Chapter 5

2104 Words
NASA sala si Katrina naka higa sa mahabang sofa habang nakabukas naman ang telebisyon sa paboriton niyang estasyon. Nakabihis rin siya ng pantulog at matutulog na sana siya ngunit hindi siya dalawin ng antok kaya naman nagdesisyon siyang manood nalang ng pilikula at baka sakaling dalawin rin siya ng antok. Nakatutok nga ang paningin niya sa screan ng telebisyon ngunit wala naman siyang maintindihan sa pinanunuod. Paano ba naman ay paulit-ulit na bumabalik sa isip ang napag usapan nila ng Inay niya. Hindi niya maintindihan kung bakit may bahagi ng puso niya na tumututol sa ideyang may plano na ngang mag-asawa si Bryan. Bakit parang nasasaktan siya sa isiping iyon. A hindi niya talaga maintindihan ang sariling damdamin. Diba dapat nga niyang ikatuwa iyon dahil magiging mas madalang nalang niya itong makita at syempre pa wala na rin siyang kakailangan sa bahay na iyon. Baga man at wala naman siyang nagiging problema sa pagtira niya doon ay ilag parin talaga siya kay Bryan. Paano ba ay pakiramdam niya ay matutunaw siya kahit sa mga simpling sulyap at mga bibihirang pagkakataon na nagkakalapit sila na normal lang naman dahil nasa iisa silang bahay. Sinusubukan niyang magfocus sa pinanunuod ng bigla naman niyang marinig ang pagbubukas ng pinto at iniluwa ang kanina ay laman lang ng kanyang isip. Nasa sobrang lalim yata siya ng kanyang pag-iisip at hindi manlang niya namalayan ang pagbubukas ng gate at ang pagpasok ng sasakyan nito. Tumayo siya nang mapansin na marami itong bitbit na mga plastik bag na may tatak ng kilalang grocery store. Tutulongan niya sana ito sa pagbubuhat ngunit tumanggi ito at kaya naman daw nito iyon. Sumunod nalang siya dito sa kusina para tulungan ito sa pag-aayos ng mga pinamili. Naka tatlong balik pa ito sa sasakyan bago naipasok lahat ng mga pinamili. Nalulula naman si Katrina sa nakikitang dami ng mga plastik bag at lahat ay may lamang grocery. ''Mag pyesta na ba dito at ganito karami itong mga pinamili mo?" hindi niya  napigilang itanong dito. Sigurado siyang hindi nito birthday dahil alam niya and petsa ng birthday nito dahil palagi siyang isinasama ni Tamara kapagbumibili ito ng regalo sa birthday ng kuya nito. Hindi rin naman birthday ni Tamara dahil tapos na iyon noong nakarang na buwan pa iyon. ''Napansin ko kasi na ikaw na nga ang nagluluto ay ikaw pa ang bumibili ng pagkain natin. Kaso hindi ko naman alam kung ano ang mga kailangan mo sa pagluluto kaya binili ko nalang ang sa tingin ko ay kailangan mo.'' Hindi niya naiwasan ang mapataas ng kilay. Parang ang ganda kasi ng mood nito at hindi nakalukot ang noo. At parang kay bait naman nito sa kanya ngayon. ''Okay lang naman iyon sa akin. Tulong ko narin sa mga gastosin dito sa bahay." "Hindi naman kita inuobliga na magbigay ng share mo dito. Isa pa alam ko na nag-iipon ka para sa pag-aaral ng kapatid mo. Kaya kung may mga kailangan kang bilhin para sa mga kailangan dito sa bahay ay sabihin mo lang sa akin." "Sige," wika nalang niya. Tumulong na rin siya sa pag-aayos ng mga pinamili nito. "Sobrang dami naman ng mga ito. Hindi natin to mauubos at baka masira lang ang iba sayang naman,' 'kumento niya. Isa isang binububuksan at inilalabas ni Katrina ang mga laman ng plastic bag. "Grabe ang mahal pa ng mga prutas at gulay na 'to samantalang wala pa sa kalahati ang presyo nito kapag sa palengke ka bumili.'' ''Hindi ko alam mamalengke kaya sa grocery ako pumunta. Saka kapag nakikita ko kung gaano karaming langaw ang dumadapo sa mga nakadisplay na karne sa palengke ay parang nakakawala ng ganang kumain,'' si Bryan habang nagsasalin ng tubig sa baso. Mukhang napagod ito sa ginawang paglilipat ng grocery store sa bahay ng mga ito. Sa dami ba naman ng mga pinamili nito ay mas mukhang magtatayo ito ng sari sari store sa loob ng bahay nila. "Sabagay may point ka rin naman. Pero ang ibang mga gulay at prutas ay mas fresh na mabibili sa palengke. Mas mura din at malaking tulong din iyon sa maliliit na magsasaka. Kaya ako mas gusto kong sa palenke namimili ng gulay dahil para kahit papano ay nakakatulong din ako sa katulad naming mahihirap." Tinitigan siya ni Bryan na para bang may sinabi siyang out of this world. "Bakit? May sinabi ba akong masama?" puna niya dito. "Huh? Wala, wala... Hindi ko lang alam na ganyan ka pala mag-isip at may concern sa iba." "Ikaw lang naman ang hindi nakakakita ng maganda sa akin eh," bulong niya. "Anong sabi mo?" "Wala. Sabi ko lang grabe ang mamahal nitong mga gualay. Sana sinabi mo sa akin para ako nalang ang namili pagkatapos ng duty ko sa ospital. ''Umuwi ako rito kanina wala ka naman at tinatawagan kita kanina pero nakapatay yata ang cellphone mo. Dapat kasi hindi ka nalang nag-cellphone kung nakapatay din naman pala.'' ''Low bat ang cellphone ko kanina at ngayon lang na charge. Binisita ko rin sila Nanay pagkatapos ng duty ko,'' mabilis na paliwanag niya. Nagsasalubong nanaman kasi ang makakapal na kilay nito na para bang krimen ang nagawa niya dahil nakapatay ang cellphone niya at hindi niya nasagot ang tawag nito. ''Kumain ka na ba? May pinadalang seafood curry si Nanay. Gusto mong initin ko?'' ''Sige, pero maliligo muna ako.'' Tumatikod na ito papunta sa sariling silid. Naayos na ni Katrina ang mga grocery na kailangan ipasok sa refrigerator at kailangan nalang niya ayusin ang mga kung anu-anong delata at plastik ng mga sangkap sa pagluluto na hindi niya alam kung paano pagkakasyahin sa kabinet sa kusina. Hinarap niya muna ang paghahain sa mesa ng pagkain. Nainit niya na rin ang ulam sa oven. Nang bumalik si Bryan sa kusina ay naka ligo na ito at nakabihis na rin ng puting T- shirt na hapit sa katawan at pinarisan ng abuhing Knit pant. Napaka fresh nito tingnan at naaamoy pa ni Katrina ang sabong pampaligo na ginamit nito. Napakadelicious nitong tingnan at napakagwapo rin. ''Hindi ka ba kakain?'' tanong nito ng mapansin na isang pinggan lang ang nakalatag sa mesa. Naupo na rin ito at nagsandok ng pagkain. ''Kumain na ako sa bahay kanina at namimiss ko na ring kasabay kumain sila nanay.'' Pasimpling sinusulyapan ni Katrina si Bryan habang naka upo ito at kumakain. Ngayon niya lang napansin na bagong gupit pala ang tuwid nitong buhok, bumagay dito ang under cut na gupit taliwas sa may katamtamang habang buhok nito noon mas bumata itong tingnan sa bagong hair style. Malinis tingnan ang bagong ahit na mukha. May katamtamang kapal ang mga kilay nito na bumagay naman sa chinitong mga mata. Maganda rin ang pagkakatangos ng ilong nito, bagay na bagay sa maliit nitong mukha na may katamtamang laki ng panga na nagpapalakas ng s*x appeal nito. Mamulamula ang maninipis na labi. Pakiramdam ni Katrina ay parang kinaiinggitan niya ang bawat pagsayad ng kutsara sa bibig nito sa bawat pagsubo ng pagkain. Nahiling niya tuloy na sana naging kutsara nalang siya. Ngayon lang din niya napansin na kahawig pala nito si Go Soo. Ang koreanong bida sa pinapanood niyang kdrama na  may pamagat na "Marrying a Millionaire". Hindi niya tuloy naiwasang pangarapin na siya naman daw ang leading lady nito na si Kim Hyun Joo. Naaalala niya tuloy na minsan niya na itong naging crush at iyon ay noong teenager palang sila ni Tamara. Mayroon nga siyang larawan nito na nakatago sa wallet niya. Kuha ito noong labing pitong taon gulang ang binata. Nakangiti ito na para bang kapag tinititiga niya ang larawan ay siya ang nginingitian nito. Nakuha niya iyon noong minsan isinama siya ni Tamara sa bahay ng mga ito at naghahanap sila ng larawan na ilalagay sa family tree na project yata nito sa isang subject. Pasimple niya iyong inilagay sa bulsa.Tingin niya noon ay ito na ang pinaka poging lalaking nakilala niya. Ngunit noon iyon noong hindi pa ito unti unting tinutubuan ng sungay sa paningin niya. Sa katunayan nga ay nilagyan niya pa ng dalawang sungay ang larawan nito sa my bandang noo dahil sa inis niya sa lalaki. Sinungitan kasi siya nito noong minsan tinawag niya itong Kuya Bryan. Para sa kanya ay pagbibigay galang iyon dahil Kuya ito ng best friend niya at di hamak na matanda ito sa kanya ng limang taon. ''Wag mo nga akong tawaging kuya at hindi kita kapatid hindi rin naman kita kaano-anu para tawagin mo akong Kuya,'' pagsusungit nito sa kanya. ''E di wag... hindi rin naman kita gusto maging kuya. Feeling naman nito... '' nakalabi niyang tinalikuran ito. Mula noon ay aswang nalang ang tawag niya rito lalo kapag hindi nito naririnig. ''May dumi ba ako sa mukha?'' untag ni Bryan kay Katrina, ikinaway pa nito ang kamay para kunin ang attention niya. ''H-huh?'' ''Kako kung may dumi ba ako sa mukha at kanina ko pa napapansin na tinititigan mo ako.'' ''W-Wala naman. Napansin ko lang na mas bagay sayo ang ganyang gupit, bumata ka tingnan.'' ''Bata pa nga kasi ako.'' Sinamahan pa nito ng ngiti ang sinabi na pakiramdam ni Katrina ay nalaglag yata ang puso niya sa ngiting iyon ng binata. Kay ganda ng mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. ''Wala naman din akong sinabi na matanda kana. Ang sabi ko...mas bata ka tingnan ngayon. Saka mas dalasan mo pa ang pag-ngiti mas bagay sayo.'' Dagdag pa ni Katrina. Mukhang nasa mood ata si Bryan at nginingitian pa siya nito ngayon. "Noong nakaraan lang ay tinawag mo akong matanda," engos nito sa kanya. "Hahaha. Kaya ka nagpagupit noh?" panunukso niya dito. Hindi siya nito sinagot at nagpatuloy lang ito sa pagkain. "Alam mo mas cute ka kapag nasa mood ka. Dapat ganyan ka lang lagi."    ''Ayaw ko nga!'' ''Huh? Bakit naman?'' ''Baka ma inl-ove ka pa sa akin. Aba mahirap na baka lagyan mo pa ng gayuma ang mga niluluto mo,'' pang-iinis naman nito sa kanya.   "Wow. Ang kapal. Grabe! Bilib din naman ako sa yabang mo no?'' ''Hindi yabang yon. Nagsasabi lang ako ng totoo.'' Nagpatuloy ang masayang gabi ni Katrina. Paano ba ay mukhang okay na sila ni Bryan. Nakukuha pa nitong ngitian at makipabiruan sa kanya na hindi pa nangyayari noon. Tinulungan din siya nito sa pag aayos at paglagay ng mga grocery sa kabinet. Magkatulong din sila sa pagliligpit ng mga kalat sa kusina Pagkatapos na mailigpit ang kalat sa kusina ay tumabi pa ito sa kanya sa mahabang sofa sa sala habang nanunuod ng comedy na pelikula ni Vice ganda na ''Girl Boy Bakla Tumboy''. Sabay pa silang nagkakatawanan sa tuwing may nakakatawang eksena sa pinanunuod. Nahihiwagaan talaga siya sa lalaking katabi. Bakit ba ay kung maka akto ito ngayon ay parang close na close sila. Samantalang dati rati ay mas madalas silang nagbabangayan kaysa nag-uusap ng matino. Hindi rin niya akalain na makikitawa ito sa kanya sa mga corning jokes ni Vice Ganda. ''Abahhh.... at kailan pa nagdeklara ng world peace sa bahay na ito?'' si Tamara na kadarating lang. Gulat na gulat ito sa nabungarang tagpo sa pagitan ng nakatatandang kapatid at matalik na kaibigan. Nginitian lang ito ni Katrina at nagkibit ng balikat bilang tugon sa kaibigan. Hinarap naman ni Tamara ang kapatid. ''Kuya may lagnat ka ba?'' Kinapa pa nito ang noo I Bryan. ''Mukhang normal ka naman kuya.'' Pahayag pa nito matapos kapain ang noo ng kapatid at normal naman ang temperatura nito. Mula kasi ng mamatay ang mga magulang nila ay bihira nalang ni Tamara makitang nakangiti ang kapatid sa tuwina ay seryoso ito. Lalong hindi pa nangyayaring makita niyang nagkakasundo ito at ang matalik niyang kaibigan. ''Tigilan mo nga ako Tamara...'' saway ni Bryan sa kapatid. ''At hindi ba at sinabi ko na sa iyong hindi ako natutuwa at pang gabi iyang duty mo sa ospital. Sinabihan na kita na magpalipat ka sa pang araw,'' panita pa nito sa kapatid. ''Kuya, hindi naman ako ang masusunod noh. Saka nasanay na ako sa pang gabing pasok at nagugustohan ko na rin na pang gabi ako kasi sa pang araw kung hindi sobrang init ay umuulan naman. Saka sino ba ang kaibigan ng may-ari...diba ikaw? E di kausapin mo ang mayabang mong kaibigan na ipalipat kamu ako sa pang araw.'' tukoy nito sa kaibigan ni Bryan na si Dr. Nathan S. Ocampo. Isa itong cardiologist at anak ng isa sa may-ari ng St. Mary Hospital. ''Ayaw ko nga at may palagay ako na may kinalaman ang isang iyon sa pagkakalagay mo sa pang gabi. Nananadya yata ang isang iyon at sinusubukan ang pasensiya ko.'' si Bryan na mas ang sarili ang kinakausap dahil hindi naman maintindihan ni Tamara ang ibig nitong sabihin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD