George's POV
Habang nakatitig ako sa orasang pambisig ay may kasabikan akong nararamdam na makita si Lalaine na suot-suot ang kaniyang gown. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko para sa babaeng 'yon.
Nang pumatak ang alas singko y media ay nagmamadali akong sumakay ng aking sasakyan upang sunduin si Lalaine sa kanilang tahanan. Alam kong patapos na ang ginawang pag-aayos sa kanya at kung hindi man ay willing naman akong maghintay hanggang sa matapos siya.
Paghinto ko sa tapat ng kanilang bahay ay agad akong bumaba. Hindi pa man ako kumakatok sa pintuan ay bigla na agad bumukas ang pintuan ng kanilang tahanan at nakangiti akong sinalubong ng makeup artist na hindi ko maalala ang kanyang pangalan.
"You are just on time Sir George." wika nyang nakangiti sa akin.
"Where is she?" tanong ko habang sumisilip sa loob ng bahay at halos magkandahaba na ang leeg ko dahil sa pagsilip ko.
"Palabas na siya tinulungan lamang siya ng kasama kong ayusin ang kanyang gown." ani niya kaya tinanguan ko na lamang ito.
Tumalikod ako at tumingin-tingin sa paligid ng kanilang bahay, napansin ko ang ilang mga kapit bahay na nag-uusyoso na sa amin kaya napailing na lamang ako ng isang magandang boses ang narinig ko sa aking likuran.
"I'm ready sir." wika ng mala-anghel na boses sa aking likuran kaya dahan-dahan akong humarap sa kanya at halos malaglag ang aking panga ng makita ko ang napaka gandang nilalang na nakatayo sa aking harapan. Hindi agad ako nakakilos, para akong nahihipnotismo habang pinagmamasdan ko ang napakaganda niyang mukha. Hindi ako makapaniwala na ang aking serbidora ay dinaig pa ang mga nag gagandahang modelo o celebrities na nakilala ko.
"Shìt!" bulong ko dahil hindi ako makakilos at nakatitig lamang ako sa kanya. Para akong itinulos at hindi na ako nakagalaw pa. Hindi rin ako makapagsalita at hindi ko malaman kung ano ang sasabihin ko sa kanya.
"I know right! Hindi bat at napakaganda n'yang tunay? Kabog ang lahat pagkatapos ko siyang maayusan. Grabe!" may panunuksong wika ng babaeng hindi ko maalala ang pangalan.
"Uhmm yeah, she is ok!" wika ko na pilit itinatago ang katotohanan na sa mga oras na ito ay nakuha na ng tuluyan ng isang Lalaine Torres ang aking atensyon, ang aking puso.
"Let's go." wika ko sa kanya na halatang namumula ang mukha sa hiya kahit naka makeup pa ito.
Inabot ko ang kanyang kamay at naramdaman ko panginginig nito kaya pinisil ko ang kanyang kamay na parang sinasabi kong I'm here at wala syang dapat ipag-alala.
"Miss. Torres, how old are you?" tanong ko sa kanya habang binabaybay namin ang daan patungo sa mansion ng mga Antonetti.
"Mag 21 na po sir." wika n'ya na ikinangiti ko, so mukha lang syang sobrang bata ngunit hindi naman ganoon ka bata. nag-aalala kasi ako na baka nasa edad disi-otso o disi-nueve lamang ito pero beinte uno ay hindi na masama.
"Can I call you Lalaine?" ani kong muli sa kanya.
"Lai na lang po sir, 'yan po kasi tawag sa akin ng lahat." nakangiti n'yang wika sa akin.
"Lai, what a lovely name that is as beautiful as the beholder." sambit ko at napatingin siya sa bintana na tila ba nahihiya pa sa akin kaya napangiti ako.
Nakarating kami sa isang napakalaking mansion na pag-aari ng mga Antonetti, dito kasi gaganapin ang kaarawan ng lolo ni Raymond.
Pagkaparada ko ng aking sasakyan ay agad akong bumaba ng aking sasakyan at umikot sa kabila upang pagbuksan ng pintuan ang napaka gandang babaeng aking kasama.
"Let's go and chin up, huwag kang mahihiya dahil ngayon pa lang sinasabi ko na sa iyo na ikaw ang pinaka magandang babae sa party na ito." wika ko sa kanya at sabay pisil ko sa kanyang kamay.
Isinukbit ko ang kanyang braso sa aking braso at nagsimula na kaming lumakad sa mahabang carpet na nakalatag sa sahig at nagsimulang magkislapan ang mga camera. Naramdaman ko ang pagkailang ng aking kasama kaya agad ko siyang binulungan.
"Smile para mawala ang kaba mo." bulong ko sa kanya ng may ngiti sa labi ngunit nararamdaman ko ang panginginig ng bu niyang katawan kaya binitawan ko siya na ikinagulat niya. Ngumiti ako sa kanya at binuhat ko siya ng pa-bridal style at lahat ng tao ay napatingin sa amin at maririnig sa buong paligid ang inggit na nararamdaman ng mga kababaihang naririto ngayon.
Naririnig namin ang mga bulungan sa paligid pero hindi ko sila pinapansin.
"Sir, ibaba n'yo po ako, nakakahiya sa mga tao." ani niya ngunit ngumiti lamang ako sa kanya.
"Ang gwapo talaga ni George walang kupas! Ang sweet niya sobrang nakakakilig, sana ako na lang ang kasama niya." wika ng mga babaeng nakatayo sa di kalayuan.
"Sino ang kasama ni Zither, ngayon ko lamang siya nakita at napakaganda n'ya." wika naman ng ilang kalalakihan na tinitigan ko ng masama. Sinalubong kami ng mga tukmol kong kaibigan na may mga ngiting pang-iinis kaya ibinaba ko na si Lai dahil alam kong mas nahihiya siya kapag karga ko siya.
"Woah bro sino ang napaka gandang binibini na kasama mo?!" nakangiting wika ni Isaac.
"Hello beautiful lady, I'm Hanz." pagpapakilala naman ni Hanz.
"Ako naman si Raymond, heto naman si Gabriel at itong tukmol na ito ay asawa ng pinsan ko, si Rye." pagpapakilala naman ni Raymond.
"Kinagagalak ko po kayong makilala." nahihiya nyang ani sabay yuko na naman ng ulo niya.
"Ako po si Lalaine Torres, serbidora po ni Sir George sa bar niya." Pagpapakilala nya na ikinagulat ng aking mga kaibigan at lahat sila ay napapahagod ng tingin sa aking kasama na ikina-inis ko.
"Tigilan n'yo kakahagod ng tingin kung ayaw nyong dukutin ko lahat ang mga mata ninyo!" wika kong naiinis sa kanila na ikinatawa naman nila.
"Wow ikaw nga! Whew ang ganda mo pala kapag naayusan ka, I mean sobrang ganda!" wika naman ni Raymond at tinitigan ko siya ng masama kaya natatawa na lamang siya sa pagiging possessive ko.
Habang masaya kaming nag-uusap ay boses ng MC ang umalingawngaw sa buong paligid.
"Good evening everyone, may I have all of your attention please." sambit nya kaya lahat kami ay napatingin na sa stage at si Ray naman ay pumunta na sa stage.
"Palakpakan po natin ang may kaarawan ngayong gabi, ang batang-bata at gwapong-gwapo na si Senior Amadeo Antonetti." wika ng MC at bumukas ang kurtina sa likod ng stage at iniluwa nito ang mag asawang Antonetti na lolo at lola nila Raymond.
"Good evening, everyone! It's my 65th birthday, I've been looking forward to this day for a long time, and it has finally arrived. Today is the happiest day of my life because all of my friends and family have come to bless me and bring me joy. The best part is that no one is missing and that everyone is present tonight. I appreciate you all taking the time out of your hectic schedules to assist me in making this event more lovely. This goes above and beyond what I expected.
I'd like to say a few words before we begin the traditional cake-cutting ceremony on my 65th birthday, especially for my gorgeous wife, who is standing next to me. I hardly know how to express my love for you, my wife. I love you, and I will love you eternally. And to my son and apo's, I love you all. So, thank you all for being a part of my life, and thank God for blessing me with such a wonderful family and friends. Without further ado, I'd like to end my remarks by politely asking everyone to proceed to the main corridor for the cake-cutting ceremony. Following that, dinner will be served, and there will be a dance party for all of my friends and family who want to shake their legs. Thank you very much!" Mahabang speech ng lolo ni Raine.
Isang masigabong palakpakan ang umalingawngaw sa napakalawak na garden ng mga Antonetti.
Naging masaya ang selebrasyon ng party ng mga Antonetti. Si Lai naman ay hindi umalis sa tabi ko dahil natatakot siyang makihalubilo sa ibang tao, natatakot siyang makagawa ng isang pagkakamali na maaari niyang ikapahiya. Gusto ko sanang maging komportable siya habang ako ang kasama niya ngunit hindi naman niya magawa dahil ngayon lang siya naka attend ng ganitong klase ng okasyon.
"Are you okay?" tanong ko sa kanya. Tumango lamang siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya at hinalikan ko siya sa kanyang noo na ikinagulat niya. Agad namang namula ang kanyang pisngi na ikinatawa ko ng mahina.
"Sir, uuwi na ho ba tayo? Baka po kasi hinahanap na ako ni nanay." ani niya. Ngumiti ako sa kanya at tumango na lamang ako.
Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko, bakit parang ayaw ko na siyang bitawan? Bakit parang gusto ko siyang iuwi sa condo ko at alagaan? Bakit nga ba ganito ang nararamdaman ko para sa kanya? Tumitibok na ba talaga ang puso ko? Napapailing ako na napansin naman ni Lai.
"Okay ka lang po ba?" tanong niya at ngumiti lamang ako sa kanya.