Chapter 17

1833 Words
NAGISING si Katrina sa isang hindi pamilyar na lugar. Agad siyang napabalikwas ng bangon. Sinalakay siya ng matinding takot dahil hindi niya alam kung ano ang nangyayari at kung nasaan siya. And natatandaan niya ay nakatulog siya matapos nilang mag-usap ng Inay niya sa kwarto niya pag-alis ni Bryan. Muli niyang inikot ang paningin sa paligid. Baga man at medyo madilim ang kwarto ay sigurado siyang hindi iyon ang kwarto niya sa bahay nila at lalong hindi rin iyon ang kwartong ginagamit niya sa bahay ng matalik na kaibigan. Natatakot na siya at baka ng makatulog pala siya ay hindi na siya nagising dahil sa sobrang lungkot. Humihikbing kinapa niya ang hindi pa man umuombok na tiyan. Biglang bumukas ang ilaw at unti-unting lumiwanag ang paligid. Nakita niya ang isang pamilyar na mukha. Mukha ng lalaking isinisigaw ng puso at isipan niya. Na kahit nagagalit siya dito ay hindi parin magawang kalimutan. "Anong ginagawa mo dito? Nasaan ako? Saan mo ako dinala?" matigas na sunod-sunod niyang tanong dito. Naglakad ito palapit sa kanya. ''Sshhhh. Isa-isa lang ang tanong at mahina ang kalaban,'' nakangiti nitong sagot sa kanya. Kahit na ang toto ay gustong-gusto na niyang takbohin at yakapin ito. Pinaglabanan niya ang sarili. Hindi siya dapat maging marupok. Masasaktan lang siya lalo. "Huwag mo akong ngitian dahil walang nakakatawa. Hindi ako natutuwa lalo diyan sa pagmumukha mo. Manloloko ka!" Nawala naman ang ngiti ni Bryan sa mukha napalitan iyon ng kalungkotan. "Can you let me at least explain myself?" Nang makalapit kay Katrina ay naupo ito sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay niya. "We should talk," seryuso nitong wika.   Nagpumiglas si Katrina. "Don't touch me. Lumayo ka sa akin. Manloloko ka... Isa kang two timer,''Bitiwan mo ako at ayaw kitang makita!'' nagsisimula na namang bumuhos ang mga luha niya. Hindi naman malaman ni Bryan kung paano ito aaluin. ''I'm sorry. I'm sorry if I hurt you in anyway. Pero hayaan mo naman akong magpaliwanag." "Ano pang ipapaliwanag mo? Kung paano mo akong pinaglalaruan? Kung paano kang nagpapakasarap sa pagsasabay mo sa amin ni Ylona?" muli na naman parang gripo na nabuksan ang mga mata niya sa pag-agos ng mga luha niya sa mga mata. Sobrang sakit talaga sa puso niya ang malamang patuloy parin ang relasyon nito kay Ylona habang ilang ulit naman siyang inaangkin nito kapag umuuwi sa kanya. Nakaramdam siya ng pandidiri sa sarili. Parang kay baba niyang babae at ginawa lang nitong paraosan. "Kat, hayaan mo naman akong magpaliwanag. Makinig ka naman muna sa akin," pakiusap naman ni Bryan sa kanya. ''B-Bumalik kana sa kanya. A-ayaw ko ng may kahati, Bry. Gusto ko kung ako lang, ako lang dapat at wala nang iba pa. Kung hindi mo lang din maibibigay sa akin iyon, pabayaan mo na ako. Mas gugustohin ko nalang na mag-isa kaysa nakikihati ako sa ibang babae. Akala ko pa naman nagbago ka na. Isa ka parin palang playboy at pinaglalaruan mo lang ako,'' pinagpapalo niya si Bryan sa dibdib. Hindi naman alam ni Bryan kung paano siya aawatin. "I know you're mad at me and I deserve it for causing you pain. Pero baka may mangyari sa baby natin dahil sa ginagawa mo. Please, tumigil ka na. Tinatakot mo ako eh..." Natigilan si Katrina sa pananakit na ginagawa niya dito ng makita niya itong may mga luha narin sa mga mata. Katulad niya ay umiiyak rin si Bryan. "Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sainyo ng baby natin..." niyakap siya ni Bryan. Muli siyang nagpumiglas dito. "Bitawan mo ako..." "I love you, Kat. I love you so much!" Natigil sa pagpupumiglas si Katrina. "M-Mahal mo ako?" Bahagya siyang inilayo ni Bryan. Titig na titig ito sa mga mata niya. "I love you, Kat!" ulit nito. "I'm sorry kung ngayon ko lang sinabi sayo. As you can see, I'm not good with words. Akala ko ay sapat nang napaparamdam ko 'yon sayo." "E si Ylona, mahal mo rin ba siya?" ''Sweetheat, matagal na kaming wala ni Ylona. Noong gabi na magkasabay tayo sa isang restaurant ay naghinala na siya sa nararamdaman ko sayo. Two days later nag-usap kami at maayos na naghiwalay,'' paliwanag ni Bryan. "Sinongaling ka! Kung wala na kayo bakit magkasama kayo noong sabado at umaga kana umuwi?" humihikbing tanong ni Katrina. ''Hindi kami magkasama. Ang kasama ko ay si Jaden at ang iba pa naming kasamahan sa housing project namin sa kabilang bayan. Malapit na iyong matapos kaya nagkayayaan na lumabas at magcelebrate at hindi ako makatanggi. Hindi ko naman inaasahan na naroon pala si Ylona kasama ang mga kaibigan niya na nasa kabilang mesa lang namin. Nakiusap siya sa akin na umaktong kami pa rin at hindi alam ng mga kaibigan niya na naghiwalay na kami. Ayaw niyang mapagtawanan ng mga kasama niya at kahit iyon manlang daw ay ibalato ko na sa kanya. Hindi sana ako papayag ngunit gusto ko rin makabayad sa naging kasalanan ko sa kanya at maghiwalay kami ng walang sama ng loob. Kaya nang makita kami ni Sabrina ay inakala niya ring magkasama kami ni Ylona ng gabing iyon,'' mahabang paliwanag ni Bryan na halos hindi niya gustong huminga at baka pagtumigil siya at ma misunderstand na naman ni Katrina. ''Bakit palagi kang inuomaga nang umuwi?'' may pagdududa parin na tanong ni Katrina. Napangiti si Bryan sa tanong niyang iyon. Pinunsan nito ng mga daliri ang mga luha niya.''Dahil poh pagkakatapos ko sa trabaho sa kabilang bayan ay pinupuntahan ko naman itong bahay natin at minamadali ko nang matapos para makalipat na tayo agad pagkatapos ng kasal natin.'' "Anong bahay? At anong kasal? Papakasalan mo ako?" hindi makapaniwala niyang tanong dito. ''Future Mrs. Bryan Wong nandito ka poh sa bago mong bahay. Pasensiya na at hindi pa tapos ang mga pintura. Bigla ka kasing nag-alsa balotan. Natakot naman ako na baka may mangyari sayo at sa baby natin ng hindi mo man lang napapakinggan ang paliwanag ko kaya sinundo na kita at iniuwi sa bahay natin habang tulog ka at hindi ka tatalon sa sasakyan. Dito rin ako natutulog kapag inuumaga na ako ng uwi at diko na kayang magdrive. Iyon ang dahilan kaya may kama narin dito. Sa sinabi ni Bryan ay pakiramdam ni Katrina dinuduyan siya sa alapaap sa sobrang kaligayahan na nararamdaman niya ngayon. Parang bula rin na naglaho ang galit niya dito. "Totoo? S-Saatin 'tong bahay at magpapakasal tayo?" ''Ihanda mo na rin ang sarili mo dahil next week na ang kasal natin. Iyon ang kondisyon na hiningi sa akin ni Nanay Nita bago ako pinayagan na madala kita rito," nakangising sagot ni Bryan. "At talagang sigurado kang magpapakasal ako sayo?" may panunudyo na niya tanong dito. ''Sino naman ang nagsabi sayong tinatanong kita kung gusto mo akong pakasalan? Ang sabi ko magpapakasal tayo. Ibig sabihin... Magpapakasal tayo sa ayaw at sa gusto mo,'' nakangiting saad ni Bryan. "Mahal mo ba talaga ako at hindi mo ako binobola lang?" Kinabig siya ni Bryan at hinalikan sa mga labi. ''Mahal na mahal kita future Mrs. Wong! Matagal na at mukhang ikaw nalang yata ang nagdududa roon,'' madamdaming sabi ni Bryan. ''Anong ibig mong sabihin na matagal na? Kailan pa?" hindi makapaniwalang tanong ni Katrina. ''Hindi ko sigurado kung kailan basta matagal na kitang mahal. May palagay ako na nauna pang nalaman ng mga kaibigan ko ang nararamdaman ko sayo kaysa sa akin. Noon pang muntikan ko nang mapatay iyong lalaking nangbastos sayo,'' pangungumpisal nito. ''Bakit lagi mo akong inaaway noon? Dahil ba sa tingin mo hindi ako bagay sayo, dahil tingin mo ay masama akong babae?'' naiinsecure na tanong ni Katrina. ''Ang ganda mo kasi lalo kapag nagagalit," may pagbibiro naman na tudyo ni Bryan. Inirapan naman ito ni Katrina. "Umayos ka nga!" "Totoo nga. Gandang-ganda ako sayo kahit noon pa. Kaso natatakot ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung karapat dapat ako sayo. Hindi rin ako sigurado kung kaya kung tumino para sayo. Natatakot ako na baka kapag pinagbigyan ko ang sarili ko na gustohin ka tapos masaktan kita ay masisira ko rin ang pagkakaibigan niyo ni Tamara at ayaw kong mangyari iyon kaya pinilit kong labanan. Kaso noong nasa iisa na tayong bahay ay hindi ko na nakayanang  labanan ang sarili ko," mahabang salaysay ni bryan. "Matagal ko na rin alam  na hindi ka katulad ng iniisip ko sayo noong una. Nahiya lang akong magpakumbaba at humingi ng tawad sayo sa masasamang salita na nasabi ko sayo noon. I'm sorry for not saying sorry before!" "I love you too, Bry. Matagal na rin kitang mahal,'' buong pusong pagtatapat ni Katrina. Sapat na ang mga narinig niya na mga sinabi ni Bryan para paniwalaan niya ito. Mas gusto na niyang pagkatiwalaan ito kaysa ang pagdudahan. ''Alam ko," siguradong turan ni Bryan. "Kung hindi mo ba naman ako mahal ay iiyak ka ba ng ganyan? Naging singkit kana tuloy dahil sa kakaiyak'' nagtatawang panunudyo nito. Masuyong hinalikan sa labi si Katrina at dahan dahang inihiga sa kama. ''Babayaran ko nalang ang mga luhang nasayang,'' pilyong sabi pa nito. Kinikilig na nagparaya naman si Katrina. "Marami yon. Mga isang timba siguro." "eh di, habang buhay kong babayaran sasamahan ko pa ng intires." Nang muli siyang halikan ni Bryan ay ginantihan niya ito ng buong puso. --- MAGKAYAKAP si Katrina at Bryan sa ibabaw ng kama habang pareho parin walang saplot ang mga katawan. Masaya sila at nalampasan na nila ang matinding unos sa buhay nila at naniniwala silang malalampasan pa ang kung ano mang darating pa bastat magkasama sila. ''Bry, paano mong nalaman ang tungkol sa baby natin?'' tanong ni Katrina. ''Tinawagan ako ni Sabrina. Tinanong niya sa akin kung may namamagitan daw ba sa atin dalawa. Noong una ay akala ko inuusyuso lang niya ang buhay ko. Alam mo naman si Sab, feeling niyon nanay namin siya kung makaakto minsan. Pero noong kwenento niya sa akin ang naging pagkikita niyo at kung paano mo naubos ang tatlong order ng Black Forest cake at malaking basong hot chocolate milk...at sigurado daw siya na umiiyak ka noong nagmamadali kang umalis matapos niyang maekwento sayo na magkasama kami ni Ylona sa Blue Eyed Pub. Tapos tinawagan ko si Tamara para kompermahin ang hinala ni Sabrina. Hindi nga lang ako makaalis agad sa site dahil tamang naroon ang may-ari ng subdivision na ginagawa namin sa kabilang bayan. ''Buti pala hindi nagalit si Nanay sayo?'' ''Nagalit kaya. Natakot nga ako eh kaya todo ako sa paghingi ng tawad. Tapos naawa siguro sa akin kaya pinatawad ako at sa kondisyon na magpapakasal tayo next week agad-agad. Kahit daw hindi bongga basta makasal tayo sa lalong madaling panahon.'' ''Baka naman umiyak ka kaya naawa sayo...'' ''Hmm konti," amin nito. "Pinag-alala mo kaya ako! Huwag mo nang uulitin iyon ha halos paliparin ko iyong pick up sa pag-aalala sayo kanina,'' masuyo nitong hinalikan sa mga labi si Katrina. "Sabihin mo muna ulit na mahal mo ako," paglalambing niya dito. "I love you, I love you, I love you so much, forever!" "I love you too!" *** WAKAS ***

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD