Napapailing na lang si Toneth habang pinakikinggan ang mga usapan ng mga kasama niyang doktor. Hindi din niya alam kung bakit siya napapayag na sumama sa kanila. Kung hindi siya sumama ay malamang nasa bahay na siya at nanunuod ng movie. "Bakit ba kasi ako sumama dito?" tanong niya sa kanyang sarili. “Toneth, bakit tahimik ka?” tanong ni Dr. Patricio. Inisang lagok pa nito ang hawak na beer at namumula na ang mukha nito dahil sa alak. “Sa tingin mo makaka-relate ako sa inyo? Boy’s night ata to eh. Dapat ‘di niyo na ako sinama dito,” sabi niya. Napairap pa siya dahil sa inis. “Come on, Toneth! Wag kang kill joy diyan!” sabi naman ni Kent. Hindi na siya sumagot. “Toneth, thank you talaga. Niligtas mo ang idol ko. Alam mo bang binigyan ako ni Mr. Reagan ng VIP tickets para sa kanilang M