Chapter 13: New Life, New Problem?

1460 Words
Nakangiti habang pinagmamasdan ko ang mga batang naglalaro sa playground. Parang nakakawala ng stress at pagod kapag ganito ang mga nakikita mo. 'Yong tawa at ngiti nila na nagpapasaya at bumubuo ng araw mo. After ng mga ilang oras na paglilinis sa bahay, dito ko naisipang pumunta para makapag-relax at makapag-enjoy naman kahit papa'no. Sinusulit ko na lang ang day-off ko kasi bukas may pasok na ulit sa trabaho at for sure nakakapagod na naman 'yan. Pero kinakaya ko naman para sa kinabukasan ng pamilya ko. "Heto na ang ice cream, Thena," nakangiting sambit ni Vanessa sabay abot sa'kin ng isang cone ng ice cream. Kinuha ko naman kaagad ito at nagpasalamat sa kan'ya. "Salamat, akala ko pa naman balot ang bibilhin mo," sabi ko. "Eh, wala pang nagtitinda baka mamayang hapon pa 'yon," aniya. Bigla siyang huminto at tumingin sa'kin nang may pang-aasar. Ano na naman kaya ang iniisip niya? "Don't tell me .. buntis ka ba?" Tanong niya na ikinagulat ko. "Anong buntis ka d'yan? G-Gusto ko lang kumain niyon," agap ko at umiwas ng tingin sa kan'ya. Akala siguro niya naglilihi ako, eh hindi naman ako buntis. Loka talaga itong kaibigan ko, kung anu-ano ang iniisip. "Hehe, sorry naman, nagbibiro lang ako. Alam ko namang hindi ka buntis kasi wala ka namang jowa," pang-aasar niya. Napatingin tuloy ako ng masama sa kan'ya pero tinawanan niya lang ako. Ipamukha ba naman sa'kin na wala ako niyon. Ang sama talaga. Kinain ko na lang ang icecream na binigay niya at napatingin na ulit sa mga bata. "Ang bilis ng panahon, 'no? Parang kailan lang tayo nagtapos sa kolehiyo tapos ngayon may mga trabaho na tayo. May kan'ya-kan'ya nang pinagkakaabalahan sa buhay," aniya. Bigla akong napaisip sa sinabi nito. Tama nga siya, ang bilis lang ng panahon. Walong taon na ang nakalipas simula no'ng umalis ako papuntang Bukidnon para doon muna tumira. Hindi ko ine-expect na nandito na 'ko sa posisyong 'to kung saan may binubuhay na pamilya. Bumaling siya sa akin at maliit na ngumiti pero mababakas ang lungkot sa mukha niya. "Katulad mo, ngayon may anak ka na tapos may sarili na ring trabaho. Maganda na ang buhay mo at unti-unti ka nang umaangat. Hindi tulad noon na sobrang naghihirap ka sa buhay at maraming nanghuhusga sa'yo. Alam mo ba na, sobrang proud ako sa'yo kasi nalagpasan mo 'yon lahat." Napangiti ako dahil sa mga sinabi niya pero hindi ko napigilan ang malungkot nang maalala ko lahat ng mga nangyari sa'kin noon. Hindi ako makapaniwala na nalagpasan ko 'yon lahat at nagpapasalamat din ako sa sarili ko kasi hindi ako sumuko, at hindi ako nagpatalo sa mga taong nanghuhusga sa akin noon. "Hindi ko naman magagawa 'yon kung hindi dahil sa tulong ninyo. Kaya salamat, Van .. kasi hindi mo 'ko iniwanan," sabi ko na nagpaiyak sa kan'ya. "Naman eh .. pinaiyak mo 'ko pero .. wala 'yon, hindi mo kailangang magpasalamat kasi gawain 'yon ng isang tunay na kaibigan. Kahit ano man ang mangyari, hindi kita iiwanan .. promise 'yan," lumuluhang sambit niya at niyakap ako ng mahigpit. No'ng umalis ako para magpakalayo-layo, sa Bukidnon ako napunta, sa probinsya kung saan nakatira ang papa ko. Kahit nagkahiwalay sila ni mama noon, hindi naman siya tumigil sa pagsusuporta sa akin. Mga isang linggo na akong nandoon, nagulat ako na biglang dumating si Vanessa na may dalang malaking maleta. Hindi ko inaasahan na dadating siya kasi buong akala ko noon busy siya sa pagre-review. At nalaman ko na lang na huminto siya sa pag-aaral para sabay raw kami magtapos. Umiyak talaga ako no'n pagkatapos niyang sabihin 'yon. Hindi ko akalain na magagawa niya 'yon para sa'kin at matupad lang 'yong pinangarap naming dalawa. No'ng nanganak na 'ko pagkalipas ng dalawang buwan, ipinagpatuloy na naming dalawa ang pag-aaral namin at sabay na tinupad ang pangarap namin sa isa't isa. "Hays, basta walang iwanan .. okay?" Tumango ako bilang sagot sa kan'ya at muli siyang niyakap. "By the way, nasaan na ang anak mo?" Tanong niya, napasinghap ako at kaagad na nilibot ang paningin ko. Diyos ko po! Sa'n na nagpunta ang anak ko?! Napatayo na 'ko at lumapit sa mga batang naglalaro sa swing. Nandito lang siya kanina bago dumating si Vanessa. "Aaron! Aaron!" Sigaw ko habang nakatingin sa paligid. Nag-aalala na 'ko, hindi naman umaalis 'yon nang hindi nagpapaalam sa'kin. Masisiraan ako ng bait kapag may mangyaring masama sa anak ko. "Mommy!" Kaagad akong napalingon nang marinig ko ang boses ng anak ko. Nakangiti ito habang tumatakbo papunta sa direksiyon ko. Pero bigla akong nagtaka kasi may hawak siyang bagong laruan. Sinakop ng kaba ang puso ko. Sino ang nagbigay sa kan'ya ng gan'yan? "Anak, saan ka naman nagpunta? Pinag-alala mo kami ng ninang Vanessa mo," salubong ko sa kan'ya. Biglang nagbago ang ekspresiyon ng mukha niya, napalitan ito ng lungkot. "Sorry po, mommy .. hindi ko na po uulitin," malungkot na sambit niya. Parang piniga ang puso ko, ayokong nakikita siyang ganito ka lungkot. "Huwag ka nang mag-sorry, okay? Basta sa susunod magpaalam ka muna kay mommy." Tumango siya bilang sagot at kaagad akong niyakap. "Sumunod ka sa sinasabi ng mommy mo, okay?" Wika ni Vanessa matapos siyang yakapin ni Aaron. "Opo, ninang .. sorry po," paumanhin niya. Umupo ako para magpantay ang tangkad naming dalawa. Hindi na 'ko mapakali, gusto ko na siyang tanungin tungkol sa hawak niyang laruan. "Nak, sino ang nagbigay sa'yo niyan?" Tanong ko habang nakatingin sa laruan. "Ito mommy .. binigay po 'to ng lalaki sa'kin," sagot niya na ikinagulat ko. "Sinong lalaki? Hindi ba sabi ko sa'yo na huwag kang lalapit sa kahit na sino kapag hindi mo kilala," mahinahon na sambit ko. "Lalo na, huwag kang tatanggap ng kahit na ano sa kung sino man," dugtong ko. "Pero mommy kilala po niya 'ko," aniya na mas lalo kong ikinagulat. Nagkatinginan kaming dalawa ni Vanessa dahil sa sinabi niya. Bigla akong kinabahan pero sana mali ako ng iniisip. "Tinawag niya po ako kanina .. hindi naman po sana ako lalapit kaso sabi po niya may ibibigay lang daw po siya. At ito po 'yong binigay niya pagkatapos po umalis na siya." "Tinanong mo ba kung ano ang pangalan niya?" Tanong ni Vanessa, umiling naman bilang sagot si Aaron. "Hindi po niya sinabi, ninang. Pero magkakilala raw po sila ni mommy," sagot ng anak ko bago siya tumingin sa akin. Natahimik ako, hindi ko alam kung ano ang isasagot. Gulat pa rin ako dahil sa mga sinabi niya at ayoko na magtaka siya kapag nagtanong pa 'ko ulit "Sino naman kaya ang lalaking 'yon?" Nagtataka na tanong ni Vanessa. "Wala rin akong ideya kung sino 'yon pero sana huwag na siya ulit magpakita sa anak ko," tugon ko. Kakauwi lang namin dito sa bahay. Pagkatapos ng nangyari doon sa park, inaya ko na silang umuwi at buti na lang sumunod naman kaagad si Aaron. Pero nangako ako sa kan'ya na babalik kami ulit do'n kapag wala akong trabaho. "What if ..." Napahinto siya at napatingin sa akin. Parang alam ko kung ano ang iniisip niya. "Imposibleng mangyari 'yon," sabi ko. "Oo nga alam ko naman, malabo na siya 'yon pero kasi 'di ba kilala niya si Aaron? Eh, bukod sa amin wala naman ng ibang nakakaalam na may anak ka," aniya. Tama siya pero hindi naman kami magkakilala niyon. At wala akong pakialam kung kilala niya 'ko, ang gusto ko lang ay lubayan niya ang anak ko. "What if nga .. ang t-tatay niya 'yong nagbigay sa kan'ya nung laruan?" Uminit bigla ang ulo ko kapag binabanggit sa usapan ang lalaking 'yon. Ayoko na siyang maalala pero nasasali talaga siya sa usapan kapag may nangyayari sa anak ko. "Ano ang gagawin mo?" "Ilalayo mula sa kan'ya ang anak ko." 'Yon lang ang naisip kong paraan para hindi na siya makita ng anak ko kung siya man talaga 'yon. Ayoko na makilala siya ng anak ko, hindi ako makakapayag. "May ibang nakaalam kaya tungkol sa anak mo bukod sa amin ng pamilya mo?" Nagtataka na tanong ni Vanessa. 'Yon din ang iniisip ko pero sana wala kasi ayoko na maging magulo ang buhay ng anak ko. Ayoko siyang madamay sa kasalanan ko noon. "Kailangan mong magdoble ingat para sa kaligtasan ng anak mo, ngayon pa na may umaaligid sa kan'ya. Hindi naman tayo sigurado kung siya nga 'yon pero kailangan pa ring mag-ingat. Baka sa susunod masamang tao na ang lalapit sa anak mo." Kinabahan ako sa sinabi niya pero naging babala sa akin 'yon. Akala ko pa naman kapag nakabalik na kami rito sa Maynila, aayos na ang buhay naming mag-ina pero hindi pa rin pala. Parang bumalik lang sa dati kong buhay na may mga tao pa rin na balak akong husgahan at idamay ang anak ko. Hays, ano ang gagawin ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD