Chapter 14

1446 Words
TINANGHALI na ng gising si Katrina paano ay napuyat siya sa kakahintay kay Bryan ng nakaraang gabi. Hindi nga niya namalayan kung anong oras na ito dumating dahil nakatulogan na niya ang paghihintay dito. Hindi siya nito sinundo sa hospital at tumawag lang ito sa kanya para sabihin na sumabay nalang siya kay Tamara at hindi daw nito alam kung anong oras makakauwi. Itatanong niya sana kung nasaan ito at bakit hindi pa pweding umuwi gayong mag-aalas onse na ng gabi ngunit bago pa siya nakapagtanong ay naibaba na nito ang kabilang linya. ''Kain kana sis,'' si Tamara sis short for sister na ang tawag nito sa kanya mula ng sa tingin nito ay nagkakaintindihan na sila ng kuya nito ate nga sana ang gustong itawag nito sa kanya kaso ay magkaedad lang daw sila kay sis nalang daw para mas bagay. ''Magkakape lang muna ako para mawala ang antok ko,'' si Katrina at nagtimpla ng kape. ''Akala ko ba sasamahan mo ako mag shopping?'' tanong ni Tamara kay Katrina. ''Sorry. Anong oras na ba?'' tumingin ito sa wall clock na nakasabit sa dingding ng kusina. ''Mag-aalas onse na pala, bukas nalang tayo pumunta sa mall. Promise aagahan ko ang gising!'' itinaas pa niya ang kanang kamay. ''Hmpp...may magagawa pa ba ako?'' nakalabing osal ni Tamara. ''Alam mo ba kung anong oras na dumating si Kuya mo kagabi? naghihikab pa na tanong ni Katrina at naupo sa katabing upuan ni Tamara. ''Hindi eh. Kaya kaba napuyat dahil naghintay ka pa sa kanya?" si Tamara Nagkibit ng balikat si Katrina bilang sagot. ''Hindi kana nasanay kay kuya. Lagi naman iyon ginagabi ng uwi eh,'' turan ni Tamara sa pagitan ng pagsubo nito ng pagkain. ''Ayan gising na pala si Kuya sa kanya mo nalang itanong kung anong oras siya umuwi kagabi." Itinuro pa nito ang kapatid na kalalabas lang ng sariling kwarto. Nakaligo na ito at dahil Linggo at wala itong pasok kapag ganoong araw ay nakasuot lang ito ng pambahay. ''Good morning little sis,'' bati nito kay Tamara. ''Morning, sweetheart,'' bati naman nito kay Katrina at niyakap ito mula sa likod at humalik sa pisngi. ''Awwww. Ang daming langgam dito,'' pagbibiro ni Tamara sa kasweetan ng dalawa. ''Kuya anong oras ka daw umuwi at tinatanong saakin ni Kat?'' inginuso pa nito si Katrina na pinandilatan naman nito ng mata para sawayin sana ito sa pagtatanong sa kapatid nito. ''Alas kwatro na yata yon eh,'' sagot ni Byan at tumayo para magtimpla ng sariling kape. Si Katrina ay nakasimangot na sinundan niya lang ng tingin si Bryan. Naiinis ito dahil hindi manlang sinabi ng huli kung saan ito galing at umaga na pala umuwi. Si Tamara ay mabilis na tinapos ang pagkain ng mahalata ang masamang tingin ng kaibigan sa kapatid. Nakakaamoy ito ng selos at minabuting iwan ang dalawa at nagpunta sa sala at binuksan ang telebisyon. Hindi alam ni Katrina kung paano itatanong kay Bryan kung saan ito galing kagabi at natatakot siya sa maaaring sagot nito. Tumayo nalang siya at nagpasyang iwan ito sa kusina. Kumuha siya ng tuwalya sa kwarto at naligo. Nagbihis lang muna siya ng pambahay at balak muna niyang kumain at nakaramdam siya ng gutom. Nagtataka siya kung nasaan napunta si Bryan at hindi niya ito makita maski sa kwarto nito. Natapos na siyang kumain at lahat ay wala parin ito. Gusto sana niyang tanungin si Tamara na nanon0od ng telebisyon sa sala ay nahihiya naman siya kaya naupo nalang siya sa tabi nito. ''Lumabas si Kuya at sandali lang daw siya,'' si Tamara ng mapansin nito na hindi siya mapalagay sa tabi nito. ''Saan daw pupunta?" nagtatakang tanong ni Katrina sa kaibigan. ''Hindi ko sigurado at wala naman siyang sinabi,'' sagot ni Tamara na hindi inaalis ang tingin sa screen ng telebisyon. Tawa ng tawa rin ito sa pinanonood na pagpapatawa ng mga host ng `Its Showtime` isang noontime show ng isang kilalang tv network. Kahit nakatotok sa telebisyon si Katrina at nakakatawa ang palabas ay hindi niya makuhang tumawa. Naiinis siya at pakiramdam niya ay binabaliwala siya ni Bryan at pagkatapos nitong umagahin sa pag uwi ay umalis naman ito ng hindi nagpapa-alam sa kanya. Pakiramdam niya ay maiiyak siya sa kabila ng pagpapatawa ng isang host sa pinanunuod nila ni Tamara. Nang sa palagay niya ay tutulo na ang luha saka naman niya narinig ang pagdating ng sasakyan ni Bryan. Naiinis na hindi man lang niya ito tiningnan kahit ng marinig niya ang pagbukas nito ng screen ng pinto. Nilapitan naman siya nito agad. ''Sorry na! Huwag kana magtampo.'' At may bouquet ng bulaklak at kahon ng mamahaling chocolate na inaabot ito sa kanya. Nagulat si Katrina at hindi niya inaasahan na alam pala ng lalaki ang nararamdamang pagtatampo niya dito. Siguro ay nahalata nito ang hindi niya pagpansin dito kanina at pagwalk out niya habang nasa kusina ito. Agad naman na naglaho ang nararamdamang inis niya rito malaking bagay na sa kanya ang mga simpling ginagawa ni Bryan. Gumante rin siya ng yakap ng yakapin siya ng lalaki at halikan sa labi. ''Kayo ba ay nananadya o nang-iingit? Hindi niyo man lang naisip na may kasama kayo rito at walang lovelife,'' nakangiting pagpaparinig ni Tamara sa dalawa na kunwari pa ay tinakpan ang mukha at kunwaring ayaw makita ang kasweetan ng dalawa. Natatawa namang binitiwan ni Bryan si Katrina at kinuha ang isa pang kahon ng chocolate na inilagay niya kanina sa side table. Iniabot nito iyon kay Tamara. ''Ano to kuya? Suhol?'' kunwari ay reklamu ni Tamara. ''Para hindi ka muna magpaligaw at ako lang muna ang magbibigay sayo ng chocolate,'' natatawa pa ring sabi ni Bryan. "Sorry pero pinayagan mo na po akong magpaligaw at may date ako bukas," nakangisi na wika dito ni Tamara. Napakamot naman sa ulo si Bryan. "Sinabi ko ba 'yon? Wala akong maalala," pagmamaang-maangan nito. "Kuya naman eh. Huwag ka naman ganyan. Diba Kat pinayagan na niya ako magpaligaw?" panghihingi ng tulong nito kay Katrina. Nilapirot naman ni Katrina ang matangos na ilong ni Bryan. "Pinayagan mo na po siya magpaligaw at wala nang bawian." Iningusan naman ni Bryan si Tamara. "Nakahanap ka ng kakampi ha." "Naman! Bestfriend ko yata yan," sagot ni Tamara at nakipag high five pa kay Katrina.   --- DAHAN-DAHANG inalis ni Katrina ang braso ni Bryan na nakayakap sa kanya. Tulog na tulog pa ito dahil umaga na naman itong umuwi na ikinapagtataka na talaga niya ngunit hindi naman siya magkalakas ng loob na tanungin ito kung saan ito galing at madalas na naman itong umagahin sa pag-uwi. Sa tuwing magtatangka siyang magtanong ay may palagay siyang bumabara ang lalamunan niya at sumisikip ang dibdib niya dahil sinasabi ng utak niya na sa condo ni Ylona ito inuumaga. Wala siyang lakas ng loob na sumbatan ito dahil sa umpisa palang ay wala naman talaga itong ipinangako sa kanya at basta nalang siya nagpaubaya dahil sa laki ng pagmamahal niya para sa lalaki. Naniniwala rin siyang wala siyang karapatan na pigilan itong makipagkita sa babae dahil kung tutuusin ay nauna naman talaga si Ylona sa buhay nito at nakikisawsaw lang siya. Naaawa siya sa sarili at baga man at hindi pa kasal si Bryan kay Ylona ay lumalabas pa rin na kabet siya. Isang sabit sa relasyon ng dalawa. Hindi niya napigilan ang luhang sunod-sunod na tumulo. Bigla rin ang pagsapo niya sa tiyan ng makaramdam siya ng pagkaduwal at tumakbo siya sa banyong nasa dulo ng pasilyo. Nakaluhod siya sa toilet bowl at pinipilit na ilabas ang kung ano man na hindi niya maintindihan. Naghahalo-halo na yata ang luha, sipon at laway niya. Nasa ganoon siyang sitwasyon ng biglang magsalita si Tamara sa likod niya. ''Kailan pa 'yan?'' tinatapik tapik nito ang likod niya. ''Sinabi mo na ba kay kuya?'' dagdag pa nitong tanong. Nang pakiramdam ni Katrina ay maayos na siya ay bumangon siya at naghilamos. Naroon pa rin si Tamara naka sandig sa gilid ng nakabukas na pinto. Hindi alam ni Tamara kung matutuwa dahil parang nakakasigurado na siya kung bakit nagkakaganoon ang kaibigan o maaawa dahil sa inabutan niyang hitsura nito. ''H-Hindi ko pa sinasabi dahil hindi pa naman ako sigurado, saka ko nalang sasabihin kung sigurado na ako,'' nalilitong sagot niya sa kaibigan. Nakiusap din siya na huwag sasabihin sa kapatid nito ang hinala nilang pagbubuntis niya. Pumayag naman ito sa kondisyong sasamahan siya nito sa ob-gyne sa araw ding iyon. Hindi sila sa ospital na pinagtatrabahuan nagpunta kundi sa isang private clinic. Nahihiya siya sa mga kasamahan sa ospital kung totoo ang hinala nila ni Tamara na pagbubuntis niya. Dalaga siyang tao at bakit siya buntis kung sakali? Baka maging laman pa siya ng tsimisan ng mga kasamahan sa trabaho.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD