Chapter 4

1638 Words
KATATAPOS lang ng duty niya sa ospital at naisipan ni Katrina na bisitahin ang ina at ang kapatid. Dinalhan narin niya ito ng vitamins at mga gamot nito kapag sinusumpong ang rayuma. ''Kamusta si Tamara anak? Medyo matagal tagal na rin mula noong huli siyang pumarito," tanong ng nanay niya sa kanya habang abala ito sa tinutuhog na bagong lutong banana cue. Maglalabasan na ang mga estudyante dahil mag aalas kwatro nang hapon at kapag ganoon ay mabinta parin ang mga kakaning paninda ng Nanay niya. ''Okay naman si Tamara Nay. Magkaiba kasi ang eschedule namin sa ospital kaya hindi yon makasama sa akin papunta rito. Namimiss na nga daw niya kayo at syempre ang mga luto niyo.'' ''Namimiss ko na din ang batang iyon at matagal na din na walang nanggugulo sa akin sa kusina at laging gustong siya ang nauunang tumikim sa mga paninda ko. '' ''Hayaan niyo po Nay at ikakamusta kita sa kanya. Tsaka huwag kang mag-alala dahil matitikman niya parin iyang mga luto mo dahil nagbilin sa akin na uwian ko daw siya ng mga luto niyong ulam at kakanin," nakangiti niyang wika sa ina. "Abay tamang-tama at may itinabi akong sea food curry diyan ipapahatid ko sana kay Erwin sa in eh total nandito ka naman ay ikaw na ang magdala. Sabihin mo kay Tamara at dalawin akong minsan at ipagluluto ko kamo siya ng paborito niyang kalderetang baka. Nako siguradong mapapadami na naman ang kain niyon...'' ''Sige po pero dito po ako maghahaponan para makasabay ko naman kayo ni Erwin sa pagkain." ''Abay maigi at namimiss kana rin ng kapatid mo at isa pa may kailangan daw siya sayo.'' ''Dala ko na ang kailangan noon saakin Nay,'' nakangiting itinuro niya ang may katamtamang laking paper bag na may nakasulat na kilalang brand ng cellphone. Matagal na siyang inuungutan ng kapatid ng cellphone daw na may kamera at gusto makiuso. Ito nalang daw ang hindi updated sa social media at napag-iiwaa na daw ito ng mga kaibigan at mga kaklase. Paano ba naman ay tama lang na pantext at pantawag ang gamit nitong cellphone kaya hindi talaga magagamit sa kung ano anong mga social media apps na kinahihiligan ng mga kabataan ngayon. ''Kahit kailan talaga ay bigay hilig ka diyan sa kapatid mo. Hindi ba at kailan lang ay ibinili mo palang iyon ng bagong sapatos? Baka naman ay wala ka manlang tinitira para sa sarili at inaabot mo pa sa akin ang kalahati ng sahod mo.'' ''Mayroon naman po akong ipon at wala naman po akong pinagkakagastusan. Alam niyo namang hindi ako magastos at bumibili ng kung anu-ano at ngayon lang din naman po iyan dahil usapan na namin ni Erwin na kailangan na natin magtipid para sa susunod na pasukan.'' Engineering din ang gustong kurso ni Erwin. Sa sobra atang bilib nito kay Bryan ay pati na ang pagiging Engineer ay gusto na rin nito. Kung sila ni Bryan ay parang aso at pusa, si Erwin naman ay sobrang dikit dito. Animo nakahanap ng nakatatandang kapatid na lalaki si Erwin sa kataohan ni Bryan at ganoon naman si Bryan dito. At dahil nga sa pagiging dikit ng dalawa ay nagiging idolo na ito ng kapatid niya at gusto narin maging engineer. Mahal at magastos ang kursong gusto ng kapatid ngunit ayaw naman nilang pigilan ito sa pangarap nitong maging Engineer. Hanggang makakaya niya ay susuporta siya dito basta ba at hindi nito sasayangin at mag-aaral ito ng mabuti. Kaya naman ngayon palang ay tudo kayod na siya para may maipangtutustos sila sa pangarap ng kapatid niya. ''Kamusta naman nga pala si Bryan anak? Hindi ka ba naman nahihirapan makisama?'' Alam ng Nanay niya na medyo hindi sila magkasundo ng kuya ng bestfriend niya. Kaya naman ng ipaalam niya dito na inaalok siya ni Tamara na sa bahay nalang ng mga ito tumira ay nag-alangan itong payagan siya. Baka raw mahirapan lang siyang makisama sa kuya ni Tamara. Ngunit pumayag din ito sa huli. Mainam na daw na kilala nila ang titirahan niya at dilikado na daw ang panahon ngayon at baka mapahamak pa siya kung mangungupahan siya mapalapit lang sa pinagtatrabahuan. Hindi rin naman nito gusto na nag-uuwian siya sa kanila maliban sa malayo ang biyahe mas delikado pa daw sa daan lalo kung gagabihin siya ng uwi. At least daw ay maytiwala ito sa magkapatid na makasama niya ng tirahan. Baga man daw at hindi sila close ni Bryan at madalas pa magbangayan noon na parang aso at pusa ay mabait naman ito at mapagkakatiwalaan. Lalong walang problema kay Tamara dahil pamilya na ang turing nito sa pamilya niya at myembro din ito ng pamilya nila kung iturin nila. ''Busy po yon lagi sa trabaho at sa pinapatayo niyang bahay kaya naman minsan lang kami magpang abot sa bahay nila,'' sagot niya sa ina. ''Nagpapatayo ng sariling bahay ba kamu?'' ''Opo Nay, doon sa nabili niyang lupa sa San Vicente. Iyong pinuntahan namin minsan ni Tamara para mag swimming. Pinapatayuan niya na ngayon ng bahay.'' Ibinaba muna ni Katrina ang stick ng banana cue na kinakain at nagsalin ng Palamig na Gulaman sa baso. Namiss niya talaga ang meryenda na gawa ng nanay niya at para sa kanya ay the best ang mga iyon dahil ang Nanay niya ang nag luto. ''Mag-aasawa na ba si Bryan at nagpapagawa na ng sariling bahay?'' Nahinto sa ere ang iinumin sanang palamig ng marinig ang tanong ng Inay niya. Bakit ba ay parang may biglang kumurot sa puso niya sa isiping mag-aasawa na si Bryan kaya ba ito nagpapatayo na ng sariling bahay dahil may balak nang mag-asawa? Pero  ano naman sa kaya kung may plano na pala itong mag asawa. Natural lang iyon dahil binata ito at nasa tamang estado na sa buhay para bumuo na ng sariling pamilya. Pero bakit parang hindi niya nagugustohan ang ideyang iyon? ''Bakit hindi kana kumibo diyan? Kako ay mag-aasawa na nga ba si Bryan?'' pag-uulit na tanong ng ina nang walang makuhang sagot mula sa kaya. ''H-Hindi ko po alam Nay wala naman nababanggit si Tamara sa akin. Pero ang alam ko ay my girlfriend iyon ngayon.'' ''Hindi na ako magtataka kung isa sa mga araw na ito ay mag-asawa na nga ang batang iyon. Aba ay na sa hustong gulang na ito at maayos ang kabuhayan. At sa tingin ko naman ay hindi tututol si Tamara kung mag-aasawa na ang kuya nito.'' ''Matutuwa pa yon Nay kung mag-aasawa na ang Kuya Bryan niya. Wala nang maghihigpit sa kanya at baka nga magpaparty pa iyon.'' ''Ka swerti naman ng mapapangasawa ni Bryan. '' ''Bakit niyo naman po nasabing swerte? Malas kamu pagbibiro niya sa ina.'' ''Ano naman ang malas kung isang katulad ni Bryan ang mapapangasawa. Aba ay napaka responsabling bata niyang si Bryan. Kita mo naman kung paano magprotekta at mag alaga sa kapatid. Kung pagbabasihan ang pag-aaruga nito sa kapatid ay masasabi kung magiging mabuting haligi ng tahanan ang batang iyon sa magiging pamilya niya.'' ''Nako Nay sa suplado at estrikto ni Bryan baka makunsumi ang mapapangasawa noon at magrebelde ang mga magiging anak niyon.'' ''Sa tingin ko naman ay tama lang naman na estrikto siya sa kapatid. Kita mo nga at nakatapos si Tamara ng walang naging problema. Iwan ko nga kung bakit hindi kayo magkasundo at mukhang ikaw lang naman ang nagsasabing suplado si Bryan. Abay nakikita ko naman na pala bati siya at pala ngiti. Noong nag-aaral pa kayo ni Tamara at hatid sundo niya ang kapatid at minsan ay dito siya tumatambay noon. Pala kaibigan naman siya sa mga bumabati sa kanya. Magkasundo rin naman sila ng kapatid mo at magalang naman siya sa akin. Naalala niya na madalas nga noon tumatambay si Bryan sa tindahan nila habang hinihintay si Tamara. Minsan pa nga ay naaabutan niyang matiyaga nitong tinuturuan ang kapatid sa mga assignments nito sa mathematics. ''Iwan ko ba doon sa lalaking iyon Nay at maiinit lang talaga ang dugo noon sa akin.'' ''E kasi ba naman sinusupladahan mo rin naman siya noon.'' ''Kasi nga Nay suplado rin naman siya saakin.'' Pangangatwiran ni Katrina sa trato niya sa binata noon. ''Alam mo anak kung katulad ni Bryan ang mapapangasawa mo, aba ay talagang ikatutuwa ko,'' parang na ngangap pa nitong sabi. Kulang nalang ay deretsong sabihin nito sa kanya na si Bryan ang gusto nitong makatuloyan niya. ''Bakit naman Nay napunta sa akin ang usapan? Saka hindi pa ako pwede mag-asawa. Nag-aaral pa si Erwin saka nalang iyon at wala pa sa isip ko ang bagay na iyan at bakit naman kailangan pang katulad ni Bryan?'' ''Hindi ko naman sinabi na mag-asawa kana. Syempre ay ikinatutuwa ko na ganyan ka mag-isip para sa kapatid mo pero hindi ko naman sinabi na bawal ka magka boyfriend. Maganda rin iyong matagal mo na kilala ang mapapangasawa mo para kilala niyo na talaga ang isat-isa bago kayo magpakasal. Kung hindi nga lang kayo parang aso at pusa ni Bryan buto talaga ako sa batang iyon na maging manugang.'' Natawa nalang si Katrina. Sinasabi na ngaba niya at doon papunta ang mga salita nito eh. Marami pang paligoy-ligoy eh sa biglang liko din naman ang tuloy. ''Hayaan mo Nay at manghuhunting ako sa mga binatang Doctor sa Ospital para libre narin ang pagpapacheck up niyo at wag niyo nalang pangarapin ang aswang na yon na maging manugang at hindi mangyayari iyon,'' pabirong sagot niya sa ina. Ngayon niya lang ito hayagang nakaringgan na gusto nitong maging manugang si Brayan baga man at alam niya na malaki ang paghanga nito sa binata dahil sa pagiging responsable nito sa kapatid. ''Para sa akin ay kahit sino ang piliin niyong mapangasa basta ba at mahal niyo ay hindi ako tutol at may tiwala naman ako sa inyong magkapatid sa pagpili ng magiging katuwang niyo sa buhay,'' pagtatapos ng Inay niya sa usapan nila. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD