Damon's PoV
Makalipas ng labing isa.
"Damon nakita mo ba 'yong necktie ko?" tanong niya sa akin at ginamit ko naman ang kapangyarihan ko para lumabas 'yon at makita niya kaagad.
"Ang galing mo talaga! Malalate na ako ngayon mo lang ginamit 'yang kapangyarihan mo kanina pa ako nag hahanap dito!" sabi niya sa akin at binatukan niya ako.
"Hindi mo naman sinasabi sa akin"
"Hindi mo ba nararamdaman na nag hahanap ako?"
"Hindi eh." sagot ko at binatukan niya ulit ako at kinuha na niya ang bag niya. Marami na siyang naturo sa akin na mga hindi ko alam.
Napakahaba na ng buhok niya at lagi niyang tinatalian 'yon. Lumabas na siya at ako naman sumunod at ginamit ko ang invisible power ko. Hindi pa niya ako pinapakilala sa nanay niya dahil baka sabihan daw siya na ang bata bata pa niya para mag karoon daw ng boyfriend. Hindi naman siya bata eh dati lang 'yon.
Sumunod ako kay Serene at sumakay siya ng bus at ganoon din ang ginagawa ko at pag ka upo niya umupo din ako at inalis ko na ang invisible power ko.
"Order mo ako ng pag kain ko alam mo naman kung anong oras 'yong vacant ko di' ba?" binigyan niya ako ng pera.
"As usual right?" sabi ko at tumango siya. Nakarating na kami sa school niya highschool palang siya at 'yon ang sabi niya sa akin. Pag college na daw siya, arts ang kukunin niya.
"Diyan ka lang sa tambayan mo ah?" sabi sa akin ni Serene at pumasok na siya sa loob at nandoon ang mga kaibigan niya na dalawa. Napangiti naman ako kasi akala ko hindi siya makakabuo ng kaibigan pero makakabuo naman pala siya.
Kaya ko naman pala siyang iwan dito mag isa na dahil may kaibigan naman na siya at may makakasama na siya. Sobra sobra na 'yong pag babago ko ng future niya.
Ang totoong mangyayari talaga sa kanya ay 'yong bubullyhin siya simula pag ka bata niya hanggang pag laki at pag tapos niyon hindi na siya mag kakaroon ng kaibigan at mag bibigti siya sa maiksing salita mag papakamatay siya.
"Hoy!" nagulat ako dahil biglang bumungad sa akin si Serene at tinignan ko ang relo ko na binigay niya sa akin.
"Hindi mo ba napansin 'yong oras? Kanina ka pa tulala diyan pinag mamasdan lang kita kung kikilos kana na bumili ng pagkain ko." sabi niya sa akin at sa isang iglap binigyan ko siya ng pagkain na kailangan niya.
"Why do I need this if i can do this by myself?" sabi ko sa kanya at binigay ko ang pagkain na kailangan niya at nagulat naman siya.
"Sige eto nalang kakainin ko, patabi ako diyan." sabi niya sa akin at umusog naman ako at nag simula na siyang kumain.
"Anong gusto mong maiinom? Bibili nalang ako?" sabi ko sa kanya mukhang malulungkot kasi siya kapag hindi ko nagastos 'yong baon niyang binigay sa kanya ng nanay niya.
"Coke nalang." sabi niya sa akin at nag lakad naman ako papunta sa canteen nila. Maraming tumitingin sa akin na estyudante. Buti nga hindi sila lumalapit sa akin dahil kapag lumapit sila sa akin makikita nila kung anong tunay kong pag ka tao at mararamdaman nila 'yon.
Pag tapos kong bumili bumalik na ako kung saan si Serene at nagulat ako ng nandoon ang mga kaibigan niya kaya naman napayuko ako. Ngayon lang nila ako makikita.
"Serene eto na 'yong coke." sabi ko at inabot ko sa kanya 'yon.
"Omg! Kaibigan mo pala 'tong gwapo na 'to besh?!" sabi ng babae na maiksi ang buhok.
"Ah eh oo dinadalaw lang niya ako dito." sabi ni Serene at napatingin ako sa lalaki na mataas ang buhok ng kaunti. Nakatingin sa akin 'yon kaya tinignan ko din siya.
"Ako nga pala si Cherry Rose Fuento! Ikaw?!" tanong sa akin ni Cherry.
"Ako si Damon Wince Mars Reidder Yozha." sabi ko at bigla silang nagulat.
"Ang weird naman ng pangalan niya besh! Ang haba!" sabi ni Cherry at ang sinabi niya sa huli pabulong lang 'yon pero narinig ko pa din.
"Ako naman si Venom Darwin Xio." nakipagkamayan sa akin ang lalaking kaibigan ni Serene, seryoso siyang makatingin sa akin ah. May gusto ba siya kay Serene?
"Ako na mag bubukas niyan." sabi ko kay Serene dahil hirap na hirap siyang buksan 'yong coke na binili ko.
"Salamat Damon! Kumain ka din kaya." sabi sa akin ni Serene.
"Mamaya nalang okay lang ako." sabi ko at pag tingin ko kay Venom nakatingin parin siya sa akin.
"Serene may groupings tayo sumama ka mamaya." sabi nito at nararamdaman ko na nag sisinungaling lang siya.
"Meron ba? Akala ko ba matagal pa 'yong performance natin?"sabi ni Serene.
"Kailangan natin pag usapan 'yong mga dapat natin gawin kung sino 'yong gaganap at sino 'yong mag susulat." sabi pa nito kaya naman hinayaan ko.
"Sige Damon kaya mo ba akong hintayin?" tanong sa akin ni Serene.
"Kaya niya 'yan! Libangin mo lang sarili mo my friend!" sabi ni Cherry at napatingin sa akin si Serene at ngumiti siya sa akin at tumango naman ako.
"Aantayin kita kahit umabot ng hating gabi." sabi ko.
"Kyaaaa ba't ang sweet ng kaibigan mo besh!" sabi ni Cherry at pag tingin ko kay Venom ang sama ng tingin niya, halatang may gusto nga siya kay Serene.
"Tara na sa susunod na klase natin." sabi ni Cherry at nag paalam na sa akin si Serene at umupo naman ako. Hinintay ko siya at pag tingin ko sa orasan 7pm na hindi pa rin siya lumalabas doon.
Kaya naman tumayo ako at pumasok ako sa loob at nakita kong hinawakan ni Venom ang kamay ni Serene at silang dalawa lang ang nandoon pinipigilan niyang wag umalis si Serene.
"Bitawan mo si Serene." sabi ko.
"Damon..."
"Kaibigan ka lang niya at bakit nandito ka pa? Hindi ko siya papauwiin ngayon gabi." sabi nito at ginamit ko naman ang kapangyarihan ko para hawakan ang kwelyo niya at itinaas ko siya.
"Damon wag! Wag mong sasaktan si Venom!"
"Kung balak mong kunin ang loob ni Serene idaan mo 'to sa paraan na pakikipagusap at pakikisama sa kanya hindi 'yong ganito na sasaktan mo siya." sabi ko sa kanya at hindi na siya makahinga.
"Oo gagawin ko 'yon! Bitawan mo na ako!" sabi nito at agad kong hinawakan ang ulo nito para kalimutan na nakita niyang may kapangyarihan ako at nahimatay ito.
"Paano 'yan? Ihahatid ba natin siya sa bahay niya?" tanong sa akin ni Serene.
"Hahatid natin hindi niya pwedeng malaman na may ganito akong kapangyarihan." sabi ko at hinawakan ko na ang kamay ni Serene at binuhat ko ang lalaking 'yon at nag teleport kami sa bahay nito.
**