Kabanata 1

1853 Words
Thirdperson's PoV Sa mundo ng mga puro makapangyarihan na mga demonyo, maraming wala ng ginagawa at sawa ng makipaglaban sa iba pang mundo na puro kagaya din nila si Damon Wince Mars Reidder Yazho ay sawang sawa na sa mundo nila kaya naisipan nito na pumunta sa mundo kung saan walang makapangyarihan at walang demonyo maliban sakanya. "Sigurado po ba kayo sa gagawin niyo prinsipe Damon?"tanong ng lalaking isa sa tauhan ni Damon. "Naboboring na ako sa mundo na 'to kaya kailangan aliwin ko ang sarili ko sa ibang gawain!"pabalabag na sabi ni Damon at ipinikit nito ang sariling mata upang masimulan na niya ang pag time travel sa mundo ng mga tao. Ilang oras lang ay nakarating na siya sa mundo ng mga tao na kung tinatawag ay EARTH. Naimulat niya ang kanyang mata at may bata na nakatingin sakanya at tila nagulat ito dahil hinahawakan ang kanyang buhok. "Hindi mo maaari na hawakan na lamang ang buhok ko ng walang permiso!"pabalabag na sabi ni Damon at unti unti naman napaiyak ang batang babae at nagulat siya dahil ayaw niya ng maingay. "Tumahimik ka nga! nabibingi ako!"pabalabag ulit na sabi ni Damon at hinawakan ulit ng batang babae ang kanyang buhok at sinabunutan siya nito sabay tumakbo. "Aba't sumosobra kang bata ka--"sigaw nito at itinaas niya ang kamay niya upang gamitan ito ng kapangyarihan na makakapanakit sakanya kaso naalala niya na nasa mundo siya ng mga tao na walang kalaban laban. "Mama may lalaking inaaway ako!"sigaw ng batang babae kaya naman agad na nag laho si Damon ginamit nito ang invisible power niya at hinahanap naman ito ng nanay ng bata pero hindi naman nito makita ang sinasabi ng bata. "Hay nako kang bata ka kung ano ano nanaman sinasabi mo! hala't halika na umuwi na tayo!" "Makulit na bata, umiyak pa talaga sa harapan ko"tumayo si Damon at biglang may natapakan siyang pang ipit ng buhok na ang desenyo ay bulaklak, kinuha niya ito at napatingin sa gawi kung saan dumaan ang batang babae. "It's her's"tinignan ng maigi ni Damon ang ipit na 'yon at napangisi. "Papagalitan ko 'yon kapag ibinalik ko 'tong ipit na 'to sakanya"nag lakad ito papunta sa kung saan. Kinagabihan umakyat si Damon sa bahay ng batang 'yon at sumilip ito sa bintana at nakita niya ang batang babae na natutulog, pumasok ito sa loob at tanggal na ang kumot ng bata kaya inilagay niya ito ulit. "Kung gising ka lang ginulat na kita diyan"bulong na sabi ni Damon at inilapag niya ang ipit sa taas ng drawer sabay aalis na sana ito ng maisipan niyang sa taas ito ng bubong mag tambay. "Buti pa sila nakakatulog ng mahimbing, samantalang ako na demonyo hindi ko magawa"bulong nito at tumingin sa buwan na maliwanag at nanatili na lamang siya doon at naisipan na bukas nalang ulit libutin ang mundo ng mga tao. Kinaumagahan bumaba ito at sumilip sa may bintana at natutulog pa din ang batang babae kaya pumasok ito sa loob at gigisingin na sana niya ito ng marinig niyang may paparating kaya ginamit niya ulit ang invisible power niya upang hindi siya makita. "Anak gumising kana, papasok ka pa sa eskwelahan"sabi ng nanay nito at gumising naman ang bata sabay lumabas ang nanay ng bata at pag gising ng batang babae agad na lumingon si Damon sa batang 'yon. "Waaaa! paano ka nakasunod dito!" "Hindi mo na kailangan malaman, pero pwede mo ba akong tulungan na makita ang buong mundo?"tanong ni Damon at biglang naman natawa ang batang babae at nairita nanaman si Damon dahil ayaw nga niya sa maiingay. "Tigilan mo nga–" "Nakikita mo naman siguro na bata lang ako di 'ba? kaya paano ko mapapakita sayo?"sabi ng bata at tawa parin ng tawa. "Ang pangalan ko Damon Wince Mars Reidder Yazho, tawagin mo lang 'yong pangalan ko kung handa kana ipakita saakin ang buong mundo"sabi ni Damon at aalis na sana ito ng hawakan ng bata ang damit nito. "Maipapakita ko siya kapag malaki na ako, kaso matanda ka na niyon" "Hindi ako tumatanda, demonyo ako na nag travel sa mundo niyo"sabi ni Damon at gulat na gulat ang bata sa sinabi nito at napaatras. Damon's PoV "Ibig bang sabihin nito isa kang demonyo? Edi galing ka sa ilalim ng lupa?!" natatakot ang boses na narinig ko sa batang babae at napaatras ulit ito sa akin. "Kung ayaw mong maniwala, edi ipapakita ko sayo kung ano talaga itsura ko." sabi ko sa kanya at pumikit naman ako para mag anyo ako sa tunay kong anyo at pag dilat ko ng mata gulat na gulat ang bata. "Totoo nga! Edi may kapangyarihan ka din? Kaya mo bang makita 'yong mga sagot sa test namin?!" tanong niya sa akin at napakuno't naman ako ng noo. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin pero parang mali 'yata 'yong ginagawa niya. "Ano ba 'yang sinasabi mo na pwede kong makita na test?" tanong ko sa kanya at sasagot na sana siya ng bigla kong maramdaman na papunta ulit dito ang nanay niya kaya ginamit ko ulit ang invisible power ko. "Anak ano ba 'yang ginagawa mo diyan! Malalate kana sa pasok mo! Hala sige bilisan mo diyan lumabas." narinig kong sabi ng nanay niya at bigla siyang humarap at napakuno't siya ng noo dahil hindi niya ako makita. "Nasaan na 'yon? Hays mamaya nalang kapag nag pakita ulit siya, siguro nga demonyo siya." lumabas na siya at nakahinga naman ako ng malalim, susundan ko ba siya? Parang nararamdaman ko kasi na nasa panganib siya. Sumunod nga ako sa kanya ng hindi niya nalalaman at nakita ko na maraming mga bata na kagaya niya pero ni isa walang lumalapit sa kanya at lagi lang siyang nakayuko hanggang sa makapasok kami sa loob. "Magandang umaga po!" nakaupo lamang ako sa sulok at pinag mamasdan ko siya pero teka, bakit parang wala yata siyang kaibigan? Samantalang ako na ganyan na bata palang may mga kaibigan na ako na mga kagaya ko na demonyo. "Mag dradrawing kayo kung anong pangarap niyo sa buhay niyo! Mag kakaroon kayo ng 5 stars kapag maganda ang gawa niyo!" sabi ng babaeng na sa harapan at agad naman akong lumapit sa batang 'yon. Hindi ko pa pala natatanong kung anong pangalan niya, mamaya nalang siguro-- Serene Ceso Fana Mapile ang nakita kong pangalan sa papel niya na sinulat niya at nag simula na siyang gumuhit at iniisip ko kung anong iguguhit niya. Alam ko ang ibig sabihin ng pangarap lahat 'yan kasi inaral ko sa pamamagitan ng pag babasa ng libro, na sa mundo din naming 'yan. May mga pangarap din kami kahit na ganto kami na mga demonyo. "Tapos na po ako!" sigaw ni Serene at tinignan ko ang ginawa niya at parang siya din 'yong gumuguhit doon pero nakatalikod ang matangkad na babae teka, parang nabasa ko na 'to ah. Painter! Tama nga ako ibig sabihin. Gusto niyang maging Artisan sa pag dating ng panahon? Napangisi naman ako tutulungan ko siya sa lahat kung sakaling maipakita nga niya sa akin 'yong buong mundo na 'to. Nag labasan na sila kaya sumunod na ako at tumingin ako sa paligid kung may makikita akong mga bata pero wala na kaya nag pakita na ako at gulat na gulat siya sa akin. "Waaa! Nakakagulat ka naman. Kanina mo pa ba ako sinusundan?!" sabi niya sa akin at napangiti naman ako at hinawakan ko ang kamay niya. "Delikado na ikaw lang mag isa mag lalakad dito." sabi ko at natawa naman siya at habang nag lalakad kami bakit parang kumikirot 'yong puso ko at tumitibok ng sobrang bilis? "Oo nga pala ako si Serene Ceso Fana Mapile!" "Alam ko na, kanina ko pa nalaman 'yong pangalan mo." sabi ko sa kanya at nagulat naman siya kaya ako naman ang natawa pero teka lang, sa buong buhay ko hindi ako tumawa ng ganito ah may kakaiba talaga sa mundo na 'to eh. "Sumama ka sa akin may gagawin ako sa buhok mo." sabi niya sa akin at hinila naman niya ako at pumasok kami sa loob ng bahay niya kaya naman ginamit ko ang invisible power ko para hindi ako makita ng nanay niya. "Ma tawagin mo ako kapag kakain na!" sabi niya at umakyat kami sa taas at inalis ko na ulit ang invisible power ko at pinaupo niya ako sa silya at kumuha siya ng silya na maliit at tumungtong siya doon. "Anong gagawin mo sa buhok ko?!" taranta kong sabi at narinig ko ang pag tunog ng kung ano at nakita ko ang buhok ko na bumabagsak pababa. "Ginugupitan kita wag kang makulit. Aayusin ko naman eh tsaka magaling ako dito." sabi niya sa akin kaya wala naman akong nagawa. Hindi naman ako pwedeng pumatol sa bata. Pagtapos niya akong gupitan pinatayo niya ako at nagulat ako dahil nakikita ko ang sarili ko sa isang parang tubig. Tubig ba 'to? Sa tubig kasi namin nakikita 'yong sarili namin eh. "Tawag diyan salamin! Ayan may isa ka ng alam sa mundo namin." sabi niya sa akin at tinignan ko ang buhok ko at ayos lang naman 'yon kaya naman napangiti ako at napalingon ako sa kanya. "Salamat, mahal ko 'yong mahaba kong buhok pero sa ngayon mas mahal ko na 'to." sabi ko sa kanya at ngumiti naman siya sa akin. "Anak halika kana kakain kana!" narinig kong tawag ng nanay niya kaya nag paalam na siya at ako naman nag hintay lamang dito na makabalik siya. "Kumakain ka ba ng ganito Damon?" narinig ko ang boses ni Serene at napatingin naman ako sa kanya na may dala siyang pagkain. Ako pa ba hindi kumakain ng ganito? Meat siya alam kong masarap 'to. "Kumakain naman." lumapit ako sa kanya at kinuha ko 'yong gamit ang kamay ko at kinain ko 'yon ng isang subuan lamang at nagulat ako sa lasa dahil napakasarap niya. Iba 'yong lasa niya sa mundo namin kasi parang lasang dugo lang pero dito kakaiba! "Meron pa bang ganito? Masarap kasi." sabi ko sa kanya at natawa naman siya. "Wala na eh last na 'yan tinirahan lang kita." sabi niya at ngumiti naman siya sa akin kaya natawa naman ako. "Okay lang. Anong oras na kailangan mo na ulit matulog ng maaga." sabi ko sa kanya at nag lakad ako palapit sa bintana dahil doon ako lalabas at mag hahanap ng makakain ko. "Teka saan ka pupunta? Tsaka saan ka matutulog?" tanong niya sa akin. "Sa labas lang ako hindi ako pwede dito baka makita ako ng nanay mo baka matakot pa siya sa akin." sabi ko sa kanya at binuksan ko ang bintana at lalabas na sana ako ng hawakan niya ang laylayan ng damit ko. "Balik ka dito bukas ha?" mahinahon niyang sabi. "Oo naman, sabi ko nga hihintayin ko na maipakita mo sa akin ang mundo na 'to."sabi ko sa kanya at hinaplos ko ang ulo niya sabay lumabas na ako at tumalon ako sa mataas at nag lakad lamang ako dahil gusto ko din makabisado ang lugar kung saan siya nakatira. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD