Damon's PoV
"Magandang umaga sayo Serene." sabi ko at kakabangon lang niya at nagulat siya dahil bungad ako sa kanya.
"Magandang umaga din! Saan mo gusto pumunta?" tanong niya sa akin naisip ko lang paano kaya siya papayagan kung wala siyang kasama?
"Papayagan ka ba? Baka samahan ka ng nanay mo tapos kayo nalang ang mag lalaro." sabi ko sa kanya at bigla naman siyang natawa at bumangon na siya ng tuluyan.
"Syempre akong bahala doon! Mabait naman si mama papayagan naman niya ako mag laro sa labas." sabi niya sa akin at lumabas na siya kaya naman hinintay ko siya dito sa kwarto niya.
Kagabi sinundan ko din 'yong tatay niya at na karma na nga siya. Sinundan ko 'yon kahit puro sugat siya at mukhang buhay naman siya pero alam ko na matatauhan na 'yon at hindi na babalikan si Serene.
"Nandito na ako! Tara na tapos na ako kumain pinayagan na din ako!" sabi niya sa akin at susundan ko na sana siya ng bigla niya akong itulak at tinignan niya ako ng masama.
"Maliligo lang ako. Hintayin mo ako dito!" sabi niya sa akin at tumango naman ako at umupo ako sa isang tabi at hinintay ko siya. Pag tapos niya nakita kong nakabalot lang siya ng tuwalya.
"Kailangan ko din bang maligo?"
"Kung kaya mo naman linisin sarili mo, pwede naman." sabi niya sa akin at ginamit ko naman ang kapangyarihan ko na makakapagpalinis sa akin. Pag tingin ko sa kanya ngumiti ako.
"Ang galing! Pwede mo ba patuyuin 'yong buhok ko!?" tanong niya sa akin at ginawa ko naman 'yong sinabi niya at pinatuyo ko 'yon.
"Salamat!" sabi niya at nag suot na siya ng damit. Syempre hindi ako nakatingin hindi ako pwedeng tumingin dahil babae siya at lalaki ako.
Lumabas na ako sa bintana at siya sa baba siya lalabas. Nakita ko siya at nag simula na kaming mag lakad. Nilibot naman ang parte na malapit sa lugar lamang nila.
"Alam mo ba 'yong pag kain na fishball?" tanong niya sa akin.
"Hindi anong klaseng bagay ba 'yan?" tanong ko sa kanya at hinila naman niya ako at puro usok ang paligid at nakita kong nilapad niya ang kamay niya.
"Kailangan ko ng pera, may pera ka ba diyan?" tanong niya sa akin. Anong ibig niyang sabihin na pera ang meron lang sa akin 'yong bilog na ginto.
"Eto lang meron ako." kinuha ko sa bulsa ko ang maraming bilog na gold na tinatawag naming na ginto pag ka bigay ko sa kanya nanlaki ang mga mata niya.
"Pwede ba 'tong mabayad?"
"Pwede 'yan, kuya pabili kami." sabi ko at binayad ni Serene ang binigay ko at gulat na gulat 'yong lalaki.
"Jusko saan mo nakuha ito?! Pwedeng sa akin nalang 'to?!" tanong ng lalaki.
"Bayad namin 'yan, pwede na kami kumuha dito?" tanong ni Serene sa lalaki at masayang tumango tango ito.
"Pwede! Sa inyo na lahat ng 'yan! Dali mag luluto pa ako ng marami para maiuwi niyo!" sabi ng lalaki at nag mamadali siyang lutuin ang mga 'yon at narinig ko naman na tumawa si Serene.
"Ang galing mo Damon, kakaiba ka talaga!" sabi niya sa akin at inilagay 'yon sa kung hindi ko alam kung anong lalagyan 'yon. Kinuha naman ni Serene at binitbit niya 'yon.
"Tara dito muna tayo." nandito kami ngayon sa may upuan dito at kumain kami. Natikman ko 'yong sinasabi niyang fishball masarap siya at kakaiba sa mga kinakain namin sa mundo namin.
"Salamat at may naipakita kana sa akin na hindi ko alam." sabi ko sa kanya.
"Wala 'yon sabi ko naman sayo babawi ako sayo hindi ba? Hindi pa tapos 'yong pag lilibot natin." sabi niya sa akin at tumango tango naman ako.
"Saan pa pala tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.
"Kahit saan basta nandiyan ka. Ikaw lang kasi 'yong naging kaibigan ko kahit na malaki kana at ako bata pa lang"sabi niya sa akin at kumain ulit siya kaya naman napaharap ako at nalungkot din ako.
Paano kaya kung malaman mo ang katotohanan na nag travel lang ako sa future para lang mag hanap ng magagawa maniniwala kaya siya? Syempre hindi dahil alam niyang totoong totoo ako sa paningin niya.
"Salamat din kasi ikaw 'yong batang matapang. Hindi ka natatakot sa akin at hindi mo ako sinusumbong." sabi ko sa kanya at ngumiti ako sa kanya sabay bigla siyang naiyak.
"Damon salamat din talaga!" sabi niya at natawa naman ako dahil ang cute niya kapag iiyak nanaman siya. Paano pa kaya kapag malaki na siya?
Inabot kami ng hapon at umuwi na kami dahil baka pagalitan siya ng nanay niya. Bata siya at hindi siya pwedeng gabihin pwera nalang kung malaki na siya kagaya ko.
"Sa bubong ka ba natutulog? Kasi naramdaman ko kagabi na may kumalabog doon." sabi niya sa akin.
"Doon lang ako tumatambay hindi ako makakatulog dahil kaya ko naman gampanan 'yong pagiging gising ko sa araw araw. Sabi ko naman sayo na demonyo ako hindi ba?" sabi ko sa kanya.
"Oo nga pala pero gusto mo bang matulog sa lapag? Kahit nakaupo ka lang sa kwarto ko?" tanong niya sa akin at napaisip naman ako. Hindi ko naisip 'yon ah pwede din naman babantayan ko lang siya.
"Sige payag na ako, wag mo ako titignan ah? Kasi minsan nagiging dark 'yong na sa paligid ko at hindi mo ako pwedeng hawakan." sabi ko sa kanya. Iyong kapangyarihan ko kasi minsan hindi ko ma-control.
"Sige hindi ako titingin." sabi niya sa akin at nakauwi na kami sa bahay niya. Umakyat na ako sa may bintana at siya doon dumaan sa harapan. Pag pasok ko sa loob pumasok din siya.
"Kaya mo din bang palutangin 'yong mga bagay?" tanong niya sa akin kaya naman natawa ako ng mahina lamang at ginawa ko ang sinabi niya at namangha na naman siya.
Napangiti ko na naman siya. Kumain muna siya bago siya matulog dahil kailangan 'yon at ako naman kakain din pero sa labas ako mag hahanap dahil iba 'yong kinakain ko.
"Dapat pag gising ko nandiyan ka pa rin ah?" sabi niya sa akin at 'yong mga mata niya nag i-spark ang dalawang 'yon kaya ngumiti ako sa kanya.
"Oo naman babalik ako dito, sino ba nag sabi na hindi ako babalik sa kagaya mo na matulungin?" sabi ko sa kanya at ngumiti naman siya at kinumutan ko na siya at umnupo ako sa pwesto na tinuro niya at maya maya nakutulog na siya.
Mga ilang oras lumabas din ako para mag hanap ng makakain.
**