Chapter 15

1648 Words
SA CLINIC na pinuntahan nila ay napag-alaman nilang tatlong linggo na siyang buntis. Tuwang tuwa si Tamara ng sabihin ng ob-gyne ang naging resulta. Si Katrina ay baga man natutuwa ay may agam-agam siyang nararamdaman. Kung noon ay natatakot siya para sa sarili ngayon ay mas natatakot siya para sa batang nasa sinapupunan. Hindi niya alam kung paano ang magiging pagtanggap doon ni Bryan at wala naman silang napapag-usapan sa posibilidad na pagbubunga ng hindi mabilang na pagtatalik nila. Paano niya ipapaliwanag ang kalagayan niya sa Inay at nakababatang kapatid na si Erwin? Nangako pa naman siyang tutulong siya sa pag-aaral nito. ''Sa tingin ko ay dapat mong sabihin yan kay Kuya at sabay niyong harapin sila tita Nita at Erwin dahil nakakasigurado akong magagalit ang mga iyon sainyo ni kuya. Hindi ko nga maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa kayo nagsasabi sa kanila e,'' si Tamara patingin-tingin sa kanya at sa daan dahil ito ang nagmamaniho ng kotse. ''Hahanap lang ako ng magandang pagkakataon Tam. Hindi ko lang alam kung kailan." Huminga pa si Katrina ng malalim. Si Tamara naman na hindi maintindihan kung bakit hindi nalang sabihin agad-agad sa kapatid ang pagbubuntis ng kaibigan ay umiling nalang at nagkibit balikat. Kung ito ang tatanungin ay gustong gusto na niyang sabihin sa kapatid ang magandang balita ngunit hinayaan nalang nito si Katrina. Karapatan ni Katrina na sa bibig nito manggaling ang balitang iyon. --- DALAWANG slices na ng Black forest cake at isang malaking baso ng hot chocolate milk ang naubos ni Katrina ngunit sa tingin niya ay kulang pa iyon. Tumawag siya ng waiter at um-order pa ng isang slice ng kaparehong cake pero maliit nalang na baso ng chocolate milk. Hindi naman nagtagal ay bumalik na ang waiter dala ang order niya, tinanggal rin nito ang naunang pinagkainan Nakakadalawang subo na siya ng panibagong order ng cake ng mapatingin sa papalapit na si Sabrina. Maganda talaga ang babae mapa gabi o araw man, nakalitaw ang mapuputi at pantay pantay na ngipin nito sa pagkakangiti sa kanya. Modelong-modelo talaga ang dating nit kahit sa simpling suot na damit. May bitbit itong ilang plastic bag na sa tingin niya ay sapatos at ilang damit ang laman base sa tatak ng tindahan na pinanggalingan nito. ''Hi Kat, mag-isa ka lang ba?'' bati nito at naki pag-beso sa kanya. ''Have a sit...'' aya dito ni Katrina. ''Inihatid lang ako dito ni Tamara at umalis na siya may pasok pa kasi siya sa hospital. Ikaw mag-isa ka lang din ba?'' balik tanong niya dito. ''Yes. Naboboring ako sa bahay at naisipan kong mag window shopping,'' nakangiti nitong sagot. Tumawag ito ng waiter at um-order ng kape. ''Nakita kita habang pinag-iisipan ko kung saan ako pupunta kaya naisipan kong lapitan ka at magkakape na muna at napagod na ako sa paglilibot,'' dagdag pa nito. ''Hindi ka mahilig sa sweet?'' tanong ni Katrina ng marinig na kape lang ang hiningi nito sa waiter. ''Oh, I also love cakes. Kaso pakiramdam ko ay kailangan ko magbawas ng timbang at sumisikip na ang mga damit ko,'' si Sabrina at naglagay ng gatas sa kape na nilapag ng waiter. Na-concious naman si Katrina sa sinabi ng kaharap na baga man para sa sarili nito ang sinasabi ay natamaan siya bigla siyang napatigil sa pagsubo ng maliit na hiwa ng cake. Hindi naman iyon napansin ng kaharap at abala sa kung anong hinahanap nito sa bag. Maya-maya ay naglabas ito ng hindi kalakihang envelop at inabot kay Katrina. Nagtataka namang inabot iyon ni Katrina at binuksan. Wedding invitation iyon ni Sabrina at Gregory. ''Wow congratulation!" masayang bati ni Katrina dito. ''Thank's, last Saturday ko pa sana iaabot saiyo yan ang kaso hindi na kita nakita sa Blue Eyed Pub hindi kana ulit bumalik doon. Nakalimutan ko naman na ipakiabot kay Bryan iyan at ngayon ko lang naalala na nakikitira ka pala sa kanila,'' deredretsong sabi nito. Natigilan naman si Katrina pagkabanggit nito sa pangalan ni Bryan. ''N-Nasa Blue Eyed Pub si Bryan last Saturday?" nabiglang tanong ni Katrina. ''Yah. Pagdating namin ni Greg sa Pub ay nandoon na si Bryan at Jaden my mga kasama sila na kung hindi ako nagkakamali ay kasamahan nila sa project sa kabilang bayan and of course Ylona was also there. Nako lagi naman iyon naka buntot kay Bryan parang linta,'' pahayag pa nito na hindi alintana ang pagkatigagal ni Katrina. Sa tingin ni Katrina ay isang asedo ang impormasyong nakuha niya kay Sabrina. Bakit ba ay sobrang hapdi ng naramdaman niyang sakit ng puso. May hinala na siya na nagkikita pa ang dalawa at may pakiramdam din siya na magkasama lagi ang dalawa. Hindi niya lang iyon masyadong binibigyan ng pansin dahil siya lang ang nasasaktan. Ngayong narinig na niya ang kompirmasyon sa hinala niya ay mas masakit pala. Pakiramdam niya ay pinanlamigan siya ng laman. Parang alam na niya ngayon ang pakiramdam ng sumali sa isang ice bucket challenge kung saan binubuhusan ang kung sinoman ng isang timba ng malamig na tubig at puno ng yelo. ''Are you okay?'' tanong ni Sabrina ng mapansin ang natitigilang si Katrina. ''Y-Yahhh... okay lang ako. M-Medyo sumakit lang ang tiyan ko at napasobra ata ako sa matamis,'' pagdadahilan ni Katrina at hinawakan pa kunwari ang tiyan. Tinitigan din ni Katrina si Sabrina at sinisigurado kung nagsisinungaling lang ba ito o kung ano. Mukha namang walang alam ang babae sa tunay na relasyon nila ni Bryan at bakit naman ito magsisinungaling sa kanya? ''Gusto mo bang ihatid kita sainyo? Dala ko ang sasakyan ko. Pwede kitang idaan pauwi,'' nag-aalala nitong alok kay Katrina. ''H-Hindi na. Walang anuman ito.'' Tinawag niya ang waiter at magbabayad na siya ng bill ngunit nagpumilit si Sabrina na ito na lang ang magbabayad kahit anong pilit ni Katrina. Nagpasalamat nalang siya dito at gusto na niyang makalayo agad-agad. May pakiramdam siya na bibigay na ang pinipigilang mga luha at ayaw niyang makita iyon ng kaharap. Mabilis siyang nagpaalam kay Sabrina at tinalikuran na ito. Pagkatalikod niya ay bigla naman ang pag-agos ng mga luha kaya hindi na siya lumingon sa pinanggalingan at ayaw niyang makita ni Sabrina ang nag-uunahang mga luha. Nagtataka man si Sabrina sa ikinilos ni Katrina ay ipinagkibit balikat niya nalang iyon. Dumating ang waiter at ibinigay sa kanya ang bill na hiningi ni Katrina. Nagulat si Sabrina sa nakalagay doon. Pangatlong blueberry cheese cake na pala ni Katrina ang inabutan niya. Nagbigay siya ng pera sa waiter at sinundan niya ng tingin si Katrina na halos takbohin ang daan palabas. Nagtatakang inalala niya kung may nasabi ba siyang masama. Pinaglipat-lipat niya rin ang tingin sa resibo ng binayaran at sa likod ng papalayong si Katrina. Naghihinalang napahawak siya sa dibdib. Kinuha niya ang telepono sa bag at gusto niyang makasiguro sa nabubuong hinala. --- HINDI alam ni Katrina kung ano ang gagawin. Tinipon niya ang sariling gamit sa kwartong ginagamit niya sa bahay nila Tamara at pinasok sa malaking bag. Uuwi na siya sa bahay ng Inay niya. Hindi na niya kayang makasama pa sa iisang bahay si Bryan. Hindi naman siya masukista para tiisin ang mga sakit na nararamdaman. Mahal na mahal niya ang lalaki pero hindi niya pala kayang mabuhay ng may kahati sa puso nito. Hindi niya akalain na magiging pareho ang kapalaran nila ng Inay niya. Nakita niya kung paano sila iniwan ng ama at ipinagpalit sa ibang babae kaya isinumpa niya sa sarili na hindi niya dadanasin ang nangyari sa Inay niya. Kaya naman wala siyang lalaking hinahayaan na makapasok sa puso niya. Ngunit bakit napakadali niyang ibinigay ang buong sarili kay Bryan? Siguro nga ay totoo ang kasabihang walang matalino pagdating sa pag-ibig dahil lahat ay nagiging tanga at ngayon nga ay isa na siya doon. ''Ang tanga ko, ang tanga tanga tanga ko!'' paulit ulit na sinasabi ni Katrina sa sarili habang walang tigil sa pagpatak ng mga luha. Sa simula palang ay wala naman talagang ipinangako sa kanya si Bryan. Siya lang naman ang umasa na may posibilidad na mahal din siya ng lalaki ngunit nagkamali siya. Ilang beses ngaba niya hinintay na marinig mula sa bibig nito na mahal siya ng lalaki ngunit ni minsan ay wala itong sinabi. Pinaasa niya lang ang sarili sa wala. At walang ibang dapat sisihin doon kundi tanging ang sarili niya. Nagmamadaling binitbit niya ang bag na kinalalagyan ng mga gamit. Pakiramdam niya ay sasabog ang puso niya sa sakit na nararamdaman kung magtatagal pa siya sa bahay na iyon. Nasa harap ng tindahan nila si Aling Nita at nagwawalis ng dumating si Katrina. Napakunot ito ng noo ng makita ang pagdating ni Katrina at sakay ng tricycle. May dalang mga gamit at malaking bag na parang pinalayas. ''Oh, Katrina anak? Ano ang problema mo anak at umiiyak ka?'' agad nitong tanong sa anak ng mapansin itong umiiyak. Sinubukang magsalita ni Katrina ngunit sa tingin niya ay may bumabara sa lalamunan niya. Tinulongan siya ng Inay niya na maipasok ang mga dala niyang gamit. Inalalayan din siya nitong maupo sa pinaka malapit na upuan at kumuha ng tubig. "Ito tubig at uminom ka muna." Abot nito sa baso ng tubig. Kinuha naman iyon ni Katrina at dahan-dahan na uminom. ''Nag-away ba kayo ni Tamara anak?'' mahinahon na tanong ng Inay niya at naupo sa katapat niya na upuan. Umiling lang si Katrina at sunod-sunod parin ang pag-agos ng mga luha. Wala naman maisip na dahilan si Aling Nita kung bakit nagkakaganito ang anak. "Sige umakyat ka na muna sa kwarto mo kung hindi ka pa handang pag-usapan. Magpahinga ka na muna at namumutla ka. Basta tandaan mo na nandito lang ako anomang oras na kailangan mo ng makakausap. Kahit ano pa 'yan ay makikinig ako at susubokan kong intindin," malungkot na turan nito. Si Katrina ay walang salita na umakyat sa kwarto niya na nasa taas lang ng tindahan nila. Patuloy parin ang paagos ng mga luha.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD