CHAPTER 6

2172 Words
♞♟♜♚ Tumingin si Reo sa screen na nasa kaniyang harapan at tinignan ang bilang ng players na nasa loob ng massively multiplayer online role-playing games na kaniyang ginawa, makikita sa right side ng screen kung ilang players ang naka-online at nakita niya ang mahigit ten thousand players na in game ngayong araw. Hindi lang kasi sa pilipinas ni-launch ang laro na ito kung hindi kasabay ng iba pang mga bansa, kaya naman napakaraming players ang na nasa loob ng laro at online ngayon araw. Pinindot niya ang screen at tinignan ang profile niya rito, nag in-put na rin siya ng in game name ng character niya at ginamit ang paborito niyang pangalan tuwing naglalaro siya ng mga online games. "Anong pangalan nilagay mo?" Usisa ni Kyo sabay silip sa screen ni Reo at nakita niya ang pangalan na Hiro roon, kumunot ang noo ni Kyo at tumingin kay Reo. "Bakit hindi labo nilagay mo? Baka makilala ka nila sa IGN mo dahil kilala ang name mo sa gaming industry hindi ba?" Tanong ninto dahil gamit na gamit ni Reo ang pangalan na Hiro sa lahat ng mga larong nilalaro niya at dahil sa magaling at adik si Reo sa mga online games ay kilala rin siya bilang top global sa bawat larong nilalaro niya. "Palitan ko ba ng labo?" Inosente niya namang tanong sa kaibigan pero agad itong natawa. "Biro lang lods, uto-uto ka naman," saad ni Kyo sa kaniya at inakbayan siya habang siya naman ay patuloy na inaayos ang profile setting ng character niya.  Sinundan ng bawat player ang tutorial sa setting ng games na nasa harapan ng screen nila, bawat pasikot-sikot sa inventory at ilan pang bahagi ng system ay tinuro sa lahat ng player na naka-online ngayon. [SYSTEM ANNOUCEMENT] [Each player has a role in this game; whatever weapon you take from the inventory is the exact role you will play. In the inventory, there are five weapons. Bow, sword, gloves, shield, and book. Bow - Marksman Sword - Swordsman Gloves - Fighter Shield - Tank Book - Mage] [The item in the inventory will increase whenever a reward is obtained at each level; the system will send the rewards directly to your mailbox, and you can also collect materials at each level and sell them in the shop. Notice, swapping item is also permitted] Tumingin si Reo sa bawat sandata na maaari niyang gamitin sa loob ng laro ngunit hindi niya maisip kung ano ang nais niyang gamitin dahil lahat naman ng role na nasa loob ng game ay kaya niyang gawin. "Mag tank na lang ako," napalingon siya sa kaibigan na hindi na nagdalawang isip na kunin ang malaking shiled at espada sa inventory, alam niyang ito agad ang role na kukunin ni Kyo dahil tuwing nakakalaro niya ang kaibigan ay ito ang parating nasa role ng Tank o protector. Agad naman pinindot ni Kyo ang shiled icon sa inventory at nang i-click niya ito ay agad na lumabas ang malaking shiled sa kaniyang kamay at isang espada na akala mo ay totoong-totoo sa kaniyang paningin. "Woah!" karamihan ng mga players ay iyon ang reaction ng isa-isa nilang piliin ang item at role na kanilang gagampanan, manghang-mangha sa paglabas ng makatotohanang gamit mula sa screen ng kanilang sysmtem. "Ang bigat siraulo!" reklamo ni Kyo nang buhatin ang shield na kaniyang nakuha mula sa inventory at natawa naman si Reo sa reaction ng kaibigan ngunit hindi niya maiwasan magtaka kung bakit tila totoong-totoo ang mga nararamdaman at iba pang pangyayari sa loob ng laro. "Grabe parang nasa tunay na mundo tayo," rinig niyang usapan ng ibang player at hindi niya alam kung matutuwa ba siya o kakabahan sa mga narinig niya dahil miske siya hindi makapaniwala sa ganda ng system at iba pang features ng laro. "Labo, anong nangyayari roon?" tanong ni Kyo na nakatawag ng atensyon niya at sabay silang napalingon sa malakas na sigawan sa hindi kalayuan, maraming players ang nagtatakbuhan patungo sa direksyon nila at ang iba ay hindi na alam kung saan pupunta. "Anong nangyayari?" tanong din ni Reo sa kaniyang sarili at nang mangusisa na sila sa nagaganap ay nakita nila ang isang toro na may pakpak, may mahabang patulis na sungay, galit na galit at hinahabol ang mga players sa bawat direksyon na makita ninto. "May nagbukas na ba agad ng stage one mission?" Iyon na lang ang natanong niya sa sarili matapos makita ang nagtatakbuhan na players at ang pinagtataka niya bakit tila hindi sila naglalaro at takot na takot. "Bakit hindi nila targetin ang toro? Wala bang marunong gumamit ng weapon dito?" tanong ni Kyo at humanda sa pagsugod habang hindi maitatanggi sa kaniyang mukha ang excitement sa laro. Humanda itong humarang sa torong papalapit sa kanila ngunit hindi naman maiwasan magtaka ni Reo bakit tila hindi nag he-heal ang ibang players at para bang lahat ng mga nasagupa ng toro ay ngayon ay totoong patay sa kaniyang paningin. "Kyo sandali," awat niya sa kaibigan ngunit hindi naman ninto inintindi ang kaniyang sinabi bagkos pumuwesto na ito sa harap ng galit na galit na toro at handa na siyang sugurin at sanggain ito ng shield na kaniyang hawak. "Tignan mo ko Reo, paniguradong may item na reward dito o hindi kaya buff," saad niya sa kaibigan at malakas itong sinuwag ng toro na kinagulat niya at ng iba pang players na nasa tabi nila. Mabilis na tumilapon si Kyo sa ere at sobrang takang-taka siya bakit tila ramdam niya ang pagkabali ng boto niya sa braso at ang matinding sakit ng kaniyang katawan na para bang kung ano ang mararamdaman ng character niya ay iyon rin ang mararamdaman ng mismong katawan niya. "Kyo!" hiyaw ni Reo nang makita ang kaibigan na sinuwag ng toro at balak pa itong balikan at muling saktan kaya naman agad siyang pumindot ng kahit anong weapon sa loob ng inventory niya at mabilis na inasinta ang nagwawalang toro sa kaniyang harapan. Agad na lumabas ang isang cross bow sa kaniyang kamay at isang lalagyan ng palaso sa kaniyang likuran, bumunot siya ng isa at kinasa sa cross bow na hawak niya sabay puntirya sa torong nasa harapan nila. Pakiramdam niya siya na talaga si Hiro na character niya sa bawat game na nilalaro niya, pakiramdam niya ay sobrang lakas niya at siya mismo ang umaasinta sa kalaban na nasa harapan niya ngayon. "Akin ka ngayon," bulong niya sa sarili at binitawan ang palaso sa kaniyang mga daliri at mabilis itong tumama sa ulo ng toro na kinabagsak ninto, na tahimik ang lahat nang maglaho na parang bula ang toro sa kanilang harapan, unti-unti itong naging mga numero at letra na kulay green at nawala. Habol hininga si Reo habang pinagmamasdan mawala ang toro sa kanilang harapan, nang bigla na lang mag pop-up ang isang email sa mailbox niya at nang buksan niya ito ay nakita niya sa screen ang reward sa toro na kaniyang napatay. [MISSION REWARD] [500 battle points  EXP +25 Bull Horns (Can sell in the shop)] Nang pindutin niya ang claim ay agad niyang naramdaman ang pagkawala ng fatigue sa kaniyang katawan mula sa kaguluhan kanina at labanan na kaniyang pinagtaka, halos ramdam na ramdam niya ang pagbabago sa katawan niya na kinapagtaka niya dahil hindi pa naman nila ina-add ang ganitong features sa laro. "Kyo!" agad niyang nilapitan ang kaibigan at nakita ang sugat ninto sa buong katawan at ang bali nitong braso, kitang-kita rin ni Reo kung pano indahin ni Kyo ang sakit sa katawan ninto at kung pano ito makaramdaman ng tunay na sakit kahit na nasa loob lang naman sila ng laro. "Bakit ganito, sobrang sakit Reo," saad niya habang hawak-hawak ang braso at tila mamimilipit na sa natamo niyang sugat. Tumingin naman si Reo sa setting ng game sa kaniyang screen at bago pa man makahanap ng solusyon ay biglang pumula ang paligid at lumabas lahat ng error sign sa kalangitan, bawat player na naroon ay napatingin sa langit na tila ba naging pula dahil sa mga letra na kulay pula na bumabalot sa buong lugar. [SYSTEM ERROR] [Welcome to Zero to hero. You are now inside the game and my hostage, yes you heard it right. You are now my hostage and you can only escape death if you clear all the levels. Starting in level one to level one hundred. If you defeat the final boss, you're going to be free. But if you die inside the game, you will die in the real world as well.] Lahat sila ay nagulat sa biglaang annoucement ng system at nang kakaibang boses na kanilang naririnig sa itaas, hindi ito katulad ng boses ng isang bata na malumanay na nagtuturo sa kanila ng patakaran ng laro kanina. "Hindi na si Geille ang system announcement," bulong niya sa sarili habang nakatingala sa langit at pinapakinggan ang boses ng isang lalaki na may malalim na boses. [SYSTEM ANNOUCEMENT] ["Ehem-ehem."] lahat sila ay na bigla sa pagsasalita ng isang lalaki sa loob ng game. ["Naririnig na ba ako ng lahat? Hahaha, para pala akong si big brother ninto sa bahay ni kuya haha!"] tatawa-tawa nintong saad habang halata na nanti-trip lamang ito sa lahat ng mga players  na nasa loob ng game. ["Kamusta kayo? Kung naririnig niyo man ako ngayon ay ibig sabihin hindi pa kayo patay sa loob ng game na 'to,"] saad ng lalaki na nagdulot sa lahat ng kakaibang takot, pagtataka at pangangamba sa ano man ang ibig sabihin niya. ["Hindi 'to prank, Im telling the truth that if you guys hearing me now ay dahil buhay pa kayo at hindi namatay sa first mission. Like hell, ang bobo mo naman kung namatay ka sa tutorial ng larong 'to, but unfortunately maraming bobo na namatay sa unang mission," paliwanag ninto at lahat ng mga players ay gulong-gulo na sa nangyayari. "Anong trippings ba 'to? Hindi na maganda 'yung trip niyo ah," saad ng ibang players. "Wala bang exit button dito? Bakit hindi ako makapag log-out?" "Ha? Panong hindi ka makalog-out?" tanungan nila at isa-isa na silang nag check ng settings sa laro upang maka-alis sa gumugulong game na ito. Ngunit ni isa sa kanila ay hindi makalabas at hindi mahanap ang exit sa setting at laro. Miske si Reo ay hindi mahanap ang mismong exit sa larong kaniyang ginawa, para na siyang mababaliw sa mga naririnig at nakikita niya ngayon. Panay ang isip sa kung sino ang posibleng nang hack at nag debug ng laro na kaniyang ginawa. "Reo, mabuti pa't magtago muna tayo," bulong ni Kyo kahit na hirap na hirap na iniinda ang sakit ng braso niya at inaya si Reo sa katabing gubat ng bayan, doon ay kinalma niya ang kaibigan at naghanap ng kasagutan sa mga kakaibang nangyari sa loob ng game na kanilang nilalaro. "Anong gagawin ko? Wala ito sa program na ginawa ko at mukhang may nang hack sa setting ng game at nagpasok ng malware," saad niya habang natataranta at hinahanap ang exit sa laro. ["There's no way out in this game guys, walang madaling daan ika nga nila so you guys need to defeat me,"] muling pagsasalita ng boses sa langit na tila ba ay akala mo siya ang dyos sa loob ng larong ito. "Delikado kung malaman nilang ikaw si Reo, paniguradong sisihin ka ng lahat ng players dito kung malaman nilang delikado ang buhay nila sa larong ginawa mo," bulong ni Kyo sa kaibigan habang nagtatago sila sa makakapal na puno at d**o sa loob ng kagubatan, samantalang si Reo naman ay kabadong-kabado na at tila maiiyak na sa kaba dahil sa nangyayari sa larong pinaghirapan niya. "Hindi maaari ito, mapapahamak ang mga players kung may mangyari na kakaiba sa kanila habang nasa loob sila ng game na ito," saad ni Reo at tila ba mababaliw na sa kakahanap ng paraan para ma-debug ang program at makalabas sila sa loob ninto ngunit alam niyang kung ipo-force reset niya ang laro ay may posibilidad na habang-buhay na makulong ang consciousness ng lahat ng player sa loob ng larong ito at hindi na magising pa. "Reo," tawag sa kaniya ni Kyo ngunit parang wala itong naririnig at panay ang bulong sa sarili. "Reo!" tawag sa kaniya ng kaibigan at malakas siyang sinuntok sa mukha gamit ang isa pa nitong kamao, napahawak si Reo sa kaniyang pisnge dahil ramdam na ramdam niya ang sakit ng pagkakasuntok sa kaniya ni Kyo. "Nararamdaman mo ba 'yung suntok na 'yun? Nagising ka na ba? Tangina ka! Umayos ka at wag kang mataranta!" Inis na bulyaw sa kaniya ng kaibigan at doon lang siya na balik sa ulirat at napatingin sa mukha ng tropa niyang seryosong nakatingin sa kaniya. "Ikalma mo, hindi ka makakapag-isip ng tama sa ginagawa mo," saad niya sa kaibigan at unti-unti naman nakapag-focus si Reo sa nangyayari ngayon. Ngunit bago pa man siya ulit makapag-isip ay muling nagsalita ang lalaki sa itaas ng langit. ["Wag na kayo mag-isip ng ibang paraan dahil walang ganun sa mundong ito, the only way is to defeat me, the final boss."] TO BE CONTINUED 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD