♞♟♜♚
Pagtapos nang pagsasalita ng isang boses sa buong paligid ay napuno na ng kaguluhan at lahat ng mga players sa loob ng laro ay hindi na alam ang kanilang gagawin o iaakto habang hindi makahanap ng solusyon upang makalog-out sa loob ng larong maaaring kumuha ng kanilang buhay.
"So, ibig ba nitong sabihin na 'yung mga players na namatay dahil sa toro kanina ay patay na rin sa totong mundo?" usisa ng mga players na natira at nakarinig ng anunsyo.
"Ha? Hahaha, naniniwlaa kayo sa kalokohan na iyon? Pano mangyayari iyon eh, game lang naman 'to?" tanong ng isang lalaki ngunit halata naman sa mukha niya na miske siya ay tinatanggi lang at ayaw maniwala sa mga pangyayari na nangyari kanina.
"Hindi ba't naka-connect 'to sa utak natin at mismong consciousness natin ang naglalaro sa loob ng game, so pwede lalo na't kung 'yung VR head gear natin is naka-connect sa utak at katawan natin habang nasa loob tayo ng game na 'to," paliwanag ng isa pang gamer at lahat sila ay nagdilim na ang expression sa kanilang mga mukha.
"Ramdam ko 'yung pagod nung tumatakbo ako kanina, at hindi niyo ba nakita kung gano na saktan 'yung lalaki kanina nung sinangga niya 'yung toro kahit na tank naman ang role niya sa game na 'to?" dagdag pa ng isa at bigla na lang sumigaw ang isang babaeng player sa sobrang takot at humihingi ng tulong na palabasin siya sa loob ng game.
"Ah! palabasin niyo ako! Ayoko na maglaro!"
Ang takot na nagmula sa babaeng iyon ay kumalat na rin sa ibang player na nagdulot ng buong kaguluhan sa lugar, halos nagkakagulo na sila at hindi alam saan pupunta. Lahat sila ay walang magawa o maisip na ibang paraan para makalabas sa loob ng laro.
Nasa unang baitang pa lamang sila ng game at mayroon itong isang daang baitang para makarating sa final boss. Alam nila na sa bawat level ng laro ay makakasagupa sila ng mas malakas na kalaban at hindi nila alam kung ilan sa kanila ang makakarating sa final boss.
Ilang players ang kailangang mamatay bago sila makarating sa level one hundred, ilang players ang matitira sa kanila at makaka-akyat sa level na iyon para talunin ang final boss.
Alam nila na lahat sila ay new player lamang sa larong ito, walang ibang nakakaalam ng pasikot-sikot ng laro kung hindi si Reo na ngayon naman ay unti-unting nahuhulog sa kalungkutan dahil sa pagkasabutahe ng kaniyang laro na pinaggugulan niya na ng halos buong-buhay niya para mabuo.
"Reo, tama na ang pagmumokmok d'yan, alam nating nagkakagulo na ang lahat ng players sa loob ng game kaya humanap na tayo ng paraan," saad ni Kyo habang hirap na hirap at namumutla na sa sobrang sakit na kaniyang nararamdaman.
"Pero kagagawan ko ang lahat ng ito bakit may namatay na players kanina," sagot naman ni Reo habang hawak ang kaniyang ulo at nakayuko sa kaniyang mga tuhod at nagtatago sa makakapal na d**o sa loob ng gubat.
"Hindi mo kasalan iyon Reo, kasalanan ng nang hack at sumira ng larong ginawa mo," sagot ng kaibigan niya sa kaniya at pilit na pinapalakas ang kaniyang loob sa lahat ng mga masamang nangyayari ngayon.
"Tandaan mo, sabi nung boses kanina ay kailangan natin siya matalo sa final level kaya ang dapat mo lang gawin ay kompletuhin ang bawat stage ng larong ginawa mo, madali lang sayo iyon Reo dahil ikaw ang gumawa ng game na ito saka 'di ba, dito ka magaling, ito ang forte mo at mundo mo Reo," sabi ni Kyo sabay alog sa balikat ng kaibigan at unti-unti itong kumalma.
"Pero bago ang lahat, may alam ka ba pano ako gumaling?" tanong ni Kyo sabay pilit na ngumiti sa harap ng kaibigan para matago ang sakit ng kaniyang braso na kanina niya pa iniinda.
"Ma-may maliit na pagamutan sa Redredach city," sagot ninto at tumango naman si Kyo saka siya inalalayan ni Reo na tumayo ngunit sa kanilang paglalakad patungo sa lugar ay napatigil sila nang may mapansin silang sumusunod sa kanilang likuran.
"Kyo, may sumusunod sa atin," bulong ni Reo sa kaibigan habang akay-akay 'to.
"Monster? Buff? Ano, player din?" tanong ni Kyo sa kaibigan at nagbikit-balikat lamang si Reo dahil hindi niya rin alam kung sino o ano ito dahil wala naman sa system ang ganong features para malaman niya kung sino o ano ang nasa likuran nila.
Kaya naman tumigil sila sa paglalakad at naramdaman nilang tumigil din ito sa pagsunod sa kanila, nagsenyasan ang dalawa at tumingin si Kyo sa kanilang likuran.
"Sino 'yan?" tanong ninto at tahimik nilang pinakiramdaman ang paligid at paggalaw ng sumusunod sa kanilang likuran.
"Kung sino ka man, lumabas ka na sa pinagtataguan mo!" utos ni Kyo at takot na takot naman si Reo na nakatago sa kaniyang kaibigan kahit na ito pa nga ang kailangan niya protektahan dahil sa bali ninto sa kaniyang braso.
Natahimik ang dalawa at inintay ang paglabas ninto sa mga puno at bigla na lang lumabas ang isang lalaki na may kaliitan at mukhang bata pa, agad niyang tinaas ang kaniyang dalawang kamay at nakita nilang nakasuot ito ng gloves kaya naman nalaman nilang fighther ang role ninto sa game.
"Sino ka? Bakit mo kami sinusundan?" tanong ni Kyo dahil hindi makapagsalita si Reo at ugali talaga ninto matakot at hindi umimik sa harap ng ibang tao.
"Ah, pasensya na pero narinig ko ang kwentuhan niyo kanina nang hindi ko sinasadya," sagot ng bata habang marahan na naglalakad palapit sa kanila at hindi naman maitago ang takot ni Reo at Kyo dahil paniguradong narinig ng batang ito ang tungkol sa katauhan ni Reo na kanilang tinatago.
"Ako si Kenneth Flores, isa akong fan ni Hiro at hindi ko sinasadyang marinig na siya pala si Sir. Reo ang developer ng game na 'to," sagot niya at inilahad ang kaniyang kamay.
"Mapagkakatiwalaan niyo ko at pangako ko na hindi ko sasabihin sa iba ang sikreto niyo promise peksman mamatay man," saad ng bata at alam ni Kyo na inosente at totoo ang sinasabi ninto kaya naman nakipagkamay siya sa bata at ngumiti naman ito sa harapan nila nang malapad.
"Gusto mo ng potion? Meron akong healing potion sa inventory ko," agad nitong sabi sa dalawa na pinagtaka nila dahil pano ito nakabili ng items sa game kung nagsisimula pa lamang ito.
"Meron ako dito mega healing potion, teka asan ba 'yun," saad ng bata at inosenteng naghanap sa loob ng inventory niya at nang mahanap niya ito ay agad niyang pinindot ang screen at lumabas sa kaniyang kamay ang potion.
"Pa-pano ka na-nakakuha niyan saka bakit parang alam na alam mo na ang system ng laro?" Nauutal na usisa ni Reo dahil mukhang sanay na ang batang ito sa loob ng game.
"Ah, kasi maaga akong binigyan ni papa ng trial ng game kaya nilaalro ko na 'to last week pa at sumabay lang ako ulit mag log in sa launch date ng mismong game," paliwanag niya at unti-unti naman kinain si Reo ng kuryosidad niya kaya patuloy siyang nagtanong sa bata.
"Anak ka ba ng CEO ng Flores company? Iyong sinasabi ni Mr. Sy na makakakuha ng first version ng laro? Limang tao lang ang unang na bigyan ng larong ito sa buong mundo," sagot naman ni Reo at inosenteng tumango ang bata sa kaniya.
"Ako nga po hehehe, may kailangan pa ba kayo sa shop? Bibili ako," sagot ni Kenneth at pareho silang nagkatinginan ni Kyo sa isa't isa.
Kaya pala ito may item at walang kahirap-hirap na makakuha ng mamahaling mga potion ay dahil gumagastos ito ng totoong pera sa laro, naka one-top-pay pa nga siya at tanging fingerprint niya lang ang kailangan ay mabibili niya na ang nais niya dahil connected ang credit card ng tatay niya sa game.
"Potion? Inum na po para gumaling kayo," sagot ninto at inabot naman niya kay Kyo ang potion na kulay green at nang lagukin ito ni Kyo ay ramdam niya na unti-unting gumagaling ang kaniyang mga sugat sa katawan at unit-unting nawawala ang sakit ninto. Nakita niya rin sa screen ng game ang HP niya na unti-unting bumabalik sa one hundred.
"Salamat bata, iba talaga ang nagagawa ng pera," sabi ni Kyo at agad na inakbayan si Kenneth sabay bulong dito.
"Pero walang magagawa ang pera mong iyan kung hindi natin maabot ang final stage kaya dapat tulungan natin si Reo na makapunta sa last stage ng game at para magawa iyon, dapat hindi malaman ng iba na siya si Reo na iintindihan mo ba?" tanong ni Kyo at umiling naman si Kenneth.
"Bakit naman hindi pwede malaman ng iba na siya si Reo?" inosenteng tanong ninto at nagtataka naman si Kyo kung talaga bang nakikinig ito sa usapan nilang dalawa ni Reo simula kanina.
"Hindi mo ba gets? Malamang sisishin nila si Reo sa pagkakulong nila rito sa loob ng game kasi siya ang gumawa ng game," paliwanag naman ni Kyo at tumingin si Kenneth kay Reo na ngayon ay nakayuko na at hindi na naman mawala sa isipan ang konsensya sa ibang players na namatay kanina.
"Bakit nila sisisihin si kuya Reo kung hindi naman siya ang dahilan bakit nagloko ang larong pinaghirapan niya, may hacker at nag-debug ng game so hindi niya kasalanan ang lahat ng iyon, dob't worry kuya Reo ako ang bahala magpaliwanag sa kanila," sagot ninto at hinigpitan ni Kyo ang pagkakakakbay niya sa leeg ni Kenneth.
"Shhh— sandali saan ka pupunta sabi na't wag ka na lang maingay eh!" awat niya sa bata dahil aalis na ito at mauuna na sa kanila para sabihin sa iba.
"Pero dapat hindi nila sisihin si kuya Reo," saad ninto at umiling na lang si Reo sa kaniyang harapan at pinigilan siya sa nais niyang sabihin.
"Hayaan mo na Kenneth, hindi natin sila mapipilit lahat na maniwala sa akin kung wala talaga akong kinalaman sa bagay na 'to, kumilos na lang tayo agad para makapunta tayo sa level one hundred," saad ni Reo sa dalawa at agad naman umiling si Kenneth.
"One week na ko naglalaro ng game na 'to pero hindi pa rin ako makaalis sa level two," saad niya at nagkatinginan ang dalawa sa pagtataka.
"Ha? Sobrang hirap ba?" tanong ni Kyo kay Kenneth at nagtataka rin naman si Reo sa kaniyang narinig.
"Alam ko madali lang ang level two pero hindi ko alam ngayon dahil tayo na mismo ang makikipaglaban sa mga monster at level boss," sagot ni Reo at para naman na trauma si Kyo nang maalala niya ang pagsuwag sa kaniya ng toro kanina.
"Marami ka pa bang healing potion d'yan Kenneth? Parang kakailangan natin ng sandamakmak na 'yan," sabi ni Kyo at tumango naman si Kenneth sa harapan nila.
"Bibili na ko ngayon para marami tayong reserba," sagot naman ni Kenneth at agad na nagwaldas ng pera sa store.
"Grabe ang mahal ng potion, one hundred pesos talaga halaga niyan?" tanong ninto at tumango naman si Reo.
"Makukuha mo lang kasi ang potion na 'yan sa level fifty pa ng game kaya medyo mahal," paliwanag naman ni Reo at napatingin na lang si Kyo kay Kenneth dahil iba talaga ang nagagawa ng pera sa kahit anong sitwasyon. Kung wala nag potion na iyon ay paniguradong iniinda niya pa rin ang pagkabali ng buto niya sa braso.
"So anong balak natin? Bubuo ba tayo ng squad para mas mabilis tayo mag-level up?" tanong ni Kenneth at umiling agad si Reo sa kaniya.
"Wag na, ako na lang ang maglalaro para walang ni isa sa inyo ang mapahamak," paliwanag ni Reo dahil ayaw niyang mas marami pa ang madamay sa gulong dinulot ng larong binuo niya.
"Sira ba tuktok mo? Anong mangyayari sa 'min kung hindi mo ma-clear ang game? Pare-pareho tayong mamatay rito kaya mas okay kung magtutulungan tayo. Tama ang sinabi ni Kenneth kailangan natin bumuo ng guild," saad niya at napayuko na lang si Reo at hindi alam ang sasabihin.
Nawawalan na siya ng tiwala sa kaniyang sarili at alam niyang mas makakaya niya ito kung mag-isa lang siya dahil mas mag-iisip siya sa kapakanan ng kaibigan. Pakiramdam niya ay kailangan siya ang gumawa ng paraan dahil siya naman talaga ang may kasalanan ng lahat.
Lalo siyang kinakain ng konsensya, sinisisi ang sarili at nawawalan ng tiwala sa sarili dahil sa ang nag-iisa niyang pag-asa sa pag-unlad ng buhay nila ng kaniyang ina ay nasabutahe pa at ngayon ay marami pang nadadamay na inosente dahil dito.
Kasalanan ko 'to, dapat pala hindi na lang ako nangarap pa at nanatiling weakling na sinasabi nila.
TO BE CONTINUED