Maaga akong nagising dahil alam kung tulog pa si Kuya Mike, gabi na kasi yun nakauwi. Hindi ko nga alam kung saan ito pumunta kagabi, hindi ko na kasi siya naabutan kasi tulog na ako pagdating niya. Papalapit na ako sa kusina ng may maamoy akong mabango na nanggaling sa loob nito. Hmm...nandyan na yata sila Kuya Michael at Ate Nikki. Sa wakas makikita ko na ang pamangkin ko, namiss ko na yun e walang makulit sa bahay. Pero ang aga yata ng dating nila Kuya, akala ko ba bukas pa sila dadating bakit napaaga yata? " Good mo- " napatigil ako ng makita ko kung sino ang nasa kusina. " Oh! Princess, good morning. " masayang bati niya sa akin. " K-kuya Mike. " gulat kung sabi. " Bakit may kailangan ka. " masaya niya paring sabi sa akin. " W-wala. " sabi ko nalang. Umupo nalang ako tsaka h