Ilang araw na rin ang nagdaan simula nong umamin ako kay Kevin sa nararamdaman ko. Hindi ko nga alam kung ano ang meron sa aming dalawa dahil ni isa sa amin walang nagsabi kung ano talaga kami sa isat-isa. Pero kahit ganun alam namang pareho na mahal namin ang isat-isa. Nagiging sweet na rin sa akin si Kevin simula nong umamin ako sa kanya. Lagi niya akong hinahatid sa restaurant o di kaya hihintayin niya matapos ang trabaho ko para maihatid niya ako sa apartment. Apartment na hindi ko naman talagang totoong tirahan. " Princess, kamusta na kayo ni Kevin? " tanong sa akin ni Kuya Mike. " Ito mabuti. " nakangiting sabi ko sa kanya. Alam na kasi nila kuya tungkol sa amin ni Kevin, hindi naman sila nagalit sa akin dahil karapatan ko naman daw ang magmahal. " Sasabihin mo ba sa kanya ang t