Lalaine's POV
Hindi ako mapakali, nandirito pa rin ako sa loob ng opisina ni Sir George at nakahiga lamang ako sa sofa. Hindi ko alam ang gagawin ko, panaka-naka akong sumisilip sa kanya. Gusto kong sabihin na magtatrabaho na ako pero mukhang hindi naman niya ako papayagan. Mayamaya ay may kumatok sa pintuan ng opisina ng amo ko, tatayo na lamang sana ako ng magsalita si Sir George.
"Come in." ani niya habang nakatingin sa akin. Bumukas naman ang pintuan at iniluwa nito ang kaibigan kong si Trisha na nagtataka ang kanyang mukha.
"Pinapatawag n'yo daw po ako sir?" ani niya habang sa akin nakatingin.
Pinaupo siya ni Sir George sa upuang nakatapat sa kanyang office table. Huminga ng malalim ang amo namin at sumandal sa kanyang upuan. Tinignan niya ang kaibigan ko habang nilalaro niya ang pen na hawak ng dalawa niyang kamay.
"Anong tinapos mo?" ani niya sa kaibigan ko. Nilingon ako ni Trisha at ngumiti ako sa kanya.
"Parehas lang po kami ni Lai na hindi nakatapos ng high school." ani niya kaya napayuko pa kaming pareho kahit siya naman talaga ang kinakausap ng amo namin at hindi ako kasali.
Tumango lang ang amo namin at muli akong tinitigan. Hindi ako kumikibo at napayuko akong muli. Napaangat lang ang aking ulo ng magsalita itong muli.
"Salamat sa ginawa mong pagtulong kay Lai, natutuwa ako at mayroon siyang tunay na kaibigan na katulad mo." ani niya. Ngumiti naman ang aking kaibigan at muli akong nilingon kaya nginitian ko siya at muli siyang humarap sa aming amo.
"Hayaan mo at ihahanap kita ng magandang pwesto dito para hindi kayo nahaharap sa mga customer ng club na mga lasenggo." ani niya. Napatingin ulit sa akin ang kaibigan ko at hindi makapaniwala sa kanyang naririnig.
"Salamat po sir." ani niya at ngumiti lamang sa kanya si Sir George.
Pagkaalis ni Trisha ay nilapitan ako ni Sir George, muling kumabog ang dibdib ko ng dinukwang niya ang mukha ko. Hindi naman niya ako hinahalikan pero magkadikit na ang ilong namin at naaamoy ko ang napakabango niyang hininga kaya naman ako eh pinipigilan ko ang huminga at baka mamaya ay maamoy niya ang inulam kong longanisa kanina. Nakakahiya kapag bigla akong dumighay.
Bigla na lamang niya akong hinalikan sa aking labi na ikinagulat ko pero hindi ko naman magawang tumutol. Napapikit ako at nanginginig ang buo kong katawan dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nahalikan ako ng isang lalake. It was my first kiss kaya ganito ang naging reaksyon ng katawan ko. Napahinto siya sa kanyang ginagawa at nailayo niya ang mukha niya. Hindi pa rin ako dumidilat pero nararamdaman ko ang mga titig niya sa akin.
"I like you, or maybe I love you. I don't know. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko, hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito ng dahil sa iyo. Hindi ko alam kung bakit ayokong may mananakit sa iyo at hindi ko rin alam kung bakit lagi kitang iniisip." ani niya. Naramdaman ko ang pagtayo niya. Idinilat ko ang mga mata ko at mabilis akong bumangon at naupo na lamang ako.
"Don't be afraid of me, wala akong intensyon na saktan ka at huwag ka ding maniniwala sa mga sinabi ni Agatha sa iyo dahil hindi 'yon totoo. Umpisa pa lang ay siya na ang lumapit sa akin, nalasing ako nuon at nagpunta siya dito sa opisina ko at ibinigay niya sa akin ang katawan niya. Hindi naman ako ang nakauna sa kanya, laspag na nga ang babaeng 'yon." ani niya at napapailing pa.
Mayamaya ay bumalik siya sa swivel chair niya at naupo, kinuha niya ang telepono niya at may tinawagan.
"Yeah, I want you to come in my office now, may ipapakilala ako sa iyong dalawang tao na tuturuan mo." ani niya sa kausap niya.
"Wala na, sinipa ko palabas ng building ko dahil ang katulad niya ay hindi nababagay sa building ko." ani pa nya.
"Okay, I will see you then." ani niya at natapos na din ang kanilang pag-uusap. Tumingin siya sa akin at pagkatapos ay naglakad palabas ng kanyang opisina. Makalipas ng ilang minuto ay bumalik din agad siya at naupo sa swivel chair niya. Tinawag niya ako at pinaupo sa isang upuan na nakaharap sa office table niya kaya sumunod naman ako. Hindi nagtagal ay dumating naman si Trisha na nagtataka at tumingin pa sa akin. Pinaupo siya ng amo namin sa katabing silya ko. Tinitigan niya kaming dalawa at pagkatapos ay napangiti.
"Mula ngayon ay hindi na kayo serbidora sa aking bar. Tinantanggal ko na kayong dalawa." ani niya na ikinagulat naming dalawa ni Trisha. Namula ang aking mga mata dahil sa mga luhang nagbabadyang sumilay mula dito.
"Wala naman po kaming ginagawang masama sir, sila po ang naunang nanakit kay Lai." ani ni Trisha at hindi na niya napigilan ang pagluha. Maging ako ay napahikbi na rin dahil saan ako ngayon kukuha ng pera para pambili ng mga gamot ni nanay. Hindi ako makapaniwala na tinatanggal na niya kami sa aming mga trabaho.
Magsasalita na lang sana si Sir George ng biglang bumukas ang pintuan ng kanyang opisina at isang napakagandang babae ang pumasok dito sa loob ng hindi man lamang kumakatok sa pintuan. Napayuko ako at may kung anong kumurot sa puso ko ng lumapit ito kay Sir George at nagyakap ang dalawa. Hinalikan siya ng babae sa pisngi at tumayo sa tabi ng amo namin ng nakaakbay kay sir ang kaniyang kanang braso.
"So, sila ba ang tuturuan ko? Bakit sila umiiyak?" ani ng magandang babae sa aming amo.
"Hindi ko nga alam eh! Bigla na lang silang umiyak diyan at wala daw silang kasalanan. Hindi ko naman sila sinisisi." ani niya sa babaeng napakaganda,
"Kasi po tinanggal na ninyo kami bilang mga serbidora ninyo. Kailangan po namin ng pera pero wala na po kaming mga trabaho ngayon." ani ng aking kaibigan. Malakas na tumawa naman ang magandang babae kaya napatingin kaming dalawa sa kanya. Umupo siya sa office table ni sir at inilapit ang mukha niya sa amin.
"Of course, hindi na talaga kayo mga serbidora dahil simula ngayon ay isang manager at assistant manager na kayo. Kaya ako nandirito ay upang turuan ko kayong dalawa." ani niya na ikinagulat namin ng aking kaibigan at nagkatinginan kami.
"Yup! Mula ngayon, si Lai ang manager at ikaw Trisha ang magiging assistant niya." ani ng amo namin at napatayo kaming dalawa ni Trisha sa tuwa at naglululundag pa kami sabay yakap namin sa isa't isa.
Narinig namin ang pagtawa ng magandang babae kaya napatigil kami at napaupo ulit kaming magkaibigan.
"Sinasabi ko na nga ba at may mabuting puso itong pinsan kong ito. Unless na lang isa sa kanila ang napupusuan mo, pareho silang maganda." ani ng babae na ikinagulat ko. Bigla na lang may kung anong katuwaan akong naramdaman ng marinig ko mula sa kanya na mag-pinsan lang pala sila ng amo ko. Kanina ay halos umiyak na ako ng makita ko kung gaano sila ka sweet sa isa't isa 'yun pala ay mag-pinsan lang silang dalawa.
Malakas na tawa lamang ang isinagot ng amo namin kaya napayuko kami. Gayunpaman ay napakasaya ko dahil unang-una ay mag pinsan lang sila, at ang pangalawa ay hindi pala kami sinisante ng amo namin, mas tumaas pa ang trabaho namin. Sigurado naman ako na hindi ako mahihirapan dahil nuong high school kami ni Trisha ay naglalaban kaming dalawa sa patalinuhan.
Nagkatinginan kaming muli ni Trisha at naghawak kamay kaming dalawa.
Ipinakilala kami ni Sir George sa kanyang pinsan, at pagkatapos ay may ibinulong sa kanya ang aming amo na ikinatawa niya ng malakas at napapailing pa. Napatingin kami sa kanya ng magsalita siya.
"Bukas ay babalik ako dito ng maaga, tuturuan ko kayo hanggang sa matuto kayong dalawa. Ikaw Lalaine ay magkakaroon ka ng table dito sa loob ng opisina ng pinsan ko, don't ask why dahil ayokong sagutin ang tanong mo kahit alam ko ang sagot. Ikaw naman Trisha ay duon sa dating opisina ni Agatha magtatrabaho. Nagkakaintindihan ba tayo?" ani niya. Naguguluhan man ako ay tumango na lamang kami sa kanya. Hindi naman nagtagal ay umalis na din si Ma'am Levitha, napakaganda naman ng kanyang pangalan.
Pinalabas na din ni Sir George si Trisha kaya susunod na sana ako sa aking kaibigan ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko at pinigilan ako sa tangka kong paglabas. Inilock niya ang pintuan kaya napaatras ako. Palapit naman siya ng palapit kaya nakakaramdam ako ng matinding kaba sa aking puso.
Malamig na dinding ang nagpahinto sa akin kaya napayuko ako ng magkadikit ang katawan namin. Hinawakan niya ang aking baba at iniangat ang mukha ko. Hinalikan niya ako sa labi kaya halos maghurementado na ang t***k ng puso ko dahil sa pagdampi ng kanyang labi sa aking labi.
Ipinikit ko ang mga mata ko at itinikom ko ang aking labi ng mariin. Ayoko siyang tignan dahil ayokong ipagkanulo ako ng sarili kong damdamin.
Bahagya niyang kinagat ang labi ko pero mas lalo kong itinikom ang aking bibig. Bigla niyang hinimas ang aking dibdib kaya napaawang ang aking labi at nanlaki ang aking mga mata dahil sa ginawa niya.
"Gotcha!" bulong niya at siniil niya ako ng halik at may kung anong kuryente akong naramdaman sa aking katawan. Kinuha ng isang kamay niya ang aking isang kamay at inilagay sa batok niya ganoon din ang isa kong kamay. Napapulupot ang aking dalawang kamay sa kanyang batok ng mas pinalalim pa niya ang ginagawa niyang paghalik sa akin.
Halos mapugto ang aming hininga ng binitawan niya ang aking labi at idinikit ang kanyang noo sa aking noo.
"I think I love you." ani niya habang ang mga mata niya ay titig na titig sa akin. Hindi ako kumibo at ipinikit ko lamang ang aking mga mata. Hindi ko alam ang isasagot ko, I like him too, pero parang napaka bilis naman ng mga pangyayari.
Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan niya ako sa aking ulo. Muli siyang bumulong sa akin na mahal niya ako kaya napapikit akong muli.
"Ihahatid na kita sa inyo, mula ngayon ay hindi ka na uuwing mag-isa dahil ako na ang maghahatid sa iyo." wika niya.
Lumakad siya patungong office table nya at kinuha niya ang kanyang coat at ang susi ng kanyang sasakyan. Kinuha niya ang kamay ko at pinagsalikop niya ang aming mga palad at lumabas na kami ng kanyang opisina.
Paglabas namin lahat ay nakatingin sa amin kaya napayuko ako. Paglabas ng bar ay tila ba nakahinga na ako ng maluwag. Iginiya niya ako papasok ng kanyang sasakyan at inalalayang makaupo. Ikinabit niya ang seatbelt ko at mabilis na siyang umikot sa driver seat.
Pagkahatid niya sa akin ay inabutan ko si nanay na gising pa. Napakunot ang noo niya ng matitigan niya ang mukha ko.
"Napaano ka anak?" gulat na gulat niyang ani at hinimas pa ang pasa sa pisngi ko at ang putok sa gilid ng aking labi.
"Naumpog po kasi ako sa pintuan kanina, hindi ko naman po kasi napansin na bukas ito kaya dumiretso ako, tumama tuloy mukha ko sa pinaka kanto ng pintuan." pagsisinungaling ko. Napabuntong hininga naman si nanay at inalalayan pa akong maupo sa sofa.
"Nanay naman bakit gising pa po kayo? Hindi po ba sabi ng doktor ay kailangan mo ng kumpletong pahinga? Sige na po matulog na po kayo. Ayoko po na may mangyari sa inyo dahil hindi ko po kakayanin." ani ko sa kanya.
"Nag-aalala kasi ako sa iyo, hindi mo sinasagot ang tawag ko kaya hanggang ngayon ay gising pa ako." wika niya.
"Bawal po kasi sa trabaho ang gumamit ng phone kaya nasa loob lang po ito ng locker ko. Hindi ko na rin po napansin na tumawag pala kayo." ani ko.
"Sino ba ang naghatid sa iyo? 'Yon ba 'yung amo mong napaka gwapo ha? Basta anak ang paalala ko lang sa iyo palagi ay huwag mong ibubuhos ang lahat ng pagmamahal mo sa isang lalake, kailangan mong magtira para sa sarili mo." ani ni nanay. Ngumiti ako sa kanya at inihatid ko na siya sa kanyang silid.
Pumasok naman ako sa aking silid at napahawak ako sa aking labi at may sumilay na ngiti sa akin na hindi ko na napigilan pa.