Chapter 1

2511 Words
Lalaine's POV Mahirap lamang ang kinagisnan kong buhay kasama ang aking ina na kumukupkop sa akin mula ng mapulot n'ya ako na nagpapalaboy-laboy sa kalsada at hindi malaman kung saan pupunta. Sobrang pasasalamat ko dahil isang mabuting tao ang nakapulot sa akin nuon, sabi nga ni nanay ay apat na taon pa lamang ako nuon ng makita n'ya akong umiiyak. Naging mabuti siyang ina at ama sa akin dahil wala namang asawa si nanay. Hindi naman naging lingid sa akin na hindi n'ya ako tunay na anak, ngunit ni minsan ay hindi ipinaramdam sa akin ni nanay na hindi kami magkadugo, dahil kung tutuusin nga ay mas mahal pa nga ako ni nanay kaysa sa iba kong kakilala na minamaltrato ng tunay nilang ina. Naglalakad na ako malapit sa aming munting tirahan ng makita kong humahangos na lumalapit sa akin si Manang Fely kaya nakaramdam ako ng matinding kaba at takot dahil alam kong may nangyaring hindi maganda. "Lai ang nanay mo sinugod sa hospital!" Humahangos na ani ni Manang Fely sa akin ng makauwi ako galing sa pamamalengke. "Ho? Ano po ang nangyari sa nanay ko?" takot na takot kong ani kaya nagmamadali akong tumatakbo papalapit sa kaniya. "Naku ineng! Nagwawalis lang diyan at pagkatapos ay bigla na lamang bumagsak, kaya ayon at naisugod agad ng aking asawa sa pinakamalapit na hospital. Buti na nga lamang at hindi pa agad nakakaalis ang aking asawa kaya nakita n'ya ang pangyayari at agad n'ya ding naisugod ito sa hospital kanina." pahayag ni Manang Fely at agad na nagtuluan ang aking mga luha. Matinding takot ang naramdaman ko sa mga oras na ito dahil hindi ko alam kung ano ba ang kalagayan ng aking ina. Agad kong ipinasok ang mga pinamili ko matapos kong magpasalamat sa kabutihan nila Manang Fely at ng kanyang asawa. Mabilis kong tinungo ang hospital na sinabi niya sa akin at halos maghilam na ang aking mga mata dahil sa luhang dumadaloy mula dito at wala akong pakialam kung ang lahat ng sakay ng Jeepney na ito ay sa akin nakatingin. Ang importante sa akin ngayon ay ang makita ko ang aking ina dahil hindi ko alam kung ano ang sanhi ng pagkawala ng kaniyang malay at natatakot akong malaman na baka may malala siyang karamdaman. "Manong para po, dito na lang po!" Pagkahinto ng jeepney ay mabilis akong tumawid at bigla na lamang ay isang malakas na busina ang aking narinig. Sa sobrang gulat ko ay mabilis akong humakbang pabalik sa gilid ng kalsada at takot na takot na tumingin sa driver ng sasakyan na galit na galit naman sa akin na nakaduro pa ang daliri sa akin at tila ba gusto akong lamunin ng buhay. "Hoy! Kung magpapakamatay ka huwag mo akong idamay. Bobo!" sigaw ng galit na galit na matandang Jeepney driver sa akin. Napatingin ako sa mga taong nag-uusyoso at nagbubulungan na akala mo naman ay mga perpekto, kung makatingin sa akin akala mo naman ay nakagawa ako ng matinding krimen. Dahil sa kakaisip ko kay nanay ay hindi ko na namalayan na tumatawid na pala ako ng lutang ang aking isip kaya muntikan na tuloy akong masagasaan. Humingi ako ng paumanhin sa driver ngunit sa halip na unawain ako ng matandang driver ay pinagmumura n'ya pa akong muli kaya hindi ko na lamang ito pinansin at hinintay ko na lamang na maubos kahit papaano ang mga sasakyan bago ako tumawid na muli. Pagkarating ko ng hospital ay nagmamadali akong tumakbo sa loob at hinanap agad ang aking ina sa information area. "Miss saan po room ng nanay ko? Mirasol Torrez po." ani ko habang pinupunasan ko ang aking mga luhang ayaw paampat sa pagtulo. Halos hindi ako makahinga sa sobrang kaba at takot na aking nararamdaman habang hinihintay ko ang nurse kung anong numero ng silid ang kinaroroonan ng aking ina. "Nasa room 102 po." Pagkasambit nya ay agad kong tinungo ang sinasabi nyang numero ng silid at wala akong pakialam kung pagtinginan man ako ng mga tao dahil kanina pa ako iyak ng iyak habang patungo sa lugar na ito. Natatakot kasi ako, si nanay lamang ang kinagisnan kong pamilya mula ng magkaisip ako at hindi ko kakayanin kung mawawala siya sa buhay ko, ni isipin nga ay hindi ko magawa na mag-iisa ako. Pagkarating ko sa silid ng hospital ay dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pintuan, mahimbing na natutulog ang aking ina kaya't marahan akong lumapit dito at pinagmasdan lamang siya. "Nanay nandito na po ako, I love you po." bulong ko sa mabining boses. Umupo ako sa upuan malapit sa higaan ng aking ina ng biglang bumukas ang pintuan nito kaya agad akong napalingon dito. "Good morning, ikaw ba ang kamag anak ng pasyentye hija?" nakangiting bati ng doctor sa akin kaya binati ko din siya at tinanong ang kalagayan ng aking ina. "Mabuti na ang kalagayan ng iyong ina, ngunit hindi siya maaaring mapagod o magtrabaho ng kahit na anong mabibigat na gawain dahil makakasama ito sa puso ng iyong ina. Kailangan n'ya ng mahabang pahinga at bawal na bawal sa kanya ang magpapagod." Nanlulumo ako ng ipaliwanag sa akin ng doctor na mahina ang puso n'ya at kailangan ng mahabang panahon na pahinga at gamot na kailangan n'yang inumin araw-araw. Diyos ko po! Saan naman po ako kukuha ng pambili ng sustentong gamot para sa aking ina wala pa naman po akong trabaho. Naiiyak na ako dahil hindi ko malaman kung saan ko talaga kukuhanin ang perang ipang-gagastos ko para sa mga gamot na kakainlanganin ng ni nanay. "Kailangan n'yang mainom ang mga gamot na irereseta ko sa iyo hija kung hindi ay maaaring lumala ang kondisyon ng iyong ina." ani na muli ng doctor na ipinanlumo ko. Para akong unti-unting nauupos dahil wala akong maisip na paraan para makahanap ng pera na kailangan para sa aking ina. Saan naman kaya ako kukuha ng perang pambili ng gamot ni nanay? Kakaisip ko sa gamot ni nanay ay biglang pumasok sa isipan ko ang bayarin dito sa hospital kaya bigla ay napatayo ako. Panginoon ko! Magkano kaya ang babayaran ko sa hospital na ito? Wala pa naman akong kapera-pera ngayon, kung mayrtoon man ay mahigit dalawan-daang piso lamang ito. Kumakabog ang dibdib ko habang nag-iisip ako kung magkano kaya ang bills namin dito sa hospital at kung paano ko ito mababayaran. Habang malalim akong nag-iisip ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang aking pinsan na sina Brent at Karl. "Kamusta na si tita?" tanong nila na may pag-aalala sa kanilang mga mata. "Maayos na siya kaya lang tignan n'yo ang mga bibilin kong gamot." wika ko at pinakita ko pa sa kanila habang naiiyak ako. Bigla na lang nag-uunahan ang dalawa kong pinsan sa pag-agaw sa akin ng mga reseta mula sa aking kamay na ikinagulat ko at pareho pa silang nag-piprisinta na sila na ang bibili ng gamot. May kaya sa buhay ang pamilya nila kumpara sa buhay na kinagisnan ko. Ganito na ang buhay namin ni nanay buhat ng napulot n'ya ako habang umiiyak na naglalakad sa loob ng palengke. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na isa lamang akong ampon ni nanay at tanggap naman iyon maging ng kapatid ng aking kinikilalang ina at ng dalawang anak ni tita na si Brent at Karl. Pero kahit ampon lang ako ay ipinaramdam naman sa akin ni nanay ang pagmamahal ng ina para sa kanyang anak kaya mahal na mahal ko din si nanay. "Sabi ko ako na!" galit na ani ni kuya Brent kay Karl kaya napatingin na ako sa kanila. "Ang kulit mo! Ako kaya ang unang nakakuha ng reseta!" wika naman ni kuya Karl. Mabilis ko silang inawat at inalam kung ano ba ang kanilang pinagtatalunan. Natuwa ang kalooban ko ng malaman ko na gusto nilang sila na lamang ang bumili ng gamot ng aking ina ngunit nahihiya din naman ako dahil lagi na lamang silang tumutulong sa mga pinansyal na problema namin ni nanay. "Salamat mga kuya, mamaya magsisimula akong maghanap ng trabaho para mabayaran ko naman kayo sa lahat ng tulong na ginagawa ninyo para sa amin." naiiyak kong ani sa kanila. "Ano ka ba! Hindi naman kami naniningil." Wika pa nila pero kailangan ko pa ring maghanap ng trabaho dahil kailangan kong matustusan ang pangangailangang gamot ng aking ina. Hindi naman pwedeng iasa ko na lang sa kanila ang mga gastusin na dapat ay ako ang gumagawa para sa amin ng nanay ko. Bigla kong naalala ang kaibigan kong si Trish, matagal na n'ya akong inaalok na magtrabaho sa bar na pinapasukan n'ya bilang isang serbidora, lagi ko siyang tinatanggihan nuon ngunit sa pagkakataong ito ay matindi na ang pangangailangan ko, kaya wala na akong pagpipilian kung hindi ang tanggapin ito. Sana lamang ay bakante pa ang posisyong inaalok n'ya sa akin. "Mga kuya paki bantayan naman si nanay may pupuntahan lang ako." ani ko sa kanila at agad na din akong umalis upang makausap ko agad ang aking kaibigan na nag-aalok ng trabaho para sa akin, malaking bagay kung matatanggap ako sa pinagtatrabahuhan n'ya dahil kahit papaano ay matutustusan ko na ang pangangailangan ng aking ina. Nagprisinta sila na ihahatid na nila ako ngunit tinanggihan ko ito dahil kailangan din ng may magbabantay para sa nanay ko. "Hindi na mga kuya, kay Trish lang naman ako pupunta, nangangailangan ng serbidora sa Neon Nights bar baka sakali matanggap ako, matagal na n'yang inaalok sa akin ang pagiging serbidora duon, sa tingin ko ay kailangan ko na itong tanggapin. Sabi naman n'ya ay disenteng bar iyon." mahaba kong paliwanag sa kanila. Si Trish ay serbidora din sa bar na iyon at siya mismo ang nagpatunay sa akin na malinis at disente ang lugar na iyon kaya naengganyo na rin n'ya ako na mag apply, at kailangan ko rin ng trabaho para matustusan ang pangangailangan ni nanay para sa kanyang mga gamot. "Disente nga iyon, mga nagpupunta duon ay mga mayayaman, bibihira lamang ang mga pangkaraniwang tao duon at bawal mai-table ang mga serbidora sa bar na 'yon o kaya ay bastusin dahil itatapon ng mga bouncers sa labas ang magtatangka." tumatawang ani ni kuya Karl kaya mas lalo akong nakahinga ng maluwag, kung gayon ay hindi nga nagsisinungaling sa akin ang aking kaibigan na si Trish. "Susubukan ko lang naman, kailangan ko lang talaga ng trabaho para matustusan ko ang pangangailangan namin ni nanay." nakangiti kong wika at pagkatapos ay umalis na din agad ako upang maabutan ko pa si Trish at masamahan n'ya ako sa lugar na pinagtatrabahuhan n'ya. Agad din naman kaming nagpunta sa lugar ng pinapasukan n'ya at aaminin ko na napakaganda ngang lugar ng Neon Nights na ito, malinis, mabango at higit sa lahat ay disente ang mga nagtatrabaho dito dahil na rin sa kanilang mga kasuotan. Pagkatapos ng mahaba-habang interview na ginawa nila sa akin ay natapos din agad ito at pinalabas na muna ako kaya naman hinanap ko agad si Trish at nakita ko siyang nakikipag biruan sa mga bouncer ng bar. "Sasabihan ka na lang daw niya Trish, kinakabahan ako friend kasi parang ayaw sa akin ng manager ng bar na ito, sobrang taray n'ya at lagi nya akong tinataasan ng kilay." mahaba kong litanya sa aking kaibigan. "Naku! Friend! Huwag mong itindihin 'yon dahil insecure lang 'yon sa iyo, siya lang ang nag-interview pero hindi naman siya ang magdedesisyon kung papasa ka ba o hindi." ani nya sa akin kaya napadasal na lamang ako na sana nga ay matanggap ako sa trabaho dahil talagang kailangang kailannan ko ngayon ng mapagkikitaan para sa pangtustos ng gamot ni nanay. Umuwi na rin kami matapos sabihan si Trish na tatawagan na lamang daw siya mamaya kapag nakapagdesisyon na kung sino ang tatanggapin sa posisyong inaplayan ko kaya muli akong napadasal na sana ay ako ang palarin. ❅───✧❅✦❅✧───❅ "Magsisimula ka na daw mamaya Lai. Pahihiramin muna kita ng maisusuot mo hangga't hindi pa dumarating ang magsusukat ng uniporme mo ha, pero ternuhan mo ng manipis na blazer baka mapagalitan kasi tayo." wika n'ya habang naghahalungkat ng mga luma n'yang damit. Masayang masaya ako dahil sa wakas ay may trabaho na ako at makakatulong na rin ako sa pagbili ng gamot ni nanay. Nagpasalamat ako kay Trish sa tulong na ginawa n'ya at pagkatapos ay tinulungan ko na siya sa paghahanap ng damit na maaari kong isuot mamaya sa trabaho dahil wala naman akong damit na matino na maaari kong maisuot ay pahihiramin na lang muna ako ni Trish. "Eto na lang, basta ternuhan mo 'yan ng blazer ha." wika n'ya pang muli sa akin at napatingin naman ako dito at nanlaki ang aking mga mata sa hitsura ng damit na iniabot niya sa akin. "Ay hala! Hindi ba ako magmukhang pokpòk nito?" nag-aalangan kong ani. Parang gusto ko na tuloy umatras ng makita ko ang gusto niyang ipasuot sa akin, hindi pa naman ako sanay magsuot ng mga ganitong klaseng kasuotan. Napatingin sa akin si Trish at tinawanan lang n'ya ako at kinuha ang damit na hawak-hawak ko at itinapat sa katawan ko na tila ba sinisipat-sipat n'ya ito kung babagay ba ito sa akin o hindi. "Grabe ka naman sa pòkpok ay! Hindi noh! Maganda 'yan pag naternuhan mo ng blazer." ani n'ya habang isinusukat pa ang damit na hawak n'ya sa harap ng katawan ko. Wala din naman akong nagawa dahil wala naman din talaga akong maisusuot mamaya, ang problema ko na lamang ay saan ako kukuha ng blazer eh panty nga di ako makabili ng bago, blazer pa kaya. Napabuntong hininga na lamang ako at pagkatapos ay umuwi na ako sa amin upang paghandaan ang unang gabi ko mamaya sa Neon Nights. Kinakabahan ako dahil hindi naman ako sanay na pumapasok sa mga ganoong klase ng lugar ngunit pinanghahawakan ko na lamang ang mga sinabi ni Trish at ni kuya Karl tungkol sa lugar na pagtatrabahuhan ko na maayos at disente ito. Nang makauwi ako sa aming munting bahay ay agad akong naligo upang bumalik na muli sa hospital. Nagluto ako ng pritong isda at kaunting gulay at maingat itong inilagay sa malinis na tupperware upang mapakain ko na si nanay pagdating ko ng hospital. Pagbukas ko ng pintuan ay dahan-dahan akong pumasok ng bigla na lamang nakaramdam ako ng gutom ng maamoy ko ang mabangong amoy sa loob ng silid ng aking ina kaya't napatingin ako sa loob at nakita ko si nanay na kumakain ng pagkaing dala-dala nila kuya Brent kaya sa sobrang hiya ko ay itinago ko na lamang ang pagkaing dala ko sa likod ko at pagkatapos ay dahan-dahan ko itong ibinaba sa may gilid ng sofa na malapit lamang sa pintuan. "Nanay." masaya kong tawag sa kaniya at agad ko siyang niyakap ng napakahigpit. Sobrang saya ko na nag okay na daw si nanay matapos makainom ng mga gamot na binili ng dalawa kong pinsan kaya hindi matapos-tapos ang pasasalamat ko sa kanila dahil sa kanilang mga kabutihang ginagawa para sa amin. Napaka swerte kong tunay at napunta ako sa pamilyang may mabubuting puso at kalooban, mga mapagmahal na tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD