George's POV
Pagkatapos kong pag-aralan ang mga dokumento at pirmahan ang mga ito ay napatingin ako sa aking orasang pambisig, Mag-aalas sais na pala kaya agad kong ibinalik sa folder ang mga papeles at ipinasok sa aking drawer.
Naghanda na ako pauwi at nakakaramdam na rin naman ako ng pagod kaya kailangan ko na ring magpahinga.
Paglabas ko ng aking opisina ay may nakita akong isang babae na humahangos papasok sa silid opisina ni Agatha kaya tinitigan ko itong mabuti. Nanlaki ang aking mga mata ng mapagsino ko ito.
"Lalaine," I whispered at pagkatapos ay dahan-dahan akong tumungo sa labas ng opisina ni Agatha at matamang nakinig sa pag-uusap nila. Kailan man ay hindi ko naging ugali ang makinig sa usapan ng may usapan ngunit hindi ko maintindihan sa aking sarili kung bakit ko ito ngayon ginagawa.
"Buti naman at dumating ka pa? Ang kapal naman ng mukha mo para ma-late ka sa unang araw mo." ani ni Agatha kay Lalaine.
"Sorry po mam medyo traffic po kasi papunta dito." sagot naman ng bago kong serbidora.
"Wala akong pakialam sa excuses mo Miss. Torres, kay bago-bago mo pinag-aantay mo ako. Huwag mong ipagmamalaki na dahil tinulungan ka ng may-ari ng bar na ito ay makaka-asta ka na dito na akala mo kung sino ka!" galit nyang wika na ikinanuot ng aking noo. Ganito nya ba tratuhin ang aking mga empleyado?
"Naku mam hindi po! Nagsasabi po ako ng totoo dahil may banggaan po kasing nangyari mala..." hindi na nya natapos ang sasabihin nya dahil binara agad siya ni Agatha.
"Wala akong pakialam sa excuses mo! Taga-silbi ka lang dito tandaan mo 'yan! Isang katulong, isang serbidora! Ang kapal ng mukha mong magpaka late sa pagpasok at ang kapal ng apog mo! Gusto mong tanggalin kita dito? Huwag mong ipagmamalaki si George dahil hindi ka n'ya papatulan. At huwag mong lalandiin ang nobyo ko!" galit na galit n'yang sigaw na ikinagulat ko.
Nobyo? Ako nobyo nya? Kaylan pa? That's it! Kailangan ko ng makialam dahil sa mga pinag sasasabi ng Agatha na ito.
Papasok na sana ako ng opisina ni Agatha ng may pumigil sa aking braso na ikinalingon ko.
"s**t Raymond ginulat mo ako! Ano ginagawa mo dito?" wika ko.
"Hayaan mo sila d'yan may problema ako kailangan ko ng kausap." ani nya sa malungkot na tinig kaya napatingin na lamang ako sa bukas na pintuan at napailing na lamang ako, sa susunod na araw ko na lamang kakausapin si Agatha upang isaksak sa utak nya na hindi nya ako nobyo.
Agad kong iginiya si Raymond sa aking opisina at nagpadala na rin ako ng maiinom.
Habang nag uusap kami ay may ilang katok ang pumukaw sa amin.
"Come in," wika ko.
Pagbukas ng pinto ay iniluwa nito ang magandang serbidora kaya napatigil ako sa pagsasalita at napatitig na lamang ako sa kanyang mukha at bakas sa kanyang mga mata na kagagaling lamang nya sa pag iyak.
"Sir heto na po ang alak na pinakuha n'yo at kung may kailangan pa po kayo ay magsabi lamang po kayo." wika nyang nanginginig ang boses.
Nakaramdam ako ng matinding awa at pagkahabag sa kanya dahil sa pagtrato sa kanya ni Agatha.
Nakatitig lamang ako sa kanya, napayuko siya ng kanyang ulo marahil ay hindi niya kayang paglabanan ang mga titig ko.
"Ku-kung wala na po kayong ipag-uutos ay aalis na po ako, marami pa po kasi akong trabaho." wika nya at agad na lumakad palabas ng aking opisina.
"You do like her." nakangising ani ni Ray. Natawa naman ako sa sinabi niya kaya napapailing ako ng ulo. Kinuha ko ang bote ng alak at sinalinan ko ang dalawang kopita at sinaid ko agad ang laman nito at muling sinalinan.
"Don't try to hide it, bro. It's obvious from the way you looked at her and treated her. You have romantic feelings for her." nakangisi nyang ani sa akin.
"Wala! Kalimutan mo na, mukhang mas malala 'yang problema mo sa pag-ibig kaysa sa maliit kong problema." ani niya sabay tawa ng malakas. Binato ko siya ng pen at sinalo naman agad niya ito at ibinalik pa sa akin ng sira ulo kong kaibigan.
"Anyway, the main reason I'm here ay upang ipaalala ko sa iyo ang nalalapit na meeting natin. Baka lang makalimutan mo, napaka importante ng meeting na 'yon." ani niya. Tumango ako at pinakita ko sa kanya ang schedule plan ko na nakakabit sa wall at pinakita ko sa kanya na nakasulat duon ang date and time ng mahalagang meeting namin kaya napangiti naman siya. Hindi na rin siya nagtagal at umalis na din dahil may mga aasikasuhin pa raw siyang importanteng gagawin.
Sumandal ako sa aking swivel chair at ipinikit ang aking mata ng biglang lumitaw ang mukha ni Lalaine sa aking balintataw.
Napatayo ako sa aking pagkakaupo at hinablot ang susi ng aking sasakyan na nasa table ko at mabilis na rin akong lumabas ng aking opisina. Hindi ko nagugustuhan ang nararamdaman ko kaya mas mabuti pa na lumabas na lang ako at umuwi ng condo ko.
Papalabas ako ng makita ko si Lalaine na nag se-serve sa customer, kahit may mga ngiti sa kanyang labi ay makikita mo pa rin ang kalungkutan sa kanyang mukha.
Pinagmasdan ko ang kabuuan nya at napangiti ako ng makitang suot-suot na nya ang kanyang uniporme na bumagay sa kanya.
Bumalik ako sa aking opisina para balikan ang ilang dokumento na kailangan kong dalhin naman sa bahay upang tapusin.
Palabas na ako ng exit ng bar ng bigla ay maulinigan ko ang boses ni Agatha na galit na galit kaya napahinto ako sa aking paglalakad. May atraso pa nga pala sa akin ang babaeng ito dahil sa pinagkakalat niya na nobyo nya daw ako.
"Huwag kang tatanga-tanga. Hindi ikaw ang pakikisamahan ng mga customers dito! Ikaw ang makikisama sa kanila! Kung gusto nilang hawakan 'yang dibdib mo ipahawak mo o ipalamutak mo sa kanila. Kahit ipasuso mo pa 'yan sa kanila wala akong pakialam!" galit nyang ani sa kanyang kausap. Hindi ko nagustuhan ang narinig ko dahil kahit kailan ay hindi ko hahayaan na may mabastos akong empleyado dito sa loob ng pag-aari ko. Mas importante sa akin ang respeto ng mga customers sa mga empleyado ko kaysa sa pera nila. Napalapit ako sa may likod ng bar at nakita ko sa gilid si Lalaine at Agatha na magkaharap habang si Lalaine ay nakayuko at mukhang umiiyak. May kung anong galit akong naramdaman para kay Agatha ng makita ko at marinig ko kung ano ang mga pinagsasasabi niya kay Lalaine.
"Ma'am hinawakan n'ya po kasi yung puwitan ko tapos hinawakan niya ako sa magkabila kong dibdib at pilit niya akong niyayakap kaya nasampal ko po siya." wika nyang umiiyak kaya nagpanting ang aking tainga dahil sa aking narinig at agad na lumapit sa kanila na may galit sa aking mga mata.
"Who fùcking did that to you?" galit kong ani na pareho nilang ikinagulat at sabay pa nila akong nilingon.
"Ahm George nandyan ka pala, wala 'yun, nagkamali ka lang ng narinig." agad na ani ni Agatha at pumulupot ang kanyang kamay sa aking braso na agad ko namang inalis at tinulak ko pa siya palayo sa akin.
"Sir! Sir. George Zither ang itatawag mo sa akin, Agatha! Don't forget I am your boss, and you are just my employee. At hindi ikaw ang kinakausap ko kaya huwag kang sumabat dito. Narinig ko ang lahat ng sinabi mo at kaylanman ay hindi ko pinahintulutan na bastusin ng kahit na sino ang mga empleyado ko sa loob ng aking kinasasakupan!" galit kong ani sa kanya at nakita ko ang pagkapahiya nya sa harapan ni Lalaine na nagulat din sa aking tinuran.
"Now, Miss. Torres, tell me who assaulted you. Come with me and let me know who assaulted you. Akong bahala sa iyo at huwag kang matakot." galit kong ani dahil sa nangyari sa kanya at hinawakan ko s'ya sa kamay, sabay hila papasok ng aking bar.
Ikinumpas ko ang aking kamay sa itaas ng ere na siyang nag-patigil ng maingay na musika. Ang lahat ng tao na sumasayaw ay napatigil at nagtataka, ang mga bouncers at bodygurads ko naman ay nagsikilos at nagsisunod sa akin dahil nakikita nila ang galit sa aking mukha.
"Now tell me who the fùck is that guy na bumastos sa iyo!" galit kong ani habang isa-isa kong tinitignan ang mga taong nakaupo sa mga table at ang mga taong nakatayo dahil sa naudlot na pagsasayawan.
Yumuko si Lalaine at pagkatapos ay pinunasan ang mga luhang dumadaloy sa kanyang mukha at ramdam ko ang panginginig ng kanyang kamay at ng kanyang katawan kaya mas lalo akong nakaramdam ng matinding galit sa puso ko na hindi ko maunawaan.
"Don't be afraid, Miss. Torres. I will protect you. Please sabihin mo sa akin kung sino ang bumastos sa iyo." ani ko sa mahinahong boses na upang huwag siyang matakot.
Pag-angat n'ya ng kanyang ulo ay tumingin siya sa akin na para bang hindi makapaniwala sa aking sinambit. Mayamaya ay agad n'yang itinuro ang isang grupo na nasa gitna ng stage at bakas sa kanilang mga mukha ang pagkabahala.
Naglapitan na ang mga bouncers sa grupong itinuro ni Miss. Torres upang maghanda ng kanilang gagawin.
"Sino sa kanila?" muli ay tanong ko.
Nilapitan ko ang grupo habang hila-hila ko ang kamay ni Lalaine habang magkasalikop ang aming mga palad.
"Siya po," sabay turo sa lalakeng matangkad na kababakasan ng takot sa kanyang mukha.
Isang suntok sa panga ang binitawan ko sanhi ng pagpupulasan ng mga tao sa gitna ng stage. Matinding galit ang nararamdaman ko dahil sa pambabastos na ginawa niya sa empleyado ko.
Tatlong lalake ang natira habang ang sinuntok ko ay nakahilata naman sa sahig.
Lumuhod ako sa harapan nya sabay haklit sa kanyang kuhelyo at isang suntok pa ang pinakawalan ko sa mukha niya.
"How dare you! I will fùcking kill you the next time you touch my girl!" nanginginig ang boses ko sa galit na aking nararamdaman.
"Huwag n'yong dadalhin ang kalibugan n'yo dito sa bar ko at lalong-lalo, huwag ninyong gagalawin ang pag-aari ko!" galit na galit kong ani na ikinatingin sa akin ni Lalaine.
Agad kong sinenyasan ang mga bouncers at isa-isa nilang pinagdadampot ang mga kalalakihan at mabilis na itinulak palabas ng aking bar.
Huminga ako ng malalim at pagkatapos ay hinila ko na palabas ng bar si Lalaine at agad na isinakay ng aking sasakyan, alam kong lahat ng mga mata ay sa amin nakatingin lalong-lalo na ang nagbabagang titig ni Agatha ngunit wala na akong pakialam pa dahil ang alam ko lang ay gusto kong ilayo si Lalaine ngayon sa ganitong klaseng lugar.
Hindi ko pinapansin ang tingin sa akin ni Lalaine, hindi ko rin naman maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ako sa kanya, ang alam ko lang ay gusto ko siyang protektahan at alagaan.