Kumain muna kami ni Kevin bago kami mamasyal, nagutom rin kasi kami sa byahe. Matapos naming kumain inaya na siya akong mamasyal dito sa lugar nila. Dinala niya ako sa mga magagandang lugar na talagang nagustuhan ko naman. Lalo na yung ilog dito sobrang linis ng tubig parang ang sarap inumin. Kaso pinagalitan ako ni Kevin dahil madumi daw yung tubig kahit malinis daw itong tingnan, kaya hindi nalang ako nagsalita pa dahil tama naman siya. " Nasiyahan kaba? " tanong niya sa akin. " Sobrang saya, punta tayo ulit dito ha. " nakangiting sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin, tapos maya-maya nagseryuso ulit siya. " Bakit, may problema ba? " tanong ko sa kanya. Umiling naman siya saka ngumiti ulit. Napapitlag naman ako ng yakapin niya ako mula sa likuran. Nandito kasi kami sa terrace