Damon's PoV
Nakakita ako ng isang pusa na pagala gala at naaamoy ko siya kahit na wala siyang sugat at lumapit ako doon at kinuha ko 'yon. Kailangan ko pa ng maraming makakain para malakas ako kinabukasan.
"Mukhang masarap ka, patawarin mo ako kung ikaw ang makakain ko sa gabi na 'to." sabi ko sa kanya at kinagat ko kaagad ang leeg nito at hindi naman ito nag ingay. Pag tapos kong kumain lumibot pa ako sa ibang lugar.
Nakakita ako ng isang daga at napangisi naman ako. Mostly ang mga daga ang kinakain namin sa mundo namin pero ang mga kulay niyon ay puti pero dito kakaiba pero mukhang parehas lang naman 'yong lasa nito.
"Sa akin ka na." kukunin ko na sana ang daga ng may liwanag na parang ilaw ang tumutok sa akin at napatingin ako doon at unti unti lumapit 'yon dito sa akin.
"Hoy bata anong ginagawa mo diyan! Gabi na ah at bakit nanghuhuli ka ng daga dito?!" tanong sa akin ng lalaki at nakasuot ito ng hindi ko alam kung ano 'yon at tinignan ko lamang siya.
"Umuwi kana at wag ng mag laro pa dito!" sabi sa akin. Anong tingin niya sa akin, bata na papauwiin? Akala niya siguro bata pa ako. Mukha kasing bata 'yong itsura ko pero kung malalaman lang nila kung ilan taon na ako magugulat sila.
"Uuwi naman ako, salamat sa pag papaalala sa akin." sabi ko at nag lakad na ako papunta sa daanan at agad akong tumalon ng mataas at nasa taas na ako ng bahay at hinahanap niya ako.
Ngumisi naman ako, babalik na nga lang ako sa bahay ni Serene para kinaumagahan pag gising niya nandoon na kaagad ako kasi sinabi ko na babalik ako doon.
Nag lakad lamang ako at habang nag lalakad ako maraming tumitingin sa akin. Bakit ba sila tumitingin sa akin? May mali ba sa akin? Tinignan ko 'yong suot ko at nalaman ko na kaagad.
"Wala ka bang matutulugan? Gusto mo bang sumama saamin para sabay tayo matulog?" narinig kong sabi ng isang lalaki na ang dumi dumi at mukhang hindi mapagkakatiwalaan.
"May tirahan ako, hindi ko kailangan matulog sa labas." sabi ko at nag lakad na ulit ako at nagulat ako ng bigla akong hatakin at naramdaman kong may matulis na tumusok sa akin at unti unti naman akong napatingin sa kanya.
"Akina lahat ng pera mo!"
"I don't know what you are saying but I have this." sabi ko at pinakita ko sa kamay ko ang apoy at agad itong natakot sabay tumakbo ito papalayo sa akin at naiwan sa katawan ko na nakabaon ang matulis na bagay.
"Halimaw!" sigaw ng lalaking 'yon at natawa naman ako. Nag simula na ulit ako mag lakad at sawakas nakauwi na din ako sa bahay ni Serene.
Kinaumagahan agad akong sumilip sa bintana at nakita ko siyang bumangon kaya naman pumasok ako sa bintana at napalingon naman siya sa akin.
"Bumalik ka!" lumapit siya sa akin at niyakap niya ako. Nagulat naman ako bakit ba niya ako niyayakap hindi pa naman ganoon kalapit ang loob namin sa isa't isa.
"Sinabi ko naman sayo na babalik ako. Kumain ka na para maaga ka makapasok." sabi ko sa kanya at tumango naman siya at lumabas na ng kwarto niya at ako naman lumabas sa bintana at hinintay siyang makalabas doon.
Ginamit ko ang invisible power ko dahil kasama niya ang nanay niya at habang sumusunod ako masaya ang dalawa na nag uusap at napangiti naman ako. Pamilya, meron din ako nun pero wala na sila...
Simula ng iligtas ako ng Nanay at Tatay ko, hindi ko na sila nakita at nawala na sila ng parang bula. Dumating ang panahon na naging abo sila at naging mag isa na lamang ako at wala akong kapatid.
"Dito nalang ako anak. Mag iingat ka sa school ha?" sabi ng nanay niya at hinalikan ito sa noo at umalis na ang nanay niya. Nakita kong sumenyas si Serene sa kamay niya at parang ako ang tinatawag niya.
"Alam kong sinusundan mo ako Damon kaya lumabas kana diyan." sabi niya kaya naman inalis ko na ang invisible power ko at lumapit ako sa kanya at napatingin siya sa akin.
"Bantayan mo ako sa school tapos turuan mo ako sa mga test na hindi ko alam." sabi niya sa akin kaya naman tumango ako at sinundan ko ulit siya at nang papasok na siya ginamit ko ulit 'yong invisible power ko.
"Class mag kakaroon tayo ng simple test." sabi ng babae na guro nila sa amin din may ganito na pag tuturo pero ako hindi ako naturuan dahil sarili ko lang tinuturuan ko gamit ng pag babasa ng libro.
"Damon nandiyan ka ba? Naririnig mo ba boses ko?"narinig kong bulong ni Serene kaya naman humarap ako sa kanya at tumitingin siya sa paligid niya kaya naman hinawakan ko ang pisngi niya at nagulat siya.
"Na sa harapan mo ako. Pwede kitang tulungan pero hindi sa lahat kailangan ikaw ang sumagot sa iba." bulong na sabi ko sa kanya at tumango sabay ngumiti naman siya sa akin.
Nag simula na ang test at tinignan ko ang mga sinasagot niya. Madali ang mga tanong at nakikita ko din ang mga tamang sagot.
"Mali ka dito sa 9." bulong ko at ako mismo ng bura ng sagot niya at pinalitan ko 'yon ng tamang sagot gamit lamang ng kapangyarihan ko at pag tingin ko sa kanya nakangiti siya.
"Salamat Damon, babawi ako sayo sa tamang panahon." sabi niya sa akin at naiisip ko na nasa future ako wala ako sa present meaning hindi pa siya pinapanganak sa present sa mundo na 'to.
Pero nakikita niya ako nakikita din ako ng iba. Hindi ko alam kung bakit pero kapag nag karoon ako ng oras na makausap ang God of Future, pwede kong matanungan 'yon tungkol sa future na 'to.
"Tama na ang pag sagot wala ng oras class!" sabi ng guro nila at pinasa na ang papel at lumabas na ang lahat kaya sumunod kaagad ako sakanya.
"Ceso teka keso pala! Kamusta naman test?" narinig ko ang boses ng batang lalaki at inakbayan si Serene at parang masama ang kutob ko sa gagawin ng mga bata na lalaki na 'yon.
"Wag mo nga akong akbayan!"
"Gusto mo ba suntukin kita?!" narinig kong sabi ng bata at bigla naman tinulak si Serene at biglang nag init ang ulo ko, ginamit ko ang kapangyarihan ko na masakal siya at itinaas ko ito.
"Anong nangyayari! Bakit lumulutang ka!"
"Tulong----"
"Subukan niyong saktan si Serene ulit, ipapakita ko sa inyo kung anong itsura ng impyerno." bulong ko sa bata na 'yon at agad kong binaba. Hindi ko pwedeng patayin ang batang 'yon dahil wala naman laban.
"Tumakbo na tayo! May masamang espiritu na nakasapi sa kanya!" sabi ng bata at tumakbo naman sila at ako naman napatingin kay Serene at nag pakita na ako sa kanya at nilapad ko ang kamay ko.
"Tara na umuwi na tayo." sabi ko at ngumiti ako sa kanya. Inabot naman niya ang kamay ko at ngumiti din siya sa akin.
**