CHAPTER 1
♞♟♜♚
Malakas na sumalampak ang mukha ni Reo sa sahig nang sipain siya ng kaniyang kaklase na si Arch.
Agad niyang hinawakan ang kaniyang ilong at kinapa ang makapal na salamin sa mata kung buo pa ito o walang basag, dahil ito na ang pang-apat na salamin na kaniyang pinagawa simula ng pasukan.
"Ano na weakling? Hindi mo pa ba ibibigay ang pera mo sa 'kin ha? Gusto mong basagin ko 'yang mukha mo?" Tanong ng kaniyang kaklase habang hawak ninto ang kaniyang bag at paulit-ulit na hinahampas sa kaniyang likod.
Pilit siyang tumayo gamit ang payat niyang braso ngunit naramdaman niya ang pagtapak sa kaniyang likod.
"Hindi ka sasagot?" Tanong nito saka siya paulit-ulit na niyapakan sa kaniyang likuran. Naiisip niya na kawawa na naman ang kaniyang ina pagnilabahan ninto ang maduming mantsya sa puti niyang yuniporme.
Lagi niya nakikita ang kaniyang ina na hirap na hirap sa paglalaba nang marurumi niyang yuniporme ngunit ni isang beses ay hindi niya ito narinig na nagreklamo.
Kaya nais sana ni Reo na umuwi nang walang dungis o mantya ang suot niyang puting polo ngunit niyayapakan na ito ngayon ni Arch.
"Wa-wala na akong baon, pinagbayad ko sa project," mahinang sagot ni Reo ngunit hindi siya pinakinggan ninto.
"May naririnig ba kayo? Parang may langgam na nagsasalita," saad naman ni Arch sabay dura kay Reo at bato ng bag ninto sa kaniyang ulo.
"Tsk, tara na nga wala naman tayong mahuhuthot sa weakling na 'yan," saad ni Arch saka nagsunuran ang mga kaibigan ninto sa paglalakad.
Pilit namang tumayo si Reo at pinulot ang kaniyang mga gamit na nagkalat sa sahig ng rooftop ng kanilang building dito sa college university na kaniyang pinag-aaralan.
"Haaaa!" Malakas niyang buntong hininga kasabay ng pagkalma niya sa sarili niya at pagpipigil ng luha.
Iniisip na bakit hindi pa siya masanay sa nangyayari sa kaniya, kung simula elementary naman ay ganito ang araw-araw na buhay niya sa loob ng eskwelahan.
Bata pa lang si Reo ay nakakaranas na siya ng pangbu-bully at distriminasyon dahil sa mahina niyang pangangatawan at itsura.
Pinanganak siyang may sakit kaya pabalik-balik siya sa hospital at hirap na tumaba, malabo rin ang kaniyang mata at nakasuot ng makapal na salamin.
Nakadagdag rin ang pagiging mahilig niya sa anime at pagiging geek sa pang-aasar sa kaniya.
Tinuturing siyang kakaiba ng buong eskwelahan nila, nilalayuan ng marami dahil sa pagiging weirdo niya.
"Ano bang mali kung mahilig ka sa anime or games? Ano bang mali kung madali kang mapagod o mahina ang katawan mo?" Tanong ng binata sa sarili habang nakasandal sa pinto at nakatingala sa asul na langit na kaniyang tanaw na tanaw mula sa kaniyang pwesto.
"Kung kasama ko lang sana ulit si Alex," bulong niya at tinignan ang letrato sa loob ng kaniyang wallet na wala nang laman ni singkong butas.
Pinagmasdan niya ang letrato niya kasama ang isang batang babae na kaniyang kababata at kalaro noon.
Si Alex Vanessa, ang nag-iisang bata na pinili siyang pansinin at kalaruin kahit na karamihan ng mga bata sa kanila ay nilalayuan siya at inaasar.
Bagong lipat si Alex sa lugar nila Reo noon at akala ni Reo lalaki ang batang nakita niya sa labas ng gate nila.
Akala niya noon ay may bago na namang magpapahirap sa buhay niya ngunit iba pala si Alex. Mabilis itong kumaway at ngumiti sa kaniya habang nakasilip siya sa binta ng bahay nila at simula noon nagkaroon din ng una at iisang kaibigan si Reo.
Halos hindi sila mapaghiwalay ng kaibigang si Alex at laging sabay sa lahat ng bagay katulad na lang ng pagpasok sa iskwelahan, pagkain at miske paliligo.
Ngunit isang araw bigla na lang nawala nang parang bula ang kaibigan niya, sinundo niya ito sa harap ng bahay nila para maglaro ngunit wala ng katao-tao roon at tahimik ang buong lugar.
Doon lang sinabi ng kaniyang ina na lumipat na raw ng bahay ang kaniyang kaibigan ng hindi man lang nagpapaalam sa kaniya.
Simula noon ay muling bumalik ang buhay ni Reo bilang isang weakling, isang batang laging tumpulan ng asaran at panlalait.
Tumuntong siya sa high school at lalong lumala ang nararanasan niyang pangbu-bully kesa noong elemntarya, ngunit hindi niya alam na triple pala ang mararanasan niya ngayong college na siya.
"Graduating student na ko pero patapon pa rin ako, mahina pa rin at laging utusan sa room, pag nakapagtapos talaga ako at nakahanap ng magandang trabaho ay magpapagwapo ako, tignan niyo lang makakaganti rin ako," sabi ng binata sa kaniyang sarili habang hindi niya namamalayan na bumabagsak na pala ang kaniyang luha sa mata habang nakatingala sa langit.
Gusto niyang bumalik sa panahon kung saan kasama niya pa ang unang kaibigan na mayroon siya, hindi sa ganitong sitwasyon kung saan sobrang nararamdaman niya ang pag-iisa niya.
Kahit sa mga group project ay walang nais na makasama siya, kung mayroon man kumuha sa kaniya ay dahil ipapagawa lang lahat sa kaniya ang project at hindi siya tutulungan ng mga ito.
Naranasan niya ring lokohin ng babae at ginamit lang siya para maging tiga gawa ng mga assignment at project, madalas din siyang paglaruan sa bet at pagtripan.
Lahat na ata ng masasamang karanasan ay naranasan na ni Reo, sa sobrang paghihirap niya ay minsan na isipan niya na lang tumalon sa building na ito at iparamdam sa mga kaklase niya at sa mga taong nang bu-bully sa kaniya ang konsensya.
Ngunit alam niyang pagginawa niya iyon ay malulungkot ang kaniyang ina at mag-iisa na lang ito sa buhay.
Nais niya ring panghawakan 'yung pangako na balang araw ay magkikita ulit sila ni Alex, kung saan maglalaro sila ng mga online games na paborito nila.
Kapag na iisip ni Reo ang mga bagay na iyon ay unti-unti siyang nabubuhayan ng loob at muling lumalaban.
"Nakaabot na ko sa puntong ito, susuko pa ba ako?" Tanong niya sa sarili at tumayo na sa pagkakaupo saka pinagpagpag ang kaniyang damit na puno ng alikabok.
"Ilang buwan na lang ay graduation na, makakahinga na ko nang maluwag," saad niya saka sinukbit sa kaniyang balikat ang pulang bag at naglakad pababa ng hagdan.
Saktong uwian at labasan na ng mga istudyante, marami siyang nakasalubong sa daan at may iba pa nga na sadyang binabangga siya.
Ngunit sanay na siya sa ganitong senaryo ng buhay niya, sanay na siya sa paulit-ulit na trato ng mga tao sa paligid niya kaya naman dumaretsyo na siya sa gate at pumunta sa paradahan ng jeep.
"Hehehe," napatawa siya sa sarili dahilan para kilabutan ang manong na katabi niya sa unahan ng jeep.
"Kingina bata ka, ikaw na naman? Ano na naman tinatawa-tawa mo diyan ha, Reo?" Tanong ng driver na kilalang-kilala na si Reo dahil sa paulit-ulit nitong pagsakay sa jeep niya kahit na malayo pa ito sa pila.
"Hindi kasi alam ni Arch na isiningit ko 'yung bente pesos sa I.D ko, tanga niya 'di ba?" Sagot niya sa driver at napasagitsit naman ito habang hawak-hawak ang sigarilyo na nakapasak sa kaniyang bibig.
"Mukhang bugbog sarado ka na naman, wala bang araw na uuwi kang walang bangas ang mukha mo? Pero sabagay maswerte ka na ngayon dahil sa buo pa ang salamin mo," sagot sa kaniya ng driver at sumandal naman si Reo sa upuan at tumingin sa rear mirror ng jeep.
"Tumpak ka d'yan mang Toni, maswerte na ko ngayon pero kawawa na naman ang nanay ko sa paglalaba ng yuniporme ko kaya uunahan ko na siya bago niya pa makita ang istura ko ngayon," sagot niya sa driver sabay ayos ng suot niyang makapal na salamin.
"Ano aalis na ba tayo?" Tanong ng driver at nahiya naman si Reo sabay iling sa manong.
"Wala pa ngang sakay ang jeep mo mang Toni, kwentuhan muna tayo hanggat nag-iintay sa pila," sabi ni Reo sa driver at tumawa naman ito nang malakas saka binunot ang sigarilyo sa kaniyang bibig at pinatay ang titis ninto sa manubela ng keep sabay bato sa labas.
"Ano na naman iyan Reo? Tungkol na naman sa larong binubuo mo? Aba, pag hindi ka yumaman diyan ay wag ka na magpapakita sa akin ah, natutulig na ang tenga ko sa kwento mong iyan," sagot ng driver pero umayos din naman ng pagkakaupo at muling inihanda ang kaniyang tenga sa pakikinig sa binata.
Natutuwa si mang Toni kay Reo dahil tuwing magkukwento ito ng tungkol sa mga hilig niya ay nakikita niya ang kaniyang kabataan dito, kung pano kuminang ang mga mata ni Reo tuwing mababanggit ang larong binubuo nito, o tuwing na ikukwento ang bagong episode ng anime na pinapanood ninto.
"Halos nasa 85% na ako ng program mang Toni, hayaan mo pag natapos ko 'to ay ipapalaro ko sa iyo," saad ni Reo sa matanda at tumawa naman ito.
"Pwede pa ba ako sa larong iyan? Wala naman bayad ano?" Tanong ni mang Toni at mabilis naman tumango si Reo.
"Syempre naman mang Toni, ikaw ang number one fan ko kaya libre sayo ang unang trial, hayaan mo pagyumaman ako sa larong ito ay ibibili kita ng bagong manubela," sagot ni Reo na kinatawa ng matanda.
"Alam ko malaking pera iyan pag pumatok, bakit manubela lang? Isang buong jeep na kasi!" Biro ng matanda at nagtawanan naman sila.
"Pano sunog na manubela mo kakakiskis mo ng baga ng sigarilyo d'yan," sagot naman ni Reo at tinapik na ang braso ng mantanda dahil tinatawag na sila ng boy sa pila ng jeep para umabante.
"Ang haba ng pila ngayon, himala at maagang nag-uuwian ang mga istudyante," saad ni mang Toni pero pansin niyang tumahimik na si Reo at bumalik sa pagkakayuko ninto.
Napabuntong hininga na lang ang matanda dahil alam niyang pag may ibang tao ay parang makahiya na titiklop ang binata.
Alam niya rin ang dinaranas ninto sa iskwelahan at halos makita niya na ang paghihirap ninto sa lumipas na limang taon ng pag-aaral sa kolehiyo.
Nais niya sanang tulungan ang bata ngunit ang tanging magagawa niya na lang ay ang pasakayin ito ng libre tuwing wala na itong pamasahe.
Noon madalas niyang makita si Reo sa gilid ng kalsada at naglalakad pauwi sa napakalayong daan mula sa kanilang iskwelahan pauwi sa kaniyang tahanan.
Kaya simula noon ay lagi niyang inaabatan si Reo at pinapasakay sa jeep niya ng libre pero sa lumipas na taon ay pilit na siyang binayaran ni Reo tuwing makakapagtabi ito ng pamasahe pauwi.
Tahimik lang si Reo at panay ang tingin sa rear mirror dahil nakikita niya ang mga kaklase niyang nagtatawanan sa likod. Kinakabahan siya na baka mapansin siya ng mga ito kaya patuloy niyang niyuko ang kaniyang ulo.
Ang sakit na ng batok ko, hindi pa ba sila bababa?
Panay ang sulyap niya sa rear mirror at tingin sa mga babae niyang kaklase hanggang sa pumara na ito at bumaba.
Ngunit bago pa man bumaba ang mga 'to ay nagtama ang tingin nila ni Arch na kasama pala ng iba pang mga kaklase niya sa loob ng jeep.
Kung mamalasin ka naman talaga Reo!
Halos mabali na ang leeg niya sa kakayuko para lang maiwasan ang tingin ng kaklase ngunit agad na binawi ni Arch ang bayad niya kay mang Toni at bumalik sa pagkakaupo sa loob ng jeep.
"Oh, akala ko ba bababa na kayo?" Tanong ni mang Toni rito ngunit ngumiti lang si Arch at kinamot ang kaniyang pisnge.
"Ah, na aalala kong may pupuntahan pala ako, sige manong daretsyo lang," tugon nito ngunit alam na ni Reo na may binabalak si Arch kaya kahit malayo pa ang lugar ay bumaba na siya.
"Manong para po," saad ni Reo na pinagtaka naman ni mang Toni.
"Pero malayo pa ang bahay mo," tugon naman ni Mang Toni at tinignan lang siya ni Reo nang takot na takot habang pawisan at sumisenyas ng tingin sa kanilang likuran.
Kumunot naman ang noo ni mang Toni at hindi pa nais na ibaba si Reo ngunit wala na itong na gawa at hinayaan na lang ang binata.
Agad na nagbayad si Reo at bumaba ng jeep saka kumaripas ng takbo kung saan, tumigil siya sa harap ng isang parke sa loob ng subdivision at doon hinabol ang kaniyang hininga.
Umupo siya sa dulo ng slide at kinalma ang sarili niya, pakiramdam niya ay sinisipa na agad siya ni Arch sa kaniyang katawan.
"Buti na lang hindi nalaman ni Arch kung na saan ang bahay ko," bulong niya sa sarili at nakahinga nang maluwag.
"Ha? Anong hindi ko nalaman?" Nang marinig iyon ni Reo sa kaniyang likuran ay agad na gumapang ang takot sa kaniyang buong katawan.
Marahan siyang lumingon at nakita niya si Arch na nakatayo sa kaniyang likuran at sa hindi kalayuan ay kasama ninto ang mga babaeng nakita niya sa jeep at iba pa niyang kaibigan.
"Akala mo hindi ko napapansin ang pasulyap-sulyap mo sa girlfriend ko? Hindi ka ba kinikilabutan sa sarili mo ha, weirdo?" Tanong ni Arch at malakas na sinipa si Reo sa kaniyang likuran dahilan para sumobsub siya sa damuhan at matikman ang luma at putik dito.
"Nagawa mo pang magsinungaling sa 'kin kanina, sabi mo wala ka nang pera, pero bakit may panbayad ka pa sa jeep ha?" Tanong niya at muling sinipa ang likuran ni Reo.
"Hi-hindi ko naman tinitignan ang girlfriend mo," paliwanag ni Reo ngunit nakita niya ang babae kanina sa jeep na nasa harapan niya na at nandidiri sa kaniya.
"Nakita ko siya kanina Arch, nakakadiri 'yung tingin niya," saad ng babae at isang malakas na sipa na naman ang ibinigay ni Arch kay Reo dahilan para humiyaw ito sa sakit.
"Aaah! Aray ko tama na!"
Pakiramdam niya ay mababali na ang buto niya sa likod kung sisipain pa ulit siya ni Arch.
"Ang kapal ng mukha mong titigan ng ganu'n ang girlfriend ko, anong iniisip mo papatulan ka niya?" Tanong ni Arch sabay upo at hila sa buhok ni Reo.
"Alam mo, wag ka na mangarap na may magandang babae na papatol sa 'yo, tignan mo nga 'yang itsura mo, bagay ka sa putikan kung na sana ka ngayon!" Tugon ninto sabay ngudngod ng mukha ni Reo sa putikan kasabay ng nakakabinging tawanan ng mga kasama ninto.
Hindi na gumalaw si Reo habang nakasubsob ang mukha sa putikan at malabong tinitignan ang pag-alis nila Arch sa parke.
Napahawak na lang siya sa kaniyang salamin para tignan kung buo pa ito katulad ng lagi at una niyang ginagawa tuwing na bubugbog siya.
"Tsk," napasagitsit na lang siya at hindi na napigilan pang maluha dahil sira na naman ang frame ninto.
Tumayo siya sa halos muling mapaluhod dahil sa sakit ng kaniyang likod, puno na rin siya ng putik ngayon at nanlilimahid sa dumi.
Napatingin siya sa yuniporme niyang puting-puti kaninang umaga na ngayon ay kulay putik na.
Hindi niya mapigilan maluha dahil na iisip niya na naman ang kaniyang ina na malungkot tuwing uuwi siya na ganito ang itsura.
Ayaw niya nang makitang umiiyak ang kaniyang ina, dahil kahit paulit-ulit silang magreklamo sa principal ng school ay wala itong epekto.
Dahil ang mismong kapatid ni Arch ang may ari ng paaralan na pinag-aaralan ni Reo, kung ayaw niyang mawalan ng scholarship at ayaw pag-initan ng mga guro sa loob ng school ay mabuti nang manahimik na lang siya at indahin ang bawat pangbu-bully sa kaniya.
Kaya naman naglakad na lang siya patungo sa isang washing area at hinugasan ang sira niyang salamin at buong katawan.
Naglakad siya palabas ng village na basang-basa at nilalayuan dahil sa kaniyang karumihan.
"Gusto ko na maglaro," iyon na lang ang nabulong ni Reo habang nakayuko na naglalakad pauwi.
TO BE CONTINUED