George's POV
Naging maganda ang kinalabasan ng event ng mga Antonetti kagabi, naging masaya din ang gabi ko dahil halos buong gabi kong kasama si Lai. Alas dos na ng madaling araw ng inihatid ko si Lai sa kanilang tahanan na ipinag pasalamat naman niya. Parang ayoko pa ngang umuwi kagabi at tila ba gusto ko ng matulog sa kanilang tahanan.
"Manang sa opisina na po ako kakain." ani ko sa aking kasambahay.
Pagkasakay ko ng aking sasakyan ay pinaharurot ko agad ito. Mabilis akong nakarating sa building na pag-aari ko at masaya akong bumaba ng aking sasakyan. Hindi maalis ang ngiti sa aking labi, hindi ko makalimutan ang magandang mukha ng aking serbidora.
"Good morning, Sir George!" malanding bati ng aking sekretarya na si Ava.
"Do I have any important meetings today?" I inquired my secretary.
"No sir, pero tumawag po ang mga kaibigan n'yo na may lalakarin daw po kayo ng one o clock in the afternoon." sagot n'ya na tinanguan ko lamang at agad na akong pumasok sa aking opisina.
Pagkapasok ko ay agad na sumunod si Ava at isinara ang pinto ng aking opisina.
"Not today, Ava!" ani ko sa kanya na tila wala siyang narinig at tuloy-tuloy lang pumasok at agad na kumandong sa akin.
"I SAID NOT TODAY!" bulyaw ko sa kanya na ikinagulat n'ya at agad na tumayo.
"Get out! I want to be alone!" sigaw kong muli sa kanya at mabilis na itong lumabas ng aking opisina na takot na takot.
"Shìt!" sigaw ko pagkalabas ni Ava.
Mula ng makasama ko kagabi si Lai ay parang gusto kong magpaka faithful sa kanya kahit wala naman kaming relasyon dalawa. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, kailan ko lang siya nakilala pero bakit ganito ang epekto niya sa akin? Bakit para akong nasisiraan ng ulo?
'Wtf is wrong with me?!' galit kong wika sa aking sarili.
Mabilis kong tinapos ang mga kailangan kong gawin upang pagdating ng mga kaibigan ko ay aalis na lang kami. May bago kaming binubuksang business na isang resto bar na kaming anim ang mag mamay-ari. Ang sukat at laki nito ay triple ng Neon Nights kaya siguradong maganda ang kalalabasan nito.
Bago mag-ala una ay unang dumating si Hanz na sinundan naman ni Rye at Gabriel kaya si Ray at Isaac na lang ang hihintayin namin.
"Ano nangyari sa dalawang 'yon bakit ang tagal?" wika ni Hanz.
"Baka umisa pa si Isaac sa asawa bago umalis." panunukso naman ni Gabriel na ikinatawa namin.
Sumandal ako sa aking swivel chair at ipinikit ko ang aking mga mata.
"Kami ba pinag uusapan n'yo ha?" wika ng dalawang taong kapapasok pa lamang ng aking opisina.
"May narinig ba kayo?" Hanz said.
Nagkatawanan lang kami at isang batok sa likod ng ulo ni Hanz ang dumapo sa kanya mula kay Isaac na ikinatawa namin.
Matapos naming pag-usapan ang mga detalye ng resto bar na plano namin pati na ang location ay nagkaayaan kaming kumain na lamang sa LaCùesta na pag aari ni Rye kaya agad din kaming umalis ng aking building at isa-isa na kaming sumakay sa aming mga sasakyan at magkikita-kita na lamang kami sa restaurant.
Pagkarating namin g restaurant ni Rye ay umorder agad kami ng makakain, habang hinihintay namin ang pagseserve nila ay puro kalohohan ang napag-uusapan naming magkakaibigan. Hindi naman nagtagal ay isa-isa ng nagdatingan ang mga waiters at inilapag sa table namin ang mga pagkaing inorder namin.
Habang kumakain kami ay pinag-uusapan din namin ang mga proyektong gagawin naming magkakaibigan. Maraming nakahilerang proyekto na kailangan naming umpisahan as soon as possible.
Nagtanong din sila tungkol kay Lai pero iilang detalye lang naman ang sinabi ko sa kanila dahil maging ako naman ay ilang detalye lang din ang alam ko.
Mag aalas sais ng gabi ng maghiwa-hiwalay kaming magkakaibigan. Naisipan kong dumaan ng Neon Nights dahil gusto kong makita si Lai. Pagpasok ko sa loob ng aking bar ay ginulat ako ng isang kaguluhan, wala man lamang nakapansin sa aking pagdating dahil ang lahat ay busy sa kakausyoso ng kung ano mang pinagkakaguluhan sa gitna ng stage.
"Ang kapal ng mukha mong landiin ang nobyo ko! Malandi kang babae ka! Puta ka at ibinenta mo ang katawan mo sa nobyo ko! Papatayin kitang babae ka!" sigaw ni Agatha at isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ni Lai na ikinagulat ko at dalawa pang serbidora na hila-hila ang buhok ni Lai kahit subsob na ito sa sahig habang may isang babaeng umaawat kay Agatha.
"Tama na po nasasaktan po ako, wala akong ginagawang masama! Wala po akong nilalandi, wala po akong inaakit at hindi ko po binebenta ang katawan ko kahit kanino." tumatangis na ani ni Lai.
"Huwag n'yong sasaktan ang kaibigan ko wala kayong karapatan!" galit na sigaw ng isang babae habang tinutulungan niya si Lai na makatayo. Nang makarating ako sa kumpulan ay agad kong hinawi ang mga tao at laking gulat nila ng makita nila ako na galit na galit.
Malakas kong itinulak si Agatha ng akma nya akong lalapitan kaya bumagsak siya sa sahig at agad kong tinulungan si Lai na tumayo at iwinaksi ko ang mga kamay ng dalawang babaeng serbidora na sumasabunot kay Lai at agad kong niyakap si Lai upang protektahan sa kanila.
"WHO GAVE YOU RIGHTS TO HURT MY WOMAN?" Nakaduro kong sigaw kay Agatha na ngayon ay parang natauhan sa kanyang ginawa. Galit na galit ako sa kanya at gustong-gusto ko siyang patayin sa ginawa niya kay Lai.
Itinaas ko ang mukha ni Lai at nagtagis ang aking mga bagang ng makita kong duguan ang mukha niya. Tinawag ko ang mga tauhan ko at inutusan ko silang kaladkarin ang mga taong nanakit sa babaeng yakap ko ngayon.
"Kaladkarin n'yo ang tatlong babaeng 'yan palabas ng aking building at huwag na huwag n'yo silang papapasukin dito kung hindi lahat kayo ay mawawalan ng trabaho." sigaw ko habang nagtatagis ang aking bagang sa sobrang galit na nararamdaman ko.
"Babe, huwag mong gawin sa akin ito, 'yang babaeng 'yan ang may kasalanan dahil inaagaw ka n'ya sa akin!" umiiyak na wika ni Agatha.
"Babe? Don't you dare call me babe Agatha, wala tayong relasyon, parausan lamang kita at bubukaka ka lamang kung kailan kita kailangan. Hindi kaylanman ang katulad mo ang babaeng mamahalin ko." galit na galit kong wika sa kanya.
"Hayop ka! Kinakama mo ako tapos bale-wala lang sa iyo ang lahat? Demonyo ka!" galit niyang sigaw sa akin na ikinatawa ko ng pagak.
"Ikaw ang may kagustuhang ikama kita upang mawala yang kati ng katawan mo. Hindi kita pinilit at lalong-lalo na hindi kita nilapitan, ikaw mismo ang kusang pumapasok at bumubukaka sa opisina ko. At ayusin mo ang pagsasalita mo Agatha, never ka pang nakahiga sa kama, lagi lang kitang kinakabayo sa upuan o sa lamesa. Ganyan lang ang papel mo sa buhay ko!" galit kong sigaw sa kanya at malalakas na bulungan ang maririnig habang galit na galit na nakatitig sa akin si Agatha.
"How dare you degrade me!" umiiyak nyang wika sa akin.
"How dare you to hurt her! How dare you hurt the woman I love!" sigaw ko naman sa kanya. Napatingin sa akin si Lai, hindi ko alam kung bakit ko nasabi 'yon pero kusa itong lumabas sa aking bibig.
"Huwag kang magsaya Miss. Torres, dahil oras na pagsawaan niya ang katawan mo ay matutulad ka lamang sa akin!" galit na galit nyang ani.
Natawa naman ako sa sinabi niya. Unang-una ay wala naman kaming relasyong dalawa, pangalawa ay hindi ko siya gusto at parausan ko lamang siya. Tumingin ako sa mga tauhan ko at inutusan ko agad sila.
"Get her out of my building RIGHT NOW!" galit kong bulyaw sa aking mga tauhan at agad na nagsunuran sila sa aking iniutos.
"All of you get back to work o gusto n'yong sumunod sa kanila?" bulyaw ko sa mga tao sa aking paligid at mabilis din agad silang nagkilusan.
Agad ko namang binuhat si Lai upang ipasok sa aking opisina. Matinding galit ang nararamdaman ko habang pinagmamasdan ko ang mukha niya na puro dugo. Pinasunod ko naman ang kaibigan niya sa amin upang pasalamatan ko siya sa ginawa niyang pagtatanggol kay Lai.
"Si-sir ibaba n'yo na po ako kaya kong maglakad." wika nya ngunit hindi ko ito pinansin at tuloy-tuloy lamang ako sa aking paglalakad.
Nang makapasok kami sa aking opisina ay dahan-dahan ko naman siyang ibinaba sa sofa at pinagmasdan maigi ang nangyari sa kanya. Matinding galit ang nararamdaman ko sa mga oras na ito, sisiguraduhin ko na kahit saan mag hanap ng trabaho ang tatlong babaeng 'yon ay wala ni isa mang tatanggap sa kanila. Hinding-hindi ko mapapalagpas ang ginawa nila kay Lai.
"Sir, hindi n'yo naman po kailangan paalisin sila Ma'am Agatha, nabigla lamang po siya at nagselos kaya n'ya nagawa ang mga bagay na 'yon." ani nya habang patuloy lamang ang pag-agos ng kanyang mga luha sa kanyang mukha.
"Huwag mo silang intindihin, gagamutin ko ang sugat mo at sisiguraduhin kong wala ng mananakit pa sa iyo" wika ko habang hinihimas-himas ko ang kanyang mukha.
Hindi na ako makakapayag na may mananakit pa sa kanya. Gagawin ko ang lahat maprotektahan lamang ang babaeng nagpapagulo ng aking isip. Sisiguraduhin ko na wala ng mananakit pa sa kanya dahil ang magtatangka ay parurusahan ko.