Chapter 3

2063 Words
Lalaine's POV Hindi ako makapaniwala na ang gwapong lalaking 'yon na tumulong sa akin sa mga bumabastos sa akin kanina ay ang nag mamay-ari ng bar na pinapasukan ko. Grabe talaga ang kaguwapuhan nya at ang katawan grabe, sobrang yummylicious to the max talaga. "My knight in shining armor." humahagikgik kong bulong habang kinikilig ako. Hindi ko naman kasi makalimutan ang amo ko dahil kahit sino ay mahuhumaling sa kagwapuhan niya. "May sinasabi ka ba Miss. Lalaine?" tanong ng manager habang pinapasukatan ako sa isang payat na babae. Agad akong napatingin sa kaniya at nagulat ako ng makita kong masama ang titig nya sa akin kaya napalunok ako ng laway at halos magkandautal-utal ako sa simple kong sagot sa kaniya. "P-Po? Wala po Ma'am Agatha." nahihiya kong ani sa kaniya na hindi makatingin sa kaniyang mga nag aalab na mata. "Marami ng nagtangka sa amo natin at lahat sila ay umuwing luhaan lamang, napaka bata mo pa para masaktan at mapaglaruan kaya hanggat maaga pa ay alamin mo ang lugar mo, ang serbidora ay mananatiling taga silbi at ang amo ay mananatiling amo. Huwag kang mangarap ng sobrang taas at baka pag bagsak mo ay palagapak kang tumama sa lupa na una ang mukha. Ilugar mo ang sarili mo, hindi ka naman kagandahan pero kung umasta ka akala mo kung sino kang maganda." mapang insulto nyang ani na ikinayuko ng ulo ko. Bakit ba parang galit yata sa akin ang manager namin eh wala naman akong ginagawang masama sa kaniya. Masyado naman yata niya akong ipinapahiya sa nagsusukat sa akin ng pang uniporme. Saka hindi naman ako umaastang maganda, ano ba ang ginawa ko para sabihan nya ako ng mga ganoong bagay? "Huwag kang mangarap na kaya mong abutin ang langit dahil mabibigo ka lamang. Hindi ang katulad mo ang pag aaksayahan ng oras ng isang Zither. Kung gusto mong nagtagal dito ay huwag mong lalandiin ang amo natin." muli ay mapanuya nyang wika sa akin na ikinapahiya ko na lalo kaya napayuko na lamang ako at halos gusto ko ng mapaiyak ng dahil sa kaniyang mga tinuran. Hindi ko naman nilalandi ang amo namin, tinulungan lamang ako nito sa mga kalalakihang nambastos sa akin at pagkatapos ay nagpasalamat lang naman ako sa kaniya. Wala akong nilalanding lalaki at hindi ko gawain iyon. "Wa-wala naman po akong balak ng kung ano man sa ating amo, madam. Hindi ko din po siya nilalandi." pagtatanggol ko sa sarili ko na hindi tumitingin sa kanya. Sobra-sobra naman yata ang pang iinsulto nya sa akin kahit wala naman talaga akong ginagawang mali, ipinapahiya nya pa ako kahit na wala naman akong ginagawang masama sa kaniya. "Mabuti naman kung ganoon, taga silbi ka lang at hanggang duon lang ang trabaho mo, huwag mong tangkain ang isang Zither kung ayaw mong maging parausan ka lamang. Pwedeng mahalin ngunit hindi maaaring angkinin at huwag mag hangad na mamahalin ka rin dahil hindi kayo nababagay at hindi ang isang katulad mo lamang ang papatulan ng isang katulad ng amo natin." ani niya. Pagkawika n'ya ay agad na tumulo ang aking mga luha at pakiramdam ko ay masyado naman yata akong iniinsulto na ng manager namin. Agad kong pinunasan ang aking mga luha at nag angat ako ng aking ulo na napatingin sa kanya. Matalim ang mga titig sa akin ng manager ng bar kaya't agad din akong tumingin sa ibang direksyon. Maganda si mam Agatha, sexy at palagay ko ay may relasyon sila ng aming amo kaya ganoon na lang s'ya magsalita sa akin. "Ma-makakaasa po kayo na wala po akong hangad kung hindi ang trabahong ito po lamang." Paniniguro kong wika sa kaniya habang walang humpay na tumutulo ang aking mga luha. Ayoko namang pagsimulan ng gulo ang pagtulong sa akin kanina ng aming amo at baka mawalan pa ako ng trabaho. Mahalaga sa akin ang trabahong ito dahil ito lamang ang makakatulong sa amin ng aking ina. "Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo." wika nya at hinarap na nya ang kanyang mga gawain. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng trabaho ay hindi naman ako magtyatyaga sa ugali ng manager namin na ito at hindi ko hahayaang tratuhin niya ako ng ganito pero kailangan ko talaga ngayon ng trabaho para sa aking ina kaya titiisin ko na lamang ang masama niyang ugali. Matapos akong sukatan ay naghanda na ako upang makaalis na dahil ayoko ng magtagal pa kahit na isang segundo sa loob ng opisina ni ma'am Agatha. "Baka naman iuwi mo pa ang coat ni sir George, Miss. Lalaine. Aba'y mahiya ka naman sa sarili mo!" nakataas ang kilay nyang ani sa akin kaya lalo akong nakakaramdam ng pagkapahiya dahil sa mga sinasabi niya sa akin. "Hindi po ibabalik ko lang po ito sa kanya." wika ko na hindi tumitingin sa kanya. "Iwan mo na lamang diyan at ako na ang magbabalik sa kaniya n'yan mamaya at makakaalis ka na!" ani nya ng nakataas ang kilay sa akin at may galit na titig sa aking mukha, ano ba talaga ang ginawa ko sa kanya para pag initan niya ako ng ganito. Inilagay ko ang coat ng aming amo sa sofa at agad ay umalis na ako, nagmamadali akong lumabas dahil pakiramdam ko ay napapaso na ako sa mga nagbabagang titig sa akin ni Ma'am Agatha. Habang papauwi ako ay hindi ko makalimutan ang mga binigkas na salita sa akin ng aming manager, hindi ko maintindihan kung bakit para siyang galit na galit sa akin. Nang makarating ako ng bahay ay naligo agad ako upang magluto ng dadalhin kong pagkain sa aking ina. Adobong kangkong at tuyo lamang ang aking nakayanan kaya agad ko itong inilagay sa tupperware at mabilis na umalis upang puntahan ang aking ina sa hospital. Pagbukas ko ng pintuan ng silid ng hospital ay mabangong amoy ng pagkain na naman ang agad na nanuyot sa aking ilong. "Wow! Ang bango naman nyan!" wika kong nakangiti sa dalawa kong pinsan na si Kuya Karl at Kuya Brent. "Ipinagluto ni mommy si tita ng nilagang baka at saka pinadalhan na rin ng matamis na hinog na mangga." ani ni Kuya Brent na pinasalamatan ko naman at hindi ko na rin nailabas ang niluto ko para kay nanay dahil nahihiya ako sa pagkaing niluto ko. "Nahihiya na ako sa inyo mga kuya. Lahat na lang ay kayo ang umaasikaso at gumagastos, wala na akong maiambag na kahit na ano." wika ko sa kanila. Napaka buti talaga nila sa akin, napaka swerte kong sila ang mga kasama ko ngayon sa buhay. "Huwag mo ngang intindihin 'yan, maliit na bagay lamang 'yan. Bukas ay maaari na raw ilabas si tita sabi ng doctor." ani nila sa akin. Nagpapasalamat na rin ako at hindi naman pala kailangan ni nanay na magtagal pa sa hospital dahil napakalaking gastusin kung magtatagal pa siya dito samantalang kakasimula ko pa lamang sa aking trabaho at wala pa akong sasahurin, pamasahe ko nga lang papunta sa trabaho ay inutang ko pa sa kaibigan kong si Trish at buti na lamang ay hindi niya ako hinindian. "Bayad na rin ang bills ng hospital Lai." ani naman ni Kuya Karl na ikinalaki ng mga mata ko. Agad akong napaiyak sa kanila at napayakap ako dahil sobra-sobra ng tulong ang ibinibigay nila sa amin, sobra-sobrang pasasalamat ko sa kanila na tila ba walang katapusan ang pasasalamat ko sa kanila. "Lahat ay gagawin namin para sa inyo, kayo lang naman ang tumatanggi na manirahan sa bahay namin." wika naman ni Kuya Brent. Napangiti ako sa kanila dahil alam naman nila ang dahilan kung bakit hindi iniiwan ni nanay ang aming tirahan, si nanay kasi ay ayaw na ayaw nya sa lahat na nagiging pabigat siya kahit na sa sarili nyang kapatid at lalong-lalo na sa akin. Gusto niya ay siya ang nagtataguyod sa akin at ngayon ngang bumagsak na ang katawan nya dahil sa kaniyang karamdaman ay kinakailangan na niyang magpahinga. Ngayon ko naman ipapakita kay nanay na kaya ko siyang alagaan at lahat ay gagawin ko para sa kaniya, Mahal na mahal ko si nanay at lahat titiisin ko pati ang pang iinsulto sa akin ng manager ko mabigay ko lamang ang pangangailangan niya. ──●◎●── Kinabukasan nga ay maaga pa lamang ay naihanda na namin ang mga gamit ni nanay sa pag uwi. Nag offer na din sila Kuya Brent na sila na ang maghahatid sa amin kaya nga tulog pa yata ako ay nandirito na sila. Matapos kong maayos ang lahat ng gamit ni nanay ay si Kuya Karl na ang nagbuhat nito at nagdala sa sasakyan habang si nanay naman ay nakaupo sa wheelchair at tulak-tulak ng isang nurse patungo sa parking lot. "Pasensya na anak ha at nakakabigat pa ako ngayon sa iyo." wika ng aking ina na tila ba naiiyak pa. "Nay huwag nga po kayong magsalita ng ganyan, kahit kailan po ay hindi kayo pabigat sa akin." wika ko naman sa aking ina habang niyayakap ko siya ng makaupo na siya sa loob ng sasakyan ni Kuya Brent. Nakauwi na kami sa bahay at naihanda ko na rin ang silid ni nanay upang makapag pahinga na din siya ng maayos. "Nanay may trabaho po ako mamaya, kapag po may kailangan kayo o kahit anong emergency po tawagan n'yo lang po ako at kahit anong oras ay uuwi po ako." ani ko sa aking ina habang inaayos ko ang kaniyang pagkakahiga. "Basta nanay ipangako mo po kahit anong mangyari ay tatawagan mo po ako" dagdag kong ani sa kaniya, hindi ako mapapanatag sa pinagtatrabahuan ko dahil wala namang kasama dito si nanay mamaya. Wala naman akong pera para magbayad ng tao na magbabantay sa kaniya kaya ang tanging paraan lamang ay ang matawagan nya ako palagi o kaya ma text nya ako na okay lamang siya dito. "Magpahinga ka na diyan nanay at maglilinis lang po muna ako ng bahay at magluluto ng pagkain para pag alis ko po mamaya ay wala na kayong iintindihin pa." ani ko sa kanya na tinanguan nya lamang at nginitian ako, pagkatapos ay iniwan ko na siya sa kanyang silid. Pagkatapos kong magluto at maglinis ng bahay ay nagpunta naman ako ng palengke upang bumili ng prutas para kay nanay, inabutan kasi ako ni Kuya Karl ng pera kanina, ayoko talaga itong tanggapin pero nagagalit siya sa akin kaya wala na rin akong nagawa kung hindi ang tanggapin ito. Ilang prutas lamang ang binili ko, tapos bumili din ako ng manok at gulay, kailangan kasi ni nanay ng masusustansiyang pagkain para mabilis siyang lumakas. Pagkauwi ko ay itinabi ko na lahat ng aking mga pinamili at pagkatapos ay naligo na agad ako upang makapag handa na para sa pag punta ko sa trabaho. Sabi sa akin ni Ma'am Agatha ay daanan ko mamaya ang aking uniporme sa kanyang opisina kaya kailangan kong agahan ang pasok ko ngayon. Matapos akong maligo at makapag ayos-ayos ay pinuntahan ko si nanay sa kanyang silid at dinalhan ng kanyang pagkain. "Nanay heto po ang pagkain ninyo, habang mainit po ay kainin n'yo na, nandiriyan na din po mga gamot ninyo kaya pagkatapos n'yo pong kumain ay uminom po kayo ng bawat isa n'yan." ani ko sa aking ina at pagkatapos ay lumabas ako upang ikuha naman siya ng isang basong tubig. "Naku naman anak, hindi mo naman ako kailangang dalhan ng pagkain dito sa loob ng silid! Sabi ng doctor ay okay lang naman na kahit papaano ay may ginagawa ako, parang exercise na rin daw basta huwag lang mabibigat na gawain, ang pagpunta ng kusina at paghahain para sa aking sarili ay hindi mabigat na gawain. Mas magkakasakit ako kapag hindi ako kikilos anak." mahaba nyang paliwanag sa akin na sinang ayunan ko na lamang upang hindi na din siya magtampo pa sa akin. "O sige po nanay, basta huwag po kayong magpapagod ha, aalis na din po ako at baka mahuli pa ako sa aking trabaho." Nagpaalam na ako at humalik na din ako sa kaniyang noo bago ako tuluyang umalis. "Mag-iingat ka anak." Bilin ni nanay at tuluyan na akong lumabas ng bahay upang tumungo na sa bar. Habang sakay ako ng Jeepney ay nakakaramdam na naman ako ng pangamba dahil magkikita na naman kami ni Ma'am Agatha. Hindi ko talaga maintindihan kung saan ba talaga nanggagaling ang galit nya para sa akin, samantalang wala naman akong ginagawang masama sa kaniya para tratuhin niya ako ng ganoon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD