"Agh!" Da*ng ko habang nakahawak sa ulo ko. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at hindi pamilyar na lugar ang bumungad sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang mapagtanto na nasa isang condo ako.
Kaninong condo 'to?
Ano ang nangyari? Ba't napunta ako rito?
"A-aray!" Muling da*ng ko nang maramdaman ang sakit sa pang ibaba ko. At dahil dito unti-unti kong naalala ang mga nangyari kagabi.
"Diyos ko po," tanging naisambit ko bago napatakip ng bibig.
Bigla akong nanlumo nang maalala ko lahat ang mga nangyari sa pagitan naming dalawa ng lalaking 'yon. Hindi ako makapaniwala na nagawa kong makipagtalik sa lalaking hindi ko pa lubusang kilala.
"Bakit ko nagawa 'yon?" Tanong ko sa sarili at tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha ko. Napatakip ako ng mukha at humagulgol ng malakas.
Hindi ako makapaniwala na magagawa ko 'yon. Hindi ko lubos akalain na hahantong kami sa gano'ng bagay. Hindi ako gano'ng babae, na papatol na lang agad sa lalaking hindi ko pa kilala ng husto.
Bakit ko nagawa 'yon? Bakit ko nagawa ang gano'ng bagay na makakasira lang ng buhay ko, ng pagkatao ko?
"Leave, once you're awake."
Laman ng sulat na nakita ko sa ibabaw ng bed side table at katabi nito ang perang nagkakahalaga ng sampung libong piso.
"P*tangena! Hindi ako bayarang babae!" Galit na sigaw ko at bigla na lang tinapon ang lampshade sa sobrang galit na naramdaman ko.
Mas lalo akong naiyak nang maisip ang gano'ng bagay.
Hindi ako p*kpok, hindi ako bayarang babae, at hindi ko kayang ibenta ang sarili ko para lang sa pera. Maayos akong nagtatrabaho pero dahil lang sa isang gabing 'yon, gano'n na agad ang tingin niya sa'kin.
Kahit masakit ang pang ibaba ko, nagawa kong humakbang para kunin ang mga damit ko na nagkalat sa sahig at kumilos ng mabilis. Wala pang isang minuto pero nasuot ko na ang mga damit ko at dali-dali na rin akong lumabas ng kwarto.
Gusto ko nang lisanin ang lugar na 'to at hinding hindi na 'ko babalik pa rito kahit na kailan.
"Van.." Umiiyak na sambit ko habang hawak ang cellphone ko. Kaagad kong tinawagan si Vanessa nang makasakay na ako ng taxi pagkalabas ko ng building.
(Thank God nakatawag ka rin. Nasaan ka? Nag-aalala na 'ko sa'yo lalo na si tita Rosa. Kagabi pa kita tinatawagan pero hindi ka sumasagot. Ano ang nangyari? Nasaan ka ngayon?)
Hindi ako sumagot, tanging pag-iyak lang ang naging tugon ko. Hindi ko kayang pigilan ang mga luha ko. Sa ganitong paraan lang nababawasan ang bigat na nararamdaman ko pero hindi, mas lalo lang bumigat dahil sa mga nangyari.
(Bakit ka umiiyak? Athena, sumagot ka. Ano ang nangyari sa'yo? Nasaan ka? Pupuntahan kita)
Ramdam ko ang pag-aalala sa boses ng kaibigan ko pero parang naputulan ako ng dila dahil hindi ko kayang sagutin ang mga tanong niya. Hindi ko kayang sabihin sa kan'ya ang mga nangyari kagabi.
"Van .. nakagawa ako ng kasalanan. Van, h-hindi ko sinasadya," nauutal na sambit ko habang patuloy na umaagos ang mga luha sa pisnge ko.
(Ha? A-anong ibig mong sabihin? Anong kasalanan? Hindi kita maintindihan, ano ba 'yon? Pag-uusapan natin 'yan pero sabihin mo muna kung nasaan ka)
"Sa bahay na lang tayo mag-usap," sabi ko at kaagad ng binaba ang tawag.
Kinakabahan ako at natatakot. Paniguradong magagalit silang dalawa kapag sinabi ko na sa kanila ang maling nagawa ko. At hindi lang 'yon, madidismaya ko sila.
Ano na lang ang iisipin nila sa'kin? Magiging kapareho ba kaya n'on sa iniisip sa'kin ng lalaking 'yon?
Nang makarating ako sa bahay, naabutan ko si tiya Rosa na pabalik-balik ng lakad sa labas ng bahay at malalim ang iniisip. Parang piniga ang puso ko dahil sa nakikita kong pag-aalala sa mukha niya.
"Diyos ko, Athena!" Wika nito nang makita ako. Kaagad siyang tumakbo papalapit sa akin para yakapin ako. At dahil dito muli na namang bumuhos ang mga luha ko.
"Tiya, patawad po, hindi ko po sinasadya," umiiyak na sambit ko habang nakayakap sa kan'ya.
"Shh, taha na, wala kang kasalanan, naiintindihan ko," pag-aalo nito sa akin at iginaya ako nito papasok ng bahay.
Nang makapasok kami sa loob, pinaupo ako ni tiya Rosa sa may sala at kaagad siyang kumuha ng tubig sa kusina.
Mas lalo akong na konsensiya dahil sa ginawa kong paglihim sa kan'ya na hindi ko naman dapat ginawa sa simula pa lang. Ngayon ramdam ko ang sobrang pagsisisi dahil sa mga kasalanang nagawa ko sa kan'ya.
"Heto, uminom ka muna ng tubig para kumalma ka," aniya sabay abot sa'kin ng isang baso ng tubig. Kaagad ko naman itong ininom at pagkatapos ay pinunasan ang pisnge ko.
"Tiya Rosa, patawad po kung hindi ako nakauwi kagabi," sabi ko.
"Huwag ka nang humingi ng tawad, naintindihan ko naman kung bakit. Sinabi na sa'kin ni Vanessa kagabi na nagtatrabaho ka bilang waitress sa isang bar na pagmamay-ari ng teacher mo," sagot niya na ikinatahimik ko.
"Hindi mo naman kailangang ilihim sa akin 'yon, Athena. Maiintindihan ko naman kung bakit mo 'yon ginawa pero ang ayoko lang ay ang naglilihim ka sa akin," dugtong niya.
May isa pang lihim na hindi ko pa nasasabi sa'yo, tiya Rosa.
Paano ko sasabihin sa kan'ya? Paano ko sisimulan?
"Tiya Rosa.." umiiyak na sambit ko na ipinagtaka niya. "May kailangan pa po kayong malaman," dugtong ko.
Lumapit siya sa tabi ko at hinawakan ang dalawang kamay ko.
"Sige, sabihin mo sa'kin. Ano 'yon, Athena?" Tanong niya na mas lalong nagpakaba sa akin.
"Na .. nakipagtalik po ako sa isang lalaki na .. nakilala ko sa bar," puno ng kaba na sambit ko. Ngunit bigla akong nalungkot at nasaktan dahil sa unti-unting pagbitaw ni tiya Rosa sa kamay ko.
Nagkulong ako sa kwarto pagkatapos naming mag-usap ni tiya Rosa. Ipinaliwanag at ikinuwento ko sa kan'ya lahat ng mga nangyari kagabi. Tahimik lang si tiya Rosa habang nakikinig sa'kin kanina. Hindi siya kumibo o kahit sumagot man lang ng kaunti. Ang tanging nakikita ko lang sa mukha niya kanina ay pagkadismaya.
Alam kong hindi siya makapaniwala kung bakit nagawa ko 'yon. Alam ko namang kasalanan ko, nagpadala ako sa bugso ng damdamin ko. Sobra akong nagsisi, dapat pinigilan ko ang sarili ko at dapat hindi ko hinayaan na mangyari 'yon pero huli na ang lahat, nangyari na ang dapat na mangyari.
"Athena."
Napatingin ako sa pinto nang marinig ko ang boses ni tiya Rosa. Akala ko hindi niya na 'ko kakausapin.
Kaagad akong tumayo para pagbuksan siya ng pinto. Nang makita ko na siya ay kaagad kong napansin ang bitbit nitong pagkain. Parang biglang uminit ang sulok ng mga mata ko dahil kay tiya Rosa.
Kahit ano pa man ang nagawa ko, nag-aalala pa rin siya sa'kin at hindi niya 'ko hinahayaang maiwan sa dilim.
"Dinalhan kita ng pagkain baka nagugutom ka na," wika niya nang makapasok na siya sa kwarto ko. Binaba niya ang dalang pagkain sa kama ko bago lumapit sa akin para yakapin ako.
"Patawad kung hindi ko nagawang makapagsalita kanina. Hindi kasi agad natanggap ng isip ko ang mga sinabi mo kaya nanahimik ako. Huwag mo sanang isipin na pinag-iisipan kita ng masama. Hindi kita hinuhusgahan dahil sa ginawa mo. Kahit ano pa 'yan, tanggap kita at mahal kita, hindi magbabago 'yon."
Naiyak ako ng husto dahil sa mga sinabi ni tiya Rosa. Buong akala ko pagagalitan niya 'ko pero hindi.
"Kaya huwag kang mawawalan ng pag-asa. Nandito pa rin ako, hindi kita iiwan 'yan ang lagi mong tatandaan," aniya at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
Alam kong lilipas din 'to, makakalimutan ko rin ang nangyari, hindi man ngayon pero sa tamang panahon. At alam kong laging and'yan si tiya Rosa sa tabi ko para gabayan at tulungan ako.
"Pero matanong ko.." Humarap ako sa kan'ya, kinakabahan at nagtataka ang mukha.
"Sinong lalaki ang tinutukoy mo?" Tanong niya na nagpatahimik sa akin.
Si Mr. VIP, ang lalaking ayaw ko nang makita habambuhay.