Damon's PoV
"Sorry kung hindi ko sinabi sayo na hindi ako marunong lumangoy." sabi niya sa akin.
"Okay lang basta sa susunod sasabihin mo sa akin kung saan ka hindi marunong para turuan kita." sabi ko sa kanya at tumango naman siya at nakauwi na kami at pumasok na siya sa loob.
Umakyat ako sa taas at sa bintana ako dumaan at pag pasok ko doon kakapasok lang din niya at napahinto ako dahil bigla kong nakita sa mga mata niya kung ano talaga ang magiging buhay niya.
"Damon? Okay ka lang ba?" narinig ko ang boses ni Serene at napadilat naman ako ng mata at halatang nag alala siya sa akin.
"Okay lang ako, anong oras na ba?" tanong ko sa kanya.
"Mag gagabi na din kaya kailangan kumain na ako at kumain kana din." sabi niya sa akin at tumango naman ako. Lumabas na siya at lumabas na din ako para kumain at pag tapos niyon pag balik ko tulog na si Serene dahil natagalan ako sa pag hanap ng makakain ko.
Kinaumagahan may pasok na ulit si Serene. Ginising ko siya at napabangon naman siya baka kasi pumasok na naman ang nanay niya dito para lang gisingin siya kaya mas mabuti na ako nalang gigising sa kanya araw araw.
"Salamat sa pag gising sa akin." sabi niya sa akin at ngumiti naman ako tapos bumaba na siya doon at ako nag hintay sa kanya. Naisip ko na 'yong sapatos na ginagamit niya sira kaya naman ginamit ko ang kapangyarihan ko na ayusin 'yon.
Papasok na siya at ako naman nakasunod lamang sa kanya dahil ihahatid siya ng nanay niya ngayon at nag ka hiwalay na sila sa pasukan at agad naman akong lumapit kay Serene at hinawakan ko ang kamay niya.
"Wag mo nga ako takutin ng ganyan Damon." bulong niya at natawa naman ako at natawa din siya sabay nag lakad na ulit siya at nakasunod lamang ako sa kanya.
Wala ng nangaaway sa kanya simula ng gawin ko 'yon sa mga umaway sa kanya na dalawang batang lalaki. Hindi na sila makalapit kay Serene pero napapansin ko parang wala na din paki si Serene.
Pag tapos ng klase niya nag labasan na at sumunod ulit ako sa kanya at naka invisible power pa din ako. Sumusunod lamang ako sa kanya at napahinto naman siya at napansin kong malayo na kami doon.
"Pwede ka ng mag pakita." sabi niya at inalis ko na ang invisible power ko at nag pakita na ako sa kanya.
"Bakit parang wala ka ng paki sa mga kaklase mo?" tanong ko sa kanya.
"Kasi nandito ka naman may kaibigan naman ako." sabi niya sa akin at ngumiti pa siya. Nag simula na ulit kami mag lakad at maya maya biglang may nabunggo na batang babae.
"Hala nabunggo 'yong bata!" sigaw ni Serene at halatang nag aalala siya para sa batang babae kaya naman hinila ko na siya papaalis doon pero hindi siya umaalis.
"Damon iligtas mo 'yong bata. Nag mamakaawa ako iligtas mo siya." sabi niya sa akin at nanginginig ang boses niya kaya naman napapikit ako at napamura sa isipan.
"Sige ililigtas ko siya." sabi ko at pumikit naman ako at binalik ko ang oras na mabubunggo ang bata at pinahinto ko ang oras at kinuha ko ang bata na mabagal mag lakad at itinawid ko kaagad sa kabila at pag tapos niyon pinaandar ko na ang oras.
"Nailigtas ko na siya"
"Ha? Anong sabi mo Damon?" tanong niya sa akin oo nga pala binalik ko ang oras at niligtas ko ang bata kaya hindi niya alam na mabubunggo ang bata na 'yon.
"Wala tara na umuwi na tayo o saan mo pa ba gustong pumunta?" tanong ko sa kanya at tumawid naman kami pero biglang may paparating na malaking kotse at mabilis ito papunta sa amin kaya naman pinahinto ko ang oras.
Binuhat ko kaagad si Serene at mabilis kaming nakatawid at pinaandar ko na ulit ang oras at biglang nagulat si Serene.
"Bakit parang may bumuhat sa akin?"
"Wala ah, tara na." sabi ko sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya at nag simula na ulit kami mag lakad at biglang nakakita si Serene ng nag titinda na naman ng fishball akala ko mang hihingi ulit siya pero may pera siyang dala.
"Eto Damon oh kain muna tayo." sabi niya sa akin at ngumiti siya sa akin. Kinuha ko naman 'yon at kinain ko iyon. Ang sarap talaga ng inalok niya sa akin, hindi ko 'to makakalimutan kahit kailan.
"Gusto mo bang ipinta kita Damon?" tanong niya sa akin bigla.
"Pinta mo ako? Kung kaya mo ng mag pinta ng kagaya ko." sabi niya sa akin at bigla naman siyang napanguso.
"Syempre kaya ko noh! Tsaka kapag magaling na ako mag pinta. Ipapakita ko sayo kung paano ko ipipinta 'yong mga bagay na mga gusto ko!" sabi niya sa akin at ngumiti pa siya sabay kain ng fishball.
Pag tapos naming kumain, niyaya ko na siyang makauwi at ganoon pa rin sa bintana ako pumasok at siya doon sa may harapan pumasok. Umupo ako sa silya at pumasok na siya.
"May gagawin ako kaya diyan ka lang ah." sabi niya sa akin at tumango naman ako, nilapag lang niya ang bag niya at lumabas na ulit siya at ako naman tatayo na sana ng biglang may bumulong sa akin.
"Anong ginagawa mo sa mundo ng mga tao?" boses 'yon ni Dellor ang God of Future.
"Dellor? Pumunta ako dito para libangin ang sarili ko hindi ba pwede?" tanong ko sa kanya at bigla siyang nag pakita sa akin.
"Nahihibang ka na. Hindi mo pwedeng baguhin ang mangyayari kaya kailangan mo ng umalis sa mundo na 'yan." sabi niya sa akin at nakaramdam naman ako ng kirot sa puso ko.
"Hindi ako aalis dito. Nangako kami sa isa't isa na hihintayin ko siyang lumaki at ipapakita niya sa akin ang mundong 'to." sabi ko sa kanya at tinignan naman niya ako ng seryoso.
"Nasa huli ang pag sisisi." sabi niya at bigla na siyang nawala at saktong pumasok si Serene at ngumiti siya sa akin at may dala siyang mga pagkain.
"Saan mo naman kinuha 'yan? Niluto mo ba 'yan?" tanong ko sa kanya.
"Bake tawag diyan, tikman mo masarap 'yan!" sabi niya sa akin at kumuha naman ako ng isa at pag tikim ko doon lasang matamis siya at unti unti akong napangiti dahil masarap siya.
"O di'ba ang sarap niya?!"
"Oo masarap." sabi ko at ngumiti din siya sa akin. Kumuha ulit ako doon at sabay naming inubos at ang tawag daw sa ganoon ay cookies daw.
**