Chapter 2

1012 Words
George's POV Habang pinagmamasdan ko ang aking serbidora ay naririnig ko naman ang mga bulung-bulungan ng aking mga kaibigan, alam ko naman kanina pa nila ako pinagmamasdan. Hindi mawala sa isipan ko ang napakagandang mukha niya, ang inosente niyang mukha na gumugulo ng isipan ko. Hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina ng may mga gagong manyakis na gustong pagsamantalahan ang kanyang kainosentihan pero ang ipinagtataka ko naman ay malinaw sa rules ko na walang papasok diot sa bar ko na mga babaeng empleyado na magmumukhang babaeng bayaran. Disente ang bar ko na ito, ang bawat serbidora kong babae ay may dress code na sinusunod, pero bakit nakalagpas ang isang 'yon? Napapailing na lamang ako sa tuwing maaalala ko kung paano niya ako titigan, kung paano siya mamangha sa mga kilos ko at kung paano din siya matakot sa mga manyakis na customers kanina. Hindi ko napapansin na napapangiti na pala ako, ewan ko ba, ngayon ko lang nararanasan ang ganito. Matagal na panahon ko na ng huling maramdaman ang ganitong damdamin, bata pa ako nuon, siguro nasa edad eleven- or twelve-years old pa lang ako, hindi ko matandaan ang eksaktong edad ko nuon pero siguradong sigurado ako na may nabuo akong damdamin nuon sa batang itinakda ng aking mga magulang na pakakasalan ko pag tuntong ng twenty-one ng batang babaeng 'yon. Akala ko ay hindi ko na mararamdaman pa ulit ang damdaming 'yon, akala ko ay sa batang 'yon ko lang inilalaan ang damdamin ko pero aaminin kong may nararamdaman ako sa aking serbidora ngayon na hindi ko maipaliwanag sa sarili ko. "You seemed distracted, bro. Is there something bothering you?" Ryven inquired. I smirked as I locked my gaze on him. Is there anything that bothers me? Perhaps, but I'm not sure what. There is something about that girl that draws me in. "She appears to be quite young. What age do you think she is?" Hanz stated. "Hmm, maybe 19 years old," I speculated, but despite her appearance, I was unsure. Isaac estimated that he was between the ages of nineteen and twenty. "Do you like her?" Rye was curious. They know me well when it comes to women; they know I was having fun, and they can tell when I am drawn to a girl. I just shook my head. She was too young for me, so even if I was taken with her, I would simply ignore it because there were plenty of other ladies who weren't as young as she was. I smiled and sipped wine once again. How am I supposed to forget her lovely face, which has always been in my thoughts? Muli silang nagtuksuhan dahil kita naman sa aking mukha na talaga namang apektado ako ng babaeng yon kaya agad ko silang sinalungat upang hindi na lumawig pa ang pag-uusap tungkol sa Lalaine na 'yon. "You know me guys, I like girls pero hindi ako nananamantala ng sobrang bata." wika ko at sumandal ako sa aking upuan at muling tumungga ng alak. Naiinis ako sa mga kaibigan ko nakikita na nga nilang apektado ako tapos kakantyawan pa nila ako. "Pero hindi mo sinagot ang aking tanong." ani ni Rye habang nakangising nakatitig lamang sa akin, kinunutan ko siya ng noo at sa inis ko sininghalan ko siya. "Shut up!" I said at nagtawanan lamang sila na tila ba alam na nila ang aking kasagutan. Oo aaminin ko na natipuhan ko talaga si Lalaine pero napakabata pa nya at malaki ang agwat ng aming edad kaya imposibleng ituloy ko kung ano man ang nararamdaman ko. bahala sila kung gusto nila akong asarin ng asarin ngunit hindi nila ako mapipikon. Muli akong nagsalin ng alak at pagkatapos ay iniisang lagok ko lamang ito. "Bro sa pag ibig walang bata o matanda, hangga't nasa tamang edad naman ay pwede na. Sa tingin ko naman ay nasa edad twenty na ang serbidora mo, at maganda talaga s'ya ha." ani naman ni Isaac na kinunutan ko naman ng noo. "Palibhasa manyakis ka, itutulad mo pa ako sa iyo gago ka na pinilit si Tanya kaya naging asawa mo!" ani ko sa kaniya at malalakas na tawanan naman ang namutawi sa mga kaibigan ko. "Wala namang masama, binata ka at sa tingin ko naman ay dalaga pa siya. Sige ka pag pinatagal mo pa 'yan ay baka maunahan ka ng mga trabahador mo dito sa bar, sa ganda ng Lalaine na iyon ay siguradong marami ang magkakainteres sa kanya." ani naman ni Gabriel kaya napaisip din ako. Napatingin ako sa mga bouncer ko at guards at pagkatapos ay tinignan ko isa-isa ang mga waiter ko at bar tender at pagkatapos ay napangisi ako. "Hindi naman sa pagmamayabang, kahit hindi ninyo ihilera sa kanila ay sa akin pa rin maglalapitan ang mga babae dito kung gugustuhin ko." wika ko na talagang nagmamayabang sabay tawa ko pa ng malakas kaya tumatawa na din sila ng malakas. "Sus! Paano kung 'yung bar tender na 'yon o kaya ay 'yung waiter na 'yon ang magpapansin sa babaeng 'yon, tignan mo sila, hindi naman sila pangit at masasabi nating hindi malayong magustuhan din sila ng babaeng 'yon." ani naman ni Raymond na natatawa. Tinignan ko naman sila at tumawa lamang ako ng mahina. Sinalinan ko ang mga kopita nila ng alak at ini-isang tungga ko lamang ito sabay tingin kong muli sa mga empleyado ko na tinutukoy ni Raymond at muli akong natawa. Muli kong sinalinan ang kopita ko ng alak at muli ko din itong sinaid hanggang sa huling patak nito at pagkatapos ay tumingin ako sa kanila at natawa pa ako. "Sus! Wala naman silang sinabi sa kaguwapuhan ko. Sa tindig ko pa lang ay talo na sila, sa status ko sa buhay ay talo na din sila, paano pa kaya ang kagandahan kong lalaki ha?" pagmamayabang ko na nauwi sa malakas na tawanan. "Damn! Tinamaan nga!" malakas na ani ni Ryven na ikinatawa nila habang natahimik na ako at muli akong tumingin sa lugar na pinasukan kanina ni Lalaine, ang bago kong serbidora na umookupa ngayon ng buo kong atensyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD