Kabanata 8

1089 Words
Serene's PoV Nagising ako sa liwanag at pag mulat ko ng mata nandoon si Damon nakatayo at nakatingin sa akin. Kanina pa ba niya ako tinititigan habang tulog ako? "Anong ginagawa mo diyan?" tanong ko sa kanya. Mostly kasi kapag gigising ako nasa lapag siya nakaupo at sinisigawan lang niya ako para magising ako pero ngayon iba na. "Hinihintay ko lang na magising ka, kahit walang pasok ang hirap mo parin palang gisingin—"binato ko siya ng unan at sapul siya sa mukha niya. "Bakit bawal ba matulog ng matagal? Wala palang pasok tinapat mo pa sa akin 'yong sikat ng araw!" nakanguso kong sabi at nag takip ako ng kumot. "Gumising kana akala ko ba ngayon araw na 'to na lalabas tayo para may bilhin?" sabi niya sa akin. Eh mamaya pa 'yon eh bakit ba excited 'to kapag aalis kami? "Lagi ka nalang excited sa lahat ng lakad natin. Mamaya pa 'yon pag tapos ng lunch natin." sabi ko sa kanya. "Edi sige lalabas muna ako." sabi niya at lumabas naman siya kaya napapoker face ako kaya bumangon na ako at lumabas ako ng kwarto ko. Bumaba na ako at nag timpla na ako ng sarili kong kape. Habang nag titimpla ako napatingin ako sa labas kung makikita ko siya doon. "O anak sabi mo aalis ka mamaya. May papasabay sana ko sayo na bilhin." sabi sa akin ni mama at binigyan niya ako ng pera at napatango naman ako. "Sige ma." sabi ko at kumain na ako ng tinapay. Habang kumakain ako biglang may narinig akong kumatok kaya naman napatayo ako, teka ba si Damon 'to ah. "Ako na mag bubukas nak." sabi ni mama sa akin at pag bukas niya bumungad sa akin si Damon at nagulat si mama. "Oh sino naman ito anak? Kaklase mo ba 'to?" tanong sa akin ni mama. "Ah oo mama! Ang aga mo naman Damon! Siya nga pala si Damon Wince Mars Reidder Yazho ma." pag papakilala ko. "Ang haba naman ng pangalan mo saan ka nakatira ijo?" tanong ni mama. "Diyan lang po malapit lang po ako sa bahay ni Serene." sabi niya at hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya dahil nag tatakha pa rin ako kung bakit ginagawa niya 'to. Ang sabi ko hindi ko siya ipapakilala kasi baka malaman ni mama 'yong tunay niyang anyo. "Oh kasama ka ba sa lakad ng anak ko?" tanong ni mama. "Opo kasama po ako!" masigla na sabi ni Damon kaya napailing-iling na lamang ako. "Maupo ka muna. Pag pasensyahan mo na 'yong anak ko mabagal kumain 'yan tapos ang tagal pa magising." sabi ni mama. "Mama!" pag mamaktol ko at natawa naman si Damon kaya sinamaan ko siya ng tingin kaya sa isip isip ko 'anong tinatawa tawa mo diyan?!'. "Maiwan ko muna kayo dito." sabi ni mama at lumabas si mama. Saan naman pupunta 'yon? "Gusto ko makilala ako ng nanay mo kaya nag pakita na ako." sabi niya sa akin. "Bakit mo naman ginawa 'yon? Hindi ba sabi mo sa akin na aalis ka din pag ka tapos kong maipakita sayo 'yong mundo na 'to?" tanong ko sa kanya at hindi namna siya nakaimik kaagad. "Maliligo lang ako." sabi ko at inubos ko na ang kape ko at hinugasan ko muna 'yon bago ako umakyat sa taas at pumasok ako sa kwarto ko. Pumunta na ako sa banyo para maligo. Pag tapos kong maligo lumabas na ako at nag bihis na ako. Iyong plano ko na tanghali ako aalis naging umaga. Pahamak talaga si Damon. Bumaba na ako at nakita ko siyang nag hihintay at nag uusap sila ni mama kaya lumapit ako sa kanila at napatingin siya sa akin. "Tara na marami tayo bibilhin kaya ikaw mag bitbit ng iba." sabi ko sa kanya. "Sige po mauna na po kami tita!" sabi ni Damon at naningkit ang mga mata ko. Plastic ba 'to o ano? Lumabas na kami at agad ko naman piningot ang tenga niya. "Last mo na 'yan ah? Tanghali dapat ako aalis eh kaso inagahan mo!" sabi ko sa kanya at sumakay na kami sa jeep. Nag bayad na ako at habang nasa biyahe kami maraming pumasok at na siksik ako. "Okay ka lang ba?" tanong niya sa akin. "Oo okay lang ako." sabi ko sa kanya at maya maya nagulat ako ng itinaas niya ang kamay at huminto bigla ang jeep at bumaba ang mga tao. "Anong ginawa mo?!" taranta kong sabi. "I don't want you to suffer, I make them leave for you." sabi niya sa akin at napatingin ako sa lugar at malayo pa kami kaya napailing-iling nalang ako. Maya maya nakarating na kami at nauna akong bumaba at sumunod siya. Nag lakad na ako papunta sa mall at pinapakiramdaman ko kung sumusunod siya. Kasi dati hindi siya sumunod sa akin naligaw pa siya at hanap ako ng hanap sa kanya. "Wag kang lalayo sa akin Damon ah? Wag mo na gagawin 'yong dati." sabi ko sa kanya at pag tingin ko sa kanya tumango tango siya. "Halika dito akbayan mo ako para hindi ka mawala." sabi ko sa kanya at inakbayan naman niya na parang mag kapatid na kami sa ganito eh sa tuwing wala akong pasok kasama ko siya at gumagala kami nangako kasi ako sa kanya eh. Pumunta lang ako dito sa mall para bilhin 'yong mga kailangan ko sa pag pipinta ko. Pumasok ako sa national bookstore at pumili na ako. "Eto maganda 'to oh." sabi ni Damon, alam na din niya kung ano 'yong mga ginagamit ko kasi sa araw-araw na kasama ko siya sa school nalalaman niya kung ano mga ginagamit ko. "Maganda din 'to. Sa kulay naman tayo." sabi ko at pumunta ako sa mga pang kulay at pumili na ako ng mga kulay. "Gusto mo na bang ipinta kita pag tapos kong makabili nito?" tanong ko kay Damon. "Ikaw gusto mo ba? May mga drawing paper ka pa ba doon?" tanong niya sa akin at napaisip naman ako oo nga nuh parang papaubos na din 'yon. "Papaubos na, bibili na din pala ako niyon." sabi ko at kumuha na din ako niyon at pag tapos pumunta na ako sa counter at binayaran ko na ang mga gamit na kinuha ko. "Pag kulang 'yong pera mo sabihin mo lang sa akin." sabi sa akin ni Damon. Tinuruan ko na din siya kung paano mag karoon ng credit card lahat ng mga gold na nagagawa niya pinapalitan 'yon ng pera. "Sige sabi mo eh." sabi ko at natawa naman ako ng kaunti. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD