♞♟♜♚
[SYSTEM ANNOUNCEMENT]
[Level 1 monsters detected]
[Imps is a small, mischievous devil or sprite in the form of a child, they are usually looking for their mother or sometimes the flesh of their prey.]
Nang mabasa ito ni Reo ay agad siyang napahakbang paurong sa labas ng kuweba sa sobrang kaba, naalala niyang prinogram niya ang mga halimaw na ito ayon sa folklore ng bansa at hango ito sa maliit na halimaw na tinatawag nilang tiyanak.
Mga nilalang na mabibilis ang paggalaw at mahilig sa dugo at laman ng biktima nila, magdadalawang isip lang ang mga halimaw na ito kung babae ang nasa harapan nila dahil akala nila ay ito ang kanilang ina.
Sila kasi ang bunga ng pagpapalaglag ng mga buntis, mga ispirito na hindi natatahimik dahil sa hindi sila nabigyan ng pagmamahal ng kanilang ina at inabanduna sa mundong ito.
"Ma-ma-bibilis ang mga imps, ka-kaya mas ma-mabuti ng dagger ang ga-gamitin kong weapon," nangangatog na bulong ni Reo sa sarili habang nanginginig ang mga tuhod at panay lunok ng laway niya sa kaba.
"Ieeek ieeeeek!" Rinig niyang huni ng mga ito at mamaya-maya pa ay nakarinig siya nang malakas na pag-iyak ng isang sanggol sa loob ng kweba, sinundan ito ng isa pa at nakakabingging ingay na ang dinulot ng mga ito sa buong lugar.
Napayuko si Reo at tinakpan ang kaniyang tenga sa sobrang pagkabingi, halos rinig na rinig niya ang iyak ng mga ito na para bang nagpapabago-bago ng tunog, minsan ay tunog bata o sanggol ngunit habang papalapit ito nang papalapit sa kinatatayuan niya ay nagtutunog halimaw na ang mga boses ninto.
"Isipin mo Reo nasa loob ka lang ng game, hindi sila totoo!" Sambit ni Reo sa sarili at pilit na hinarap ang mga kalaban at nang makita niya ang mga maliliit na halimaw na nakapaligid sa buong kweba ay lalo siyang binalot ng takot.
Ang mga balat ninto ay tila na aagnas na, may mga mahahaba at matatalim na ngipin, mapupulang mga mata na akala mo ay isang dugo na namuo lamang at kitang-kita rin ang mga ugat at buto sa katawan ng mga ito.
"Ahhhhh!" Napahiyaw na lang siya nang pagkalakas-lakas dahil sobrang makatotohanan ang graphics ng laro at pakiramdam niya ay nasa harap talaga siya ng mga totoong tiyanak.
Kumirapis siya ng takbo palabas sa kweba at mabilis na humanap ng lugar na pagtataguan ngunit bigla siyang natalisod sa pagkataranta at agad ninto hinila ang kaniyang paa papasok ng kweba.
"Ahhhh! Tulong!" Hiyaw niya at maluha-luhang nagsisisi sa desisyon na ginawa niya. Iniisip na sana pala ay hindi na siya nagplano na mag-isang kalabanin ang mga halimaw sa loob ng game kung ganito lang din ang mangyayari sa kaniya.
Hindi pumasok sa isip ni Reo na ang game na ginawa niya ang maaaring pumatay sa kaniya, sa mga segundo na iyon ay na isip niya ang kaniyang ina at ang pangarap niya, iniisip niya na kung mamamatay siya ngayon ay tuluyan nang mag-iisa ang kaniyang ina at hindi niya pa matutupad ang pangako kay Mang Toni na hustisya sa pagkamatay ninto.
Habang-buhay na lang ba ko magiging talunan? Sa sobrang malas ko pati mismong pangarap ko at larong ginawa ko ay hindi umaayon sa 'gusto ngayon. Hindi 'to pwede, ilang taon ang ginugol ko para mabuo ang laro na 'to tapos ngayon dahil dito ako mamamatay? Tanong niya sa sarili at hindi mapigilan na mainis sa unang pagkakataon sa larong kaniyang binuo.
"Laro ko 'to! Ako ang hari sa mundong ito!" Inis niyang sigaw at lakas loob niyang hinarap ang mga kalaban saka mahigpit na hinawakan ang dagger at gumalaw ayon sa weapon na hawak niya. Hindi niya inaasahan na kung ano 'yung galaw na nakikita niya sa mga games na nilalaro niya ay magagaya ng katawan ng character niya ngayon sa game.
Hindi niya inaasahan na 'yung mahina niyang pangangatawan ay kayang gawin ang ganito kabilis na aksyon at paggalaw, mabilis niyang na abot ang tiyanak na humihila sa kaniyang paa at naputol ang ulo ninto sa isang pasada lamang ng patalim na hawak niya.
"Woah," banggit niya nang mabilis siyang nakatayo sa pagkakahila sa kaniya nang walang kahirap-hirap na tila ba ang gaan ng katawan ng character niya at wala itong problema katulad na lang ng mahinang pangangatawan niya.
"Ieeeek!" Malakas na nagsigawan ang mga tiyanak sa loob ng kweba nang makita ang gumulong na ulo ng kasamahan nila saka ito unti-unting naglaho sa paningin ni Reo.
Katulad ng toro kanina ay ganun din ang nangyari rito, naging mga numero ito na kulay berde at unti-unting naglaho sa kaniyang harapan. Napalunok siya nang makita ang mga tiyanak na handa na para sugurin siya, huminga siya nang malalim at hinawak nang mahigpit ang dagger na dala niya saka humanda sa pagsugod sa iba pa.
Kaya mo 'to Reo, isipin mo na lang na ikaw mismo ang gumawa sa mga nakakatakot na halimaw na 'to. Masyado lang magaling ang animation team kaya sobrang realistic, pero program lang sila!
"Ahhhh! Ang papanget niyo!" Hiyaw niya at lahat ng frustration niya ay nilabas niya sa mga kalaban niya ngayon.
Mabilis na nagsitalunan ang mga tiyanak sa kaniyang harapan at mabilis niya rin naman itong inatake gamit ang weapon niya, sa dami ng mga ito ay ramdam niya ang pagod, ngunit ramdam niya rin ang kakaibang lakas na dumadaloy sa katawan niya ngayon.
Parang siya talaga si Hiro, 'yung character niya sa laro na iniidulo ng marami. Pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay ibang tao siya, na para bang makakaya niya lahat ng mga kalaban na dumating sa kaniya.
"Sige sugod pa! Hindi na ko natatakot sa inyo!" sigaw niya at nilabas lahat ng kaniyang lungkot at konsensya sa mga kalaban niyang sumusugod sa ano mang direksyon.
Karamihan dito ay kumagapang sa kisame ng kweba at ang iba naman ay bigla-bigla na lang tumatalon sa harapan niya, nakita niya sa screen na unti-unting nababawasan ang Health Points niya at nakakaramdam na ng kakaibang pagod sa katawan niya.
"Kailangan ko nang makaalis dito kung hindi, matatalo ako."
Kinakailangan lang kasi ni Reo na magpataas ng level at sa dami ng mga napatay niyang tiyanak ay paniguradong tumaas na ang level niya at maaari nang makipaglaban sa level two montser sa second stage.
Marami-rami na rin ang items na nakuha niya sa mga monster at may buff na rin siya ngunit ang HP niya ay unit-unti nang bumababa kaya naman kailangan niya nang makabalik kala Kyo at Kenneth upang humingi ng potion.
Bawat level up ay may binibigay na HP ngunit kada pakikipaglaban niya sa mga tiyanak na ito ay nababawasan din agad health points niya, ramdam niya rin na mas bumibilis ang kaniyang galaw ngunit delikado kung maunahan siyang maubusan ng HP kesa makapag-level-up ulit.
Maganda sana itong opportunity, dahil mabilis ako makakapag-level-up sa lugar na ito ang problema nga lang wala pa kong potion na nabibili kaya delikado at baka mamatay ako.
"Babalik na lang ako!" hiyaw niya sabay takbo nang makakuha siya ng opening sa mga kalaban at nakalabas sa loob ng kweba, habol hininga siyang lumuhod sa labas ng kweba at nakahinga nang maluwag nang makita niyang hindi na siya hinahabol ng mga tiyanak sa loob.
Ang mga imp kasi ay isang territorial monster at kung saan sila nabubuhay ay hindi sila umaalis sa lugar na iyon, hindi rin sila nagpapasok ng ibang monster o tao sa territory nila unless kung isa itong babae at nais nilang gawing nanay.
"Haaaa!" malakas niyang pagbubuntong-hininga sabay hilata sa lupa at pindot ng email niya, nakita niya ang reward niya doon saka pinidot ang claim.
[Mission Reward]
[Imps Blood + 47 (Can sell on the shop, use to make a poison arrow.)]
[ + 14700 battle points]
"Imps blood?" tanong ni Reo sa sarili at pipindutin pa sana ang description nang biglang may sumulpot sa kaniyang harapan na isang babae.
"Ahhhh!" Hiyaw niya sabay upo sa pagkakahiga at usod palayo sa babaeng walang paalam na sumulpot sa harapan niya.
"Hiro?" tanong ng babae at nang makita ni Reo ang itsura ng character ninto ay alam niya na agad kung sino ang player. May kulay asul itong buhok na hanggang bewang niya, may hawak na pana at itim na damit na laging istura ng player kahit ano mang game ang laruin ninto.
Hindi lang sa pananamit ng character ng babae niya ito nakilala kung hindi sa pamilyar na boses na lagi niyang pinapanood sa live stream ninto.
"RU?" tanong niya at malapad na ngumiti ang babae sa kaniya sabay lahad ng kamay ninto sa kaniyang kaharapan. Nagdadalawang isip man tanggapin ang kamay ng dalaga ay hinila na siya ninto patayo at hiyang-hiya naman siyang isipin na nahawakan niya ang kamay ng game steamer na crush niya.
"Ikaw nga! Sabi ko na nga ba ikaw 'yan Hiro! Sa get up pa lang ng character mo. Hahaha, ikaw lang naman ang player na may baduy na track suit at nakasuot ng tsinelas with eye glasses," sagot ni RU at kakamot-kamot lang ng ulo si Reo dahil sa hiya.
"Kasali ka rin pala sa launch date ng game? Anong ginagawa mo sa lugar na 'to sa ganitong oras?" Sunod-sunod na tanong ni RU at hindi pa rin makapaniwala na nakalaro niya ulit ang gamer na si Hiro.
Isang beses niya na kasi itong nakalaro at masasabi niyang magaling na player talaga ang lalaking ito kaya nais niya ulit ito isali sa stream niya ngunit ni isang beses ay hindi ninto ina-accept ang mga game invitation niya.
"Ah-eh ano, ano kasi," nauutal na sagot ni Reo at hindi alam ang isaagot sa famous streamer na si RU.
"Nagpapa-level up ka na no?" biglang seryosong tanong ni RU at nakita niya ang pagseryoso ng ang mukha ninto kaya tumango siya bilang sagot.
"Binabalak mo na ba pumunta sa stage two?" tanong ninto sa kaniya at muli siyang tumango.
"Nang mag-isa?" tanong ulit ni RU at tumango lang ulit siya bilang sagot dahil pakiramdam ni Reo ay nalunok niya na ang kaniyang dila dahil sa hiya sa dalaga. Hindi maitatanggi ni Reo na kahit nasa loob lang sila ng game ni RU ay tunay na maganda ito, dahil ang character design ng larong ito ay umaayon sa itsura ng mismong pagkatao nila.
"Alam mo naman siguro na hindi na 'to katulad ng mga larong nilalaro natin, ugok ka na lang kung akala mo pa rin ay kaya mo 'to mag-isa," sagot sa kaniya ni RU at napayuko na lang si Reo pero hindi magawang mainis sa dalaga kahit sinabihan pa siya ninto ng ugok, sa katunayan niyan ay kinilig pa nga siya at gusto pang trash-talkin siya ng dalaga.
"Kung gusto mo ay sasamahan kita, bumuo tayo ng guild," sabi ni RU dahil alam niyang malaki ang posibilidad na makaabot sila sa final stage kung magiging kakampi niya si Hiro na top global player sa buong mundo.
"Pero delikado," maikling tugon sa kaniya ni Reo at tumaas lang ang isa niyang kilay bilang sagot.
"Mas delikado kung wala kang kakampi, panigurado na may stage sa larong ito kung saan kailangan mo ng kasama o party," sagot ni RU at napaisip naman si Reo dahil tama 'to, mayroon nga sa stage fifty na guild guest kung saan hindi ka makakapasok sa stage kung hindi kayo sampu o limang members na maglalaro.
"May kasama ka na ba maglaro? Anong level mo na?" tanong ni RU at tumango lang si Reo sabay tingin sa screen niya.
"Level five," sagot ninto at napanganga naman ang dalaga.
"Agad? Kailan ka pa naglalaro? Na una ka ba magkaroon ng version ng laro kesa sa 'min?" tanong niya at agad naman umiling si Reo sabay turo sa kweba.
"Nag pa-level up ako sa cave, pero hindi ko na clear 'yung quest kasi sobrang dami ng monster at need ata ng party," sagot naman ninto at napangiti si RU dahil sa wakas sinagot din siya nang mahaba-haba ni Reo o mas kilala niya bilang Hiro sa in game name ninto.
"Ah ganu'n, madaya ka! Sandali at magpapa-level lang ako," sagot naman ni RU at napatulala na lang si Reo habang nauutal at nais pigilan ang dalaga pero nag-uunat na ito ng braso at handa na sa pagsugod sa loob ng cave.
"Te-te-teka," na uutal niyang pagpigil kay RU pero hindi siya inintindi ninto.
"Kala mo ikaw lang kaya magpa-level," inis na sabi ni RU at kilala ni Reo ang dalaga sa pagiging competative ninto sa laro kaya naman hindi niya na nagawang pigilan pa si RU at sinundan na lang ito sa paglalakad papasok ng kweba.
Ngunit hindi pa ito nakakapasok sa kalagitnaan ng kweba ay narinig niya na ang malakas na hiyaw ninto habang kumakaripas ng takbo palabas.
"Ahhhhh! Tiyanak!"
TO BE CONTINUED