Chapter 5 Danica Pov After 1 week Abala kami ni Julie Ann sa pagligpit ng gamit namin dahil lilipat kami sa bahay ni Mrs. Damerkan. Kaming dalawa lang kasi ang stay in at galing probinsya. May sarili kaming silid ni Julie Ann sa labas ng bahay ni Mrs. Damerkan. Dalawa ang silid roon na para sa mga tauhan niya. 'Yong sa kabila ay para sa katulong nila na si Ate Agnes. Ito ang tagaluto at tagalinis ng bahay. Sa loob ng bahay nila ay may apat na silid. May sarili rin kaming banyo ni Danica. Sabado ngayon kaya pagkatapos namin ni Julie magtrabaho sa grocery ay hito naghakot na kami ng mga gamit. Sana hindi ko lang makita ang antipatikong anak ni Mrs. D. Dahil pagkatapos niyang bagsakan ang paa ko ng karton ay namatay lang naman ang koko ko. Kaya nangitim ang hinalalaki ko at tinakpan