Damon's PoV
Tinitignan ko si Serene habang natutulog. Maaga akong nakabalik sa bahay niya dahil nakakain kaagad ako ng maraming daga alam niyo naman kung ano na kinakain ko.
"Sleep tight Serene." bulong ko at gumawa ako ng mga paro-paro na maliwanag at lumapit sa kanya 'yon isa isa at nakita ko ng mas maliwanag ang mukha niya. Hindi ko alam pero parang papalapit na ng papalapit ang loob ko sa kanya.
Siguro dahil na rin na tinutulungan niya ako at gumagaan ang loob ko kapag kasama ko siya. Sa lahat ng mga bagay na nakasama ko siya at nakausap ko siya.
"Wherever you are I'm going to stay by your side Serene." bulong ko ulit at pinikit ko ang mga mata ko.
Hindi ko namalayan na umaga na pala kaya napadilat ako at nakita ko si Serene na bumungad sa akin kaya napaatras ako at natawa siya bigla sa akin kaya natawa din ako.
"Akala ko hindi ka makakatulog." sabi niya sa akin at tumayo na siya at nag senyas siya sa akin na mag i-stay ako dito kaya naman sinunod ko 'yon.
Napahawak ako sa buhok ko at napangiti ako. Mas maganda pala na maiksi ang buhok ko kaysa ang mahaba pero mas gusto ko pa rin talaga na tinatali ko 'yong buhok ko.
Tumayo ako at ginamit ko ang invisible power ko. Lumabas ako ng kwarto niya at pag baba ko nakita ko siyang kumakain at masaya siyang nakikipag usap sa nanay niya.
Buti naman at masaya na ulit siya at wala ng nananakit sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa 'to, alam ko na maling mali 'tong ginagawa ko na tulungan siya sa lahat at baguhin ang future na 'to.
Nakita ko siyang natapos ng kumain at agad na bumalik sa kwarto niya at hinahanap niya ako at naisipan ko naman na hawakan ang buhok niya at itaas 'yon.
"Damon tigilan mo 'yan hahaha nakikiliti ako!" sabi niya at nag pakita na ako sa kanya at pinalapit naman niya ako at nagulat ako ng pitikin niya ang noo ko.
"Ang kulit mo din pala eh nuh?" sabi niya sa akin at natawa naman ako. Pumunta na ulit siya sa pinag liliguan niya at hinintay ko ulit siya. Pag tapos niya doon ginawa ko ulit 'yong patuyuin ko kaagad ang buhok niya.
"Salamat at tinulungan mo ulit ako hehe!" sabi niya at sinabi niya na mamasyal kami sa isang malapit na dagat dito sa kanila. Lumabas na ulit ako sa bintana at siya doon parin sa harapan at pinuntahan niya ako at hinawakan niya ang kamay ko.
Nag lakad na kami at habang nag lalakad kami napapatingin ako sa buhok niya, kumikinang sa liwanag 'yon at nagiging brown ang kulay kapag natatamaan ng sikat ng araw.
"Pwede ba tayo mangako sa isa't isa Damon?" tanong niya sa akin at napatingin naman ako sa kanya.
"Anong pangako naman?" tanong ko sa kanya.
"Basta doon ko na sasabihin kapang nakarating na tayo doon!" sabi niya sa akin at nauna na siyang nag lakad at sumunod naman ako at habang nag lalakad kami, tinuturuan niya ako sa mga daan.
Tawiran pala tawag sa kalsada na 'to may mga dumadaan daw na mga kotse dito at delikado kapag ikaw lang mag isa ang tatawid.
"Kaya kapag tatawid tayo kailangan nakatingin ka sa dinadaanan mo okay?" sabi niya sa akin at tumango tango naman ako. Nakarating na kami sa dagat na sinasabi niya at naramdaman ko ang hampas ng hangin.
"Upo muna tayo dito." sabi niya sa akin at umupo naman kami at walang masyadong tao na nandito.
"Kapag lumaki na kaya ako nandiyan ka pa rin ba?" tanong niya sa akin.
"Nandito pa rin ako. Sabi ko nga sayo hindi ako tumatanda maniwala ka. Hinding hindi kita iiwan." sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung mapapanindigan ko ang salitang 'hindi ko siya iiwan'.
"Talaga hindi mo ako iiwan kahit na anong mangyari?" tanong niya sa akin.
"Oo hindi."
"Edi matagal kana palang nabubuhay? Saan ba 'yang mundo mo talaga?" tanong niya sa akin.
"Malayong malayo dito at kapag sinama kita baka hindi ka umabot at tumanda ka na ng tuluyan niyon." sabi niya sa akin at natawa naman siyang bigla.
"Edi gamitan mo ako ng kapangyarihan mo na hindi ako tatanda na magiging kagaya mo ako na hindi tumatanda!" sabi niya sa akin at tawa pa rin siya ng tawa. Hindi na ako naiirita sa tawa niya ngayon.
"Ikaw talaga mahilig ka mag biro. Hihintay ko na lumaki ka pag mamasdan ko lahat ng mga gagawin mo pag tapos niyon ililibot mo ako sa mundo na 'to ah?" sabi ko sa kanya at tumango tango naman siya.
"Mangako tayo na hindi natin 'to bibitawan okay? Walang susuko ah? Walang aalis ah?" sabi niya sa akin at itinaas niya ang kamay niya at inilapad niya ang maliit niyang daliri ginagalaw niya 'yon at napakuno't naman ako ng noo.
"Ganto 'yan." kinuha niya ang kamay ko at pinagkabit niya ang maliit na daliri ko sa daliri niya na 'yon at sabay ngumiti siya sa akin.
"Ayan nangako ka na sa akin, wag mo kakalimutan ha?" sabi niya sa akin at tumango tango naman ako.
"Hindi ko kakalimutan kahit kalian." sabi ko sa kanya at tumingin naman siya sa dagat na umaalon at napatingin naman ako doon. Medyo madumi ang dagat kaya naman gumamit ako ng kapangyarihan ko na makakapag linis niyon.
"Waaaa hala ang galing naman pinalinis mo 'yong dagat!?" sabi niya at tumayo naman siya at lumapit siya sa dagat at tinitigan niya ng maigi 'yon at tuwang tuwa siya at napangiti naman ako.
"Gusto mo ba maligo diyan?" tanong ko sa kanya.
"Oo gusto ko maligo!"
"Sige maligo kana, pag ahon mo patutuyuin natin 'yang damit mo mamaya." sabi ko sa kanya at tuwang tuwa siyang pumunta sa dagat at nag lalaro siya doon mag isa at ako naman lumipat ng pwesto sa mas malapit sa kanya.
Pero maya maya hindi ko na siya makita kaya naman nag panic ako at napatayo ako bigla at hinanap ko siya.
"Serene!"sigaw ko pero walang umaahon kaya naman kinabahan ako at hindi ako mapakali kaya naman lumusong ako sa dagat at lumangoy ako at nakita ko siyang nakapikit at unti unting lumulubong kaya naman agad akong lumangoy papunta sa kanya at kinuha ko kaagad siya.
Nakaahon kami at inilapag ko siya sa buhangin at ginamit ko ang kapangyarihan ko na kunin ang tubig sa loob ng katawan niya at umubo siya bigla.
Niyakap ko naman siya kaagad at sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit pero saglit na natakot ako na baka mawala siya sa akin.
"Salamat at okay ka lang!"
"Damon?"
"Umuwi na tayo ayokong malunod ka ulit." bulong ko sa kanya...
**