Chapter 16

1306 Words
MAG-AALAS OTSO na ng gabi at ilang oras na rin nagkukulong si Katrina sa kwarto niya. Kanina ay pinasok siya ng Inay niya at dinalhan ng pagkain ngunit naka ilang subo lang siya at umayaw na. Nahihirapan siyang lunukin ang pagkain dahil sa pag sigok-sigok at hindi mapigilang mga luha. Sinubukan siyang kausapin ng Inay niya  ngunit hindi niya pa rin kayang pag-usapan ang dahilan ng pag-iyak niya. Si Erwin ay nakasandig sa pinto at nakatingin lang sa nakatatandang kapatid. Nagtataka rin ito kung bakit umiiyak ng ganoon ang kapatid. Nakiusap si Katrina na gusto nitong mapag-isa. Nag-aalinlangan man ay pinagbigyan siya ng Inay niya at lumabas ito ng kwarto at sumunod dito si Erwin. Nang lumabas ang ina at kapatid ay inilock ni Katrina ang pinto ng silid. Ang gusto lang talaga ngayon ay iiyak ang nagawang katangahan. Kung bakit naman kasi pinakinggan niya ang puso kahit sinasabi na ng isip niya na mali iyon? "Hayop ka talaga, Bryan. Kapag ako nakamove-on, who you ka sa akin.  Ngayon lang kita iiyakan pero pagkatapos nito ay magiging okay din ang lahat kahit wala ka," sumisigok-sigok na kausap niya sa sarili. Ilang sandali ay muli niyang narinig ang pagtawag ng Inay niya sa kanya mula sa labas ng kwarto.   ''Katrina anak, nandito si Bryan at gusto ka daw makausap.'' Kahit nagtataka kung ano ang ginagawa ng lalaki sa bahay nila at kung paano nitong nalaman na umuwi siya sa kanila ay hindi niya binuksan ang pinto. Nagkunwari siyang natutulog at pinigil ang pagsigok. ''Katrina anak, ano ba. Lumabas ka muna riyan at harapin mo si Bryan. Pag-usapan niyo kung ano ang problema." Patuloy na pagkatok ng Inay niya. Ngunit hindi talaga sumagot si Katrina. Hindi siya handang harapin si Bryan. Baka madala nanaman siya at mabilog nanaman nito ang ulo niya kapag nakita niya ito. Ilang sandali ay tumigil naman si Aling Nita sa pagkatok sa kwarto niya ngunit si Bryan naman ang pumalit sa pangangatok sa pinto ng kwarto niya. ''Kat ,please buksa mo ang pinto. Kausapin mo naman ako. Mag-usap tayo ng maayos. Huwag naman ganito oh,'' nakikiusap ito ngunit nagmatigas si Katrina. ''U-Umalis kana a-ayaw na kitang m-makita....'' paputol-putol na sigaw ni Katrina mula sa pagkakadapa sa unan niya. ''Sisirain ko itong pinto kung hindi mo bubuksan,'' pagbabanta ni Bryan. ''S-Sige sirain mo...p-para madagdagan mga k-kasalanan mo sa a-akin.'' Naupo si Katrina sa kama at niyakap ang unan. Pinilit niyang kontrolin ang pag-iyak dahil baka makasama iyon sa anak niya. Si Bryan ay hindi alam ang gagawin at nag-aalala siya sa kalagayan ni Katrina. Napag-alama niya mula kay Nanay Nita ay walang tigil daw ito sa pag-iyak mula ng dumating ito kaninang hapon. ''Please sweetheart buksan mo ang pinto at mag-usap tayo ng maayos," patuloy na pagmamakaawa ni Bryan. Narinig niya ang kalansing ng mga susi. Sa tingin niya ay ibinigay ng Inay niya kay Bryan ang duplicate ng mga susi sa bahay. ''S-Sige, subukan mong p-pumasok at tatalon ako dito sa bintana,'' pagbabanta niya at kunwaring binuksan ang kahoy na bintana sa kwarto niya. Tumingin siya sa ibaba. Medyo mataas iyon at alam niyang hindi niya kakayaning tumalon doon. Sinabi niya lang iyon para hindi magpumilit si Bryan na pumasok. Bigla naman natigil si Bryan sa pagsubok sa mga susing hawak niya. Katrina huwag kang isip bata. Huwagna huwag mong gagawin 'yan!" ''Wala kang pakialam! Umalis kana. H-Hindi kita gustong makita...'' Matagal na hindi nagsalita si Bryan ngunit sa tingin ni Katrina ay nasa labas pa rin ito ng pinto. Maya-maya ay narinig ni Katrina ang paglayo ng lalaki sa pinto ng kwarto niya. Mula sa bintana ay nakita niya itong lulugo-lugong sumakay sa pick up nito at umalis. Lalo namang tumulo ang mga luha niya pakiramdam niya ay habang palayo ang sasakyan nito ay may isang bahagi ng sarili niya ang tinatangay nito. Ilang sandali ay muli siyang kinatok ng Inay niya at sa pagkakataong ito ay binuksan na niya ang pinto para makapasok ito. Malungkot siyang tinitigan ng Inay niya. "Alam kong hindi maganda ang naging-alala mo sa Itay mo anak at naiintindihan ko ang takot diyan sa puso mo kaya ba kahit nasa tamang edad ka na ay hindi mo magawang buksan ang puso mo na magmahal. Ngunit hindi lahat ng lalaki ay pareho ng Itay mo." Umiling si Katrina. "Pare-pareho lang sila  mga manloloko Nay," sagot niya sa ina habang pinapahiran ng face towel ang mga luha niya. "May nangyari bang hindi maganda sa pagitan niyo ni Bryan, anak?" malumanay na tanong ni Aling Nita. Lalo naman naiyak si Katrina ng maalala ang ipinagbubutis niya at bunga ng kapusukan nila ni Bryan. Bigla siyang nakaramdam ng konsensiya sa Inay niya. "May relasyon ba kayo ni Bryan?" deretso nang tanong ng Inay niya sa kanya. "B-Buntis po ako..." Nabibiglang napahawak si Aling nita sa sariling bibig at animo sandaling hindi alam ang sasabihin sa ipinagtapat ng anak. "B-Buntis ka at si Bryan ang ama?" Marahan na tumango si Katrina. Hindi siya makatingin ng deretso sa Inay niya sa sobrang kahihiyan. "Sorry po... Patawarin niyo po ako." Bigla namalisbis ang mga luha ni Aling Nita. Bilang ina ay kinukurot ang puso niya sa pagbubuntis ng anak niya sa kabila ng pagiging dalaga pa nito. isa pa ay ikinabigla niya rin iyon dahil ng sa pagkakaalam niya ay hindi naman gaanong magkasundo ang dalawa. Paanong nangyaring nabuntis ito. "P-Pinilit ka ba niya?" "H-Hindi po Nay. Kusa---kusa ko pong ibinigay ang sarili ko sa kanya." Kahit papano ay parang nakahinga ng maluwag si Aling Nita na malang hindi ito pinilit o ginahasa ng binata. Ngunit syempre ay hindi parin ito natutuwa. "Tapos ngayon ay, ayaw kang panagotan ni Bryan?" "H-Hindi pa po niya alam na---na buntis po ako. Hindi ko pa po nasasabi sa kanya." "Diyos ko naman bata ka. Ano nang plano mo ngayon? Saka bakit ayaw mong harapit si Bryan at pag-usapan niyo kung ano ang plano niya? Hindi ako papayag na hindi ka niya pananagotan lalo na ang batang dinadala mo." "P-Pero Nay may kasintahan na po siyang iba. Wala naman po kaming relasyo eh." Animo sumakit naman ang ulo ni Aling Nita. "Diyos ko naman anak. Alam mo naman palang may kasintahan e bakit ka pumayag? Hindi maganda ang ginawa mo. Naninira ka ng relasyon ng iba. Tapos ngayon ay nagpabuntis ka pa? Ano nang plano mo?" "Itutuloy ko po ito Nay..." "Abay syempre. Hindi rin naman ako papayag na hindi mo 'yan itutuloy. Malaking kasalanan 'yan sa Panginoon. Pinasok mo 'yan, panindigan mo. Angu gusto kong malaman ay kung kailan mo ipapaalam kay Bryan ang dinadala mo?" "Hindi ko pa po alam Nay. Ang gulo parin po ng isip ko... Pero ipapaalam ko rin naman po ito sa kanya." "Mabuti naman kung ganoon." "Nay galit po ba kayo sa akin?" "Abay alangan namang matuwa ako sa ginawa mo Katrina. Pinagkatiwalaan kita...Alam kong matalino kang bata. Alam na alam mo kung ano ang tama sa mali... Pero nandiyan na 'yan at wala na akong magagawa pa. Tulad ng lagi kong sinasabi sa inyo ng kapatid mo, lagi akong susuporta sa inyo sa abot ng makakaya ko. Kung hindi kaman pananagutan ni Bryan ay palalakihin natin ang anak mo ng magkakasama bilang isang pamilya." Sa tinuran ng ina ay napayakap naman dito si Katrina. "Salamat, Nay! At sorry po talaga!" Niyakap naman siya ng ina. "Sige na magpahinga ka na. At tama na muna iyang pag-iyak mo. Hindi makabubuti para diyan sa dinadala mo ang ginagawa mong pag-iyak at pagkukulong dito sa kwarto."   Sa nangyaring pag-uusap nila ng ina ay talagang naging malaking tulong iyon para maibsan at lumuwag ang nararamdaman niyang paghihirap ng loob. Ipinagpapasalamat niya na bagaman at nakita niyang nasaktan ang Inay niya, hindi naman naging gaano kabigat ang naging pagtanggap nito sa nangyari sa kanya. Bagkos ay lalo pa niyang naramdaman ang pagmamahal nito sa kanya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD