♞♟♜♚
Hindi makapag-salita si Reo matapos silang ipatawag sa principal office dahil sa ginawa nilang komusyon ni Arch at mga kaibigan ninto sa hallway, malaki ang iniwan na bangas ni Reo sa ilong ni Arch at sa iba pa niyang mga kaibigan, nagdudugo ang mga ilong at halos maga ang mga mata ng ilan.
Hindi niya rin mapaliwanag kung pano niya nagawa ang bagay na iyon o kung saan niya nakuha ang lakas para lumaban at suntukin ang mga ng bu-bully sa kaniya, nakatingin siya sa kaniyang mga kamay na puno rin ng sugat dahil sa malakas na pagkakasuntok niya sa mga mukha ng mga ito.
Nanginginig ito pero hindi niya mapaliwanag bakit tila naging masaya siya sa nangyari kahit na ngayon ay nasa harap na siya ng principal at pinapagalitan siya sa mga ginawa niya kanina.
Bakit ako lang ang napapagalitan? Bakit hindi niya rin pagalitanan ang kaniyang kapatid eh, kung tutuosin ay mas malala pa nga ang ginawa sa akin ni Arch sa nagdaang limang taon ko sa kolehiyong ito, idagdag pa na mamamatay tao ang kapatid niya at pinatay ninto si mang Toni. Panay ang tanong ni Reo sa kaniyang sarili sa kung bakit siya lang ang nagmumukhang masama sa nangyari kanina, na tila ba siya pa ang may kasalanan ng lahat ng ito at hindi makita ng principal nila na ang kapatid niya ang tunay na may dahilan bakit nangyari ang gulo.
Kung sabagay, ano pa nga ba ang aasahan niya kung itong mismong lalaking nasa harapan niya at inis na inis sa kaniya ngayon ay ang taong nagtago sa hustisya na dapat ay matatamo ng kaibigan na si mang Toni.
"Magbabayad ka Reo, anong kaparapatan mong sugatan ang mukha ko ha!" Galit na bulyaw ni Arch sa harap ni Reo habang ang binata naman ay patuloy lang na nakayuko at nakatingin sa kaniyang mga kamao na sobrang pulado.
"Kuya, wag mo siyang paakyatin sa graduation at wag mo siyang bibigyan ng diploma!" hiyaw ni Arch sa harap ni Arvin ang kaniyang kuya at tumingin naman nang masama ang principal kay Reo.
"Kilala mo ba kung sino ang mga sinaktan mo? Hindi lang ang kapatid ko pati na rin ang mga anak ng mga business partner ko. Gusto mo bang hindi maka-graduate sa kolehiyo ha?" Tanong ni Arvin habang nakahalukipkip at halos mabingi naman si Reo sa kaniyang mga narinig.
"Mr. Principal, masyado naman po atang mabigat ang parusa na ipapataw niyo kay Reo, away bata lang po ang nangyari at pwede naman siguro na pag-usapan ito nang maayos," awat ng home room teacher nila Reo na si Ms. Jaz at tinignan lamang siya ni Arvin mula ulo hanggang paa.
"Lumugar ka kung saan ka nababagay Ms. Jaz, guro ka lang nila at hindi ikaw ang masusunod sa loob ng paaralan na ito kung hindi ako," sagot ni Arvin at napyuko na lamang ang dalagang guro at hindi makapagsalita.
Ito ang dahilan kung bakit marami ang nabu-bully sa iskwelahan na ito dahil lahat ng mga bibig ng mga guro at istudyante ay tikom at hindi maaaring lumaban para sa nais nila dahil tanging mayayaman at may kaya lamang ang nabibigyan ng boses sa iskuwelahan na ito.
"Osige, ganito na lang Mr. Salazar. Nabalitaan ko na mataas ang mga grado mo at nasa top ka ng iyong klase, mukha ka namang bobo sa paningin ko at mukhang nangongopya ka lamang kaya ka nakapasa hanggang sa taon na ito ng kolehiyo. Kaya naman sige hahayaan ko ang nangyari na ito at pagtatapusin kita ngunit hindi ka na pwede umakyat pa sa stage o maisuot ang iyong toga, wala na rin lahat ng awards mo at tanging diploma mo na lang ang makukuha mo," saad sa kaniya ng lalaki at hindi niya mapigilan mapatayo sa kinauupuan ngunit agad siyang hinawakan ng kaniyang guro sa kaniyang balikat.
"Ano? May reklamo ka pa ba? Masalamat ka at pagtatakpan ko pa ang ginawa mo sa kapatid ko at sa mga kaibigan niya, kung alam mo lang kung gano kayaman ang pamilya ng mga sinaktan mo, baka pulutin na lang kayo sa kalsada ng iyong ina kung magkataon," sagot sa kaniya ni Arvin at nakita niya kung pano magpangisi-ngisi ang mga kaaway niya sa likod ng principal na nakatayo sa harapan niya ngayon at masama ang tingin sa kaniya.
"Sige na Reo, humingi ka na lang ng paumanhin sa kanila," bulong ng guro sa kaniya habang hawak ang kaniyang balikat at pilit siyang pinakakalma.
Pakiramdam niya ay sasabog na siya sa galit at miske ang mukha ng principal o kuya ni Arch ay nais niya nang suntukin dahil bakit nga ba siya pa ang kailangan humingi ng paumanhin kung siya naman ang tunay na naagrabyado?
"Ano! Hindi ka pa ba magsasalita? Gusto mo bang paluhurin pa kita sa harapan ko?" Tanong ni Arch sa kaniya at halos magdugo na ang kaniyang kamao sa sobrang pagkainis sa mga nangyayari sa kaniya ngayon.
Hindi niya man lang na bigyan ng hustisya ang kaibigan niyang si mang Toni at ngayon naman ay pinapahiya siya at kailangan niya pa humingi ng patawad sa taong may kagagawan ng lahat ng mga pagdurusa niya ngayon.
Kailan ko ba malalabanan si Arch? Kailan ba ko magkakaroon ng lakas para matalo siya? Iyan na lang ang tanong niya sa kaniyang sarili at pilit na yumuko sa harap ng principal at kay Arch kasama ng mga kaibigan ninto.
"Sorry," mahina niyang saad at halatang labag na labag sa kaniyang loob na sabihin iyon sa pagmumukha nila Arch.
"Ano? Hindi ko marinig ang binubulong mo!" hiyaw at galit na sabi ni Arch sa harap ni Reo habang tahimik naman na nakatingin ang kuya niyang si Arvin at pangisi-ngisi dahil may nayapakan na naman sila ng kaniyang kapatid na mahinang tao.
"So-sorry," mahina pa ring tugon ni Reo habang nakapikit at pigil na pigil ang galit, na iinis siya at nais niya na lang maglaho sa harapan nilang lahat dahil sa mas nanaisin niya pang mawala na lang kesa sa humingi ng paumanhin sa taong dahilan kung bakit namatay ang kaibigan na si mang Toni.
Ngunit hindi niya magawa, dahil alam niyang paghindi niya binaba ang kaniyang ulo at nilunok ang kaniyang dignidad ay tuluyang masasayang ang tiniis niyang hirap sa loob ng limang taong pag-aaral at ang lahat ng sinugal ng kaniyang ina para lang makapagtapos siya sa pag-aaral ng kolehiyo.
Kaya naman mangiyak-ngiyak siyang humingi ng paumanhin sa harap ni Arch habang yukong-yuko ang kaniyang ulo at patuloy na tumutulo ang kaniyang mga luha sa mata.
"Patawarin niyo ko sa mga nagawa ko kanina na p*******t, hinding-hindi na mauulit!" saad niya sa harapan ng mga taong kinasusuklaman niya at narinig niya ang mga bungisngisan ng mga ito at ang pangungutya sa kaniyang harapan.
Lumapit sa kaniya si Arch at tinapik ang kaniyang balikat, yumuko ito nang kakaunti at narinig niya ang pagbulong ninto sa kaniyang tainga.
"Lakas din ng loob mong lumaban kanina tapos ngayon kulang na lang ay lumuhod ka sa harap namin para lang maka-graduate ka, hahaha dapat lang sayo iyan dahil mahina ka at hinding-hindi mo mabibigyan ng hustiya ang kaibigan mong matanda, dahil pinapangako ko na lalong gugulo ang buhay mo kung lumabas pa ang katotohanan sa bibig mo" bulong sa kaniya ng binata at doon na siya natulala.
Hindi man lang ito itinanggi ni Arch sa kaniya at sa sarili na nitong bibig nang galing ang katotohanan na sila ang dahilan sa nangyaring aksidente kay mang Toni.
"Mauna na kami kuya, pasensya na sa abala!" bati niya sa kapatid at kumaway lamang ito saka bumalik sa kaniyang upuan at humarap sa laptop sa ibabaw ng kaniyang lamesa.
Naiwan naman doon si Reo na tulala at hindi mapigilan ang paglabas ng kaniyang mga luha habang patuloy na nakayuko ang kaniyang ulo at hindi gumagalaw.
"Ano pang iniintay mo? Umalis na kayo sa opisina ko," utos ni Arvin at inaya naman ni Ms. Jaz ang istudyante na lumabas na ng principal office at pilit itong dinadamayan kahit miske siya ay hindi alam ang dapat sabihin at gawin, dahil kahit siya ay walang lakas para lumaban sa sitwasyon na ito.
"Tara na Reo, maswerte ka pa at hindi ka nila tinanggalan ng diploma," bulong sa kaniyang ng guro habang naglalakad palabas ng opisina ni Arvin.
"Bakit gan'un Ms. Jaz? Isang beses ko lang naman sinaktan si Arch pero bakit ako pa ang humingi ng sorry sa kanila? Bakit ako pa 'yung hihingi ng paumanhin kahit limang taon na naman ako binu-bully ni Arch at ng mga kaibigan niya? Na kahit sa limang taon na 'yun ay hindi naman ako nakarinig ng isang sorry sa kanila," bulong ng binata habang patuloy na nakatingin sa mga kamao niya na ngayon ay manhid na.
"Sa mundong 'to, hindi mo talaga maiiwasan na maagrabyado. Hindi kasi pantay ang tingin ng bawat tao kaya may mga taong mahihina at mayroon naman na abuso, isipin mo na lang na kahit na talo ka sa paningin nila ay mas panalo ka naman dahil alam mong ikaw ang tama at ikaw ang walang ginawanag masama," sagot ng kaniyang guro pero hindi pa rin siya kontento sa mga narinig niyang kataga.
Dahil ang nais ni Reo ngayon ay hustisya hindi lamang para sa kaniya kung hindi para rin sa isa pang tao na naniniwala at nakikinig sa mga pangarap niya at iyon ay walang iba kung hindi si mang Toni.
Alam niya na sa mundong ito ay ang tanging importante at magbibigay sayo ng lakas ay ang kayamanan at kamangyarihan, iyon ang bagay na wala siya ngayon kaya hindi siya makalaban.
Pinapangako ko na balang araw, pag may ganap na kapangyarihan na ako at yaman ay mahahanap ko rin ang hustisya para sa 'yo mang Toni, hindi ko kayo bibiguin sa bagay na iyon.
Sumapit ang panibagong araw, abala ang lahat sa pag-eensayo ng graduation ceremony at ang pag-akyat ng bawat istudyante sa entablado para makuha ang kanilang diploma. Bawat isa sa kanila ay nakatanggap na ng kanilang gagamitin na toga at nakapagpa-picture na sa gagamitin nila para sa year book ng taon na ito.
Pero ni isa sa mga iyon ay hindi naranasan ni Reo, ni toga o picture man lang sa graduation niya ay hindi siya pinayagan kumuha. Nakatingin lamang siya sa kaniyang mga kaklase na excited sa gaganapin na graduation sa byernes, kaniya-kaniyang plano at usapan sa kung ano ang gagawin pagtapos ng graduation ceremony.
May iba na nagbabalak mag swimming, may iba naman na nagbabalak na mag travel sa ibang lugar at iba naman ay makakatanggap na magaganda at high tech na gadget bilang graduation gift.
Samantalang si Reo ay nakaupo lamang sa ilalim ng hagdan habang nakaharap sa stage at pinagmamasdan ang kaniyang mga ka-batch mate na umakyat sa entablado at masayang nagtatawanan.
Napayuko na lamang siya at tumingin sa mga sapatos niya, na alala niya na bumili pa ang kaniyang ina ng bagong sapatos dahil sa nais nitong bago ang masuot niya sa pag-akyat ng enablado ngunit nang sabihin niya na nawalan na siya ng award at hindi na makakaakyat pa sa entablado ay halata ang lungkot sa mukha ninto.
"Nalungkot siya pero hindi niya pinahalata ito, alam ko na dismaya si mama." Bulong niya sa sarili at tumayo na sa kinauupuan upang umuwi na lamang ng maaga dahil sa wala naman siyang ibang gagawin sa loob ng paaralan kung hindi tumunganga at manood sa masayang pag-eensayo ng mga ka-batch mate niya.
Araw-araw ay ganu'n ang senaryo ni Reo sa loob ng paaralan nila, 'yung isang linggo na sana ay magiging huling masasayang alaala niya sa paaralan na iyon ay napalitan pa ng inggit at pagkadismaya sa nangyari sa kaniya.
Nakapagtapos siya nang hindi man lang naranasan na magsuot ng itim na toga o makakanta man lang ng huling awit ng pagtatapos niya sa kolehiyo, ang tanging ginawa niya ng araw na iyon ay nagkulong sa kwarto at binuhos lahat ng galit at pagkadismaya niya sa larong binubuo niya.
Habang ang mga kaklase niya ay isa-isang tumatanggap ng diploma at nakikipagkamay sa entablado ay siya naman ay hawak ang mouse ng computer niya at nakaharap sa screen ng laptop habang gumagawa ng proyekto na nag-iisang pag-asa niya para lang matupad ang pangarap niya.
"Ito na lang ang tanging mapanghahawakan ko, pagpumalpak pa 'to ay wala na kong mahaharap na mukha sa magulang ko," bulong niya habang hindi inaalis ang kaniyang atensyon sa program na kaniyang binubuo.
Isang laro na magpapabago ng buong buhay niya at ng iba pang taong maglalaro ninto.
TO BE CONTINUED