Kabanata 3

978 Words
Damon's PoV Nag lalakad kami ngayon ni Serene pauwi na napatingin naman ako sakanya at malungkot ang ekspresyon niya kaya naman bumuo ako ng ice sa kamay ko at pinakita ko sakanya 'yon. "Wala akong maisip na mag papasaya sayo, siguro dito sasaya ka kapag nakakita ka ng totoong ice"sabi ko sakanya at nagulat naman siya at namangha siya sa ginawa ko. "Ang galing naman! Kaya mo din ba gumawa ng snow? O kaya mo ba lagyan ng snow 'yong lugar natin?!"sabi niya saakin at nakikita ko sa ekspresyon niya ang saya niya at pag ka excitement niya. "Gusto mo ba?"tanong ko sakanya at tumango tango siya kaya naman wala akong nagawa. Ginawa kong winter ang panahon at bigla siyang napangiti dahil maraming snow na nahuhulog at tumakbo siya papalayo saakin at umikot ikot siya, napangiti naman ako masarap din pala sa pakiramdam mag pasaya ng isang tao. "Damon halika dito!"tawag niya saakin at lumapit naman ako sakanya, tao siya demonyo ako wala siyang kapangyarihan at ako meron, kung pwede ko lang siya maisama sa mundo naming siguro mas lalo siyang mamamangha. "Gumawa tayo ng snowman!"sabi niya at tinulungan ko naman siya, habang gumagawa kami, ang ibang tao walang pakielam saamin dahil hindi nila ito nakikita, kaming dalawa lang ni Serene ang nakakakita nito. "Okay na ba pakiramdam mo? Masaya ka na ba ulit?"tanong ko sakanya. "Sobrang saya ko! Pero mas sobrang masaya ako simula ng makilala kita! Salamat at tinulungan mo ako kanina!"sabi niya saakin at ngumiti siya. Natapos na naming gawin 'yong snowman at pag tapos niyon nagulat ako ng batuhin ako ni Serene ng snowball kaya gumawa din ako at nag batuhan kami, nakakatuwa kasama ang batang 'to pero bakit ganoon... Iba 'yong nararamdaman ko sa batang 'to.... Para bang magiging mahalaga siya saakin at hindi ko magagawang iwan ang batang ito na mag isa.... Nasa future ako hindi ako pwedeng mag i-stay dito ng matagal, pero paano kung magawa kong mag i-stay dito ng mas matagal pa? "Damon umuwi na tayo baka hinahanap na ako ni mama!"sabi niya saakin at sa isang iglap inalis ko na ang winter sa lugar na 'yon at tumalikod na siya sumunod naman ako sakanaya. Nang makauwi na siya sinabi ko na sa bintana ako dadaan, umakyat ako at pumasok ako doon at hinintay ko siya doon, pero maya maya narinig kong may sumisigaw sa baba. Boses ng lalaki 'yon at mukhang tatay niya 'yon kaya ginamit ko ang invisible power ko at bumaba ako at nakita kong sinasaktan niya si Serene kaya nag init ang ulo ko. "Tama na 'yan! Umuwi naman 'yong bata ano pa bang pinuputak mo diyan!"sabi ng nanay ni Serene at nakita kong may sugat sa gilid ng labi si Serene kaya naman naramdaman ko ang init ng katawan ko. "I'm going to kill you...asshole"bulong ko. "Damon wag mong sasaktan si papa"narinig ko ang iniisip ni Serene at napatingin ako sakanya at nakapikit ito kaya naman pinigilan ko ang sarili ko na wag saktan ang tatay niya. "Umakyat kana sa taas anak"sabi ng nanay niya at pag akyat niya sinundan ko siya at pag pasok niya sa kwarto niya nilagyan ko ng lock ang pinto para walang makapasok. "Okay ka lang ba?"nag pakita ako sakanya at napatingin siya saakin, unti unti kong itinaas ang kamay ko at hinawakan ko ang pisngi niya, ginamot ko ang sugat niya pati ang mga galos niya. "Damon anong ginagawa mo?" "Ginagamot ko sugat mo"sabi ko sakanya. "Salamat sa pag tulong mo, sorry kung nang hingi pa ako ng pang pasaya saakin"sabi niya saakin at lumuhod naman ako sakanya at tinignan ko siya sa mga mata niya. "Ginagawa ko lang ang tama kahit na isa akong demonyo, kaya kong iligtas ang mga katulad mo"sabi ko sakanya at napangiti naman siya saakin at tumayo naman ako, ginamit ko ang kapangyarihan ko at nag lagay ako ng mga disenyo sa kwarto niya. Mga bulaklak ang mga nilagay ko at ngumiti naman siya, alam ko naman kasi na babawi siya saakin na ipapakita niya ang buong lugar na nandito sa mundo na 'to kaya kahit anong oras o araw nandiyan ako sakanya. "Damon saan ka pala natutulog?"tanong niya saakin. "Wag mo ng alalahanin kung saan ako natutulog ang importante nakakatulog ka ng mahimbing"sagot ko sakanya at napaiwas naman siya ng tingin. "Bibigyan sana kita ng unan at kumot kung nilalamig ka" "Nakalimutan mo siguro na isa akong demonyo pero hindi literal na demonyo, hindi ako nilalamig tsaka 'yong katawan ko sobrang warm nito"sabi ko sakanya at nagulat naman siya. "Warm? Ibig sabihin mainit ka?"tanong niya saakin. "Hindi naman sobrang init, iyong saktong mainit lang siya"sabi ko sakanya at nagulat naman ako ng hawakan niya ang kamay ko at parang pinapakiramdaman niya ang init ko. "Oo nga! Pwede bang katabi nalang kita?!"sabi niya saakin at nagulat naman ako at nag init kaagad ang buong katawan ko at umiwas ako ng tingin. "Hindi pwede, tama na nga 'tong usapan matulog kana maaga ka pa bukas"sabi ko sakanya. "Wala akong pasok bukas pwede tayong mag laro!"sabi niya saakin at napangiti naman ako at pumayag na lamang, humiga na siya at kinumutan ko naman siya at ako lumabas na sa may bintana. Sa bubong ako nakatambay at maya maya nakita ko ang tatay niya na lumabas at dala dala ang mga gamit at halatang mag hihiwalay silang dalawa at nakita ko kung paano itapon ng nanay ni Serene ang mga damit nito. "Wag ka ng babalik dito! Baka mapatay pa kita!"narinig kong sabi ng nanay ni Serene kaya pag ka sarado ng pinto tinignan ko ito kung saan pupunta, ginamit ko ang invisible power ko at sinundan ko 'yon. Kung mag kahiwalay na sila, maipaghihiganti ko na din si Serene sa ginawa niya kung paano lagyan ng sugat ang labi nito ganoon din ang gagawin ko, itinulak ko siya ng malakas sa kalsada at may paparating na hindi ko alam kung ano 'yon at tumalsik ito ng malayo. Naamoy ko ang dugo niya at tumalikod na ako, mukhang mabubuhay pa naman siya pero hindi niya makakalimutan 'yong karma na nangyari sakanya ngayon gabi na 'to. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD