Chapter Two: Come home

1069 Words
Chapter Two: Come home             “Hello, Dad?” sagot niya sa tawag. Narinig niya ang paghinga ng kanyang ama mula sa kabilang linya. Tila ba humuhugot ito ng lakas na loob na sabihin kung ano man ang dapat nitong sabihin. “Anak, please come home.” Katahimikan. Hindi agad siya nakasagot sa sinabi ng kanyang ama. It is not a command but rather a plea. Nakikiusap ang kanyang ama na umuwi na siya. Sa totoo nga lang ay hindi na niya alam kung ilang taon na ba siyang hindi umuuwi ng Pilipinas. Yeah, her country is great but there are memories na ayaw na niyang balikan pa. “Dad, you know I don’t want,” sabi niya. Sumandal siya pader, sa hallway mismo ng ospital. Malapit siya sa pediatric ward kaya may ilang bata siyang nakikita na padaan-daan sa harapan niya. “Please, Toneth. I need you here. The hospital is collapsing,” pakiusap ng kanyang ama. “Ayokong mawala ng tuluyan ang ospital na matagal kong tinaguyod. Ang ospital kung saan ibinuhos naminn ng mommy mo ang buong buhay namin. Ayokong mawala iyon.” Napatingala siya dahil sa mga luhang nagbabadyang kumawala sa kanyang mga brown na mata. “Dad… I…” “You are the only one who can save the Froilandon. Ikaw lang at wala ng iba,” dagdag pa ng kanyang ama. Napatitig siya sa isang pasyenteng matanda na nakasakay sa isang wheelchair at tulak-tulak ng isang nurse. Huminga siya ng malalim at pinunasan ang luhang kumawala sa kanyang pisngi. “Fine. I’m coming home, but it doesn’t mean na pumapayag na ako sa kung ano ang gusto mo. We need to talk this personally,” sabi niya. Kahit ilang milya ang layo niya sa Pilipinas ay nadama niya ang saya ng kanyang ama. “Oh thank goodness! Please come home immediately. Marami tayong kailangan pag-usapan especially about the Froilandon.” Tumango naman siya kahit alam naman niyang hindi siya nakikita ng ama. “Yes, Dad. I will book an earliest flight pauwi diyan. Maybe see you in two days? Anyway, I got to go. Ciao!” “Goodbye, Toneth. Please take care.” At pagkatapos ay dial tone na lang ang kanyang narinig. “Doctor,” napatingin siya sa isang lalaking doktor at sa tingin niya ay ito ang director ng ospital. Halos puti na ang buhok nito at may suot na antipara. Kasunod nito ang dalawa pang doktor. “Your operation is wonderful. You have extraordinary skills,” puri nito sa kanya. Ngumiti naman siya. “Grazie,” sagot niya. “I want you to hire you as one of my surgeons here,” sabi nito. Napasipol pa siya dahil sa narinig at talagang makikita sa mukha ng tatlong doktor na nasa harapan niya ang pagiging positive ng mga ito na tatanggapin niya ang offer. Too bad, she needs to go home. “I’m sorry doctor but I have to decline your offer,” sagot niya. Gulat na gulat ang mga doktor sa kanya. Hindi inaakala na tatanggihan niya ang alok sa kanyang trabaho. “What? Why?” tanong sa kanya ng director. “I have personal reason. Forse un giorno accetterò la tua offerta, ma per ora devo salutarti,” (Maybe someday, I will accept your offer but for now I need to say goodbye.) sabi niya at tinapik ang balikat ng doktor at tumalikod na. “Wait! Doctor! At least give us your name!” sigaw nito sa kanya. Tumalikod siya sa paglalakad at muling nilingon ang doktor. “That’s for you to find out,” sagot niya at tuluyan ng lumabas ng ospital. Naiwang nanghihinayang ang tatlong doktor dahil sa pagkawala ng isang surgeon na katulad niya.             “Ladies and gentlemen, welcome to Ninoy Aquino International Airport. Local time is 2:33 PM and the temperature is 31 degrees celsius. For your safety and comfort, please remain seated with your seat belt fastened until the captain turns off the Fasten Seat Belt sign. This will indicate that we have parked at the gate and that it is safe for you to move about.” Nang nawala na ang seat belt sign at nai-park na ng maayos ang eroplano ay nagsimula ng bumaba ang mga pasahero ng eroplano. Medyo groggy pa siya dahil sa haba ng biyahe. Mahigit labing-isang oras ang biyahe niya mula Italy pauwing Pilipinas. Paglabas niya ng Paliparan ay sinalubong siya ng medyo maalinsangang panahon. Ngayon palang ay damang-dama na niya ang pinagkaiba ng Italy at Pilipinas. Pakiramdam niya ay sumusundot na ang sakit ng ulo niya dahil sa jet lagged. “Toneth!” Napalingon siya sa sumigaw at nakita ang kanyang ama. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at mabilis na nilapitan ang ama. “Dad!” sabi niya at binigyan ng isang mahigpit na yakap ang kanyang ama. Dito niya napagtantong sobrang miss na miss na niya ang kanyang ama. Ilang taon din silang hindi nagkita ng personal at madalas ay sa tawag at video call lang sila nagkakausap. “Sa wakas nandito ka na din! Mabuti na lang at umuwi ka na!” sabi nito sa kanya at ginawaran pa siya ng halik sa noo. “Kung hindi naman dahil sa’yo ay hindi naman ako uuwi, dad. You sound desperate na din kasi kaya nagpasya na akong pumayag sa hiling mo,” sagot niya. Kinuha ng driver ng kanyang ama ang nag-iisa niyang maleta at inilagay ito sa trunk ng Sedan na gamit ng kanyang ama. “Mamaya na natin pag-usapan ang tungkol sa problema ko at sa ospital. I know you’re tire—” “And starving, Dad. Hindi ko bet ang pagkain sa eroplano. I want a lutong-bahay dish. ‘Yun ang namimiss ko dito sa Pinas,” sabi niya at tumango ang kanyang ama. Sumakay na sila sa kotse at umalis na sa paliparan.             Habang bumibyahe sila ay dito niya naisip na malaki na ang ipinagbago ng Maynila kumpara noong umalis siya. Sa tantya niya, kung hindi siya nagkakamali ay halos walong taon na siyang hindi umuuwi ng Pilipinas. Pero hindi pa din nawawala ang isang mabigat na problema ng bansa—ang traffic. “Ilang minutes na tayong nakatigil, dad?” tanong niya at natatawa naman sa kanya ang ama. “Thirty minutes, I guess,” sagot sa kanya. “Arrgghh! I’m starving!” she said at humilig siya sa balikat ng ama. “Just a little patience, dear.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD