Chapter 13

1100 Words
“Fck!” sigaw ni Toneth. Dahan-dahan siyang bumangon at napahawak sa kanyang ulo. Pakiramdam niya ay pinupukpok ang kanyang ulo dahil sa sakit. “Ano bang nangyari?” tanong niya. Pinagmasdan niya ang paligid at napagtantong nasa sarili niyang kuwarto. “Paano ba ako nakauwi?” tanong niya ulit. Nagpalipas muna siya ng ilang minuto bago tuluyang tumayo at nagtungo sa kanyang banyo. Nakita niya ang sarili sa salamin at naiiling na lang nang makita kung gaano siya ka-messy tingnan. Kumalat ang eyeliner at mascara sa kanyang mga mata kaya nagmukha na siyang panda. Ang pink na lipstick ay kumalat na din sa pisngi niya. Halos magbuhol-buhol na ang kaniyang buhok. Ngayon lang din niya napansin na wala na siyang suot na blazer at stockings. “Grabe, wala ako maalala.” Napahilamos na lang siya. Tinanggal niya ang mga nagkalat na makeup at kalaunan ay naligo na siya. Natanggal ang panlalagkit sa kanyang katawan at kahit papaano ay presko na ang pakiramdam niya. “Naalala ko lang ay niyaya akong mag-inuman ng dalawang kumag na doktor. Wala naman siguro akong ginawang nakakahiya ‘di ba?” Paglabas niya nang kuwarto ay halos mapatalon siya sa gulat. Nakita niya kasi si Chad na nagluluto sa may kusina niya. “What the hell?!” sigaw niya. Lumingon sa kanya ang binata. “Good morning! Or I should say, good afternoon? Alas dose na ng tanghali!” sabi nito sa kanya. “Bakit nandito ka?” tanong niya. Naupo siya sa dining table at nakitang may miso soup sa lamesa. “Humigop ka muna ng soup. Pantanggal ng hangover,” sabi ni Chad sa kanya. Humigop siya ng sabaw at dama niya ang init na hatid nito. Pinakalma nito ang sumasakit niyang ulo. “How did I came home?” tanong niya. Tumusok siya ng hotdog at kumain. Naglapag na ng kanin si Chad sa lamesa at naupo sa harap niya. “Tinawagan kita kagabi tapos isang lalaki ang sumagot. Lasing na lasing ka,” sagot nito sa kanya. “Lalaki? Sino naman? Dalawang lalaki lang kasama ko kagabi.” “Kent ang pangalan.” “Ah si Dr. Kent.” “Himala at sumama ka. Usually tumatanggi ka sa mga ganyan. Kaya ka nga binansagang Miss Suplada,” sabi nito sa kanya. Napasimangot naman siya dahil sa sinabi nito. Uminom muna siya ng tubig bago nagsalita. “Pinilit nila ako. Besides, naisip ko din, hindi naman siguro masama na makisama sa kanila,” sagot niya. “I know you have trust issues, Toneth. Pero masaya ako dahil unti-unti kang lumalabas sa comfort mo.” “Naisip ko na hindi dapat habang buhay akong matakot. Matagal kong iniiwasan ang Froilandon, natulak ako ng kagustuhan kong makatulong sa mga tao kaya pumayag na ako sa kagustuhan ni Daddy,” sagot niya. “I am happy. Buti na lang day off mo. Kapag nagkataong may pasok ka, wala ‘di ka rin makakapagtrabaho ng maayos.” Nagsimula na silang kumain. Tahimik silang kumakain nang mapagtanto niya kung papaano nakapasok si Chad sa unit niya. “Paano ka nga pala nakapasok dito?” tanong niya. Napakamot ng ulo ang binata sa kanya. “’Yung susi mo.” “Eh ngayon? Paano ka nakapasok?” “Nandito ako magdamag. Sa couch nga ako natulog,” sagot sa kanya.            Dahil day off naman niya ay wala siyang ginawa buong maghapon. Bumalik na din naman si Chad sa unit nito dahil magla-live stream ito. Dahil board na board siya ay naisipan niyang lumabas para mamili sa super market. Simple lang naman ang suot niya. Pink na t-shirt, pedal shorts at rubber shoes. May suot din siyang sling bag. Hindi nga aakalain na isa siyang doktor. “Ano bang maganda? Melon or pakwan? Kaso ‘di ko gusto ang melon,” tanong niya sa sarili niya. Tinitimbang niya kung ano ba talaga ang gusto niya nang maramdaman niyang may bumagsak sa may likuran niya. Paglingon niya ay may nakahandusay na isang babae at nakahawak sa dibdib nito. Mabilis siyang lumuhod at tiningnan ang kalagayan ng babae. “Anong masakit? Miss!” sigaw niya pero hindi namakasagot ang babae. Tuluyan ng nawalan ng malay ang babae. Nagkakagulo na din at maraming nakikiosyoso na mga tao. Nilagay niya ang dalawang daliri niya sa leeg nito para damahin ang pulso ngunit wala na siyang naramdaman. Yumuko siya at inilapit ang kanyang pisngi sa mukha ng babae at ganoon na lang ang gulat niya nang wala na siyang madamang hininga mula dito. Umayos siya ng puwesto at nagbigay ng CPR. “Anong nangyayari?” tanong ng isang guwardiya. “Cardiopulmonary arrest! Pahinging ice cubes!” sigaw niya. Napalingon siya sa isang lalaki na nakasuot ng trench coat at mabilis niya itong hiningi. “Akin na coat mo!” sigaw niya. “O-oo!” Ibinigay ng lalaki ang trench coat at ibinalot niya ito sa babae. Dumating ang isang cashier na may dalang ice cubes at binuhos niya sa babae at isinara ang trench coat. Pinagpatuloy niya ang pag-CPR sa babae. “I need alcohol! Liquor with higher percentage!” “Ito! 96%!” sabi ng lalaki at ibinigay sa kanya ang alak. Binuksan niya ito at inilagay sa bibig niya saka niya binuksan ang trench coat at ibinuga ang alak na nasa bibig niya. At pinagpatuloy ang CPR. “Ambulance is here!” Hanggang sa pagpasok nila ng ospital ay patuloy pa rin niyang ang pagpump sa dibdib ng babae. Kinabitan na din ito ng paramedics ng oxygen bag. Ipinasok nila sa emergency room ang babae. “Continue the therapeutic hypothermia! Kailangan 34 degrees Celcius ang body temperature niya!” sigaw niya. “Dr. Toneth!” sigaw ng isang nurse. “Prepare the echo!” utos niya. Kinuha ng dalawang nurse ang echocardiography at inilagay sa katawan ng babae. “Mukhang cardiac tamponade ito!” Ang cardiac tamponade ay nangyayari kapag nagkaroon ng tubig ang puso. Nagiging sagabal ang fluids na ito kaya mahihirapang tumibok ang puso ng isang tao. Mayroong isang sac ang ating puso na tinatawag na pericardium. Dito naiipon ang fluids na pumapalibot sa puso. “She has Pericardial fluid!” Nanghingi siya ng isang venula needle at iniangat ng isang nurse ang stretcher kung saan nakahiga ang babae. Maingat niyang itinusok ang malaking karayom sa dibdib nito. Umabot sa puso ng babae, pagkatapos ay nagpasok siya ng catheter para ma-drain ang mga naipong fluid sa puso nito. “Patient is now stable,” sabi ng nurse. “Good. Kuhaan niyo ng dugo ang pasyente. We need to check kung may iba pa siyang sakit.” “Yes, doc.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD