Chapter 3
Danica
Makalipas pa ang ilang oras ay sumapit ang alas dos ng hapon. katatapos ko lang kumain at madalian pa dahil baka dumami na naman ang mamimili sa grocery.
Habang abala ako sa pagbilang ng pera ay may lumapit na isang lalaki at may isang cart itong dala at nagtungo sa puwesto ko.
Inilagay niya ang mga pinamili niya sa tapat ko at inisa-isa ko naman iyon ene-scan sa scaner. Nang matapos ko ng e-scan at tinotal lahat ng pinamili niya ay nagsalita ako.
''5977 po lahat, Sir,'' Saka nagpatulong ako kay Joel na ilagay sa carton ang mga pinamili ng lalaki. Mukhang foriegner ito. Pero parang pinoy rin. Mahaba ang buhok niya na alon-alon hanggang leeg niya. Saka ang kapal ng bigote na parang rebelde na hindi nag-ahit ng ilang buwan. Matangos ang ilong at manipis ang labi. Pero parang hindi mo mapagkatiwalaan.
Nang matapos ni Joel ibalot sa carton ang mga pinamili ng lalaki ay hindi man lang ito nagdukot ng wallet o pera sa bulsa niya.
''Ahemm.. Sir, 5977 po lahat ng pinamili ninyo,'' muli kong sabi sa kaniya.
''Alam ko, kaya ikaw muna ang magbayad niyan at wala akong dalang pera," sabi pa nito at binitbit ang carton.
Hinablot ko ang laylayan ng damit niya.
''Hipss...'' saka lumabas ako sa puwesto ko. Hinawakan ko ang carton at pilit na kinuha sa kaniya. Pero syempre dahil sa lalaki siya ay walang nagawa ang lakas ng kamay ko.
Tumingin ako sa kaniya at masakit naman siyang tumingin sa akin.
''I told you, wala akong pera. Kaya ikaw na muna magbayad nito at papalitan ko na lang mamaya,'' sabi niya na feeling niya ay kilala ko siya.
Baliw yata ang lalaking ito. Sa inis ko ay nameywang ako at pinandilatan ko siya ng mata.
''Kung wala kang pera e 'di sana hindi ka namili. Kaya akin na 'yang mga pinamili mo at wala ka namang pambayad! Saka hindi kita kilala para bayaran ang mga 'yan. Sira ulo ka gusto mo lang yata manggantyo. Kalaki-laki ng katawan mo ayaw mo magtrabaho at gusto mo pa akong utakan!'' sigaw ko sa kaniya na tumatalsik na pala ang laway ko sa kaniyang mukha.
Hanggang balikat niya lang ako at ang tangkad niya. Kaya nakatingala pa ako habang nagsesermon sa kaniya.
''Miss, ang laway mo nakahilamos na sa mukha ko. Sinabi ko naman sa 'yo na bayaran mo at ibabalik ko na lang mamaya.''
Pinagpipilitan niya pa talaga na ako ang magbabayad sa pinamili niya.
Ano siya, hello?
''Hoy! Sindikatong mahaba ang balbas. Sa iba ka na lang mambiktima h'wag ako? Kaya akin na 'yang carton!'' sigaw ko at nakipag-agawan sa carton. Habang ang mga kasamahan ko ay tahimik lang na nakatingin sa amin.
''Oh! E'di sa 'yo na!'' sabay binitiwan niya ang carton at bumagsak iyon sa paa ko.
Nanigas naman ang buo kong katawan nang maramdaman na bumagak iyon sa paa ko at nasapol ang aking koko. Bahagya akong naestatwa at siya man ay hinintay ang sunod kong gagawin.
Bigla na lang ako sumigaw na parang bulkang sumabog bigla.
''Bakit mo binitawan!! hohohoo.. Ang koko ko baka mamatay, hohohoo...'' iyak ko at umupo at kinuha ang paa sa carton na nakadagan sa mga koko ko.
Ang bigat pa naman ng laman ng carton na 'yon. Hindi ko alam kung maihi ako sa sakit o mahimatay.
''Sabi mo kasi bitawan. E'di, binitawan ko,'' sabi pa ng animal na lalaki at yumuko rin ito.
"Aray.... Hayop kang animal ka! Bakit ka pa ipinanganak ng Nanay mong demonyo ka!'' wala na sa sarili kong sigaw sa kaniya.
''Hayop na animal pa?'' bulong pa nito.
Sinamaan ko siya ng tingin. ''Demonyo ka! Bumalik ka kay satanas!'' galit kong sigaw sa kaniya.
''Anong nangyayari rito?'' tanong ni Mrs. Damerkan na nasa giliran na namin.
''Magnanakaw kasi ang lalaking 'yan Mrs. Damerkan. At tingnan niyo po ang ginawa sa akin binagsakan ako ng carton. Aray, ang sakit! Hohoho...'' iyak ko pa habang hinimas-himas ang koko ko. ''Paano kung mamatay itong mga koko ko?'' tanong ko pa habang namimilipit sa sakit.
''E'di, ipabalsamo mo, iburol at ilibing,'' sabi pa ng demonyong lalaking ito.
''Alp, enough! Anong ginawa mo kay Danica?'' tanong sa kaniya ni Mrs. Damerkan.
Nagpalipat-lipat naman ang tingin ko sa dalawa. Ibig sabihin kilala ito ni Mrs. Damerkan? Tumayo ang lalaki at humarap kay Mrs. Damerkan.
"Mom, kasalanan niya kung bakit nabagsakan siya ng carton. Sabi niya bitawan ko e'di binitawan ko. Masunurin naman ako, eh!'' sabi pa ng gago.
Bigla naman akong tumayo nang malaman ko na anak pala ito ni Mrs. Damerkan, pero wala akong pakialam at gusto ko sumabog ulit.
''Hoy! Antipatiko ka! Kinukuha ko lang ang carton dahil hindi ka nagbayad sa mga pinamili mo!'' galit kong sigaw sa kaniya.
''Mom, ganito ba ang tauhan mo rito? Look at her. Daig pa ang nagmemenopos makabulyaw sa akin.'' Parang lalong kumukulo ang dugo ko sa sinabi niya.
Magsasalita na sana ako nang magsalita si Mrs. Damerkan.
''Ano ba talaga ang nangyari rito, Danica, ha? At nakakahiya sa mga costumer na nakakarinig sa mga sigaw mo. Abot doon hanggang labas. Tinawag mo pang demonyo itong anak ko.'' mahinahon namang tanong ni Mrs. Helen sa akin.
''Kasi po hindi siya nagbayad ng mga pinamili niya. Kaya malay ko ba naman na anak ninyo siya at napagkamalan ko siyang sindikato dahil na rin sa ayos ng ukha niya,'' paliwanag ko naman kay Mrs. Helen na nagpipigil sa lalaking ito at baka tadyakan ko pa ito mamaya.
''Alp, bakit hindi ka nagbaya? Inutusan kita na mamili rito pero hindi porket ako ang ma-ari ng grocery na ito eh hindi ka na magbabayad,'' sabi naman ni Mrs. Helen sa kaniya.
''Nakalimutan ko ang wallet ko Mom sa bahay. Nagmamadali ako kasi nariyan na si Yaya sa condo ko kahapon. Kaya sabi ko sa babaeng ito na bayaran niya muna at idadaan ko mamaya. Eh daig pa ang isang dragon na kulang na lang bubuga ng apoy!'' wika niya at masakit siyang tumingin sa akin.
''Pagpasensyahan mo na si Danica. Ganiyan talaga kapag tumatandang dalaga na. Sige na kunin mo na itong pinamili mo at iuwi mo na sa bahay at umuwi ka na sa condo mo. May pupuntahan pa ako,'' wika naman sa kaniya ni Mrs. Helen.
Ngumisi naman ang gago niyang anak sa akin. ''Hahaha.. Really? She is old maid? Kaya pala parang nagme-menopause.
Kinuha niya na ang carton at lumabas na ng grocery. Kung wala lang si Mrs. Damerkan nabato ko na ang lokong 'yon ng sardinas.
''Pagpasenyahan mo na ang anak kong iyon, Danica. Maloko 'yon minsan, pero mabait din naman minsan,'' sabi pa ni Mrs Damerkan sa akin na parang hindi niya pa sigurado ang ugali ng anak niyang iyon.
"Ayos lang, Mrs.D. Hindi ko rin kasi alam na anak mo iyon.'' Sabay himas ko ng paa ko na masakit pa rin.
''Samahan mo ako sa banko. Saka next week lumipat na kayo sa bahay ni Julie Ann dahil gagamitin na ang apartment na tinitirhan ninyo.'' Tumango na lamang ako sa sinabi ni Mrs.D at bumalik na sa puwesto ko.