“Siya ba ang babaeng tinitukoy mo kahapon?” tanong ni Dr. Luscio kay Dr. Evelyn. Napabuntong hininga siya at tumango.
“Siyan nga. I didn’t know na doktor pala siya. Masyado siyang mahangin. No specialty dahil she can do everything? Anong tingin niya sa medical field, playground?” sunod-sunod na sabi niya. Naupo siya sa kanyang swivel chair at mabilis siyang inabutan ng kape ni Dr. Luscio.
“Kape, pampakalma,” sabi sa kanya.
“Doc Luscio, parang baliktad ata,” sabi ng isang doktor na nakarinig ng sinabi nito. Nagkaroon ng maikling tawanan. Hanggang ngayon ay inis pa din si Dr. Evelyn sa doktor na bagong pasok. Tanda niya kung papaano siya nito tingnan kahapon, kung papaano niya nadama na parang ang liit niyang tao.
“Sino siya para agawin ang pasyenteng iyon?” tanong niya.
“Pero come to think of it, tama naman ang sinabi niya Evelyn. The patient is 80 years old, hindi na kakayanin ang katawan niya ang mga tatapang na gamot.”
“So what? Countdown na ang oras niya. He’s too old anyway. Pwede na siyang magpahinga na,” sagot niya. Natahimik ang lahat dahil sa sinabi niya.
“Ingat ka sa sinasabi mo. Baka makarating iyan sa nakatataas,” paalala sa kanya ni Dr. Luscio.
“Whatever,” she said. Napairap pa siya.
“Good morning, I am Dr. Antoneth Beron. Ako ang magiging doktor mo, Mr. Reyes,” pakilala ni Toneth sa kanyang pasyente. Nasa isang ward sila, sa pinakadulong bahagi kung nasaan ang bintana. Pinagmasdan niya ang pasyente at talaga namang matanda na ito.
“I-ikaw po pala. Ako po si Rica, anak niya po ako,” pakilala ng dalaga. Ngumiti siya. “Ikaw po ang babae kahapon hindi ba? Ang nagpa-admit sa amin dito?” tanong ni Rica. Tumango siya bilang sagot.
“Bagong doktor lang ako dito but rest assured na I am an experience one.”
“Hija, alam kong may cancer ko pero hindi ko alam kung gaano kalala,” sabi ni Mang Herculano.
“Tatay, mayroon kang stage 3B colon cancer. Medyo advance na ang tumor sa bituka mo and nakitaan ka ng dalawa pang tumor sa rectum o labasan ng dumi mo,” paliwanag niya.
“A-ano ba ang dapat gawin?” tanong ng anak na si Rica.
“From the opinion ng Internal medicine department ay you need a chemotherapy but for me, surgery ang kailangan mo.” Nabigla ang mag-ama sa sinabi niya.
“Magkano ang aabutin?” tanong ng ama.
“Kailangan matanggal ang 3 tumor sa inyo, ‘tay.”
“Wala kaming pera. Hindi namin kaya ang magbayad. Sabi ko sa’yo Rica, huwag na tayong tumuloy dito. Wala na tayong maibebenta pa. Hayaan mo na lang ako mamatay!” Nagwawala na ang matanda kaya mabilis itong pinakalma ng anak.
“Huwag po kayong mag-alala. Hindi ba’t sinabi ko sa inyo kahapon na ako ang bahala?” sabi niya. May kinuha siyang tarheta mula sa bulsa ng gown niya at ibinigay sa mag-ama. “Under na po kayo ng Foundation. Foundation is a non-government organization. Sila na po ang bahala sa lahat ng gastusin, mula sa bills at gamot na kailangan niyo. All I need is for you to trust me.” Ngumiti siya at tumalikod na. Iniwan na niya ang mag-ama na alam niyang nakahinga na ng maluwag.
Pabalik na sana siya ng opisina nila sa surgery department nang makasalubong niya si Dr. Evelyn Juan. Hindi niya ito pinansin at dere-deretsong naglakad, nilagpasan ang doktor.
“Wala ka talagang modo ‘no?” sabi ni Dr. Evelyn. Napatigil siya sa paglalakad at nilingon ang doktor.
“What? Mukhang may problema ka sa akin?”
“Huwag mong binabastos ang mga seniors mo. I am older than you,” sabi nito sa kanya. Napataas ang kilay niya.
“So? Anong pinuputok ng butsi mo? Bakit? Did I step on to your ego?”
“Aba’t—” hindi na niya hinintay ang sasabihin nito at mabilis na tumalikod. Wala siyang oras para makipagtalo sa isang doktor na mukhang pera. Kailangan niya pang pag-aralan ang gagawing procedure sa kanyang pasyente.
Pagpasok niya sa opisina nila ay napatingin ang lahat sa kanya. Lumapit ang isang doktor na lalaki na nasa tingin niya ay nasa mid 30’s.
“Dr. Toneth, I am Dr. Patricio Javier. Ako ang head ng surgery department,” pakilala nito sa kanya. Tumango siya. “Nai-schdule na ang operation na gagawin mo. Bukas ng hapon ang schedule mo. I think sapat na iyon para pag-aralan ang procedure mo. Maluwag ang sched ng bawat isa. Feel free to pick who will be your assistant,” dagdag pa nito.
Tinitigan niya ang bawat doktor na nandoon. Obviously, wala siyang kilala sa mga doktor na iyon pero may isang pamilyar na mukha ang kanyang nakita.
“Handsome doctor on the back. You will be my assistant,” sabi niya. Napatingin ang lahat sa likod at naiiling na lang ang doktor. Lumapit ang doktor sa kanya at nagpakilala.
“I’m Dr. Kent Alvarez, specialty ko ay laparoscopic surgery. Nice to meet you.” Inilahad nito ang kamay kaya mabilis niyang kinamayan ito.
“Don’t be late tomorrow. Ayoko sa late,” sabi niya. Naupo na siya sa kanyang swivel chair at sinimulang pag-aralan ang kanyang gagawin.
“Kumusta ang first day mo?” tanong sa kanya ng kanyang daddy. Nasa locker room siya at naghahanda na para umuwi.
“Okay naman, dad,” simpleng sagot niya.
“May nakita ka bang susi diyan sa locker mo?” tanong nito sa kanya. Napatingin tuloy siya ng maiigi sa loob ng locker niya at may napansin siyang isang sobre na kulay pink. Kinuha niya ito at binuksan. Isang susi at may address na nakalagay dito.
“Nakita ko na, dad.”
“Iyan ang condo na hinihingi mo sa akin,” sabi ng ama. Tiningnan niya ang address at napairap na lang ng mapagtanto niyang alam niya ang address na ito.
Solar Condominium. Unit 8010.
At talagang magkapitbahay kami ni Chad? Tingnan mo nga naman.
“Yes, dad. Thank you. Sige na, I will go home na. I need to rest.”
Palabas na siya ng ospital nang may bumati sa kanya—si Dr. Kent Alvarez.
“Uuwi ka na kaagad?” tanong nito sa kanya.
“Yes,” sagot niya.
“Ang cold ng response mo sa akin. Baka pwede kitang mayayang mag-coffee? Or dinner perhaps?” tanong ulit nito.
“Dr. Alvarez, hindi ako nakikiminggle pa sa ibang doktor after duty hours. Okay?”
“Masyado kang mataray,” sabi nito sa kanya.
“At least hindi ako easy to get,” sabi niya. Tuluyan na siyang lumabas ng ospital at naiwan ang doktor na naiiling sa kanya.