapo at magaganda minsan ay pagbibiro ng isa nilang kasamahan na nurse. Matagal na nilang gusto makarating ni Tamara doon ngunit hindi ito pinapayagan ng kapatid. Kaya naman ng banggitin ni Nathan ang lugar ay na excite siya. Matapo bayaran ni Nathan ang bills nila ay nag-aya na itong umalis. Inalalayan pa siya nito just like a real gentleman. Nakaka dalawang hakbang palang sila nang bigla siyang natigilan. Nasa kaparehong restaurant din nila si Bryan at ang girlfriend nitong si Ylona. Dalawang mesa lang ang pagitan nila at dahil naka talikod siya kanina sa direksiyon ng mga ito ay hindi niya nakita ang pagdating ng mga ito. Naniningkit ang mga mata ni Bryan habang titig na titig sa kanila. Si Katrina ay nagkunwaring hindi napansin ang dalawa at ibinaling ang tingin sa kabilang direksiyon. Kumapit din siya kay Nathan dahil sa tingin niya ay nanginig ang mga tuhod niya. Nahiling ni Katrina na sana ay hindi nakita ni Nathan ang dalawa at dumeretso na sila palabas ng restaurant na iyon. Ngunit hindi dininig ng langit ang panalangin niya dahil iginagaya siya nito sa dereksiyon ng dalawa. Magpoprotesta sana siya ngunit magmumukha naman siyang tanga. ''Good evening Engr. Wong,'' naka ngiting bati ni Nathan kay Bryan. ''Hi Dr. Ocampo ganting bati ni Bryan tumayo ito at nakipagkamay kay Nathan at bahagyang sinulyapan si Katrina.'' ''Hi Nathan, wanna join us?'' si Ylona tumayo pa ito para maka beso kay Nathan. ''No, no thank's. Tapos na kami at paalis na rin sana and just drop by to say hello to my friend.'' ''Oh you have a date,'' si Ylona nang masulyapan si Katrina. Nakangiting sumulyap muna si Nathan sa katabi. ''Well, sort of. This is Katrina Castro, Kat meet Ylona Gomez a family friend and of course you know Bryan.'' Pagpapakilala nito sa kanila na para bang hindi niya kilala ang mga kaharap. ''H-Hi...'' maiksi niyang bati niya kay Ylona at nagpa unlak na makipagbeso-beso dito. Pagkatapos ay bahagyang tinanguan si Bryan. Palakaibigang nakangiti si Ylona kay Katrina. ''You look young and of course beautiful,'' kumento nito. ''And you look familiar, have we meet before?'' tanong nito sa kanya na nakakunot pa ang noo nito habang iniisip kung saan siya nito nakita. Ngumiti lang si Katrina at hindi niya alam kung paano niya sasabihin sa babae kung saan sila unang nagkita nito. ''Katrina is Tamara's best friend and she is also staying with them kaya siguro familiar siya sayo,'' si Nathan ang sumagot dito nang hindi siya magsalita. ''Oh yah, now I remember you! We were not formally introduced the last time but nice to meet you Miss Castro,'' my pilyang ngiti sa mga labi nito dahil siguro sa naalala kung paano sila unang nagtagpo. ''Please to meet you too Miss Gomez,'' kyeming sagot niya dito. Mas bagay yata sa kanya ang maging artista dahil magaling siyang magtago ng totoong nararamdaman isip-isip ni Katrina. Nahiling niya na sana ay hindi napansin ng mga kaharap ang panginginig ng boses niya. ''Well guys as I said we just drop by to say hello. Maiwan na muna namin kayo at may iba pa kaming pupuntahan,'' pagpapaalam ni Nathan sa mga ito. Si Bryan ay naniningkit ang mga mata na naka tingin sa braso ni Nathan na naka alalay kay Katrina. ''Where are you going?'' si Brian na may diin pa ang tuno. ''Honey, they are both mature kailangan pa bang itanong yan,'' si Ylona at malisyosa pang ngumiti. Gusto sanang magsalita ni Katrina at itama ang maling iniisip ng babae ngunit pinili niyang manahimik at mukhang magsasayang lang siya ng laway. Bahala ang mga ito kung ano ang iisipin. Nagkibit naman ng balikat si Nathan bilang tugon. ''Goodnight pare and I hope to have a drink with you next time," Hinalikan nito sa pisngi si Ylona at tinapik sa balikat si Brian. Si Katrina ay marahan lang tinanguan ang dalawa. Naipagpasalamat ni Katrina na nakaalis sila sa lugar na iyon ng hindi niya binibigyan ng kahihiyan ang sarili. --- HABANG DAAN ay tahimik si Katrina. Sa dami ba naman ng kainan sa lugar na iyon ay nagkataon pang nasa iisang lugar pa sila ng taong ilang araw na rin niyang iniiwasan at ayaw sanang makita. Si Nathan ay binaliwala lang ang pananahimik niya at ipinagbukas siya ng pinto pagkatapos maiparking ang sasakyan sa Harap ng Blue Eyed Pub. "Fotget him Kat! Hindi mo siya gusto, okay?" kausan niya sa sarili ngunit sa isip lang. "There's plenty of fish in the sea. Kakahanap ka rin ng taong para sayo at hindi si Bryan 'yon." "You okay?" tanong ni Nathan sa kanya ng mapansin siguro ang pagiging tahimik niya. "O-Oo. Nabusog lang siguro ako," pinilit niyang pasiglahin ang hitsura. Ilang sandali ay nakarating na sila sa pub ng kaibigan ni Nathan na si Austin. Hindi napigilan ni Katrina ang mamangha sa lugar. Pakiramdam niya ay para siyang bata na ngayon lang nakapunta sa enchanted kingdom. Bigla rin siyang na excite. "Huwag mong sabihin na hindi ka parin nakapunta rito?" tanong ni Nathan noong nasa harap na sila ng nasabing disco pub. Tumawa si Katrina. "Hindi pa nga. Pero balita ko ay marami daw mga gwapo diyan. Totoo ba?" "Not so sure. I'm not in to them," birong sagot naman ni Nathan. "Oh right." "So are you ready to rock 'n roll?" "More than ready," excited niyang sagot. "Then let's go!" inalalayan siya ni Nathan papasok.   Descente ang hitsura ng lugar. Pagpasok ay may mga mesa at upuan doon na ibat iba ang disenyo. Sa bandang kanan ay naroon ang bar na may tatlong bartender na sa tingin ni Katrina ay pulos abala sa paggawa ng alak. Sa bandang dulo naman ay mayroon iilang nagsasayaw sa saliw ng musika na tinutugtog ng banda na nasa maliit na stage. Pag-ikot nila sa kabila ay mayroong ilang binata na naglalaro sa naroong dalawang mesa ng pool table at ilang dart board na naka sabit sa dingding. Iginaya siya ni Nathan sa isang paakyat na hagdan. Mayroon mga upuan at mesa doon at isa pang maliit bar sa sulok. Sa tingin ni Katrina ay ginawa ang lugar para sa mga gusto lang uminom at tumambay at ayaw ng masyadong maingay dahil hindi doon masyadong maririnig ang ingay ng tumutugtog ng banda sa ibaba. Binati sila ng nakangiting si Adam na unang nakapansin sa pagdating nila. Pinsan ito ni Nathan kaya naman hindi nakakapagtaka na magkahawig ang dalawa. Si Austin ay nabigla ng makita siyang kasama ni Nathan ngunit agad naman itong nakabawi at nagbeso sa kanya. Gustong-gusto talaga ni Katrina ang mapang akit na kulay blue nitong mga mata. Sa pagkakaalam niya ay may lahi itong banyaga kaya hindi nakapagtataka ang kulay blue nitong mga mata. Hinalikan naman siya sa kamay ng nakangiting si Gregory at nakipagbeso beso naman sa kanya ang kasintahan nitong si Sabrina na katabi nito sa upuan. Sa pagkakaalam niya ay kaklase rin ito ng limang lalaki noong high school at nagbansag sa anim na lalaki ng The San Martin Romeo. Napakagandang babae ni Sabrina. Para itong manika sa paningin ni Katrina. Mabait din ito kaya naman hindi nakapagtataka na nabihag nito ang puso ng isa sa pinaka mailap na miyembro ng The San Martin Romeo na si Gregory. ''Hindi ko alam na nandito rin pala kayo guys,'' si Nathan sa mga kaibigan. ''Halos kadarating lang din namin about fifteen minutes ago pare. Actually ay si Austin at Adam ang nauna rito sumunod lang kami ni Sabrina after dinner,'' Sagot ni Gregory. ''Kilala mo naman ang dalawang iyan pagdating sa mga ganitong lakad ay hindi magpapahuli at siguradong naghahanap nanaman ng bagong mabibiktima. Para makapaghasik ng lahim,'' nagbibirong pahayag ni Sabrina patungkol sa dalawa. Baga man at si Austin ang may ari ng Blue Eyed Disco Pub ay hindi naman ito ang namamahala doon. Sa pagkaka alam ni Katrina ay iba ang namamahala noon at iilan lang ang nakaka alam na si Austin ang talagang may-ari. ''It's Saturday night. Sayang naman ang gandang lalaki namin kung ibuburo lang namin sa bahay,'' birong pagyayabang ni Adam. Binato naman ito ni Sabrina ng pop corn. ''Kahit talaga kailan ang yabang mo. I really can't wait for you to find your match,'' tumatawang sabi dito ni Sabrina. Sa mga kaibigang lalaki ay si Adam ang pinakaclose nito sa lahat kaya naman nasasabi nito sa binata ang kahit na ano. ''How about you Nathan pare? Wala bang my heart problem ngayon sa St. Mary at himalang my time ka ngayon makipag date?'' si Gregory kay Nathan at sinulyapan si Katrina. ''Just taking a little break pare and a vitamins for my own heart,'' birong sagot naman ni Nathan na kinindatan pa si Katrina. Kunwaring nagfake naman ng bahing si Adam ''Awww. Ang corny mo pare, pinsan. Pwede ka nang pang pop corn.'' ''At kailan kapa nahilig sa morina hindi ba at mahilig ka sa chinita?'' sabad naman ni Austin sa usapan. ''Paano ay hindi maka porma doon sa kapatid ni Engr. at lagot siya ni paring Bryan,'' si Gregory. "You like Tamara?" hindi na napigilan ni Katrina na makisabat sa usapan. "Don't mind them. They don't know what their saying," naiiling na sagot ni Nathan sa kanya. "Oh com-on! Admit it bro. You're madly in love with your bestfriend's baby sister," pangangantiyaw ni Adam sa pinsan. "Oh wow. Good to know." Ngayon lang naalala ni Katrina na palagi nga pala nitong hinahanap o itinatanong sa kanya si Tamara kapag may pagkakataon.   ''Naghahanap lang yan ng panibagong sakit ng katawan,'' sabad naman ni Austin na nakipag high five pa kay Adam. Nagtawanan naman ang lahat. Si Katrina ay nakitawa nalang din. ''Boys easy. May iba tayong kasama. Behave ng konte,'' saway ni Sabrina sa mga kaibigan. ''Speaking of Bryan. Nakasabay namin sila kanina sa restaurant. Hindi niyo gugustohin makita ang hitsura niya kanina noong makita kami ni Kat. Hindi ko nga akalain na makakalabas ako ng buhay eh,'' makahulugang pahayag ni Nathan. Hindi naman na gets ni Katrina ang ibig sabihin ni Nathan. Bakit naman ito hindi makakalabas ng buhay? ''Naghahanap ka talaga ng gulo. Alam mo naman na sobrang protective ni Bryan kay Katrina at Tamara. Baka gusto mong sumunod doon sa binogbog ni Bryan. Ang balita ko ay halos isang Lingo daw iyon sa hospital," babala ni Sabrina kay Nathan. Napagtanto ni Katrina na ang tinutukoy ni Sabrina ay ang lalaking binugbog ni Bryan dahil sa pang babastos sa kanya sa party ng kaibigan nila ni Tamara. Ngunit bakit naman sasapakin ni Bryan si Nathan gayong wala naman itong ginagawang masama sa kanya at kumain lang naman sila sa labas? ''Nakulangan ka ata sa isang sapak lang pare?'' si Austin na umiiling-iling pa. "Sinasabi ko sayo. Kakailangani mo ng pinakamagaling na plastic seorgion kapag pinaggigilan ka ng intsik na 'yon. ''Years ago Nathan here tried to court Tamara but the super protective brother Bryan gave him a punch on his handsome face," pagpapaliwanag ni Sabrina sa naguguluhang si Katrina. Hindi makapaniwala si Katrina sa nalaman niya tungkol sa matalik na kaibigan at kay Nathan. Wala naman kasing nababanggit si Tamara sa kanya at sa hospital ay wala naman kakaiba siyang napapansin sa pagitan ng dalawa maliban sa alam niyang nayayabangan dito si Tamara na hindi naman niya maintindihan kung bakit. May gusto pa sana siya malaman ngunit hanggang doon lang ang impormasyong ibinigay ni Sabrina. Makahulogan kasi itong tiningnan ni Nathan. Mukhang ayaw nitong pag-usapan ang nasabing paksa. Si Gregory ay mataktikang iniba ang usapan. Maginoo naman siyang inaya ni Austin na magsayaw. Tatanggihan niya sana iyon ngunit ayaw naman niyang isipin nitong binabastos niya ito kaya kahit nag-aatubili ay pumayag na rin siya. Maya-maya pa ay nagsunuran na ang mga kasamahan nila sa dance floor at nakipagsayaw din sa kanila maliban kay Adam na mukhang may bagong prospect sa katabing mesa nila at grupo ng kababaihan. Nagpapasalamat si Katrina at nadaanan siya kanina ni Nathan dahil talagang nag enjoy siya kasama ang grupo nito. Nakatatlong baso rin siya ng Frozen margarita kaya medyo nahihilo siya. Kanina ng tanungin siya ni Nathan kung ano ang gusto niyang inumin ay hindi niya alam ang isasagot kaya ito nalang ang nag-order para sa kanya. Frozen margarita ang naulinigan niyang sinabi ni Nathan na pangalan ng nasabing inumin. Medyo dilaw ang kulay ng crushed ice na laman niyon at my asin sa rim ng baso na may slice ng lemon sa gilid. Nang amoyin niya iyon kanina ay napagtanto niyang alak iyon. ''Don't worry light lang yan and you can order something else kung hindi mo magugustohan ang lasa," bulong sa kanya ni Nathan kanina. Sa simula ay nanibago siya sa lasa ng alak ngunit ng masanay ay masarapan naman pala. Bagaman at pakunti-kunti lang ang ginagawa niyang pag-inom sa nasabing inumin ay nararamdaman ni Katrina ang tama ng alak lalo at lagi siyang inaaya ni Austin na sumayaw. Ilang beses niya itong sinubukan na tanggihan dahil naiilang siya sa masasamang titig at erap ng ilang kababaihan doon ngunit makulit ito at siya yata ang napiling pagtripan. In-enjoy nalang niya. Sino ba naman ang hindi mag-eenjoy kung kasing gagwapo ng mga ito ang kasama at kasayaw niya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD