CHAPTER 2

2585 Words
♞♟♜♚ "Reo Kaiden Salazar," tawag ng kaniyang professor at lumapit naman siya sa table ninto na nasa unahan. Inabot sa kaniya ang report card niya at tumingin sa kaniya ito, "Kasali ka sa with honors kaya aakyat ka sa stage ng dalawang beses, may practice ng graduation next week kaya kailangan magpaiwan ka kasama ng iba para sa hiwalay na practice," paliwanag sa kaniya ng kaniyang prof at tumango naman siya rito. Gumuhit ang ngiti sa mukha ni Reo at tumango naman ang guro sa kaniya. "Tiisin mo na lang hanggang sa mga susunod na linggo, Reo." Iyon ang mga salitang nagpalakas sa loob ni Reo dahil tama ang kaniyang guro at makakalaya na siya sa ilang taong pangbu-bully sa kaniya sa loob ng paaralan. Bumalik siya sa kaniyang upuan na nasa pinakadulo ng room nila sabay upo at tingin sa report card niya, maingat niya itong tinignan at sinigurado na walang makakakita na masaya siya ngayon dahil paniguradong aabangan na naman siya ng grupo ni Arch mamaya. Nakita niya ang bawat uno sa kaniyang report card at agad itong tinabi sa loob ng bag saka siya tumungo sa kaniyang desk para itago ang saya sa kaniyang mukha. Hindi niya mapigilan mapangiti at mukha siyang tanga habang nakayuko at tuwang-tuwa malaman na kasali siya sa mga may honor sa gradution. Iniisip niya agad kung anong sasabihin ng kaniyang ina at sa pagkakaalam niya ay marami pa siyang award dahil sa nanalo ang dinisenyo niyang web design sa thesis nila at defense. Buong grupo nila ay aakyat sa stage kahit na siya lang naman lahat ang gumawa ng thesis na iyon. Pagtapos magbigay ng mga report cards ng kanilang guro ay saglit itong nag announce ng mga kasama sa honor at mga may awards. Syempre agad niyang naramdaman ang tingin ni Arch sa kaniya nang tawagin ang kaniyang pangalan na kasali sa listahan. Matapos ang ilang paliwanag at paalala ng kanilang guro ay maaga silang pinauwi kaya naman nung tumunog ang bell sa buong school ay kumaripas na siya ng takbo palabas ng pinto at hindi na inintay na tawagin siya ni Arch dahil alam niyang pag-iinitan na naman siya ninto. Mabilis na nagtago si Reo sa dami ng mga istudyanteng palabas ng gate at agad na pumunta sa sakayan ng jeep. Ngunit bago niya puntahan ang paborito niyang driver ay bumili muna siya ng meryenda nilang dalawa. Dalawang baso ng tig-apat na tokneneng at dalawang supot ng buko juice, nais niyang ilibre ang mantanda dahil sa kasama siya sa honor at walang oras si Arch para saktan siya dahil sa dami ng ginagawa nila sa graduation. "Ito po ang bayad," abot niya ng singkwenta sa tindera at lakad papunta sa paradahan ng jeep. Excited na ko ikwento kay mang Toni na matatapos ko na ang laro at unting touch up na lang ay maaari niya na itong subukan, syempre ipagmamayabang ko rin na with honor ako at malaking thank you ko iyon sa libreng sakay niya sa limang taon na pag-aaral ko sa college. Ito ang iniisip ni Reo habang naglalakad at hinahanap ang kulay asul na jeep ni mang Toni sa pilahan ngunit kahit anong lingon at hanap niya ay wala ang jeep ng matanda kaya naman naglakad siya sa pilahan at tinanong ang boy doon. "Kuya, wala ba si mang Toni ngayon?" Tanong ni Reo sa lalaking nakasuot ng sumblero at may bimpo sa kaniyang balikat. "Hindi mo ba alam? Akala ko lolo mo iyon bata," saad niya at napakamot sa kaniyang ulo habang nagbibilang ng perang nakaipit sa bawat daliri niya. "Hindi po, ano po bang nangyari sa kaniya?" Usisa ni Reo at malalim na nagbuntong hininga ang lalaki sabay sabi sa kaniya ng mga salitang nagpatigil sa sistema niya. "Patay na si mang Toni kagabi, na disgrasya siya habang namamasada," kwento ng lalaki at halos matulala na lang si Reo at hindi magalaw ang katawan. "Kung ako sa 'yo, pumila ka na dahil humahaba na ang pila," saad ng lalaki sabay tapik nang dalawang beses sa balikat ni Reo. Dumoble ang panlalabo ng mata ni Reo dahil sa mga luhang hindi niya mapigilan na umagos sa kaniyang mga mata. Umupo siya sa gilid ng tindahan at pilit na kinalma ang paghinga niya, pakiramdam niya ay aatakihin siya ng hika at mauubusan ng hininga kaya agad niyang ininum ang buko juice na hawak niya dahil wala na siyang pangbili ng mineral water at tanging pamasahe na lang ang natitira. Pinagtitinginan na rin siya ng mga tao sa pila dahil sa pag-iyak niya at hindi mapigilan na emosyon. Hinubad niya saglit ang kaniyang salamin na nilagyan niya lang ng tape sa gilid para muli niyang magamit at patuloy na umiyak habang nakatakip ang mukha. Naubos na ang tao sa pila pero hindi pa rin siya nakakauwi, malamig na ang meryendang binili niya para pagsaluhan sana nila ni mang Toni at nakatitig lang siya sa kawalan. "Bata, mag-aalas nuebe na ng gabi, umuwi ka na," saad ng lalaki habang nagbibilang ng kinita niya sa buong araw. "Kuya, alam mo ba kung saan ang bahay ni mang Toni?" Tanong niya rito at umiling lang ang lalaki. "Pasensya na pero hindi ko alam eh," tugon ninto at muling napayuko si Reo. Iniisip niya kung pano ito na aksidente kung sobrang ingat nito magmaneho ng jeep, si mang Toni ang klase ng driver na hindi sumisingit o umo-over take sa daan, sinusunod ninto ang bawat patakaran sa kalsada kaya papanong na aksidente ang matanda. "Kuya pwede ka ba ulit matanong?" Tanong ni Reo at nagbuntong hininga naman ang lalaki. "Tinatanong mo na kaya ako bata, sige na wag ka na mahiya at naaawa ako sa 'yo," saad niya at nanginginig ang kamay ni Reo habang pilit na nilalakasan ang loob sa kaniya pagtatanong. "Pano raw po na aksiente si mang Toni? Lasing po ba ito o may sakit?" Tanong ni Reo at napalingon naman sa kaniya ang lalaki na takang-taka. "Hindi ka siguro na nonood ng balita, binalita si mang Toni kaninang umaga dahil lumabas ang CCTV footage galing sa baranggay kung saan siya na aksidente," saad ninto at umiling naman si Reo dahil wala naman silang telebisyon para makasagap ng balita o pangyayari. Binenta kasi ng kaniyang ina ang lahat ng mga appliances nila para lang makabili si Reo ng mga kailangan niyang computer at laptop sa pag-aaral niya sa college. Kahit may internet naman sila sa bahay ay puro laro ang inaatupad ni Reo o hindi naman kaya ay ang pagpo-program ng larong binubuo niya. Ayaw niya ng social media dahil alam niyang papaulanan lang siya ng friend request ng mga bully sa school nila at kung ano-ano ang iuutos sa kaniya. Tanging dummy account lang ang gamit niya at puno ng anime at games ang loob ng newsfeed niya. Halos mahilamos niya ang kaniyang mukha at agad naman siyang nilapitan ng lalaki. "Sabi sa balita ay isang grupo ng mga kabataan ang sumakay sa kaniya, tapos nakita na lang sa CCTV na hindi na maayos ang pagmamaneho ni mang Toni hanggang tumalon ang mga kabataan at bumangga naman si mang Toni sa poste," kwento nito at napatayo naman si Reo habang nakayukom ang kamao at galit na galit. "Nakita po ba sa CCTV ang mga mukha ng salarin?" Usisa niya at umiling naman ang lalaki. "Masyadong malayo ang kuha ng CCTV at gabi na rin ito, na pag-alaman lang na nakayuniporme pa ang iba sa mga salarin at ayon sa SOCO ay tinakpan ng pastik ang mukha ni mang Toni ngunit hindi naman ito tinali para hindi siya makahinga, tingin nila ay ng prank ang mga kabataan na iyon at dahil sa pagkataranta ni mang Toni ay hindi niya nakita ang daan at bumangga siya," muling paliwanag ng lalaki at hindi mapigilan ni Reo ang pagkulo ng kaniyang dugo. "Buhay pa sana si mang Toni ngunit mukhang wala siyang seatbelt ng mangyari iyon kaya tumilapon siya sa labas ng jeep at doon namatay," napayuko rin ang lalaki at napahawak sa kaniyang sumblero sabay takip sa kaniyang mukha dahil halos lahat ng mga driver ng jeep sa lugar ay kilala at alam kung gano kabait na tao si mang Toni. Muling bumuhos ang luha ni Reo nang marinig iyon at tinapik lang ulit ng lalaki ang balikat niya. "Umuwi ka na bata, ayaw ni mang Toni na gabihin ka sa daan, tara ihahatid kita," saad ng lalaki sabay pakalma kay Reo dahil mukhang aatakihin na ito ng sakit sa kakaiyak. Umangkas si Reo sa motorsiklo ng lalaki at pinagsuot siya ninto ng helmet. Sa daan nila papunta sa bahay ni Reo ay nagkwentuhan pa sila tungkol sa kung gano kabait si mang Toni sa lahat. Hindi nila makakalimutan ang matandang tumayo nang lolo at tatay sa kanila, ang lalaking walang sawang nakikinig sa bawat kwento niya. "Salamat po kuya," saad niya sa lalaki matapos makababa at alisin ang helmet niya. "Tawagin mo na lang akong Kyo," saad niya at tumango naman si Reo. "Osiya mauna na ko," paalam ni Kyo at kumaway naman si Reo habang pinagmamasdan ang bagong kakilala na makalayo sa lugar nila. Malalim na nagbuntong hininga si Reo at binuksan ang gate ng bahay nila, pagkatunog pa lang ng gate ay agad nang lumabas ang kaniyang ina sa pinto at kumaripas ng takbo sa kinatatayuan niya. "Reo, anak! Anong oras na bakit ngayon ka lang umuwi? Anong nangyari sa 'yo? Ayos ka lang ba?" Dirediretsyong tanong ng kaniyang ina at tumango naman si Reo ngunit hindi ninto kayang itago ang lungkot sa harap ng ina kaya agad siyang umiyak at niyakap 'to. "Sssssh— tahan na anak ko, magiging ayos din ang lahat," saad ninto at kahit alam ni Reo na binata na siya para patahanin ng kaniyang ina ay ito naman ang pinakakailangan niyang marinig ngayon. Inaya siya ng kaniyang ina papasok sa maliit na bahay na iniwan sa kanila ng kaniyang ama, pagpasok sa loob ay kinukwento niya lahat ng nangyari sa kaniya mula sa pangbu-bully ng mga kaklase niya hanggang sa masamang balita na nalaman niya. Dinamayan lang siya ng kaniyang ina at 'yung nais niya sanang iselebra na grades niya ay nabaliwala na lang dahil sa lungkot at masamang balita na nalaman niya. Nang kumalma si Reo at nasa loob na ng kaniyang kwarto ay tulala siyang tumingin sa kisame at hinayaang maglayag ang kaniyang isipan. "Sayang mang Toni, 5% na lang ay tapos na ang larong binubuo ko," bulong niya sa kaniyang sarili at muling naluha nang maalala ang pangako niya sa matanda. Tinakpan niya ang kaniyang mukha ng kaniyang braso saka pinunasan ang luha sa kaniyang mata at tumayo. Binuksan niya ang computer niya at muling bumalik sa pagpo-program ng game, kahit na sobrang lungkot niya ay nais niya pa rin itong tapusin at gawin dahil ito ang pangako niya kay mang Toni, na sa graduation niya ay tapos niya na ang larong ito. Ngunit hindi pamigilan ni Reo na mapatingin sa google application na nasa task bar ng kaniyang computer, nais niyang basahin ang balita tungkol kay mang Toni kaya kahit kabado ay binuksan niya ang google at hinanap doon ang balita ukol sa insedente. Binasa niya ang artikulo at pinanood din ang CCTV footage kahit na nanlalambot ang tuhod niya at nag-iinit na naman ang kaniyang mga mata. Nanginginig ang kaniyang kamay habang pilit na binababa ang scroll ng mouse na hawak niya at binabasa ang mga nakasulat sa balita. Hanggang sa nasa harapan niya na ang video at pinindot ang play button nito para makita ang nangyari. Tutok na tutok niyang pinanood ang malumanay na pagdi-drive ni mang Toni sa daan hanggang sa tumigil ito at pinasakay ang limang kalalakihan. Nanlaki ang mata ni Reo nang makita ang mga lalaking sumakay roon. Kahit malayo, kahit malabo ay kilalang-kilala niya kung sino ang mga iyon. Hindi siya nagkakamali, kilala niya ang pangangatawan ninto at kung pano nito hawiin ang malago't itim na buhok ninto. Lagi niya ito iniiwasan at mabilis itong nahahanap ng mata niya kahit na sobrang dami ng tao para lang mapagtaguan niya ang lalaking ito. Walang duda, si Arch at ang mga kaibigan niya ang sumakay sa jeep ni mang Toni. Biglang napatayo si Reo sa kaniyang kinauupuan at parang masusuka, hawak niya ang kaniyang sikmura at ang kaniyang ulo dahil sa sobrang takot sa mga nalalaman niya. Alam niyang agad na pagtatakpan ng kuya ni Arch ang insedente na ito, kilala at malaking personalidad ang kuya ni Arch, mayaman ang pamilya nito at maraming hawak na negosyo kaya alam niyang hindi agad makakalabas sa kapulisan ang bagay na ito. Paniguradong na takpan na rin ng pera ang mga bibig ng mga saksi at nakakakilala kay Arch mula sa CCTV. Kaya walang nagawa si Reo kung hindi tumakbo sa banyo at sumuka roon sa sobrang takot at panginginig ng kaniyang katawan. Hindi rin mawala sa kaniyang isipan ang imahe ng duguang katawan ni mang Toni na tumilapon sa labas ng salamin ng jeep. Gusto niyang sumigaw, gusto niyang magwala dahil wala siyang magawa para sa hustisya sa pagkamatay ni mang Toni. Alam niyang mahina siya at walang magagawa pero nais niyang lumaban at sabihin ang katotohanan. Napaupo na lang siya sa sahig habang sapo-sapo ang kaniyang noo at hindi tumigil sa paghikbi. Hanggang sa sumapit na ang umaga at ni isang oras ay hindi siya nakatulog, mugto ang mata at halos mamutla na. Nais siya sanang hindi pumasok ngunit magsisimula na ang unang practice nila ng graduation, ayaw niyang mahuli dahil wala naman siyang mapagtatanungan kung sakaling may makaligtaan siya. Kaya kahit walang tulog at hindi maayos ang kaniyang pag-iisip ay pumasok pa rin siya at pinilit na umalis ng bahay. "Sigurado ka ba anak? Pwede ka naman siguro mag-absent ngayon," sabi ng kaniyang ina at pagpigil dito lumabas ng gate. "Ayos lang po ma, kailangan ko saka hindi ba't may honor ako? Dapat alam ko kung saan ang pwesto ko pagsinabitan mo ko ng medal," nakangiting sambit ni Reo at pilit na tinatago ang mga isipin niya sa harap ng ina. "Ganu'n ba? Salamat anak, sobrang proud ni mama sa 'yo," sagot naman ng kaniyang ina at ngumiti sa harapan niya habang may nangingilid na luha sa mata. "Hahaha, salamat ma, una na po ako." Maagang nakarating si Reo sa paaralan at pinagtitinginan siya ng mga istudyante dahil sa mugto niyang mata at sa paglalakad niya na sobrang tamlay, para bang kung may pipitik sa kaniya ay tutumba na ito sa daan. Hilong-hilo si Reo dahil sa kawalan ng tulog at umakyat sa hagdan papunta sa hallway ng room nila. Pagpanhik ay agad na nasira ang umaga niya nang makasalubong si Arch sa hallway kasama ang mga kaibigan ninto na nagtatawanan. Nang makita niya si Arch at ang apat pa nitong kasama ay muling bumalik sa isip niya ang imahe ni mang Toni at ang dugo ninto na nagkalat sa daan kaya agad siyang napaduwal sa harap nila Arch. "Tangina, na duwal ka ba nung nakita mo ko ha, weakling? Dapat nga ako pa masuka dahil ikaw agad ang nakita ko umagang-umaga!" Hiyaw nito kay Reo at naalala ni Reo ang ginawa nito kay mang Toni kaya hindi niya mapigilan magalit at tignan si Arch nang nanlilisik. Nagulat si Arch sa pinakita ni Reo dahil unang beses niya pa lang nakikita na magalit 'to at nanlilisik pa ang mga mata na nakatitig sa kaniya. "Aba! Aba! Mukhang papalag ka na weakling." Mariin na niyukom ni Reo ang kamao niya at malakas na sinuntok ang mukha ni Arch. TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD