CHAPTER 8

2101 Words
♞♟♜♚ Nagkakagulo ang karamihan sa loob ng VS game developer company na pinagtatrabahuhan ni Reo dahil sa kumosyon na sumiklab sa launch date ng game na Zero to Hero, isa sa mga programmer nila ang nakapansin ng kakaibang problema sa system ng laro at na pag-alaman nila na ninakaw ang program na dapat ay lalaruin ng marami. "Wag niyong papakialaman o tatanggalin ang head gear nila kung ayaw niyong ma-comatose sila habang-buhay! Ari! Tumawag ka ng mga professional doctors at 'yung game engineer natin anong balita?" tanong ni Mr. Sy sa natataranta niyang secretary na hindi mabitawan ang kaniyang phone kakasagot ng tawag mula sa media.  "Ginagawa na ng mga engineer natin ang makakaya nila kaso Mr. Sy, ang problema ay wala sa game na ila-launch natin kung hindi sa mismong program na ginawa ni Reo," saad ni Ari at agad naman kumunot ang kaniyang noo. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ninto at saka naman pinaliwanag ni Ari ang lahat ng nangyari sa loob ng company. Pagtapos malaman ni Mr. Sy ang lahat ng mga kaganapan ay humarap naman siya sa media at pres para maibahagi ang nangyaring imbistigasyon sa problemang kinahaharap nila ngayon. "Una sa lahat, humihingi ako ng paumanhin sa lahat ng pamilya ng mga plyaers na nasa loob ng game. Hindi sapat ang pagyuko ko sa harap niyo para maligtas ang mga mahal niyo sa buhay na nasa loob ng game kaya muli akong humihingi ng paumnahin at ipapangako ko na gagawin namin lahat ng paraan para mailabas ng ayos ang mga players na nakulong sa loob ng game," sagot ninto sa harap ng media at sunod-sunod na flash ng ilaw at katanungan ang binato nila bilang sagot. "Mr. Sy! Pano niyo ipapaliwanag ang buong detalye ng pangyayaring ito? Kasalanan ba ito ng company o ng developer na si Mr. Salazar?" tanong ng isang reporter na nakatawag ng pansin ni Mr. Sy kaya ito ang una niyang sinagot. "Ayon sa imbistigasyon na nangyari kanina lang sa company ay na pag-alaman namin na may duplicate ang program na ginawa ni Reo," sagot niya at muli na naman siya pinaulanan ng tanong ng mga reporter. "Duplicate ng mismong laro? Sinadya ba ito ni Mr. Salazar?" tanong nila at agad naman umiling si Mr. Sy at pinagtanggol ang kaniyang empleyado. "As of now, alam naman natin na miske si Salazar ay nakakulong sa game na ginawa niya at paniguradong hindi niya rin alam ang nangyayari. Isa lang ang masasabi ko, may sumabutahe sa game, kinopya ninto ang interspace ng buong Zero to Hero game at iyon ang inin-put sa bawat head gear na suot ng bawat player ngayon at hindi ang game na gawa ni Reo, dahil kung ang game ni Reo ang nilalaro nila ay mabilis namin ito mapapasok at mashu-shut down ngunit hindi namin mahanap kung sino o na saan ang kumuha ng program, ang tanging alam lang namin ngayon ay hawak ito ng salarin at siya ang may hawak ng lahat ng players sa loob ng game," paliwang ni Mr. Sy at halos masindak ang karamihan ng mga nakarinig  ng balita at hindi makapaniwala na hostage ang mga players sa loob ng laro. "Mr. Sy! Kung sobrang crucial ng program na iyon ay bakit na punta ito sa kamay ng hacker?" tanong ng isa pang reporter at nagsunod-sunod na rin ang mga tanong nila sa CEO. "Mr. Sy kilala niyo ba ang hacker?" "Mr. Sy! Pano niyo pagbabayaran ang nangyari na ito?" "Ano na ang mangyayari sa mga player?!" Iniyuko na lang ni Mr. Sy ang kaniyang ulo at hindi na maiharap ang kaniyang mukha sa pres, huminga siya nang malalim at sinagot ang karamihan sa mga tanong ng taong bayan na ngayon ay lahat ng mga mata ay nakatuon sa kaniya. "Kung papayagan niyo ako, kung pagkakatiwalaan ako ng mga pamilya ng mga players na nasa loob ng game ay hayaan niyo ako ang magprotekta at magbigay ng assistance sa mga players ngayon. Habang hindi pa nahahanap ang salarin ay kailangan natin makasigurado na nasa maayos na pasilidad ang mga players at hindi magagalaw ang mga head gear nila na pwedeng mag cause ng pagkamatay nila, sa ngayon ay sisiguraduhin kong mahahanap ang salarin sa madaling panahon at umasa na lang tayo na ma-clear ng mga players ang last stage ng game," sagot ni Mr. Sy at muling yumuko sa harap ng media habang binabato siya ng mga papel at mga katanungan mula sa pamilya at media na nasa harapan niya. Nanatili siyang nakayuko sa harap ng mga umiiyak at nagrereklamong mga pamilya habang iniinda lahat ng mga masasakit na salita at pangungutya sa kaniya dahil sa nangyaring aksidente.  ♞♟♜♚ Samantalang sila Reo, Kyo at Kenneth naman ay nakarating na sa malapit na baryo kung saan sila magpapahinga dahil inabot na sila ng mahigit siyam na oras sa loob ng game at nanatiling hindi nakakalabas. "Tingin mo, pano kaya 'yung mga katawan natin sa totoong mundo?" tanong ni Kyo kay Reo at sumulpot naman si Kenneth sabay usisa rin. "Pano kaya kung natatae tayo? Pano tayo maliligo kung may head gear sa ulo natin? Pano pag na low batt 'yung head gear? Mamatay rin ba tayo?" Sunod-sunod na tanong ni Kenneth at agad siyang binatukan ni Kyo. "Gagi ka, wag naman! Sana naman makahanap ng paraan 'yung mga nasa labas," sagot ni Kyo at tumango naman si Reo. "Naka-program naman ang head gear bilang heavy duty game control kaya aabot ito ng three days bago ma-low batt at may auto save mode lalo na kung biglang mag brown out," saad ni Reo at nakahinga naman nang maluwag ang dalawa. "Pano pag nag over heat 'yung head gear? Pano pag nasira?" tanong ni Kyo at umiling naman si Reo. "Hindi siya basta-basta mag o-over heat lalo na dine-sign siya para sa mga player na naglalaro ng 24 hours at  may longavity rin na aabot ng 10 years kahit araw-araw mong gamitin, pero syempre hindi maiiwasan na may isang gear ang may problema hindi naman perpekto ang lahat," saad ni Reo at napalunok ang dalawa sa kaba. "Malas mo siguro kung sayo na punta 'yung head gear na madaling masira no?" Tanong ni Kyo at umiling naman si Reo. "Wag kang kabahan Kyo, walang magiging problema sa head gear ang mismong problema ay 'yung program na ginawa ko," saad ni Reo at gumuhit na ang lungkot sa mukha ng binata dahil muli na naman siyang kinakain ng konsensya sa mga nangyayari ngayon. "Panigurado naman na walang mangyayari sa mga katawan natin sa real world, hindi hahayan ni papa na may mangyari satin mga players alam ko 'yan," sagot ni Kenneth sabay ngiti sa dalawa. "Kaso for sure may catheter na tayo paggising hahaha!" biro ng bata at sabay naman napahawak sa kanilang tagiliran ang dalawa dahil na imagine nila ang sakit sa pag-ihe nila. "Kailangan na talaga natin magplano pano makalabas dito kasi ayokong magkaroon ng catheter sa tagiliran at lagyan ng dextrose sa katawan, takot pa naman ako sa karayom," dagdag ni Kyo at inaya na ang dalawa na magpahinga. "Grabe, pakiramdam ko totoo lahat nangyayari sa loob ng game kasi nakakaramdam pa rin ako ng antok at gutom," dagdag ni Kyo at iyon rin ang iniisip ni Reo. Miske ang pakiramdam ng lungkot at konsensya ay ramdam na ramdam niya sa game na ito, pati 'yung mabilis na kabog ng dibdib niya ay kuhang-kuha ng interspace ng laro. Sa mga lumipas na oras ay unti-unting nag si-sink in sa utak ng bawat players na totoo nga ang nangyayari sa kanila, na bawat isa sa kanila na nasa loob ng game na ito ay hostage ng sino mang lunatic na nais makipaglaro sa buhay nila. Ang iba sa kanila ay nawalan na ng pag-asa, nagmumukmok na lang at nag-iintay ng magliligtas sa kanila, 'yung iba naman ay pilit na lumalaban at hindi nawawalan ng pag-asa na makakalabas sila at tutulungan sila ng mga tao sa labas ng larong ito. At mayroon din naman mga players na sobrang saya sa mga nangyayari, sila 'yung mga players na sawa na sa buhay nila sa real wolrd, mga taong mas gusto ang bagong adventure kesa sa nakakatamad at boring nilang buhay. Ngunit para kay Reo ang lahat ng nangyayaring ito ay parang bangungot na hindi niya matakastakasan dahil buong-buhay niya itong binuo at sa isang iglap lamang ay nasira ito lahat. Nagsisimula pa lamang siyang bumangon sa pagkakalagapak niya at ngayon ay muli na naman siyang pupulutin sa lupa, iniisip na anong mangyayari sa kanila ng kaniyang ina pagtapos ninto. Anong nag-iintay sa kaniya pagtapos ng problema na ito na hindi niya pa alam kung mareresulba niya nga ba. Ayaw niya rin madamay ang sino man sa larong kaniyang binuo kaya naman nagpasya siyang magsolo at makipaglaban na mag-isa, binabalak niyang iwan ang dalawa pagtapos ninto makapagpahinga. "Buti na lang at may libreng battle points para sa mga biginners kung hindi wala tayong pambayad sa kwarto na 'to," saad ni Kyo habang inaalis ang armor niyang suot at binalik ito sa inventory. "Pwede tayo bumili ng bahay dito 'di ba? Gusto niyo bili tayo bahay?" tanong naman ni Kenneth at pareho na lang napangiwe ang dalawa sa kayamanan ng batang ito. "Maiba nga ako Kenneth, hindi ka ba natatakot o nakakaramdam man lang ng kaba?" tanong ni Kyo at sumeryoso na ang dalawa dahil ito rin ang tanong na umiikot sa utak ni Reo kanina pa nang makilala nila si Kenneth. "Hmm... syempre katulad niyo kinakabahan din ako, pero iniisip ko na andito naman si Hiro Idol kaya anong ikakakaba ko? Kayang-kaya niya ma-clear ang bawat stage ng larong ito for sure," sagot ni Kenneth na kinagulat ni Reo. Hindi niya alam kung bakit tila na buhayan siya ng loob at bigyan siya ng lakas para lumaban at magtiwala sa sarili niya, sa simpleng salita na binitawan ni Kenneth ay nakaramdam siya ng katiting na tiwala sa sarili. "Sabagay, tama ka d'yan Kenneth. Kasama natin ang isa sa top global na players sa buong mundo kaya bakit tayo matatakot 'di ba?" Dagdag naman ni Kyo sabay ngiti sa harap ng kaibigan at napangiti na rin sa wakas si Reo nakanina pa nabura ang ngiti dahil sa mga nangyari. "Osiya, matulog na tayo para bukas makapagsimula na tayo sa level two at makahanap man lang ng buff dahil pakiramdam ko sobrang hina ko sa level na 'to." sagot ni Kyo at tumango naman silang dalawa. "Good night sa inyong dalawa!" saad naman ni Kenneth at nahiga na kaya naman humiga na rin si Reo at hinayaan na magpahinga ang kaniyang katawan, Sa level ko ngayon ay paniguradong hindi ko matatalo ang level two monster kaya dapat makapagpa-level muna ako at makakuha ng items at buff. Panay ang isip ni Reo ng plano at paraan habang nakatingin sa kisame at iniintay na tuluyan na makatulog ang kaniyang mga kasama. Hanggang alas tres na ng madaling araw at ramdam niyang sa wakas ay nakatulog na rin ang dalawa, alam niyang nahirapan makatulog ang mga kasama niya dahil sa nangyayari sa kanila kaya naman talagang inintay niya pa mag alas tres para lang makalabas siya sa kwartong inupahan nilang tatlo. Paglabas ng panuluyan ay na ramdaman niya ang lamig sa buong paligid dulot ng makakapal na hamog, itinaas niya ang zipper ng track suit niya at binuksan ang system saka kinuha sa inventory ang cross bow na ginamit niya kanina. "Marksman," bulong niya sa sarili habang binabasa ang role niya sa game at nang ilabas niya ang kaniyang hininga ay bumuo ito ng usok sa kaniyang harapan na dulot ng lamig.  "Parang totoo," muli niyang banggit at tumingin sa paligid na walang katao-tao at tanging huni lamang ng mga kuliglig at ilang hayop ang maririnig niya sa paligid. Nagpasya siya na lumayo pa at pumunta sa lugar na walang ibang player na makakakita sa kaniya kaya naman nagpunta siya sa liblib na kagubatan sa tabi ng maliit na bayan sa Redredach city at doon naghanap ng mga level one monster na maaari niyang hulihin kapalit ng buff at items. Pagpasok niya sa madilim na gubat ay nakahanap siya sa mapa ng isang cave at pumasok doon, pagpasok niya ay agad na nag notice ang system sa kaniyang screen. [SYSTEM ANNOUNCEMENT]  [Level 1 monsters detected] At nang makita niya ito sa screen ay humanda na agad siya sa pagbunot ng isang palaso sa kaniyang kamay, ngunit agad niya rin ito pinalitan ng ibang weapon sa inventory at kinuha ang dagger na kulay green. "Imp monsters," sambit niya nang makita ang nagliliwanag na pulang mata ng napakaraming maliliit na halimaw sa loob ng kweba. TO BE CONTINUED  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD