Chapter 12

1040 Words
“Kent! Alam mo bang ang cute mo?” tanong ni Toneth. Tinungga nito ang pang-anim na mug ng beer at muling tumingin sa doktor. Napakamot ng ulo si Kent dahil nakita niyang lasing na si Toneth. Mapupungay na ang mga mata nito at namumula na ang mukha. Medyo pawisan na din dala ng init ng alak. Kanina aayaw-ayaw pero ngayon ay lasing na lasing na. Paano namin iuuwi ni Alvin ito? “Cute si Kent, Dr. Toneth?” tanong ni Alvin. Tumango ang babae. “Oo cute. Alam mo ba kung ano ang definition ng cute, Kent?” tanong nito. Nagsalubong ang mga kilay niya. “Ano?” tanong niya. “The definition of cute is ugly but presentable,” sagot ni Toneth. Halos masamid si Alvin nang marinig niya ito. Mabilis niyang sinamaan ng tingin ang kasama. Maya-maya ay humahagalpak na ito ng tawa. Dalawa na silang tumatawa sa kanya. “Very funny,” sagot niya. Note the sarcasm. “Kung ako cute, ano si Alvin? Pakyut?” tanong niya. Umiling si Toneth sa kanya. “Nope!” sagot nito, popping the Pp sound. “Alvin is not cute.” “Sabi na Alvin, pangit ka.” “No! Hindi pangit si Alvin!” reklamo ni Toneth. Nagpapapadyak pa si Toneth dahil sa inis. “He’s not ugly! He is handsome!” sigaw nito. Napakunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ng babaeng doktor. Napatingin siya kay Alvin na ngayon ay namumula na ang mukha. Hindi niya alam kung dahil ba sa kinikilig ito o dahil sa tama na din ng alak. “Cheers!” sigaw ni Toneth. Inisang lagok na nito ang natitirang beer sa mug nito. Pagkatapos ay yumuko ito sa lamesa at maya-maya ay nakarinig sila ng mahinang paghilik. “Sh*t! Knock out na si Toneth!” sabi niya. “Papaano natin siya iuuwi? Saan ba siya nakatira?” tanong ni Alvin. Kinuha niya ang shoulder bag nito at binuksan. Hinahanap niya ang wallet nang biglang mag-ring ang cellphone nito. Kinuha niya at nakita ang pangalang Chad na tumatawag. “Sagutin mo. Pasundo mo sa kanya,” sabi ni Alvin. Huminga siya ng malalim at sinagot ang tawag. Bumungad sa kanya ang baritonong boses ng isang lalaki. “Where are you? Bakit wala ka pa?” tanong nito. Tumikhim siya. “H-hello?” “Sino ‘to? Bakit na sa’yo ang phone ni Toneth?” tanong nito. “Calm down. I am Dr. Kent Alvarez. Kasamahan ako ni Toneth. Actually, nasa isang resto-grill kami and lasing na si Toneth. We don’t know kung papaano namin siya ihahatid sa bahay niya. We don’t know her address,” paliwanag niya. “Ilan kayong kasama niya?” tanong nito. “Dalawa lang kami. Kasama namin si Dr. Alvin Cabrera,” sagot niya. Tinanong pa nito kung nasaan sila kaya mabilis niya itong sinagot. After ng ilang katanungan ay ibinaba na nito ang tawag. “Sino ‘yun?” tanong ni Alvin sa kanya. Nagkibit-balikat lamang siya. “Maybe boyfriend niya,” sagot lang niya. Makalipas ang halos kalahating oras ay may lumapit sa table nilang isang lalaki. Matipuno ang katawan nito at nakasuot ng simpleng long sleeves at manong pants. “Toneth,” tawag nito sa babae. Napalingon ito sa kanilang table at nakita ang ilang mugs ng beer na wala ng laman. “Nakailan siya?” tanong nito sa kanya. “I think six mugs,” sagot niya. “Toneth, tara na. Umuwi na tayo,” sabi ng lalaki. Hinawakan na nito sa balikat si Toneth at bahagyang hinila. Umingit si Toneth, halatang hindi nagustuhan ang ginawa ng lalaki. “C-chad? Chad!” sigaw ni Toneth. Mabilis na lumabitin ito sa leeg ng lalaki kaya halos mapasubsob ang dalawa sa lamesa. “Chad! Bakit ngayon ka lang? Akala mo ba nakalimutan ko na ang atraso mo sa akin? You told me na bibisitahin mo ako sa Italy pero ‘di ka tumuloy. I cried kaya!” sabi ni Toneth. “Toneth, you’re drunk. Yari tayo kay daddy mo kapag nalaman niya ito.” “Umm…” Napatingin ang lalaki sa kanya. “Sorry if hindi namin siya naawat,” sabi niya. “It’s okay. Ganito talaga si Toneth kapag lasing. Low ang alcohol tolerance niya,” sagot nito sa kanila. Nakita nila paano lumambitin si Toneth sa leeg ni Chad at ipinulupot pa ang mga binti nito sa baywang ng lalaki. Para itong batang nagpapabuhat. “Alvin, tara na. Bitbitin mo bag ni Toneth,” utos niya. Agad na sumunod si Alvin at hinatid niya nila sina Toneth sa labas ng resto-grill. Nakita nila ang isang itim na kotseng nakaparada sa tapat ng resto-grill. Binuksan niya ang passenger seat at iniupo ni Chad ang tulog na tulog na si Toneth. Nakita niya pang kinabitan niya ito ng seatbelt. Iniabot naman ni Alvin ang bag ni Toneth kay Chad. “Thank you,” sabi ni Chad. “Pasensya na talaga,” sabi ni Alvin. “It’s okay. Buti nga sumama sa inyo si Toneth. Most of the time kasi ay loner ‘yan. Walang gaanong kaibigan,” paliwanag sa kanila ni Chad. “Next time, hindi na namin siya hahayaang uminom. Pasensya na din talaga,” sabi niya. Pinagmasdan lang nila ang pag-alis ng kotse. Napabuntong hininga siya. “Broken hearted ata ako,” sabi ni Alvin kaya mabilis siyang lumingon dito. “Anong broken hearted?” “Balak ko sanang manligaw kaya lang may boyfriend na pala siya.” Natawa siya at mahinang sinuntok ang braso ni Alvin. “Basted ka kaagad. Obvious sa personality ni Toneth na hindi siya basta-basta. High standard kumbaga,” sagot niya. Napakamot na lang ng ulo si Alvin. “Pero seriously, ang galing kanina ni Toneth. She was brave,” sabi ni Alvin. Napangiti na lang siya. He couldn’t disagree with.            “Alam mong mahina ang bahay alak ko pero sige ka pa rin sa inom,” sabi ni Chad. Maingat niyang inilapag ang dalaga sa malambot nitong kama. Tulog na tulog na ito at humihilik pa. Naiiling na lang siya. Tinanggal niya ang suot nitong sapatos at knee high stockings. Tinanggal na din niya ang suot nitong blazer at inilagay sa hamper. “Sweet dreams, my sweet Toneth.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD