Chapter 4

1546 Words
George's POV Rated 18 Hindi ko makalimutan ang bago kong serbidora, nandito ako ngayon sa opisina ko pero ang isipan ko ay nasa bar ko, ang isipan ko ay nasa inosenteng mukha ng aking bagong serbidora. Daig ko pa ang nagayuma dahil hindi na siya mawala pa sa isipan ko, ni hindi nga ako nakatulog kagabi ng maayos dahil sa kakaisip ko sa babaeng 'yon. Tumayo ako at napabuntong hininga, kailangan ko ng taong makakausap kaya pupuntahan ko ngayon si Ryven. Lumabas ako ng aking opisina at hinarap ko agad ang aking sekretarya. "Ava, kapag may naghanap sa akin sabihin mo busy ako, and cancel all my appointments for today." utos ko sa aking secretary. "But sir, may appointment po kayo kay Mr. Montes, pangatlong cancel na po ito, kapag ika-cancel ko syang muli ngayon baka po mag back out na s'ya." maarte nyang wika sa akin. Napakamot ako sa aking noo sa inis ko sa kanya. "I don't care! Just do what I tell you!" inis kong ani at mabilis ko ng tinungo ang elevator. Tumingin ako sa aking orasan at alas onse na ng umaga. Pupuntahan ko si Rye at Raine bago ako dumiretso sa Neon Nights. May importante din akong aasikasuhin duon. Hindi naman nagtagal ay nakarating na din ako sa mansion nila Ryven. Masaya niya akong sinalubong at pagbukas pa lang ng pintuan ng sasakyan ko ay nagsalita na agad ito. "Anong masamang hangin ang nagdala sa iyo dito?" naka ngiting bati sa akin ni Rye. "Naamoy ko ang utot mo gago!" ani ko ng natatawa. "Oh, George nandito ka pala, tamang tama nagluluto ako ng tanghalian, dito ka na kumain!" wika naman ni Raine. Napangiti ako sa magandang asawa ni Ryven at hinimas ko pa ang aking tiyan. Masarap magluto si Raine kaya siguradong mapaparami ako ng kain nito. Tinanong akong muli ni Ryven kung ano ba talaga ang sadya ko sa kanya at napasugod ako ng wala sa oras sa kanilang tahanan ngunit nagkibit balikat lamang ako at huminga ng malalim. "Ano ba talaga ang sinadya mo dito bro? Hindi ka susugod dito ng mangungumusta ka lang, sigurado ako na may problema kang hinaharap kaya ka nandirito." wika nya ng makarating na kami sa napaka ganda nilang garden na punong-puno ng iba't ibang klase ng mababangong bulaklak. "Wala naman, napadalaw lang ako! Bawal na bang bumisita sa kaibigan komo may asawa na kayo ha?" ani ko na naiinis. "Bro kilala kita, hindi mo basta-basta iiwan ang trabaho mo sa opisina para lamang dalawin ako." nakataas na kilay nyang wika sa akin. I heaved a deep sigh at tumingin ako sa malayo. Siguro nga ay hindi ko maitatago sa kahit kanino sa kanila kung may dinaramdam ako o kung may problema man akong pinapasan. Kilala na namin ang isa't isa at alam namin kung kailan kami maayos o hindi. "Ano naramdaman mo ng una mong makilala si Raine, I mean 'yung una n'yong pagtatagpo, may naramdaman ka na ba agad para sa kanya?" wika ko na hindi makatingin sa kanya. Pilit niyang hinuhuli ang aking mga mata ngunit mailap ako at kung saan-saang direkyon ako tumitingin. Hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang tunay kong nararamdaman, ang alam ko lang ay nagugulo ang isipan ko ng dahil sa bago kong serbidora. "Love at first sight, 'yan ang tumama sa akin nuong una kong masilayan ang magandang mukha ni Raine. Nuong una ay ipinagkakaila ko pa ito pero habang tumatagal ay mas lalo kong nararamdaman ang pagmamahal sa puso ko na hindi ko na kaya pang ipagkaila o itago." wika nya. Pagkarinig ko ng mga sinabi niya ay napabuntong hininga ako. Love at first sight din ba ang nararamdaman kong ito para kay Lalaine? "Bakit mo naman naitanong? Don't tell me na na love at first sight ka sa bago mong empleyado? Holy shiiit! Na-love at first sight ka nga sa kanya?!" bulalas niya sa akin kaya napapailing lamang ako sa kanya. Kahit ano pang pangungulit na tanong ang ibinabato ngayon sa akin ni Ryven ay hindi ko siya sinasagot, hindi ko naman alam kung ano ba talaga ang tunay kong nararamdaman, love at first sight nga ba o gusto ko lang siyang matikman katulad kung paano ko tikman ang mga babaeng dumadaan sa akin? Napukaw ang aming pag-uusap ng nilapitan na kami ni Raine. Inaya na kami ni Raine upang kumain ng pananghalian at dahil nakakaramdaman na ako ng gutom ay napangiti akong bigla. "Nasaan ang mga anak ninyo?" tanong ko ng hindi ko nakikita ang mga anak nila. "Kinuha ng lolo at lola nila, alam mo naman si mommy hindi mahiwalay sa aming mga anak." ani naman ni Rye. Napatango naman ako sa sinabi niya. Ano kaya ang pakiramdam ng may mga anak na? "Lumalaki na nga ang mga anak ninyo, ang sarap siguro ng pag-uwi mo sa trabaho ay may sasalubong sa iyong mga batang makukulit" wika ko na ikinatingin nila sa akin. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganoon ang sinabi ko sa kanila. Siguro ay naiinggit ako dahil hanggang ngayon ay wala akong matinong relasyon, may naghihintay naman sa akin kaya sinusulit ko na. Ikakasal na kasi ako sa oras na tumuntong ng twenty-one ang babaeng ipinagkasundo sa akin ng aking mga magulang pero sa totoo lang ay hindi na ako sigurado ngayon. "Bakit balak mo na din bang mag-asawa?" Tanong ni Rye. "It's about time George, sino ang mapalad na babae?" ani naman ni Raine na may malaking ngiti sa kanyang labi. Sa halip na sagutin ko ang katanungan nila ay inaya ko na lamang silang kumain. Wala din akong panahong pag-usapan ang love life ko na wala naman talagang patutunguhan pa. Sabay-sabay na naming tinungo ang hapag kainan at napangiti ako ng makita ko kung gaano karami ang pagkaing nakahain sa mahabang lamesa. Masaya naming pinagsaluhan ang pananghalian, talagang the best kapag si Raine ang nagluluto ng pagkain nila. Walang tapon dahil lahat ay sobrang sarap. Dumiretso ako ng bar pagka alis ko ng mansion nila Rye. Pagpasok ko ng opisina at pagkaupo ko sa swivel chair ko ay s'ya namang pasok ni Agatha. Isa sa mga babaeng ginagawa kong parausan. Pagkapasok nya ay agad siyang umupo sa aking kandungan at siniil ako ng halik kaya gumanti rin agad ako ng halik sa kanya. Iniangat ko ang suot nyang sèxy top dahilan upang lumantad ang nagtatayuan n'yang mga dibdib. "Shìt!" sambit ko ng maramdaman ko ang paninigas ng aking alaga. Alam kong naramdaman din ito ni Agatha kaya napangiti siya sa akin. Agad na isinubo ko ang kanyang dibdib at isang masarap na ungol ang agad nyang pinakawalan. Niluwagan ko ang aking kurbata at pagkatapos ay ipinasok ko ang isa kong kamay sa loob ng underwear nya at dinama ko ang nakatago niyang hiyas. "Ohhh George sige pa ang saraaap mo talaga!" wika n'ya habang panay ang kanyang pag-ungol ng hinimas ko ito. "Aaaaaaaah shìt ang sarap mo talaga, daliri pa lang 'yan!" ani nya ng malakas habang hindi malaman kung paano igagalaw ang kanyang katawan sa ibabaw ng aking kandungan. Itinayo ko siya at mabilis naman siyang lumuhod sa harapan ko, binuksan niya ang zipper ko isinubo niya ang alaga ko hanggang sa marating ko ang sukdulan. Tumayo siya at nagsimulang maghubad ng kanyang kasuotan sa harapan ko. "What are you doing?" nakakunot noo kong ani. "Don't tell me hindi mo ipapasok 'yang alaga mo sa akin George! Bitin pa ako gusto ko pa ng mas higit pa sa himas lang!" wika n'yang nakataas ang kilay sa akin. "Wala akong condom dito at wala akong balak na ipasok ang sìmilya ko sa mga parausan ko lamang. Hinding-hindi kita gagalawin ng wala akong proteksyon." ani ko at isang malakas na sampal ang dumapo sa aking mukha. 'Shìt ang lakas nuon ah!' inis kong wika sa aking sarili. "How dare you George na tawagin akong paraùsan mo lamang!" galit na galit n'yang ani habang nagbabaga ang kanyang mga mata na nakatitig sa akin. "What should I call you then, my bed warmer?" muli ay isang malakas na sampal ang dumapo sa aking mukha, susundan pa sana niya ito ng isa pa ngunit pinigilan ko na ang kanyang kamay at mala demonyo ko siyang nginisihan. "Ikaw ang unang lumapit sa akin, sinabi ko sa iyo nuon pa na wala akong balak magseryoso sa kahit na kaninong babae pero tinanggap mo ito, ang sabi mo ay hindi kailangan ng relasyon, pampalipas init lamang ng katawan. Bakit ngayon ay umaasta ka na akala mo ay mayroon tayong relasyon ha? Mabuti pa ay umalis ka na at huwag ka ng magpapakita pa sa akin!" nanlilisik ang mga mata kong asik sa kanya. Bigla na lang nagbago ang kanyang anyo, mula sa nanlilisik na mga mata sa tila ba naging maamong tupa sa aking harapan. "No, baby! Okay, fine! Kung ano lang ang gusto mo okay na sa akin 'yon, huwag ka lang malayo sa akin." wika nya at akma niya akong yayakapin pero tinulak ko siya palayo sa akin. "Stop that! Tapos na ako sayo ngayong araw kaya makaka-alis ka na." ani ko habang sinizipper ko ang aking pantalon. Padabog siyang lumabas ng aking opisina kaya napapailing na lamang ako. Tsk hindi ikaw ang babaeng seseryosohin ko Agatha, hanggang parausan ka lamang at hindi na hihigit pa duon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD