CHAPTER 5

2366 Words
♞♟♜♚ Nakaharap sa malaking TV screen si Arch habang may hawak na alak sa kaniyang kamay at ang ilan naman sa kaniyang mga kaibigan ay naglalaro ng bilyard sa kaniyang likuran habang nagtatawanan nang lumabas ang balita sa TV tungkol sa launch date ng larong ginawa ni Reo na nagbibigay ng ingay sa buong mundo. "Kakaiba talaga si Weakling ah, kung kaibiganin kaya natin siya? Paniguradong malaki ang makukuha nating pera sa kaniya lalo na't bilyon ang kikitain nila sa larong iyan kung sakali," biglang sabat ng kaibigan ni Arch at tabi sa kaniya sa upuan habang hindi maalis ang tingin sa screen ng TV. "Sinong mag-aakala na magiging kilalang personalidad 'yang binu-bully lang natin noon? Hahaha hindi naman siguro niya tayo babalikan kung maging mayaman na siya no?" Biro naman ng isa ngunit ramdam nila ang tensyon sa loob ng kwarto nang itanong iyon ng isa pa nilang kaibigan. Alam nilang lima na mapapahamak sila kung maisipan ni Reo na gumanti sa mga ginawa nila lalo na't unti-unti na itong nakikilala at nagiging successful, kung magkaroon pa ito ng mas malaking kayaman ay paniguradong lalaban na ito sa kanila at maaari pang lumabas ang krimen na ginawa nila.  Hindi pa maitatanggi na sa lumipas na buwan ay wala pa rin silang dulot sa mga kompanya ng magulang nila at panay lang sila laro at pagsasaya na dahilan kung bakit ang ilan sa kanila magkakaibigan ay tinatakwil na ng pamilya nila at paniguradong hindi sila tutulungan kung may mangyaring pag-amin sa krimen na nagawa nila noon kay mang Toni. "Edi unahan na agad natin siya bago niya pa marating ang rurok ng tagumpay niya," saad ni Arch sa mga kaibigan na nagpatahimik dito at gumuhit na ang mga pilyong ngiti sa mukha ng binata habang pinagmamasda ang balita tungkol sa paborito niyang laruan noong kolehiyo. Samantalang hindi naman makapagpahinga si Reo sa mga nagdaang linggo dahil sa mabusisi pa nilang nire-review bawat program at gamit na gagamitin nila sa laro, importante na walang bug at ano mang error ang larong ito pagsapit ng launch date na bukas na gaganapin. Napatingin siya sa flashdrive na naglalaman ng isa pang program na binabalak nilang i-launch para sa ibang game na bubuoin nila saka niya ito nilagay sa bag niya at pinagpatuloy ang pagche-check ng game. "Anak, hindi ka pa ba matutulog? Ala una na ng madaling araw," napalingon si Reo sa kaniyang ina na may hawak na baso ng kape at nakatayo sa kaniyang pintuan. "Tatapusin ko na lang po 'yung ilang checking sa program para makita ko na wala na talagang ano mang error Ma," sagot niya at hindi man lang inaalis ang tingin sa screen ng laptop niya habang nakapatay ang ilaw sa loob ng kwarto niya. "Buksan mo man lang sana ang ilaw anak dahil lalong lalabo ang mata mo niyan, hindi mo na kailangan magtipid sa kuryente dahil nakakabayad na tayo ng ayos," paalala ng kaniyang ina at napalingon naman si Reo sabay kamot sa kaniyang ulo at tawa sa kaniyang ina. "Oo nga no Ma, na sanay lang ako hahaha," saad niya at tumayo sa gaming chair sa loob ng kaniyang sariling office at binuksan ang automatic light switch sa cellphone niya. Sa loob ng kalahating taon ng pagtatrabaho ay nakaipon na agad siya ng malaking pera upang ipa-renovate ang kanilang bahay at gawin itong up and down, mayroon silang third floor at may swimming pool pa sa garden, may dalawang kotse at puno ng mamahaling appliances ang bahay. Simula nang makatanggap siya ng malaking sahod sa trabaho niya ay hindi na siya nagdalawang isip na bigyan ng magandang bahay ang kaniyang ina, lahat ng mga hindi nila natikman na masasarap na pagkain noon at mga gamit sa bahay na hindi nila kayang bilihin ay binili niya na ngayon. Hindi niya tinitipid ang kaniyang ina at binayaran lahat ng pagsisikap ninto sa para sa kaniya. "Ito oh, uminum ka muna ng kape at pagtapos mong i-triple check iyang program mo ay matulog ka na ah, importante na maayos ang tulog mo dahil bukas na ang iniintay mong araw anak ko," saad ng kaniyang ina at masaya naman siyang tumango. "Sa katunayan nga niyang Ma ay hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang chineck ang program na 'to, kailangan walang ano mang problema ito bukas," saad niya sa ina at tumango naman ito sa kaniya. Sandali silang nagkwentuhan at nang makatapos si Reo sa kaniyang trabaho ay nagpahinga na siya at hindi na mamalayan na sumapit na agad ang umaga. Maaga siyang bumangon at kahit kulang ang tulog ay hindi niya ito ininda dahil sa excitement na kaniyang nararamdaman, agad siyang naligo at nagbihis ng inihanda ng kaniyang ina na pormal na damit, sinuot ang kaniyang makapal na salamin at hinila ang kurbata sa kaniyang leeg. Pagharap niya sa whole body mirror sa loob ng kwarto ay napansin niya ang ilang pagbabago sa katawan at pormahan niya, dahil nung nagsimula na magkaroon sila ng pera ay inalagaan niya na ang sarili niya at dito niya na pansin ang pagkakaroon niya ng laman at pagtangkad niya na kaniyang kinagulat. "Tumangkad ba ko? Bakit parang ang gwapo ko ngayon?" biro niya sa kaniyang sarili at kahit malaki ang pinagbago ng kaniyang katawan ay hindi naman nagbago ang kabaduyan niyang pumorma. Muli niyang hinati ang kaniyang buhok sa gitna at nilagyan ito ng hair wax para hindi magulo sa kaniyang trabaho, nagpulbo nang makapal sa kaniyang leeg at batok sabay ngiti sa harap ng salamin. "Okay! Handa na ako!" saad niya at mabilis na bumaba sa hagdan habang bitbit ang mga gamit niya at sinuguradong walang makakalimutan. Nang makarating sa kusina ay nakita niya ang kaniyang ina na naghahanda na ng umagahan sa harap ng hapagkainan at sabay nila itong pinagsaluhan. Nang makatapos ay sumakay na siya sa kaniyang bagong sasakyan at tumingin muna sa kaniyang ina na tila nag-aalala. "Alis na ko Ma," saad niya at tumango naman ito sa kaniya. "Mag-iingat ka Reo, hindi ko alam pero kinakabahan ako para sayo," saad ninto at tatawa-tawa lang na humarap sa kaniya ang kaniyang anak at ngumiti. "Wag ka mag-alala Ma, magiging successful ito promise, uwi rin ako mamaya pagtapos ng dinner celebration ng company! Una ka na kumain ma ah, at wag mo na ko intayin," sabi ni Reo sa ina at tumango naman ito habang hindi sinasabi sa kaniyang anak kung ano ang kakaiba niyang kutob ngayon araw. Hindi maintindihan ng kaniyang ina kung bakit parang nais niyang pigilan ang anak sa pag-alis at hindi na ituloy ang pagpasok ninto sa trabaho, kinakabahan siya nang hindi niya mawari kung ano ang dahilan ngunit alam niyang importante ang araw na ito sa kaniyang anak kaya naman tinikom niya na lang ang kaniyang bibig at pinagpatuloy na sinuportahan ito. ♞♟♜♚ Maraming mga tao sa buong labas at loob ng building na pinagtatrabahuhan ni Reo. Mga reporter sa labas at ilang mga fans ng game community na nais siyang makita at ma-interview, samantalang sa loob naman ay ang mga kilalang tao na kanegosyo at susubok ng larong kaniyang ginawa. Halos mabali ang leeg ni Reo kakayuko at hindi maiwasan na mahiya dahil sa atensyon na kaniyang nakukuha, hindi niya alam kung saan siya pupunta nang biglang may tumawag sa kaniya. "Labo!" tawag sa kaniya ng pamilyar na boses at doon niya nakita ang kaibigan na si Kyo, ang may ari ng paradahan ng jeep malapit sa school na kaniyang pinag-aaralan. Agad niya itong nilapitan at masayang binati saka naman siya nito inakbayan at marahas na ginulo ang pamado niyang buhok. "Kyo, ang buhok ko isang oras kong inayos 'yan," reklamo niya sa kaibigan at natatawa naman itong sumagot sa kaniya. "Nakakhiya naman 'yung isang oras mong inayos, 'di ka pa rin nagbabago baduy ka pa rin," saad ng kaibigan at sabay silang nagtawanan. Simula kasi nang mamatay si mang Toni ay naging kaibigan niya na ang binata at lagi niyang nakakasama sa paghahanap niya ng trabaho noon, sa katunayan ay si Kyo ang laging naghahatid sa kaniya sa mga pinag-aaplayan niyang trabaho pagwala na siyang pamasahe noon kaya naman malaki ang utang na loob niya rito. "Ready ka na ba i-try 'yung game? Galingan mo ah!" sabi ni Reo sa kaniya at ngumisi naman ang binata sabay tango. "Syempre, nakakahiya naman kay RU kung makita niya kung gano ako katanga maglaro ng ganitong game," saad ni Kyo at tingin sa direksyon kung nasaan ang kilalang game streamer na hinahangaan nilang dalawa. "Ah-eh, na-na-narito na pa-pala siya," na uutal at parang nalunok na ni Reo ang kaniyang dila nang makita ang hinahangaan na dalaga na busy sa interview at pagvo-vlog ng buong event. Hindi lang si RU ang nasa loob ng company nila at maglalaro ng game na ila-launch ngayon araw kung hindi pati ang ibang kilalang personalidada at gamer sa buong mundo, mayroon din naman na curious lang at nakikisunod sa uso, may iba na narito lang para sa advertisement at pagbo-vlog. "Reo, tawag ka na sa taas," napukaw ang atensyon ng dalawa nang lumapit si Ari at tawagin si Reo upang simulan na ang laro, nagpaalam naman siya sa kaibigan na binigyan niya ng free pass upang makasali sa launch date ng laro. Pumanhik sila sa stage kung saan lahat ng tingin ng mga tao ay nasa kanila, parang buong mundo ay nakatingin sa larong magpapabago sa gaming industry at syempre dala niya ang kaba sa kasikatan na ito. Habang nakaupo at hawak ang VR machine sa kaniyang kamay ay patuloy naman na pinapaliwanag ni Mr. Sy ang tungkol sa laro at nang matapos siya ay si Reo naman ang nagsalita at nagpaliwanag kung pano ito gumagana. Kabado man dahil lahat ng tingin at atensyon ay nasa kaniya ay hindi niya ito gano naramdaman dahil tuwing pag-uusapan ang larong binuo niya ay puro excitement at kasiyahan lang ang na uuna sa isip at puso niya. "At gamit ang head gear na ito ay maaari ka nang mapunta sa mundo na nilalaro mo," saad niya sabay pakita ng hawak niyang VR head gear at nagpalakpakan ang lahat sa larong kaniyang ginawa. "Papatagalin pa ba natin 'to? Simulan na natin ang first game ngayon!" Anunsyo ni Mr. Sy at bawat kasali ay isa-isang sinuot ang VR head gear nila at idinikit na ang iba pang controller sa kanilang katawan. Pumikit si Reo matapos niyang isuot ang head gear sa kaniyang ulo at isinandal ang kaniyang likod sa upuan, kabado siya at tanging dilim lamang ang makikita niya sa buong paligid hanggang sa malakas na tumunog ang hudyat ng pagsisimula ng laro. "Zero to Hero game will start in—"  3  2  1 At sabay-sabay na nagbukas ang VR head gear nila at tila ba lahat ng kasali sa laro ay isa-isang nahulog sa malalim na pagkakahimbing kung saan puno ng kulay green na numero ang buong isip nila at nang makita ang isang sinag ng liwanag ay lumabas ang isang kakaibang lugar na ngayon pa lamang nila na puntahan. Bawat isa ay namangha, lahat ay nakatingala at nakatingin sa mga kakaibang hayop na lumilipad sa alapaap, ang matatayog na bundok na wala sa kaniyang mundo, mga kakaibang halaman at bahay na nakatayo sa hindi kalayuan. Agad na napatingin si Reo sa kaniyang kamay at nakita ang paglabas ng screen sa kaniyang harapan. [SYSTEM ANNOUNCEMENT] [Select a language.] Lumabas sa screen ang iba't ibang lenguahe na maaaring pagpilian kahit saan ka man sa mundo at agad niya naman pinindot ang english para rito. [SYSTEM ANNOUNCEMENT] [Welcome to the world where you can be who you want to be! I am Geille, your game system announcer; I will be with you throughout the game and announce every event in this world. First, let me introduce you to the City of Redredach.] Biglang lumabas ang malaking mapa ng lugar sa screen ng bawat isang player, lahat sila ay na mangha sa laki ng in game map at ng bawat detalye na nakasaad dito. Kada pindot ng player sa screen ay pinapaliwanag ng sysmtem ang bawat parte ng level one map sa lugar. [SYSTEM ANNOUNCEMENT] [Before the game starts, let us create your avatar, please place your right hand on the screen so we can scan your body type] Nang mabasa nila iyon ay agad nilang nilagay ang kanang kamay nila sa screen at mabilis na dumaan ang system sa kanilang buong katawan at pinalitan ang itsura ng bawat player na nasa loob, napatingin si Reo sa kaniyang kamay at hindi pa rin makapaniwala na nilalaro niya na ang game na kaniyang ginawa kahit na ilang beses niya na ito sinubukan at nilaro bago ilabas sa merkado. Lumabas sa screen ang iba't ibang items at pagpipilian ng kulay ng balat, ibang parte ng katawan na nais palitan o dagdagan at ang mga damit sa unang stage ng laro. Napapakamot sa ulo si Reo nang makita niya ang sarili o ang avatar na nagawa niya dahil nakabase ito sa body built mismo ng katawan niya. "Tsk, badtrip dapat pala hindi ko na ginawa ang ganitong system para kahit dito macho ako," reklamo niya at pinili ang track suit na damit ng character niya. Isang itim na track suit, salamin sa mata at slipper ang suot ng character niya. Simple lang ang charater na ginawa ni Reo dahil hindi siya fan ng mga mabibigat na armor katulad na lang ng suot ni Kyo ngayon. "Labo, bakit ganito ramdam ko 'yung bigat ng armor kahit in game lang naman," reklamo ni Kyo na pinagtaka niya. "Ramdam mo?" tanong ni Reo at doon niya lang na pansin na miske ang komportableng track suit na suot niya ay ramdam niya ang tela, kumunot ang noo niya dahil alam niyang hindi pa nila nilalabas sa program para sa features na iyon kung saan mararamdaman mo bawat galaw, emosyon at sakit na mararamdaman ng in game character mo. Delikado ang bagay na iyon dahil kung masaktan ka sa loob ng game ay mararamdaman mo rin ang sakit ninto sa totoong buhay na maaaring magdulot ng kakaibang trauma sa naglalaro. Ang hindi alam ni Reo at ng ibang players ay dito na magsisimula ang kakaibang adventure nila sa loob ng game na Zero to Hero. TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD