Chapter 4 Alp Hindi ako makapaniwala sa babaeng iyon. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nasigawan ng babae sa harap ng maraming tao. But she is so cute. Ano kaya ang pangalan ng babaeng iyon? Napabuntong hininga na lang ako habang nagda-drive papuntang condo ko. Dumating na kasi si Yaya galing sa aklan. Dapat ay sabay ko itong pabalik sa Maynila kaya lang ay kailangan ko ng umuwi. Pagdating sa aking condo ay naabutan ko si Yaya na nanonood ng tv. Ang lawak ng ngiti nito nang makita ako. ''Alp!'' tumayo ito at sinalubong ako at yumakap sa akin. "Nako, mabuti at umuwi na ang Baby ko. Kamusta ang pagtira mo sa Amerika, ha?'' Humalik ako sa pisngi niya at tumuloy sa loob. "Ayos lang, Yaya. Na miss ko po kayo. Yaya. Akala ko nag-asawa ka na,'' saka umupo ako sa sofa. ''Loko ka talagang