Chapter 11: The Decision

1437 Words
"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" Tanong ni Vanessa nang papasok na kami sa entrance ng school. Tumango ako bilang sagot at maliit na ngumiti sa kan'ya. "Tama na rin 'yon para maka-focus ako sa pag-aalaga sa magiging anak ko," sabi ko. Balak kong tumigil sa pag-aaral. Pagkatapos ng mga nangyari sa'kin mas pinili ko ang magpahinga muna at umiwas sa mga taong balak lamang na husgahan at insultuhin ako. Lalo na ngayon na buntis ako, kailangan kong mag-ingat at alagaan ng husto ang sarili ko. "Pero p'wede ka pa namang mag-aral habang buntis ka tutal maliit pa naman ang tiyan mo," aniya. "Alam ko pero alam mo naman na maselan ang pagbubuntis ko, 'di ba? Kaunting stress lang maaaring mawala sa'kin ang baby ko at ayokong mangyari 'yon. Ayoko mang tumigil sa pag-aaral pero kailangan kong gawin para sa baby ko," mahinahon na sambit ko. Alam ko naman kung ano ang gustong iparating sa'kin ni Vanessa. Gusto niya na sabay kaming magtapos. Nangako kami noon sa isa't isa na sabay kaming magtatapos ng pag-aaral sa kolehiyo at sabay naming aabutin ang mga pangarap namin. Pero hindi ko matutupad ang pangakong 'yon kasi mas uunahin ko muna ang kapakanan ng magiging anak ko kaysa ang pangarap ko. Kasalanan ko naman kung bakit hindi ko matutupad 'yon na kasama siya pero nangyari na ang dapat na mangyari. Kaya kahit gustuhin ko man na mag-aral at makapagtapos, hindi ko na magagawa kasi mas uunahin ko ang magiging anak ko. Kailangan ko 'tong panindigan at alagaan bilang isang ina. "I'm sorry kung hindi ako tutupad sa pangako nating dalawa," malungkot na sabi ko. "Ayos lang, Thena, naintindihan ko naman. Sorry kung pala desisyon ako, gusto ko lang talaga na magpatuloy ka sa pag-aaral," sagot niya at malungkot na napayuko. "Huwag kang humingi ng sorry, naintindihan ko naman. Pero sana respetuhin mo ang desisyon ko." Mahina siyang tumango at maliit na ngumiti sa akin. Nagdesisyon akong yakapin siya para kahit papa'no mabawasan ang lungkot na nararamdaman niya. Nakarating na 'ko sa office ng department ko. Nakausap ko na rin si Dean Alvarado pero umalis siya dahil sa biglaang meeting. Kaya heto ako ngayon, inaantay siyang bumalik. IT ang course ko, ang kurso na hindi sinang-ayunan ni Vanessa. Hindi niya 'ko napigilan no'ng enrollment kasi tinakbuhan ko siya. Naalala ko pa nga no'n, todo bantay siya sa'kin kasi gusto niya na culinary rin ang course na kukunin ko kaso hindi naman ako magaling magluto at mas maalam ako sa mga software, basta related sa computer. Ayun wala na rin siyang nagawa kundi ang suportahan na lang ako sa gusto ko. "I'm sorry if natagalan ako, Miss Sandoval." Si Dean, buti na lang dumating na siya. Kailangan ko na rin kasing makaalis kasi may iba pa 'kong kailangang asikasuhin. "No worries po, Dean. Ayos lang po," tugon ko. Umupo na rin siya at binasa ang withdrawal letter na ginawa ko kagabi. Kailangan ko na lang ang approval niya at sana pumayag siya. "Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" Seryosong tanong niya, kaagad akong tumango bilang sagot. "Na delete na ang post regarding about you kaya wala ka nang dapat na ipag-alala," aniya. Ito ang mas nakakahiya, kahit mga professors at pati si Dean nalaman ang tungkol do'n. Doble na ang hiyang nararamdaman ko ngayon kahit pa na delete na 'yong post tungkol sa'kin kasi hindi lang mga kapwa ko estudyante ang nakaalam kundi pati na rin sila. "Opo, alam ko na ang tungkol do'n pero buo na po ang desisyon ko." Tugon ko, bumuntong hininga siya at pinermahan na ang withdrawal letter. Nakahinga ako ng maluwag, mabuti na lang inaprubahan niya. "I understand, pero kapag gusto mo nang ipagpatuloy ulit ang pag-aaral mo, bumalik ka lang dito," aniya bago ngumiti sa akin. Pagkatapos naming mag-usap ni Dean Alvarado, lumabas na rin ako ng office at nagtungo sa locker's area. Kukunin ko na ang mga naiwan kong libro at ibang mga gamit ko. Hindi ko alam kung kailan ko maipagpapatuloy ang pag-aaral ko at wala ring kasiguraduhan kung makakapag-aral pa ba 'ko pagkatapos kong manganak. Nang makarating ako sa locker's area, pinuntahan ko na agad ang locker ko at kinuha ang lahat ng mga naiwan kong gamit sa loob. Nang maipasok ko na lahat sa loob ng bag ko, isinara ko na rin ang locker ko at aalis na sana pero hindi natuloy dahil sa babaeng humarang sa daraanan ko. Si Lauren ... "Ano'ng kailangan mo?" Walang emosiyong tanong ko na ikinataas ng isang kilay niya. "Wala akong panahon para sa mga paninira mo. Alis na 'ko." Pero hinawakan niya 'ko sa braso na ikinatigil ko. Napatingin ako sa kan'ya at tinanggal ang kamay niya na nakahawak sa braso ko. "Matapang ka na ngayon, ah. Why? Dahil ba sa na delete na ang post? Well, huwag ka munang pakampante dahil may nalaman ako na tiyak na ikakasira ng buong pagkatao mo," nagbabantang aniya na nagpakaba sa akin. Ano'ng nalaman niya? Alam ba niya na buntis ako? "Ang landi mo talaga, 'no? Nagmana ka talaga sa nanay mong p*k--" Bago pa niya matuloy ang sasabihin niya, bigla ko na siyang nasampal ng sobrang lakas na nagpamanhid ng palad ko. Nagulat ang ilang estudyante na nakakita sa ginawa ko. Ayoko sana siyang patulan kaso dinamay niya ang nanay ko. Hindi ko man siya nakasama simula no'ng pinanganak ako pero kahit na kailan hindi ko narinig mula kay tiya Rosa na ginagawa 'yon ni mama. Napahawak siya sa pisnge niya at napatingin sa'kin ng masama. Nanggagalaiti siya sa galit at humakbang na ito para sugurin ako. "You, slut! How dare--" Pipigilan ko na sana ang kamay niya pero may nauna nang pumigil. Dahan-dahan akong napatingin sa taong nasa tabi ko at gano'n na lang ang gulat ko nang si Sir Lim ang nakita ko. "How dare you to stop me?!" Asik ni Lauren at napatingin sa taong pumigil ng braso niya. Napasinghap siya nang makita niya na si Sir Lim at bakas na rin ang kaba sa mukha niya. "And how dare you to slap her?" Galit na tanong ni Sir Lim. Parang bigla akong kinabahan sa tono ng boses niya. Ngayon ko pa lang siya nakitang nagalit at nakakakaba pala. "Sir, I'm not doing anything. She slapped me first and I just want to..." "No! I saw everything, so stop lying and apologize for what you did," putol ni Sir Lim sa kan'ya. "Sir .." Parang maiiyak na sambit niya. Napatingin ng masama sa kan'ya si Sir Lim kaya wala na rin siyang nagawa kundi ang mag-sorry. "Fine! I'm sorry," aniya pero hindi nakaligtas ang masamang tingin nito sa akin. Kaagad na rin siyang umalis pero panay lingon pa siya sa direksiyon naming dalawa ni Sir Lim. Alam kong may binabalak na naman siyang masama. May nalaman siya na tiyak makakasira ng husto sa pagkatao ko. Pero parang alam ko na kung ano. "Ayos ka lang ba, Athena?" Nag-aalalang tanong ni Sir Lim, hindi agad ako nakasagot kasi ngayon na lang ulit kami nagkita. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya ngayon. Ayoko pa siyang makita at ayoko rin siyang makausap. Iniiwasan kong magtagpo ang landas naming dalawa rito sa university pero gumagawa talaga ng paraan si lord para makapag-usap kami. "A-Ayos lang po ako," naiilang na tugon ko. "Mabuti naman, don't worry kakausapin ko siya mamaya," aniya. "Hindi na po kailangan, nasanay na 'ko sa ugali niya. Simula no'ng high school pa lang kami gan'yan na siya sa'kin," kuwento ko. Pinagdarasal ko noon na sana hindi ko na siya maging classmate o schoolmate man kapag tumuntong na kami ng kolehiyo pero hindi natupad ang dasal ko. Ewan ko nga kung bakit ako na lang lagi ang nakikita niya? Bakit ang laki ng galit niya sa'kin? Sa totoo lang hindi ko siya maintindihan kasi wala naman akong ginawang kasalanan sa kan'ya para magalit siya sa'kin o kamuhian niya 'ko. Minsan gusto ko na siyang tanungin pero hindi ko magawa at kanina lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para sampalin siya. "ATHENAAAAA!" Dumagundong ang malakas na sigaw ni Vanessa sa buong hallway. Napalingon ako agad nang marinig ko siya at gano'n din si Sir Lim. Tumatakbo ito papunta sa direksiyon namin. Mukhang problemado pero halatang may nangyari na naman na hindi niya nagustuhan. "K-Kailangan m-mo 'tong makita," hinahabol ang paghinga na sambit niya nang makarating siya sa harapan ko. Hindi na 'ko nagtanong, kaagad ko nang kinuha ang cellphone niya at tiningnan kung ano ang nakalagay rito. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang tuluyan ko nang nakita at nabasa ang isang F**eboo* post patungkol na naman sa'kin. "CONFIRM! ATHENA SANDOVAL IS PREGNANT!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD